• August 18, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July, 2026

Nag-celebrate ng 9th church wedding anniversary… ALFRED, ipinagmalaki ang kaseksihan ni YASMINE sa romantic getaway (ni: ROHN ROMULO) 

Posted on: July 27th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PINAG-USAPAN ng netizens ang Instagram post ng asawa ni Councilor Alfred Vargas na si Yasmine Espiritu-Vargas, na kung saan ibinahagi niya ang romantic trip para i-celebrate ang kanilang 9th church wedding anniversary. 

Matatandaan na naganap muna ang civil ceremony noong March 2010 bago ang bonggang church wedding sa Manila Cathedral noong July 23, 2017. 

Nabiyayaan ang mag-asawa ng apat na anak na sina Alexandra Milan, Aryana Cassandra, Alfredo Cristiano, at si Aurora Sofia.

Makikita sa anniversary getaway ang kanilang sweet at sexy photos bilang pagdiriwang ng kanilang kasal. Pinuri ng netizens ang kaseksihan ni Yasmine, sa kabila ng pagkakaroon ng apat na supling.

Mababasa sa IG post ni Yasmine ang emosyonal na mensahe para sa kanyang asawa na si Alfred na punum-puno rin ng pasasalamat.

“Quick Church Wedding Anniversary getaway. Thank you for being my constant through every season, the joyful days that made us laugh, the difficult moments that made us stronger, and all the ordinary days in between,” panimula ng mensahe ni Yasmine. 

“Eighteen years of loving each other. Sixteen years of marriage. Nine years since we received the sacrament of marriage, and I thank God every day for the gift of us. Thank you for being my home, my safe place.”

Dagdag pa niya, “I know we aren’t perfect, but by God’s grace, we’ve continued to choose each other every single day. My prayer is that God continues to guide our marriage, strengthen our love, and bless us with many more years of laughter, faith, adventures, and beautiful memories with our children.” 

Sa pagtatapos ng kanyang mensahe, “In every season, in every lifetime God allows, I will always choose you. Happy Church Wedding Anniversary, my amore. I love you, always and forever. #vargasnapagibig.”

Umani nga ng papuri ang mag-asawa dahil sa kanilang fit at sexy bodies. 

Maging si Alfred ay hindi napigilan ipagmalaki at i-post ang sexy photo ng asawa na kung naka-two-piece ito…

Caption niya na punum-puno ng pagmamahal…

“I love you amore ko 

“Ikaw ang buhay ko.

“Ikaw ang bumubuo ng pagkatao ko. 

“Happy anniversary Yasmine E. Vargas”

Kalakip hashtags na #vargasnapagibig #churchweddinganniversary #luckiestmanalive

***

SAMANTALA, last Sunday may masayang post na naman ang mag-asawang Alfred at Yasmine, na maituturing na isa sa first experience ng bunsong anak na si Aurora.

Sa IG post ni Yasmine, ibinahagi niya na, “Last Friday, we watched Moana live action, and it was Aurora’s very first movie theater experience.

“She was so happy from start to finish.

“As a Disney kid myself, I absolutely loved it.

“It’s actually the first Disney live-action remake that I genuinely enjoyed.”

Hirit pa niya, “And can we take a moment to appreciate how adorable Aurora looked in her little Moana costume?

Makikita sa series of photos and videos ang solo ni Aurora, kinaaliwan ng netizens. Kasama ring nag-watch ang unico hijo nilang si Cristiano.

Wala raw malisya ang pagiging close nila…Pagli-link kay JERIC sa lady producer, tahasang itinanggi ang akusasyon (ni: REY PINEDA) 

Posted on: July 27th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MAINIT na pinag-uusapan ngayon ang isyu tungkol sa baguhang film producer na si Miss Sucil Nipa.

Tatlong lalaking artista ang nali-link sa nasabing lady producer.     

Nagsimula ang isyu dahil sa isang blind item.  Sa bandang huli, pinangalanan na ang nasabing aktor – si Jeric Gonzales. 

Sa latest interview ng katotong Morly Alinio sa kanyang Youtube channel na Morly Alinio (Ito Ang Tondo), tahasang itinanggi ni Miss Sucil ang mga akusasyon.

Ayon sa kanya, close lang daw sila ni Jeric. At ganun daw ang treatment niya sa kanyang mga artista.

Harutan pa nga ang terminong ginamit nito sa kanyang pakikisalamuha sa kanyang mga artista.  Kahit nagbigay ng paliwanag si Miss Nipa, may resibo.

May kumalat na video kung saan umiinom siya ng alak, at makikita sa video na umaaligid siya kay Jeric. Inakbayan niya ang aktor at niyapos na magkalapit ang kanilang mga mukha.    

May dialogue pa ito na kung handa raw ba si Jerric na pakasalan siya.  Sagot naman ng aktor, darating tayo diyan.

Paliwanag ni Miss Nipa, gawa-gawa lang daw ang eksenang iyon na puwedeng gamitin sa isang future film. 

Kung panonoorin ninyo ang video, hindi kakikitaang umaarte si Jeric.  Natural ang sagot nito.

Pero ayon mismo sa producer, wala raw malisya sa kanya yon. Katuwaan lang dahil mga nakainom.  Bakit bakas sa mukha ng aktor na parang hindi naman ito lasing.

Hindi pa natatapos diyan ang isyu.

Tila mahilig sa mga letter “J” si Miss Nipa.     

Dalawa pang aktor ang nali-link sa kanya. Sina Jay Manalo at Jeric Raval!

Subalit aminado si Miss Nipa na crush niya si Jeric Raval noon pa man.

May mga video rin na naglabasan, kung saan tila nagselos pa itong si Jeric Raval.     Sa isa kasing video, tila nag-deny siya na nakasama niya si Jay Manalo.

Sa bandang huli, binanggit ng producer na hinding-hindi sya papatol sa bata. Kung papatol man daw siya ay sa isang katulad niyang negosyante.

Ayaw raw niyang maging sugar mommy, at hindi pa raw siya ganun katanda!

Kahit challenging ay enjoy sila sa taping ng serye…ANDREA, bonding to the max ang sitwasyon nila ni ALDEN (ni: ROMMEL GONZALES) 

Posted on: July 27th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

BONDING to the max ang sitwasyon sa pagitan nina Alden Richards at Andrea Torres sa taping ng kanilang upcoming GMA medical drama series na ‘Code Grey’.

Base sa report ni Aubrey Carampel sa ’24 Oras’ kamakailan, ikinuwento dito ang tungkol sa kanilang medical training na bagamat challenging at mahirap ay in-enjoy pa rin nina Alden at Andrea ang paggawa ng kanilang bagong teleserye.

Lahad ng Sparkle actress na si Andrea, “Para kaming barkada on set.

“To the point na nilalapitan na kami na huwag muna kami magsama-sama kasi kailangan na namin i-shoot ang eksena.

“Sobrang everytime na nagka-cut, lokohan agad, tawanan!”

Sinabi naman ni Alden na importanteng magaan ang mood sa set at kumportable sila sa isa’t-isa ng mga katrabaho niya.

“Mahirap gumawa ng isang proyekto na hindi ka kumportable sa mga katrabaho mo, and for some reason, iba ibang flavor yung nabibigay ng actors na kasama ko dito.”

Bukod kina Alden at Andrea, makakasama rin sa Code Grey, na malapit na mapanood sa GMA, sina Christopher de Leon, Romnick Sarmenta, Faith Da Silva, Allen Ansay, Shuvee Etrata, Joross Gamboa, Christian Bautista, Kristoffer Martin, Jon Lucas at Christian Bautista.

LeBron James, papasok na sa Philadelphia 76ers

Posted on: July 27th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

OPISYAL nang inanunsyo ni LeBron James na siya ay lilipat sa Philadelphia 76ers matapos ang mahaba at kontrobersyal na free agency decision.Basketball

Sa edad na 41, pipirma siya ng dalawang-taon na kontrata na nagkakahalaga ng $8 milyon, na may layuning tulungan ang Sixers na wakasan ang mahigit apat na dekadang pagkauhaw sa kampeonato.

Ayon kay James, ito na ang kanyang “huling desisyon” at nais niyang tapusin ang karera sa pamamagitan ng pagbibigay ng panibagong titulo sa koponan. Ang dating superstar ng Los Angeles Lakers ay nagpasya na ipagpatuloy ang paglalaro matapos ang seryosong pag-iisip na magretiro.

Malaking pagbabago ang hatid ng kanyang paglipat sa Eastern Conference, lalo na’t inaasahang magiging mas matatag ang Sixers kasama sina Joel Embiid at Tyrese Maxey.

Ang desisyon ni James ay nagbigay ng bagong pag-asa sa mga tagahanga ng Philadelphia at nagpatunay na kahit sa kanyang ika-24 na season, nananatili pa rin siyang isa sa pinakamakapangyarihang puwersa sa NBA.

Eala, Venus todo kayod na sa ensayo

Posted on: July 27th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

DESIDO sina Alex Eala at tennis legend Venus Williams na makapagbigay ng magandang laban sa doubles event ng WTA 500 Mubadala D.C. Open na magsisimula sa Lunes sa Washington D.C.

Pulpukan na sa ensayo sina Eala at Williams upang magkaroon ng magandang chemistry bago magsimula ang bakbakan.

Sa post ng mga organi­zers sa kanilang official social media accounts, nakitang nagsasanay sina Eala at Wiliams kung saan may ka -tuneup ang dalawa.

Kita na nage-enjoy ang dalawa habang nasa trai­ning ang mga ito.

Gumagawa na rin ang dalawa ng estratehiya para sa kanilang laban.

Ito ang ikalawang pagtatambal nina Eala at Williams sa WTA Tour.

Una na sa Bad Homburg Open sa Germany kung saan umabot sa quarterfinals ang dalawa.

Sa kanilang unang pag­sasama, sinabi ni Williams na hindi sila nakapag ensayo bago ang torneo.

Kaya naman sa pagkakataong ito, siniguro nina Eala at Williams na makakapag-ensayo sila para masigurong solido ang kanilang galaw sa loob ng court.

Hanga si Williams sa husay at determinasyon ni Eala sa loob at labas ng court. Para naman sa Pinay netter, malaking karangalan ang makapares ang isang tennis icon na tulad ni Williams.

Magkakaalaman na ngayong araw kung sino ang unang makakalaban ni Eala sa singles at sa doubles base sa idaraos na draw ceremony. 

Presyo ng bilihin nakaapekto sa approval ni Pangulong Marcos – Win

Posted on: July 27th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NANINIWALA si Senate President Win Gatcha­lian na ang mababang approval ratings ni Pa­ngulong Ferdinand Marcos Jr. ay dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa.

Sinabi ni Gatchalian na malaki ang epekto ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin, lalo na ng langis at kuryente, sa pananaw ng publiko sa Pangulo. Ito ay dahil direktang tumatama ito sa sikmura ng mga tao at mas mahalaga sa kanila ang may maipakain sa kanilang pamilya kaysa sa pulitika. Kaya ito aniya ang dapat pagtuunan ng pansin ng Pangulo.

Ayon din kay Gatcha­lian, na dating namuno sa Senate Committee on Finance, isa sa mga dahilan ng paghina ng ekonomiya nitong nakaraang taon ay ang pagbawas ng paggastos ng pamahalaan sa mga proyektong pang-imprastraktura bunsod ng mga kontrobersiya sa flood control projects.

Dagdag pa niya, isa sa mga paraan upang muling pasiglahin ang ekonomiya ay ang pabilisin ang pagpapatupad ng mga proyektong pang-imprastraktura. Gayunman, dapat itong samahan ng mahigpit na reporma upang hindi na maulit ang umano’y mga anomalya sa mga proyektong flood control. (DARIS JOSE)

Liquor ban at kanselasyon ng klase, ipapatupad sa QC sa araw ng SONA

Posted on: July 27th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SUSPENDIDO ang klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Quezon City sa darating na Hulyo 27, 2026 upang hikayatin ang publiko na makinig sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos at maiwasan ang matinding trapiko sa lungsod.Mga Gabay sa Lungsod at Lokal

Kasabay nito, ipatutupad ang liquor ban mula alas-12:01 a.m. hanggang alas-6:00 p.m. upang matiyak ang seguridad at kapayapaan sa paligid ng Batasang Pambansa.

Inaasahan ang pagdaraos ng iba’t ibang kilos-protesta sa Quezon City, kabilang ang mga pro at anti-Marcos rally.

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na magpapatupad sila ng maximum tolerance sa mga demonstrador.

 (Vina de Guzman)

Trabaho, edukasyon at laban sa gutom dapat maging sentro ng SONA— Villanueva

Posted on: July 27th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

IGINIGIIT ni Senator Joel Villanueva na dapat maglatag ang ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng pangmatagalang programa para sa trabaho, edukasyon at paglaban sa gutom, sa halip na mga pangakong walang konkretong direksyon.

Ayon kay Villanueva, inaasahan ng mga Pilipino na matugunan ng administrasyon ang mga pangunahing suliranin tulad ng kawalan ng trabaho, pagtaas ng presyo ng mga bilihin, kahirapan at mga hamon sa sektor ng edukasyon.

Binigyang-diin ng senador na ang pinakamahusay na programa laban sa kahirapan ay ang pagkakaroon ng disenteng trabaho, habang ang pinakamabisang paraan upang malabanan ang gutom ay ang paglikha ng sapat na oportunidad sa hanapbuhay para sa mga nais magtrabaho.

Iginiit din ng senador na patuloy niyang isusulong ang mga panukalang batas na magpapalakas sa edukasyon at paglikha ng trabaho, at susuportahan ang mga prayoridad na panukala ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC). 

Para kay Villanueva, ang sukatan ng tagumpay ng SONA ay kung makapagbibigay ito ng mas maraming trabaho, makatutulong na maibsan ang gutom, at makapagbibigay ng mas magandang kinabukasan para sa bawat batang Pilipino.

( DARIS JOSE)

P85 umento sa sahod sa NCR, epektibo na

Posted on: July 27th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

EPEKTIBO na nitong Sabado, Hulyo 25, ang unang tranche ng P85 arawang umento sa sahod sa National Capital Region (NCR), ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Sa ilalim ng Wage Order No. NCR-27, ipinatupad ang inisyal na P60 dagdag-sahod para sa non-agriculture sector, na magtataas sa daily minimum wage mula P695 tungo sa P755. Para naman sa agriculture sector, service at retail shops na may 15 o mas mababang bilang ng empleyado, gayundin sa manufacturing firms na may mas mababa sa 10 regular workers, tataas ang minimum wage mula P695 tungo sa P718.

Ang ikalawang yugto ng umento na P25 ay ipatutupad sa Enero 20, 2027. Sa panahong iyon, aabot sa P780 ang minimum wage para sa non-agriculture sector at P743 para sa iba pang sektor.

Ayon kay DOLE Secretary Francis Tolentino, layunin ng pagtaas ng sahod na palakasin ang kakayahang bumili ng mga Pilipino at tulungan silang makasabay sa mga kondisyon ng ekonomiya, kabilang ang inflation at pagtaas ng bayarin sa kuryente. Ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang mapabuti ang kalidad ng buhay ng mga manggagawa.

Ito na ang pinakamalaking pagtaas ng sahod sa Metro Manila hanggang sa kasalukuyan, na makikinabang ang mahigit 1.1 milyong manggagawang tumatanggap ng minimum wage sa rehiyon.

Pinaalalahanan ni Tolentino ang mga employer na sundin ang bagong wage order, dahil ang hindi pagsunod ay may kaakibat na parusang itinakda ng batas.

 (DARIS JOSE)

Bahagi kasi ng protocol…VP Sara imbitado sa SONA ni Pangulong Marcos

Posted on: July 27th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NANATILING kabilang si Vice President Sara Duterte sa listahan ng mga VIP na inimbitahan sa ika-limang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong Lunes, Hulyo 27, kahit hindi inaasahang dadalo ito.

Ayon kay House Secretary Cheloy Garafil, bahagi ng protocol na imbitahan ang Bise Presidente sa SONA, kahit pa tinutuligsa nito ang Pangulo. Kinumpirma rin ni Garafil na naipadala na ang imbitasyon kay VP Sara para sa nasabing okasyon.

Noong Hulyo 16, iniulat ng Office of the Vice President (OVP) na lumipad si VP Sara patungong Qatar, United Kingdom (UK), at The Netherlands kung saan dadalawin niya ang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte, na nakakulong sa The Hague kaugnay ng kasong crime against humanity.

Matatandaang ilang beses nang iniwasan ni VP Sara ang SONA ni PBBM matapos kumalas ng suporta sa administrasyon. Huling dumalo ang Bise Presidente sa SONA noong Hulyo 2023, nang maayos pa ang relasyon ng dalawang pinakamataas na lider ng bansa.

Sa kasalukuyan, nahaharap si VP Sara sa paglilitis sa Senate Impeachment Court kaugnay ng mga Articles of Impeachment na inihain ng mga kaalyado ni Pangulong Marcos sa Kamara. Gayunman, kabilang pa rin siya sa mga VIP na inimbitahan sa taunang talumpati sa bayan, kasama ang mga dating Pangulo, mga opisyal ng Gabinete, foreign dignitaries, at iba pang mahahalagang personalidad.

Samantala, umaasa ang ilang kongresista na tatalakayin ng Pangulo sa kanyang SONA ang mga pangunahing isyu sa edukasyon, kalusugan, agrikultura, ekonomiya, at iba pang sektor. ( DARIS JOSE)