• August 5, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Laban nina Alex Eala at Jessica Pegula, naantala dahil sa malakas na ulan

NAANTALA ang inaabangang finals ng Mubadala DC Open sa Washington, D.C. bunsod ng masamang panahon.

Orihinal kasing nakatakdang magsimula ang laban nina Filipina tennis star Alex Eala at world No. 3 Jessica Pegula alas-12 ng hatinggabi (oras sa Pilipinas).Sanggunihang Pang-heyograpiko

Ngunit dahil sa malakas na ulan at pagkidlat, halos tatlong oras itong naantala.

Nang maipagpatuloy ang laban, nakuha ni Pegula ang unang set, 6-4, at nanguna pa sa ikalawang set, 2-1.

Gayunpaman, muling itinigil ang laro bandang alas-kuwatro ng umaga dahil sa patuloy na pag-ulan at lightning delay.

Ayon sa tournament organizers, inaasahang magpapatuloy ang laban mamayang alas-5:30 ng umaga (oras sa Pilipinas), kung bubuti ang lagay ng panahon.

Si Eala ay naghahangad na masungkit ang kanyang kauna-unahang WTA 500 title matapos ang sunod-sunod na panalo laban sa mga world-class na kalaban, kabilang ang dating world No. 1 na si Naomi Osaka.