Masaya na gumigising sila na magkatabi.. BEA, inamin na sinadyang ilihim ang kasal nila ni VINCENT para maging sagrado (ni: REY PINEDA)
- Published on August 15, 2026
- by Francis Paolo Torres
SA unang pagkakataon nagsalita si Bea Alonzo tungkol sa kanyang nakaraang intimate wedding.
Hindi naman daw nito sinadyang itago o ilihim ang kasalan nito sa negosyanteng si Vincent Co. Nais lamang daw nitong panatiliing sagrado ang kanilang kasal.
Sa inter7view ng GMA reporter na si Nelson Canlas para sa ’24 oras’, sinabi ni Bea na gustong isentro ang atensiyon sa kanilang dalawa, imbes na gawin ang kaganapan para sa publiko.
Hindi rin daw sila nagbigay ng public announcement dahil hindi naman daw kailangan.
Napagkasunduan nila ng kanyang asawa na gawing talagang pribado ang kanilanq pag-iisang dibdib.
Sa ngayon nga, nakatira na sina Bea at Vincent sa iisang bubong.
Ayon sa aktres, itinuturing daw niyang makabuluhan at sadyang ikinasisiya ng kanyang puso.
Ang isa sa mga ikinatutuwa niya ay yung mga simpleng gawaing bahay na hindi nagagawa dati, at ngayon nga bilang isang maybahay.
At ang pinaka-espesyal daw ay yung gumigising silang pareho na katabi ang isa’t isa, na lalong nagpapasaya sa kanya at nagdudulot ng lubos na kaligayahan.
***
NAG-REACT.ang mag-asawang Chesca Garcia at Doug Kramer sa mga bashers na nagsasabing ino-over expose na nila ang kanilang mga anak.
Nagsimula ang pambabatikos dahil sa mga brand partnership, endorsements, at mga social media posts ng mag-asawa. Ayon kay Doug, hindi naman daw makatarungan ang panghuhusga sa kanilang mag-asawa ng mga basher.
Unang-una raw sa lahat, wala naman daw TV shows at regular na showbiz schedules ang kanilang mga anak.
Binigyang linaw din ni Doug na sa tuwing may brand partnership ang kanilang mga anak, sinisiguro daw nito na wala itong klase at tuwing free time ginagawa.
Siguro raw kaya sa kanilang nababaling ang sisi ay dahil madalas mag-viral ang mga videos at photos na ina-upload ng kanilang mga anak.