• September 25, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 4th, 2026

150 KABATAAN SA MAYNILA NABENEPISYUHAN NG SPES

Posted on: August 4th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NABIGYAN ng benepisyo ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa pamamagitan ng PESO ang 150 kabataang benepisyaryo ng Special Program for Employment of Students (SPES).

Ayon kay Mayor Isko Moreno Domagoso layunin ng 11-araw na programa na mabigyan ng dagdag na kita ang mga estudyante at out-of-school youth upang makatulong sa kanilang pag-aaral at pang-araw-araw na pangangailangan.

Nagpahayag naman ng suporta si Vice Mayor Chi Atienza na nagsabing patunay ang programa ng malasakit ng alkalde sa kabataang Manileño at sa pagbibigay ng mas maraming oportunidad sa kanila. Idinagdag din ni Mayor Domagoso na plano ng lungsod na palawakin ang mga pasilidad ng PLM College of Medicine upang mas maraming estudyante ang makinabang. (Gene Adsuara)

Ads August 4, 2026

Posted on: August 4th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Maganda ang relasyon sa mga top brands…RAYMOND, may ‘k’ na mag-host para sa fashion story (ni: REY PINEDA) 

Posted on: August 4th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments


PUMIRMA na ng kontrata si Raymond Gutierrez  sa Bilyonaryo News Channel para sa news broadcasting show nitong “Agenda”.

Makakasama ni Mond sa nasabing show sina Korina Sanchez, Pinky Webb at Willard Cheng.  Hawak niya ang fashion story.

Sa katunayan, naganap ang first major coverage nito noong July 27, 2026 sa SONA ni Pangulong Bongbong Marcos.

In fairness, madalas ma-invite si Mond sa mga events ng mga luxury brands tulad ng Louis Vuitton.

Sabi nga nito, hindi lahat puwedeng ma-invite sa ganung klaseng event.     

Kumbaga, kailangan mo munang magkaroon ng magandang relasyon sa brand.  At ang imbitasyon ay dumadaan sa proseso.

Ayon pa kay Mond, maganda ang relasyon niya sa mga top brands.     

May mga pagkakataon pa nga raw na siya ang nagpo-produce ng events nito.

At dahil isang fashion fanatic si Mond, may karapatan naman na mag-host ng fashion story. 

Ikagugulat ang kakaibang role sa ’Saving Cherry’…BARBIE, hindi akalain na may wild side na -unleash (ni: ROHN ROMULO) puwedeng i

Posted on: August 4th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

AMINADO si Barbie Forteza na ibang-iba ang role niya “Saving Cherry” na mula sa Regal Entertainment, na kung saan ikagugulat talaga ng fans niya dahil may pagka-wild ito. 

Saad ng Kapuso actress: “I play the role of Cherry. Ang role ko po dito ay I am the wildest virgin you would ever see.“She is the wildest woman I ever portrayed to date, wow may susunod,” natatawang sagot ni Barbie.  “Siya yung wildest and most freeing.

“Lahat yon ipinagpapasalamat ko kay Direk Ivan [Payawal] kasi, not just yung role pero yun freedom, parang approaching every scene. 

“Binigyan niya kaming lahat ng buong laya as to how we understood every scene. Nakinig siya sa amin. He is really a good captain, thank you so much!”Dagdag pa niya, “to Regal, comeback ko po ito, so thank you again, maraming-maraming salamat po.”Ang tinutukoy ni Barbie ay ang episode na ‘Bangungot’ sa “

Shake, Rattle & Roll 9”, na naging official entry sa Metro Manila Film Festival 2007, ito ang first movie niya sa Regal sa edad na sampu, gumanap siya bilang young Roxanne Guinoo.Kahit si Barbie ay nagulat na kaya niyang gawin sa movie ang isang ‘wild’ role.

Kuwento niya, “in-unleash ko lang yung wild side ko, ha ha ha!

“Yun lang, actually ang saya kasi aminin naman natin, hindi naman lahat kapag mabait, mabait.

“So, hindi ko rin akalain na meron din akong ganoong side. Wild pero may dahilan, may lalim.” Pagpapatuloy pa ng Kapuso actress, “and most of all, so para ito yung most mature role ko ‘coz we will tackle about marriage, e.

“Ito yung role ko na kasal na ako agad-agad, umpisa pa lang.  Marami talagang pagdadaan ang pelikula.”Pahayag pa niya, na-overwhelm daw siya nang i-offer ng Regal na maging bida ng ’Saving Cherry’ dahil sa treatment at kaseryoso na kunin siya.“So, doon pa lang convince na ako na pag ganun ang respeto at trato sa ’yo na gusto kang makatrabaho, bakit ka naman hihindi,” saad niya.“Tapos nalaman ko pa na bagong materyal siya para sa akin.“Actually, sinabi rin sa akin ni Gabbi Garcia, dahil nag-message ako sa kanya.“Sabi niya, ’nagulat nga din ako na tinanggap mo ‘yan, kakaiba talaga ‘yan para sa ‘yo.  Ang I’m very, very excited for you.’“Sinabi ko nga sa kanya na magkaka-trabaho kami ni Khalil [Ramos] sa project na ito.“I’m excited for everyone to see it dahil sa ibang projects ko, palagi nilang sinasabi na ibang Barbie ang mapapanood.“Pero ibang Barbie talaga ito eh.  Nung nabasa ko ‘yung script, sabi ko talaga, ah okey, patong-patong kami, okey, go!”Dagdag pa niya tungkol sa movie, “with Cherry, sabi ni Direk Ivan, ‘all-out comedy ito Barbie, as in wild comedy, pero punum-puno ito ng puso.’“So, ‘yun din ang ginawa ko, na kahit nagpapatawa ako, totoo ‘yun emosyon. Kahit na ang atake or ang scene objective is supposed to be funny, where I’m coming from emotionally should be real!” 

Samantala, sina Mika Salamanca, Mikee Quintos, AC Bonifacio at Sassa Gurl ang mga friends ni Barbie sa Saving Cherry. 

At si Khalil naman ang asawang nag-cheat sa pelikula.  Kasama rin sa cast Joey Marquez, JC Alcantara, Kokoy de Santos, Almira Muhlach, Monina Lawrence at introducing si Than Perez. 

Mapapanood ito sa mga sinehan sa September 2, 2026.

Sa Amerika nag-celebrate ang kanilang birthday…DINGDONG at MARIAN, mas piniling magbakasyon kasama sina ZIA at SIXTO (ni: ROSE GARCIA) 

Posted on: August 4th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MAS pinili ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera ang magbakasyon ngayong kaarawan nila.

Parehong Agosto ang birthday nina Dingdong at Marian. Si Dingdong ay August 2, si Marian naman ay August 12. 

Kumpara sa mga nakaraang birthdays nila, lalo na si Dingdong, talagang nagpapa-party sila, especially with close friends and family. Pero ‘yun nga, ngayon ay mas pinili nilang mag-travel, magbakasyon kasama ang kanilang dalawang mga anak na sina Zia at Sixto. 

Given naman sa socmed post ni Dingdong kung nasaan sila. Nagkaroon na rin sila ng chance ni Marian na manood ng “The Odyssey” sa IMAX 70mm sa TCL Chinese Theatres IMAX in Hollywood, CA. 

Dasurv naman nilang mag-asawa ang mag-bakasyon lang, sabi rin ni Dingdong sa post niya, non-stop work din naman sila. 

Ang pelikulang shinoot nila, ang “Remember” ay ipalalabas na sa November 11 sa mga sinehan. 

***

Elijah at Miles, nababalitang nag-break na naman

PAREHONG hindi pa nagsasalita sina Elijah Canlas at Miles Ocampo. 

Balita kasi ngayon na mukhang break na naman daw yata ang dalawa.

Kung matatandaan, minsan nang nag-break ang dalawa noon at muling nagkabalikan.

Viral ang short video nina Elijah at ang runner-up ng second season ng “The Clash” na si Thea Ashley. 

No reaction din si Thea sa isyu sa kanila ni Elijah. The way kasi ng paghawak ni Elijah kay Thea ang sa aming palagay, nagbigay talaga ng impression na “may something ba sila?” or “sila na ba?”

Nagtanong-tanong kami at ang nasagap namin, “friends” lang daw sina Elijah at Ashley. Hmm… 

Upon checking, nagpa-follow pa rin naman sa isa’t-isa sa kanilang Instagram accounts sina Elijah at Miles.

So let’s wait and see.

Pinay Muay Thai Fighter Islay Bomogao, nakakuha ng ONE Championship contract

Posted on: August 4th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

ISA na namang Pinay sa katauhan ni Islay Erika Bomogao ng Baguio City ang nagpamalas ng galing sa ibabaw ng ring.

Nagwagi si Islay sa pamamagitan ng knockout laban kay Klinphaka Por Thaisong sa Bangkok.

Sa unang round ay nahirapan siya sa malayuang sipa ng kalaban ngunit nakabawi sa ikalawang round gamit ang matutulis na siko.

Pagsapit ng ikatlong round, pinakawalan niya ang isang malakas na kanang suntok na agad nagpabagsak sa Thai fighter.

Tumigil ang laban matapos ang 13 segundo ng round at idineklara siyang panalo.Mga Southeast Asian at Pacific Islander

Ang tagumpay ay nagbigay sa kanya ng $100,000 kontrata at karagdagang performance bonus.

Sa panalong ito, nanatiling malinis ang rekord ni Bomogao na 5-0 at mas lalo siyang nakilala sa pandaigdigang entablado ng Muay Thai.

Alas Pilipinas Women bigo sa Thailand SEA V Cup

Posted on: August 4th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NABIGO ang Alas Pilipinas Women sa Thailand sa nagpapatuloy na SEA V Cup.V

Hindi nakaporma ang Pilipinas sa Thailand sa score na 25-17, 19-25, 25-15, 18-25, 15-10 sa laro na ginanap sa Dong Anh Gymnasium sa Hanoi, Vietnam.

Ang Thailand ang koponan na hindi pa natatalo ng Pilipinas mula pa noong 1993 Southeast Asian Games.

Sa pagtutulungan nina Bella Belen, Eya Laure at Alyssa Solomon ay nadala nila ang laro sa loob ng limang set.

Subalit lubhang naging matindi ang laro na ipinamalas ng Thailand at tuluyang tinalo ang Pilipinas.

Natalo ang Alas sa 10 laro kontra Thailand mula pa sa unang bahagi ng torneo noong 2019.

Laban nina Alex Eala at Jessica Pegula, naantala dahil sa malakas na ulan

Posted on: August 4th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAANTALA ang inaabangang finals ng Mubadala DC Open sa Washington, D.C. bunsod ng masamang panahon.

Orihinal kasing nakatakdang magsimula ang laban nina Filipina tennis star Alex Eala at world No. 3 Jessica Pegula alas-12 ng hatinggabi (oras sa Pilipinas).Sanggunihang Pang-heyograpiko

Ngunit dahil sa malakas na ulan at pagkidlat, halos tatlong oras itong naantala.

Nang maipagpatuloy ang laban, nakuha ni Pegula ang unang set, 6-4, at nanguna pa sa ikalawang set, 2-1.

Gayunpaman, muling itinigil ang laro bandang alas-kuwatro ng umaga dahil sa patuloy na pag-ulan at lightning delay.

Ayon sa tournament organizers, inaasahang magpapatuloy ang laban mamayang alas-5:30 ng umaga (oras sa Pilipinas), kung bubuti ang lagay ng panahon.

Si Eala ay naghahangad na masungkit ang kanyang kauna-unahang WTA 500 title matapos ang sunod-sunod na panalo laban sa mga world-class na kalaban, kabilang ang dating world No. 1 na si Naomi Osaka.

Sa mga kasong graft at malversation…Malakanyang, pinalagan ang sinasabing ‘selective justice’ sa pagpayag na magpiyansa si Revilla 

Posted on: August 4th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PINALAGAN ng Malakanyang ang alegasyon ng ‘selective justice’ matapos pagbigyan ng Sandiganbayan Third Division ang petisyon ni Senador Ramon “Bong” Revilla Jr., para magpiyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Si Revilla ay nahaharap sa kasong malversation na hindi maaaring piyansahan, kaugnay ng umano’y ghost project na nagkakahalaga ng P92.8 milyon sa Pandi, Bulacan.

Sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na ang ruling ay ginawa ng independent court at hindi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

“Ang pagdedesisyon po iyan, hindi po hawak ng Pangulo ang judiciary, alam natin na separation of powers,” ang sinabi ni Castro.

Binasura rin nito ang ulat na binibigyan ng special treastment ng administrasyon si Revilla dahil kinokonsidera itong kaalyado ng Pangulo.

“Kung iyan talaga ay may katotohanan at sasabihin natin may kamay ang Pangulo dito, hindi ba dapat hindi na lang siya sinampahan ng kaso, pero siya iyong naunang sinampahan ng kaso,” ang sinabi ni Castro.

“So walang logic, it doesn’t follow na siya ang unang pakakawalan dahil kaalyado,” aniya pa rin.

“Tandaan po natin, hindi lamang po si dating Senador Bong Revilla ang akusado rito. Siya lamang po ang nabigyan ng pagkakataon na makapag-post ng bail for temporary liberty. Iyong iba pong sangkot ay hindi po na-grant ang petition for bail,” aniya pa rin.

“Hindi po natin masasabi na hindi sapat ang naging trabaho ng Office of the Ombudsman at ng mga state prosecutors. Hindi ito gauge para sabihin na hindi sila nagtatrabaho,” dagdag na pahayag ni Castro.

Samantala, pinayagan ng Sandiganbayan si Revilla na magpiyansa ng P1M para sa kanyang malversation case ng kasong malversation na may kinalaman sa P92.8-milyong ghost flood control project sa Pandi, Bulacan.

Ayon sa Sandiganbayan, pinayagan si Revilla na makapagpiyansa dahil nabigo ang prosekusyon na magpakita ng matibay na ebidensya ng pagkakasala ng dating senador.

Nauna nang nagpasok ng not guilty plea si Revilla sa arraignment ng Third Division para sa kasong malversation, habang ang kanyang mga kapwa-akusado ay pawang nagpasok din ng not guilty plea.  

(DARIS JOSE)

Malakanyang, suportado ang panawagan ni Teodoro sa mga opisyal ng gobyerno na panindigan ang posisyon sa WPS

Posted on: August 4th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SUPORTADO ng Malakanyang ang panawagan ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa mga public officials na panindigan ang posisyon ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).

Para kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang, ang katapatan ng bawat Filipino ay nararapat na para lamang sa bansa , maging anuman ang political affiliation o pagkakaiba sa ibang usapin.

Para kay Castro, walang nakikitang mali ang administrasyong Marcos sa naging pahayag ni Teodoro na dapat ikonsidera ng mga opisyal ng gobyerno na magbitiw sa puwesto kung hindi mapaninindigan ng mga ito ang Philippine laws at national policy, kabilang na rito ang matibay na posisyon sa karapatan sa WPS.

“Ang pinag-uusapan po natin dito ay mga Pilipino. Pilipino na ang dapat ang puso ay para sa Pilipinas lamang,” ang sinabi ni Castro.

“Hindi pinag-uusapan dito ang loyalty. Lahat tayong mga Pilipino dapat ang puso, ang paninindigan, ang ipaglalaban ay ang bansang Pilipinas lamang,” aniya pa rin.

Ang pahayag na ito ni Castro ay matapos na batikusin ni Davao City 1st District Rep. Paolo “Pulong” Duterte si Teodoro para sa di umano’y pagpapataw ng “loyalty test” at tila ginagawang demonyo ang Tsina kasunod ng panawagan ng Kalihim na panindigan ang posisyon ng Pilipinas sa WPS.

Winika ni Castro na labis na nakababahala kung sakaling ang isang elected official na gaya ni Pulong Duterte ay kinukuwestiyon ang inaasahan na dapat na panindigan ng mga Pinoy ang sovereign rights ng Pilipinas.

“Lubhang kataka-taka, very alarming, para sa isang katulad niya na mambabatas na lubhang parang nagpapakita na ang kaniyang loyalty ay hindi solido sa Pilipinas,” anito.

Binigyang diin pa ni Castro na ang panatilihin ang cordial ties ng Pilipinas sa tsina sa kalakalan, investments, at negosyo ay hindi dapat malito sa pagdepensa sa sovereign rights ng bansa.

Kaya nga aniya, makailang ulit na inuulit ni Pangulong Marcos na ang political differences ay hindi dapat na ipinapakahulugan ng pagprotekta sa interets ng bansa sa WPS.

Samantala, hinikayat naman ni Castro ang mga opisyal na paulit-ulit na iginigiit ang posisyon ng Tsina sa WPS na maging transparent ukol sa kanilang personal na pananaw.

“Mas maganda po siguro talaga na… lumantad na sila para makita natin kung sino ba talaga ang nagmamahal sa bansang Pilipinas,” aniya pa rin. (DARIS JOSE)