• August 5, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

150 KABATAAN SA MAYNILA NABENEPISYUHAN NG SPES

NABIGYAN ng benepisyo ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa pamamagitan ng PESO ang 150 kabataang benepisyaryo ng Special Program for Employment of Students (SPES).

Ayon kay Mayor Isko Moreno Domagoso layunin ng 11-araw na programa na mabigyan ng dagdag na kita ang mga estudyante at out-of-school youth upang makatulong sa kanilang pag-aaral at pang-araw-araw na pangangailangan.

Nagpahayag naman ng suporta si Vice Mayor Chi Atienza na nagsabing patunay ang programa ng malasakit ng alkalde sa kabataang ManileƱo at sa pagbibigay ng mas maraming oportunidad sa kanila. Idinagdag din ni Mayor Domagoso na plano ng lungsod na palawakin ang mga pasilidad ng PLM College of Medicine upang mas maraming estudyante ang makinabang. (Gene Adsuara)