• September 30, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nag-post din si KC ng sweet birthday message…SHARON, na-touch sa pag-share ni TITO SEN ng birthday song and cake kay Sen. KIKO(ni: ROHN ROMULO)

SA Instagram post ni Megastar Sharon Cuneta last Sunday, August 23, ibinahagi niya ang isang makahulugang birthday greeting kay Senate President Pro Tempore  Vicente “Tito” Sotto III, na tinatawag din niyang “Daddy,” na nagdiriwang ng kaarawan noong Agosto 24.Makikita ang isang masayang group photo ng pamilya Sotto kasama sina Sharon at asawa na si

Senador Francis “Kiko” Pangilinan. Mensahe niya, “Happy Birthday, Daddy (Tito Sen).”

Naging espesyal nga ang advance birthday celebration para kay Sharon dahil magkasabay ang kaarawan nina Tito Sen at Sen. Kiko.

Pahayag pa ni Sharon, “So touched that you shared your birthday song and cake with Kiko. We love you so much!”

Sa dulo ng IG post ni Mega mararamdaman ang labis niyang kaligayahan, na kung saan nilagyan niya ito ng red hearts, birthday cake, balloons, folded hands, party popper at iba pang happy emojis.Marami naman ang bumati at natuwa sa naturang IG post ni Sharon, na kitang-kita talaga ang pagiging close nila bilang isang pamilya.Samantala, nag-post din si KC Concepcion ng kanyang sweet birthday kay Sen. Kiko kalakip ang ilang photos…

“Happy 63rd birthday, Dad! @kiko.pangilinan 

“So grateful for nights like this~~ family close, hearts full, and you and Mom at the center of it all.”

Dagdag pa niya, “Here’s to more soul-nourishing moments and happy memories to come. Praying for the BEST of this new year ahead!! 

“All my love, now and always @reallysharoncuneta”

Na sinagot naman ni Sen. Kiko ng, “AMEN and A M E N.  Thank you kace.”