• August 12, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pangongolekta ng basura sa Maynila, tuluy-tuloy – Isko

TULOY ang operasyon ng mga garbage truck ng City of Manila sa kabila ng ilang araw nang walang tigil na pag-ulan, pagbaha at pagbagsak ng mga puno sa iba’t ibang bahagi ng lungsod.

Ayon kay Department of Environment and Public Services (DEPS) Director Kenneth Amurao, normal pa rin ang operasyon ng solid waste management ng lungsod, kabilang ang Manila Transfer Station kung saan dinadala ang mga nakolektang basura bago ihatid sa final disposal site.

Patuloy ring tumatanggap ng basura ang San Mateo Sanitary Landfill, na ayon kay Amurao ay normal din ang operasyon sa kabila ng masamang panahon.

Nagsimula ang matinding pag-ulan sa Metro Manila noong Sabado, Agosto 8, dahil sa pinalakas na Southwest Monsoon o Habagat.

Bukod sa pangongolekta ng basura, naka-deploy din ang mga tauhan ng DEPS sa paglilinis at pag-aalis ng mga punong bumagsak dahil sa malakas na hangin at ulan upang muling maging ligtas at passable ang mga kalsada para sa mga motorista at pedestrian.