• August 28, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ikagugulat ang kakaibang role sa ’Saving Cherry’…BARBIE, hindi akalain na may wild side na -unleash (ni: ROHN ROMULO) puwedeng i

AMINADO si Barbie Forteza na ibang-iba ang role niya “Saving Cherry” na mula sa Regal Entertainment, na kung saan ikagugulat talaga ng fans niya dahil may pagka-wild ito. 

Saad ng Kapuso actress: “I play the role of Cherry. Ang role ko po dito ay I am the wildest virgin you would ever see.“She is the wildest woman I ever portrayed to date, wow may susunod,” natatawang sagot ni Barbie.  “Siya yung wildest and most freeing.

“Lahat yon ipinagpapasalamat ko kay Direk Ivan [Payawal] kasi, not just yung role pero yun freedom, parang approaching every scene. 

“Binigyan niya kaming lahat ng buong laya as to how we understood every scene. Nakinig siya sa amin. He is really a good captain, thank you so much!”Dagdag pa niya, “to Regal, comeback ko po ito, so thank you again, maraming-maraming salamat po.”Ang tinutukoy ni Barbie ay ang episode na ‘Bangungot’ sa “

Shake, Rattle & Roll 9”, na naging official entry sa Metro Manila Film Festival 2007, ito ang first movie niya sa Regal sa edad na sampu, gumanap siya bilang young Roxanne Guinoo.Kahit si Barbie ay nagulat na kaya niyang gawin sa movie ang isang ‘wild’ role.

Kuwento niya, “in-unleash ko lang yung wild side ko, ha ha ha!

“Yun lang, actually ang saya kasi aminin naman natin, hindi naman lahat kapag mabait, mabait.

“So, hindi ko rin akalain na meron din akong ganoong side. Wild pero may dahilan, may lalim.” Pagpapatuloy pa ng Kapuso actress, “and most of all, so para ito yung most mature role ko ‘coz we will tackle about marriage, e.

“Ito yung role ko na kasal na ako agad-agad, umpisa pa lang.  Marami talagang pagdadaan ang pelikula.”Pahayag pa niya, na-overwhelm daw siya nang i-offer ng Regal na maging bida ng ’Saving Cherry’ dahil sa treatment at kaseryoso na kunin siya.“So, doon pa lang convince na ako na pag ganun ang respeto at trato sa ’yo na gusto kang makatrabaho, bakit ka naman hihindi,” saad niya.“Tapos nalaman ko pa na bagong materyal siya para sa akin.“Actually, sinabi rin sa akin ni Gabbi Garcia, dahil nag-message ako sa kanya.“Sabi niya, ’nagulat nga din ako na tinanggap mo ‘yan, kakaiba talaga ‘yan para sa ‘yo.  Ang I’m very, very excited for you.’“Sinabi ko nga sa kanya na magkaka-trabaho kami ni Khalil [Ramos] sa project na ito.“I’m excited for everyone to see it dahil sa ibang projects ko, palagi nilang sinasabi na ibang Barbie ang mapapanood.“Pero ibang Barbie talaga ito eh.  Nung nabasa ko ‘yung script, sabi ko talaga, ah okey, patong-patong kami, okey, go!”Dagdag pa niya tungkol sa movie, “with Cherry, sabi ni Direk Ivan, ‘all-out comedy ito Barbie, as in wild comedy, pero punum-puno ito ng puso.’“So, ‘yun din ang ginawa ko, na kahit nagpapatawa ako, totoo ‘yun emosyon. Kahit na ang atake or ang scene objective is supposed to be funny, where I’m coming from emotionally should be real!” 

Samantala, sina Mika Salamanca, Mikee Quintos, AC Bonifacio at Sassa Gurl ang mga friends ni Barbie sa Saving Cherry. 

At si Khalil naman ang asawang nag-cheat sa pelikula.  Kasama rin sa cast Joey Marquez, JC Alcantara, Kokoy de Santos, Almira Muhlach, Monina Lawrence at introducing si Than Perez. 

Mapapanood ito sa mga sinehan sa September 2, 2026.