• September 25, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nagbalik-tanaw sa panahong nawalan ng katahimikan sa buhay…TONI, naging mas mabuting tao dahil naramdaman kung paano mahusgahan  (ni: REY PINEDA) 

KAMAKAILAN lang ay inamin ni Toni Gonzaga ang hirap na painagdaanan niya noong taong 2022.

Sa mga pambabatikos na inabot niya, inakala ng actress/host na iyon na ang katapusan ng kanyang 20 years sa industriya.     

Nagsimula ang isyu noong i-endorso niya at mag-host pa sa kick-off rally ng noo’y presidential candidate na si Bongbong Marcos na ginanap sa Philippine Arena.     Matinding public backlash at political controversy, ang naging resulta sa pagho-host nito sa proclamation rally.

Dahil sa rami ng negatibong komento, napilitan itong mag-resign bilang host ng PBB (Pinoy Big Brother), at sa kanya na rin home network sa loob ng labing anim na taon.

Lingid sa kaalaman ng publiko, kasalukuyan nitong ipinagbubuntis ang ikalawa nitong anak na si Paulina Celestine (Polly).     

Subali’t imbes na maging bitter ito sa mga nangyari, nag-iba raw ang kanyang pananaw.     

Sa naging panayam kay Toni ni Gary Valenciano sa podcast nito na “Unshaken,” nagbalik-tanaw ang aktres sa panahong nawalan siya ng katahimikan sa buhay.

Ayon kay Toni, nagkaroon ng postibong epekto sa kanya ang matinding backlash.     Naging mas mabuting tao raw siya, naging less judgmental dahil naramdaman niya kung paano siya husgahan.    

Kumbaga, hinulma siya ng mga batikos sa kung sino at ano siya ngayon.  Doon niya rin daw naramdaman na kahit marami ang nagalit sa kanya, nakaramdam pa rin siya ng suporta mula sa kanyang pamilya, mga kaibigan at mga taong di rtin naman niya kilala.

Isang bagay lang ang hindi nakalimutan ni Toni, sa mga masasakit na salita na kanyang natanggap, may mga pagkakaton lang na kailangan itong tanggapin.

Huwag patulan at magdasal.     

Alam naman daw ni Toni na hindi niya kailangang makipag-argue o makipag-debate, sa bandang huli may lilitaw pa rin na mas matalino mas may alam kesa sa kanya.