• September 25, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August, 2026

3 kawatan na nanloob sa warehouse sa Malabon, tiklo

Posted on: August 12th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SHOOT sa hoyo ang tatlong kawatan na sinamantala ang malakas na ulan para pasukin at looban ang isang bodega nang makorner ng rumespondeng mga pulis sa sa Malabon City.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, kinilala ni Malabon Police Chief P/Col. Kenneth Mission ang mga suspek na sina alyas “Jr Topeng”, 24, alyas “Boni”, 26, at alyas “Johan” 24, pawang residente ng Brgy. Tonsuya.

Lumabas sa imbestigasyon nina P/MSg Ernie Baroy at P/MSg Diego Ngippol na nakapasok sa loob ng bodega na nasa P. Aquino Avenue, Barangay Longos ang mga kawatan nang wasakin ang bahagi ng pader na tinakpan lang ng yero bago lumabas, tangay ang dalawang sako ng hanger na nagkakahalaga ng P16,000.00, at isang sako ng ukay-ukay na mga damit na nagkakahalaga ng P3,000.00.

Nagkataon namang gising pa ang testigong si alyas “Ric”, 41, na nakatira sa tabi lang ng bodega na agad tumawag sa Malabon Police Sub-Station-5 nang masaksihan ang panloloob.

Papatakas na ang mga suspek nang maabutan ng mga pulis at nabawi sa kanila ang mga kinulimbat na gagamiting ebidensiya sa pagsasampa ng kasong robbery laban sa mga ito sa Malabon City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

PEKENG TRAFFIC ENFORCER, INARESTO SA MAYNILA

Posted on: August 12th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

ARESTADO ang isang nagpanggap na Traffic Enforcer at naka-uniporme ng MTPB habang naninita ng mga motorista sa kahabaan ng Road 10 kanto ng Jacinto St., Tondo Manila Lunes ng gabi.

Kasong paglabag sa Article 177 (Usurpation of Authority and Official Functions) and Art. 179 (Illegal Use of Uniform or Insignia) of the Revised Penal Code ang naarestong suspek na si Marc Leonard Arquero ng Inocencio St., Brgy 95, Tondo Manila dahil sa reklamo nina

Traffic Enforcer Kenneth Naval, Oscar Del Leon at Marvin Manuel.

Sa ulat ni Pat Royce Kevin Lopez, naka-duty ang mga Traffic Enforcers sa nabanggit na lugar bandang alas-6:20 ng gabi nang napansin nila ang suspek, naka-uniporme din ng MTPB na nagmamando at sumisita ng mga motorista sa kanto ng Road 10 vorner Jacinto St.

Nilapitan nila at nagpakilalang mga miyembro ng MTPB, hiningan ng identification at nang walang maipakita ay inaresto ito.

Narekober sa suspek ang kanyang MTPB upper garment official uniform na may marking na MBA 8-10-26 na may signature. (Gene Adsuara)

Non-technical system loss charges sa kuryente, alisin panukala ni Mamamayang Liberal Partylist Rep. Leila de Lima

Posted on: August 12th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

ALISIN na ang non-technical system loss charges sa kuryente at huwag isama ito sa pagpataw ng value-added tax (VAT).

Ito ang panukala ni Mamamayang Liberal Partylist Rep. Leila de Lima at nais niyang amiyendahan ang ilang probisyon ng Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) at limitahan ang kapangyarihan ng Energy Regulation Commission (ERC) na magpataw ng technical loss. 

Sa panukala ni De Lima, pagbabawalan na ang mga distribution utilities (DUs) na maningil ng non-technical loss sa kahit anong sistema o paraan.

“Tanggalin na dapat ang mga dagdag pabigat at di-makatarungang ikinakarga sa bayarin sa kuryente tulad ng non-technical system loss. Malaking bahagi ng gastos ng pamilya ang napakamahal at nagmamahal pang kuryente. Hindi naman tumataas ang sahod kaya nauuwi ito sa pagtitipid sa konsumo at pagkaltas ng budget para sa iba pang pangunahing pangangailangan. Kaya sobrang kalabisan kung papasanin pa ng mga Pilipino pati yung hindi naman nila napakinabangang serbisyo,” sinabi ni De Lima. 

Samantala, naghain din si De Lima ng hiwalay na panukala na huwag ipataw ang nasingil na system loss charges sa VAT.

“Filipinos deserve the quality services they truly deserve. Maawa naman tayo sa ating mga kababayan. Binubuwisan na nga sila sa sandamakmak na ghost flood control projects, binubuwisan pa rin sila para sa guni-guning kuryente,” pahayag ni De Lima.

 (VINA de GUZMAN)

SAN MIGUEL BEER PEEL & WIN GCASH PROMO

Posted on: August 12th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PATULOY ang San Miguel Brewery Inc. (SMB) sa paghatid ng saya sa pamamagitan ng mga paborito nitong mga inumin kung saan lalo pang ginawang kapana-panabik ng SMB ang pag-inom ng kanilang mga world-class na beer dahil sa pa-premyong hatid ng SAN MIGUEL BEER PEEL & WIN GCASH PROMO.

Ang bawat SMB drinker ay “Peeling winner” dahil sa pagkakataong manalo ng mahigit Php50 milyong halaga ng mga papremyo sa buong promo. Simula ngayong Agosto, libu-libong suki ang may tiyansang manalo ng hanggang Php10,000 na instant GCash linggu-linggo.

Upang makasali sa SAN MIGUEL BEER PEEL & WIN GCASH PROMO, BUMILI lamang ng bottles/cans ng anumang participating SMB brand kabilang ang San Miguel Pale Pilsen, Red Horse Beer, Red Horse Super, San Mig Light, San Miguel Flavored Beer, at Gold Eagle Beer; I-PEEL OFF ang coupon (makakakuha ng isang coupon sa bawat anim na 320ml/330ml/500ml na bottles/cans o dalawang 1L bottles); I-SCAN ang QR Code para mapunta sa GCash promo page; at I-SCAN ang promo code para i-redeem at manalo ng pa-premyo.

Mas maraming beer saya, mas maraming pagkakataong manalo hatid ng SAN MIGUEL BEER PEEL & WIN GCASH PROMO. Available ang promo nationwide mula Agosto 1, 2026 hanggang Disyembre 1, 2026 para sa lahat na may edad 18-taong gulang pataas lamang. Drink responsibly. (Richard Mesa)

NHA, NAGPATUPAD NG MORATORIUM SA AMORTIZATION AT LEASE PAYMENTS

Posted on: August 12th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAGPATUPAD ang National Housing Authority (NHA) ng isang buwang automatic moratorium sa mga housing loan amortization at lease payments ngayong buwan ng Agosto para sa mga residential account holder sa mga proyekto ng NHA na saklaw ng naturang hakbang, bilang pansamantalang kaluwagang pinansyal para sa mga pamilyang naapektuhan ng umiiral na Habagat (Enhanced Southwest Monsoon).

Alinsunod sa NHA Memorandum Circular No. 2026-048, saklaw ng moratorium ang mga residential account holder sa National Capital Region (NCR), Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Abra, Benguet, Bataan, Bulacan, Pampanga, Tarlac, Zambales, Cavite, Batangas, Rizal, Occidental Mindoro, at Oriental Mindoro.

Ipinatutupad ang hakbang sa gitna ng Habagat (Enhanced Southwest Monsoon) na nagdulot ng malawakan at tuloy-tuloy na pag-ulan sa NCR at ilang lalawigan sa Luzon. Kasunod ito ng pagdaan ng Tropical Depression “Luis” at Tropical Storm “Maymay” nitong mga unang araw ng buwan, na kalauna’y humina at naglaho.

Agarang ipinagkaloob ang moratorium sa lahat ng saklaw na residential account holder at hindi na kinakailangang magsumite ng aplikasyon upang makinabang dito. Sa panahon ng moratorium, walang ipapataw na delinquency o karagdagang interest charges, habang suspendido ang accrual ng penalties, interest, at surcharges. Magpapatuloy ang pagbabayad ng amortization at lease obligations sa Setyembre 1, 2026, habang palalawigin naman ng isang buwan ang repayment period ng mga saklaw na residential account. Muling ipatutupad sa Setyembre 1, 2026 ang mga bayarin at charges na naipon bago ang Agosto 1, 2026.

Patuloy ang NHA sa pagbibigay ng agarang tulong sa mga benepisyaryo nito sa pamamagitan ng mga hakbang na tumutulong sa mga pamilya na pamahalaan ang kanilang mga obligasyon sa pabahay sa panahon ng mahihirap na kalagayan at mapanatili ang kanilang access sa disente, abot-kaya, at sustainable na pabahay.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni NHA General Manager Joeben Tai, “Tayo po sa NHA ay nakasunod sa bilin ng ating Presidente Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr., na tulungan ang ating mga kababayang nasalanta nitong nakalipas na habagat at sa pamamagitan ng moratorium para aming mga beneficiaries, maibsan at mapagaan sana nito ang inyong sitwasyon at gastusin.”

Ang NHA ay isang attached agency ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at patuloy na isinusulong ang mga responsive na programa at serbisyo sa pabahay bilang suporta sa Bagong Pilipinas na agenda ng Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

 (PAUL JOHN REYES)

Pangongolekta ng basura sa Maynila, tuluy-tuloy – Isko

Posted on: August 12th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

TULOY ang operasyon ng mga garbage truck ng City of Manila sa kabila ng ilang araw nang walang tigil na pag-ulan, pagbaha at pagbagsak ng mga puno sa iba’t ibang bahagi ng lungsod.

Ayon kay Department of Environment and Public Services (DEPS) Director Kenneth Amurao, normal pa rin ang operasyon ng solid waste management ng lungsod, kabilang ang Manila Transfer Station kung saan dinadala ang mga nakolektang basura bago ihatid sa final disposal site.

Patuloy ring tumatanggap ng basura ang San Mateo Sanitary Landfill, na ayon kay Amurao ay normal din ang operasyon sa kabila ng masamang panahon.

Nagsimula ang matinding pag-ulan sa Metro Manila noong Sabado, Agosto 8, dahil sa pinalakas na Southwest Monsoon o Habagat.

Bukod sa pangongolekta ng basura, naka-deploy din ang mga tauhan ng DEPS sa paglilinis at pag-aalis ng mga punong bumagsak dahil sa malakas na hangin at ulan upang muling maging ligtas at passable ang mga kalsada para sa mga motorista at pedestrian.

Open din ang grupo na makipag-collab sa SB19…The CompanY, natuloy na rin ang pagsasanib-puwersa nila ng Neocolours

Posted on: August 12th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NATULOY na rin ang pagsasanib-puwersa ng sikat na premier vocal ensemble na The CompanY at pop-rock band na Neocolours, para sa isang major concert na may titulong “Pakisabi Na Lang, Tuloy Pa Rin!” 

Magaganap ito sa October 8 sa Newport Performing Arts Theater sa Pasay City at hatid ito ng Echo Jham Entertainment Production at DMC Philippines.

Si Moy Ortiz ng The CompanY, ang natanong sa grupo kung sino pa ang puwedeng maka-collab tulad ng isang band at lumitaw nga ang Neocolours.

Mabilis lang daw ang naging pag-uusap, nag-meeting na agad sila at si Ms. Mhae  Sarenas ng Echo Jam ang mag-produce ng concert na kung saan pang-lima na ito ng grupo.

Ang The CompanY ay binubuo nina Moy Ortiz, Annie Quintos-Uy, Sweet Plantado-Tiongson, at OJ Mariano,

Inamin naman ni Moy ang mapaghamong ageism sa industriya ng musika at entertainment ay maaaring mahirap, ngunit sinabi na ito ay nananatiling isang dahilan na dapat ituloy.

Binanggit ni Ortiz ang mga veteran performer tulad nina APO, Martin Nievera at Gary Valenciano, Leah Navarro, Nanette Inventor na ang patuloy na karera ay nagsisilbing inspirasyon.

“It gives us hope that, you know, hindi pa tapos. Hindi pa tapos ang mga kuwento namin, musically, artistically. 

“So, that’s my personal agenda, but mainly our main job is to bring joy and hope to our audience” pahayag niya.

Ayon naman kay Sweet, hangad ng kanilang concert ang pagbibigay sa mga manonood ng kumpletong entertainment experience.

“Itong mga grupong ito, yung generation ng entertainers na ito, after you watch the show, for sure, you will be entertained,” sambit ni Plantado.

Para kay Jimmy Antiporda ng Neocolours, ang kumbinasyon ng dalawang grupo ang dahilan kung bakit kaabang-abang ang concert.

Sinabi ni Antiporda na agad niyang nakita ang potensyal ng pakikipag-collab dahil ang mga vocal arrangement ng The CompanY ay umaayon sa tunog ng Neocolours.

“They’re a vocal group. They have original songs. Kami, we’re instrumentalist, one singer. Pag kinombine mo ‘yun, busog yung tunog,” pahayag ni Antiporda.

“And that’s our goal. Busugin sila ng musika namin. And they go home satisfied sila,”lahad pa niya.

Inihayag ni Ito Rapadas ng Neocolours na ang pagsasama nila sa concert ay matagal nang napag-usapan, taon na ang nakalilipas, ngunit dahil sa mga iskedyul ay paulit-ulit itong napo-postpone.

Bukod sa pagiging member ng Neocolours, hinaharap din nila ang pagiging producer, musical director at musikero.

“Tulad ng nasabi ko, way back, Moy already voiced out and had this idea ng Neocolours and The CompanY. Hindi lang talaga nagtutugma-tugma yung schedule,” pag-amin pa ni Rapadas.

At ang pinakahihintay na pagsasanib-puwersa ay natupad na rin sa wakas.

“Ngayon, 2026, sabi ko, pwede na talaga,” sabi pa ni Rapadas.

***AND speaking of collaboration, potential nga bang mangyari ang “The CompanY x SB19”? 

Nagpahayag nga ng interest ang legendary OPM vocal quartet maka-collab ang P-pop Kings.

Kuwento ng The CompanY, “Actually no’ng 40th anniversary namin, we did come up with a song, ‘Bente,’ written by Moy and Sweet. It was actually a very witty ‘P-pop’ senior edition song, and we posted it, ang daming SB19 fans na nagsasabing ‘Collab na ’to!’”

Kaya ang sagot nila, open ang grupo sa isang actual cross-generational collaboration.

“We are open. We’d love to work with SB19,” sabi ng grupo. 

Hirit pa ni Sweet, “Matututo kayo sa amin!”

Well, abangan na lang natin ang magiging sagot ng SB19 tungkol dito.

Rohn RomuloThu 13 Aug, 22:15 (3 hours ago)
to me

Open din ang grupo na makipag-collab sa SB19…

The CompanY, natuloy na rin ang pagsasanib-puwersa nila ng Neocolours

NATULOY na rin ang pagsasanib-puwersa ng sikat na premier vocal ensemble na The CompanY at pop-rock band na Neocolours, para sa isang major concert na may titulong “Pakisabi Na Lang, Tuloy Pa Rin!” 

Magaganap ito sa October 8 sa Newport Performing Arts Theater sa Pasay City at hatid ito ng Echo Jham Entertainment Production at DMC Philippines.

Si Moy Ortiz ng The CompanY, ang natanong sa grupo kung sino pa ang puwedeng maka-collab tulad ng isang band at lumitaw nga ang Neocolours.

Mabilis lang daw ang naging pag-uusap, nag-meeting na agad sila at si Ms. Mhae Sarenas ng Echo Jam ang mag-produce ng concert na kung saan pang-lima na ito ng grupo.Ang The CompanY ay binubuo nina Moy Ortiz, Annie Quintos-Uy, Sweet Plantado-Tiongson, at OJ Mariano,

May personal na mensahe si Moy na ang mga artista ay maaaring magpatuloy sa paglikha at pagtatanghal anuman ang edad.

Inamin niya na ang mapaghamong ageism sa industriya ng musika at entertainment ay maaaring mahirap, ngunit sinabi na ito ay nananatiling isang dahilan na dapat ituloy.

Binanggit ni Ortiz ang mga beteranong performer tulad nina APO, Martin Nievera at Gary Valenciano, Leah Navarro, Nanette Inventor na ang patuloy na karera ay nagsisilbing inspirasyon para sa mga matagal nang artista.

“It gives us hope that, you know, hindi pa tapos. Hindi pa tapos ang mga kuwento namin, musically, artistically. So, that’s my personal agenda, but mainly our main job is to bring joy and hope to our audience” he said.

Ayon namn kay Sweet Plantado na ang kanilang concert ay hindi lamang tungkol sa pagpapakita ng vocal ability kundi ang pagbibigay sa mga manonood ng kumpletong entertainment experience.

“Itong mga grupong ito, yung generation ng entertainers na ito, after you watch the show, for sure, you will be entertained,” sambit pa Plantado.

Ibinenta rin ang regalo na mamahaling necklace…HEART, inaming dinonate ang diamond ring na ibinigay ng ex-lover (ni: REY PINEDA) 

Posted on: August 12th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

INAMIN ni Heart Evangelista na ipinamigay niya ang isang heart-shaped diamond ring na ibinigay ng kanyang ex-lover.

Matapos ang masakit na break up nila, dinonate ni Heart ang singsing sa charity.

Bukod sa diamond ring, isang mamahaling necklace din ang naibigay sa kanya nito. Biro nga nito ibinenta niya yon. 

Kung ating iisipin, dalawa lang naman ang talagang seryosong na-link kay Heart sa showbiz.  Sina John Prats at Jericho Rosales.     

Banggit nga nito, masyado pa silang bata noon ni John at umamin na crush niya ito nung time na nagsisimula pa lang siya sa showbiz. 

Sa totoo lang, pinabulaanan nga nina Heart at John ang kasabihang “lovers can never be friends.”

In fact, sa reunion nila, sinariwa pa ng mga ito ang kanilang naging past relationship. As of now, nananatiling magkaibigan ang dalawa.

Kontrobersyal naman ang naging relasyon niya kay Jericho.  Naging malaking usapin sa showbiz ang kanilang makulay na relasyon.

So, sa dalawang ito, sino sa kanila ang nagbigay kay Heart ng sobrang sakit ng loob at nagawa niyang ipamigay ang mga mamahaling regalo?     

Well, mga taga-showbiz sila. O, baka naman non-showbiz ang tinutukoy niyang ex-lover.

Eala, nagtapos na ang kampanya sa Canada Open matapos talunin ni Bencic

Posted on: August 11th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAGTAPOS na ang kampanya ng Pinay tennis star na si Alex Eala, kasalukuyang World No. 20, sa Canada Open 2026 matapos siyang talunin ng dating Olympic champion at World No. 12 na si Belinda Bencic ng Switzerland sa straight sets, 6-4, 6-0.

Sa unang set, dikit ang laban at nagpalitan ng puntos ang dalawang manlalaro, ngunit kinapos si Eala kaya’t nakuha ni Bencic ang set.

Pagdating sa ikalawang set, tuluyang nakontrol ni Bencic ang momentum ng laro, dahilan para mahirapan si Eala na makapuntos.

Bago pa man ang laban, iniinda na ni Eala ang ankle injury na nakuha sa kanyang huling laro kontra Caty McNally, ngunit itinuloy pa rin niya ang laban.

Sa pagkatalo, nagtapos ang kampanya ng Pinay star sa Round of 16.

Gayunman, mainit pa rin siyang sinuportahan at pinalakpakan ng mga Filipino fans sa kanyang laban sa Canada Open.

Rematch sa pagitan nina Joshua Van at Alexandre Pantoja, kasado na sa Sep. 19

Posted on: August 11th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PINAL na ang rematch sa pagitan ng dalawang bigating martial artist na sina Joshua Van at Alexandre Pantoja.

Batay sa inilabas ng Ultimate Fighting Champion (UFC) na fight details, magaganap ang laban sa pagitan ng dalawa sa Crypto.com Arena sa Los Angeles, Setyembre 19 ng kasalukuyang taon.

Ang 24-anyos na si Van ay isang flyweight champion at hawak ang win-loss record na 17-2. Huli niyang nakuha ang 125-pound title nitong nakalipas na buwan ng Disyembre (2025) laban kay Pantoja sa pamamagitan ng first-round technical knockout (TKO).

Ang naturang laban ay nagtagal lamang ng 26 na segundo matapos magtamo si Pantoja ng arm injury dahil na rin sa agresibong strikes ng bagitong challenger.

Matapos ang matagumpay na laban, muli ring sumabak si Van sa isang match nitong May (2026) sa pamamagitan ni Tatsuro Taira. Natapos ang naturang laban pabor kay Van via fifth-round TKO.

Sa pagbabalik ng 36-anyos na Brazilian legend, hawak niya ang 30-5 win-loss record.