• August 5, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 3rd, 2026

EJ Obiena, nagwagi ng gold sa Germany; 3rd gold niya sa outdoor season

Posted on: August 3rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAGTAGUMPAY si Earnest John “EJ” Obiena matapos masungkit ang gintong medalya sa Halberstadter Hohenflug – 1st International Pole Vault Meeting sa Cathedral Square, Halberstadt, Germany noong Hulyo 31, 2026.

Nalampasan niya ang taas na 5.76 metro sa unang pagtatangka at nanguna sa 10-man field.

Nakamit ni Seifeldin Abdelsalam ng Qatar ang pilak sa 5.66 metro, habang si Cole Walsh ng Estados Unidos ay nakakuha ng bronze sa 5.56 metro.

Ito na ang ikatlong gintong medalya ni Obiena ngayong outdoor season, kasunod ng kanyang panalo sa Austria at Poland.

Ang tagumpay ay muling nagpapatibay sa kanyang reputasyon bilang isa sa pinakamahusay na pole vaulter sa mundo.

Alas Pilipinas Women bigo sa Thailand SEA V Cup

Posted on: August 3rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NABIGO ang Alas Pilipinas Women sa Thailand sa nagpapatuloy na SEA V Cup.

Hindi nakaporma ang Pilipinas sa Thailand sa score na 25-17, 19-25, 25-15, 18-25, 15-10 sa laro na ginanap sa Dong Anh Gymnasium sa Hanoi, Vietnam.

Ang Thailand ang koponan na hindi pa natatalo ng Pilipinas mula pa noong 1993 Southeast Asian Games.

Sa pagtutulungan nina Bella Belen, Eya Laure at Alyssa Solomon ay nadala nila ang laro sa loob ng limang set.

Hindi nakaporma ang Pilipinas sa Thailand sa score na 25-17, 19-25, 25-15, 18-25, 15-10 sa laro na ginanap sa Dong Anh Gymnasium sa Hanoi, Vietnam.

Ang Thailand ang koponan na hindi pa natatalo ng Pilipinas mula pa noong 1993 Southeast Asian Games.

Sa pagtutulungan nina Bella Belen, Eya Laure at Alyssa Solomon ay nadala nila ang laro sa loob ng limang set.

Subalit lubhang naging matindi ang laro na ipinamalas ng Thailand at tuluyang tinalo ang Pilipinas.

Natalo ang Alas sa 10 laro kontra Thailand mula pa sa unang bahagi ng torneo noong 2019.

Alex Eala pasok na sa finals ng Mubadala DC Open

Posted on: August 3rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PASOK na sa finals ng Mubadala DC Open si Pinay tennis star Alex Eala.

Ito ay matapos na talunin siya sa semifinals si dating world number 1 na si Naomi Osaka.

Mula sa unang set ay dominado ni Eala ang laro at nakuha ang 6-4, 6-2 na puntos.

Ito ang unang finals niya sa WTA 500 level.

Makakaharap niya finals si Jessica Pegula na tinalo si Diana Shnaide ng Russia.

MRT-3 libre tuwing Miyerkules ng Agosto – DOTr

Posted on: August 3rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MAGPAPATUPAD ng libreng sakay ang ­Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) tuwing araw ng Miyerkules sa loob ng buwan ng Agosto, sa seleb­rasyon ng pagsasabatas ng Republic Act 11055 o (Philippine Identification System Act) sa mga magpiprisinta ng balidong national ID.

Ayon sa advisory ng Department of Transportation (DOTr) nitong Biyernes, hindi na magbabayad ang mga mananakay sa mga petsang Agosto 5, 12, 19, at 26, simula alas-7 ng ­umaga hanggang alas-9 ng ­umaga, at alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.

Mag-aalok din ng hiwalay na libreng sakay sa Setyembre 16, 2026, bilang pagdiriwang ng Global Identity Day.

Maaaring ipakita ng mga commuter ang kanilang pisikal na National ID, Digital ID, o ePhilID sa papel na format upang ma-avail ang ­libreng serbisyo.

Ang inisyatiba ay partnership ng DOTr-MRT-3 at Philippine Statistics Authority (PSA), na nagsasagawa rin ng National ID registration sa Araneta-Cubao at Taft Avenue stations ng MRT-3.

Itinatag ng RA 11055 ang Philippine Identification System (PhilSys), ang nag-iisang national ID system ng bansa na pinangangasiwaan ng PSA. (DARIS JOSE)

Reporma sa pagbabalangkas ng 2027 national budget, ipatutupad

Posted on: August 3rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NANGAKO ang mga mambabatas na ipapatupad nila ang reporma sa pagbabalangkas ng 2027 national budget at sisiguraduhin ito na walang masasayang na pera sa kaban ng bayan at mapupunta ito sa dapat tustusan, ayon kay Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III.

Sa isang press briefing matapos ang launching ng LegisHear sa Isabela, sinabi ni Dy na ang susunod na spending program ng 2027 ay magiging “responsive, accountable, and focused on the needs of the Filipino people.”

Aniya, nakahanda na ang mga mambabatas na talakayin ang P7.2 trillion National Expenditure Program (NEP), na inaasahang ipasa sa Ehekutibo bago Agosto 14.

“Sa tingin ko, lalo pa nating bibigyan ng mahahalagang security measures upang matiyak na ang ating ipapasa na 2027 budget ay talagang maayos,” sinabi ni Dy.

Nagpatupad ang Kamara ng reporma sa proseso ng budget deliberations, kabilang ang transparency o mas malinaw na proseso sa appropriations tulad ng Budget Amendments and Review Subcommittee (BARSc) at livestreaming ng budget bicameral committee deliberations. 

(VINA de GUZMAN)

5 nasawi sa sunog sa Caloocan

Posted on: August 3rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

LIMANG katao, kabilang ang 11-buwang sanggol at kanyang ina ang nasawi matapos ma-trap sa nasunog na dalawang palapag na apartment sa Caloocan City, Linggo ng madaling araw.

Sa inisyal na ulat ni Caloocan City Central Fire Station arson investigator FO1 Samuel Rentillo Jr., nagsimula ang sunog sa talyer na nasa unang palapag ng apartment sa Blk 57L Lot 4 Sinilyasi st., Dagat Dagatan, Brgy. 08, na pag-aari ng isang Marina Escondo, dakong ala-1:02 ng madaling araw sa hindi pa nabatid na dahilan.

Kaagad namang nakapgresponde ang mga tauhan ng Caloocan Bureau of Fire Protection (BFP) at fire volunteers na dahilan upang agad makontrol ang sunog pasado ala-1:24 na umabot lang sa unang alarma hanggang tuluyang maapula ng alas-2:04 ng madaling araw.

Matapos ang mapping-up operation, nadiskubre ng mga bumbero ang mga bangkay na kinabibilangan ng tatlong babae at dalawang lalaki, kung saan huling nakita ang 11-buwang sanggol.

Napagalaman na kadarating lang sa trabaho ng ama ng sanggol at tinangka pang iligtas ang kanyang mag-ina subalit, hindi na siya makapasok dahil sa laki ng apoy habang labis naman ang paghihinagpis ng mister ng isa pang nasawing ginang matapos makabitaw sa kanya ang misis nang sabay silang lumabas ng nasusunog na tirahan.

Tinatayang P500,000.00 halaga ng mga ari-arian ang naabo sa sunog habang nasa anim na pamilya ang apektado na pansamantalang nanunuluyan sa barangay hall ng Barangay 8 kung saan sila pinadalhan ng mainit na pagkain at pangunahing pangangailangan ni Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan. 

(Richard Mesa)

Revilla hahabulin pa rin sa P124 milyon ‘pork’ scam

Posted on: August 3rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

HINDI pa tapos ang laban ni dating Senador Bong Revilla kahit nakapagpiyansa na siya ng P1 milyon para pansamantalang makalaya sa kasong malversation kaugnay ng P92.8 milyong ghost flood control project sa Pandi, Bulacan.

Ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla, nananatili ang obligasyon ni Revilla na bayaran ang P124.5 milyong civil liabilities na nakapaloob sa hatol ng kanyang acquittal sa kasong plunder kaugnay ng pork barrel scam.

“It was included in his judgment of acquittal in plunder and until now, the money has yet to be returned to the government,” ani Remulla.

Binigyang-diin ng Ombudsman na dapat bantayan ng Korte Suprema ang mga kasong may civil aspect, lalo na kung malaki ang pondong dapat ibalik sa gobyerno.

Noong 2018, ibina­sura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay Revilla ngunit inatasan siyang ibalik ang P124.5 milyon sa national treasury.

Kasama ni Revilla sa kaso ang kanyang dating chief of staff na si Richard Cambe at negosyanteng si Janet Lim Napoles, na kapwa akusado sa multi-bilyong pisong pork barrel scam. ( DARIS JOSE)

PUVs group bubusisiin sa taas-pasahe – LTFRB

Posted on: August 3rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SASALANG ang mga grupo ng transport groups mula sa pampasaherong jeep, UV express, motorcycyle taxi, at taxi service sa pagbusisi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Lunes, August 3.

Ayon kay LTFRB Chairman Vigor Mendoza, hihimayin ng ahensiya rito ang iba’t ibang fare hike petitions ng naturang sektor para maisalang sa pagbusisi ng LTFRB Board.

Sinasabing mula P2 hanggang P10 ang taas-pasahe na hirit ng ibat ibang transport group dahil sa lingguhang taas sa presyo ng petrolyo na lubhang may malaking epekto sa kanilang kita sa araw araw.

Binigyang diin ni Mendoza na oras na makinig ang sentimiento ng bawat grupo, ito ay agad na tatalakayin ng board.

“It will be a good opportunity for each petitioner para mapaliwanag nilang mabuti saan nanggagaling ang kanilang mga petisyon. Nandun din naman ang mga commuter groups also to ask questions, para maliwanan natin ang best way to move forward sa petisyon na to,” sabi ni Mendoza.

  Oplan Linis: Divisoria, Mas Maaliwalas at Ligtas na para sa mga Mamimili

Posted on: August 3rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MAS ligtas at maginhawa na ang pamimili sa Divisoria matapos ang isinagawang malawakang clearing at cleaning operations doon.

Ang operasyon ay pinangunahan nina PMajor Jade Christian Dela Torre (Asuncion PCP Commander) at PLTCol. Gilbert C. Cruz (Station Commander, PS-2). Isinagawa ang clearing alinsunod sa direktiba ni Mayor Isko Moreno na ibalik ang luwag at kaayusan sa mga kalsada.

Dahil dito, mabilis na nagpahayag ng pasasalamat ang mga mamamayan at mga regular na mamimili kay “Yorme.” Anila, mas panatag na silang maglakad sa Divisoria dahil nawala ang matinding pagsisikip at nabawasan ang banta ng kriminalidad.

Ang Divisoria ang itinuturing na pangunahing sentro ng komersyo at murang bilihin sa Lungsod ng Maynila. Ayon sa pamahalaang lungsod, ang proyektong ito ay bahagi ng patuloy na pagmamalasakit at pagtupad sa pangako ng alkalde na maghahatid ng tunay na serbisyong pampubliko para sa mga Manilenyo. 

(Sonny Asignacion)

13 saksi sa kasong confidential funds 

Posted on: August 3rd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NASA 13 saksi ang nasa listahan ng House prosecution panel para sa kasong maling paggamit umano sa P612.5

confidential funds ni Vice President Sara Duterte na maaaring mabawasan kung mayroon nang sapat na ebidensiya.

Paglilinaw naman ni House prosecutor at Manila Rep. Joel Chua na “hindi naman po ibig sabihin ‘pag sinabi nating ma-limit [ang number of witnesses], e magsa-suffer ‘yung tibay ng ebidensya.” 

Nakapaloob sa Article I ang alokasyong maling paggamit umano ni Duterte sa P612.5 million na confidential funds na natanggap ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd) noong 2022 at 2023.

Sinimulan na ng prosekusyon ang presentasyon ng ebidensiya sa naturang article nitong nakalipas na Miyerkules sa pamamagitan ng pagtestigo ng dalawang dating Land Bank of the Philippines branch managers.

Simula Lunes, inaasahang ipiprisinta ng prosekusyon ang dalawang Commission on Audit auditors at House records custodian.

Ganito rin aniya ang ginawa sa naging presentasyon sa Article IV, ukol sa naging pagbabanta umano ni Duterte kina President Ferdinand R. Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.

Inisyal na nakalinya ang nasa 11 saksi para sa nasabing article pero nabago matapos ang pagtestigo ng tatlong saksi.

“Kagaya po doon sa threat, mga 11 po yata ’yung mga testigo. Pero after presenting three witnesses, napatunayan na namin ’yung purpose na gusto naming makuha. So tumigil na po kami,” aniya.

(VINA de GUZMAN)