• August 17, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July, 2026

 MAHIGIT P61M HALAGA NG SMUGGLED NA SIGARILYO, NASABAT SA DAVAO DEL NORTE

Posted on: July 27th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

TINATAYANG ₱61 milyong halaga ng hinihinalang ipinuslit na sigarilyo ang nasabat sa Purok 5, Barangay Busaon, Tagum City, Davao del Norte sa isinagawang operasyon at nagresulta sa pagkakaaresto ng apat na suspek.

Ayon kay PCG Spokesperson Commodore Noemie Cayabyab, isinagawa ang operasyon matapos makatanggap ng intelligence report na isang Jungkong-type motorbanca ang nagdadala ng mga master case ng hinihinalang smuggled na sigarilyo sa kahabaan ng Libuganon River para ipamahagi sa iba’t ibang lugar sa Davao Region.

Bagama’t nakaalis na ang motorbanca bago dumating ang mga operatiba, nagsagawa ang mga awtoridad ng verification at surveillance na humantong sa pagkakadiskubre ng mga hinihinalang kontrabando at pagkakaaresto sa apat na suspek.

Nakumpiska ng mga operatiba ang 2,038 master case ng hinihinalang smuggled na sigarilyo na may tinatayang market value na ₱61,140,000.

Sa follow-up monitoring, naharang din ng mga awtoridad ang MV Alnel sa karagatang sakop ng Maco, Davao de Oro. Natuklasang walang laman ang barko at nabigong magpakita ng mga kinakailangang dokumento ang mga tripulante. Dahil dito, isinailalim sa kustodiya ng mga awtoridad ang sasakyang-pandagat para sa kaukulang legal na proseso.

Isinagawa ang operasyon sa pakikipag-ugnayan sa Criminal Investigation and Detection Group Regional Field Unit XI, Provincial Intelligence Unit–Davao del Norte , Regional Special Operations Group 11, at Tagum City Police Station. (Gene Adsuara)

TNVS SUV, NAGLIYAB DRIVER AT PASAHERO LIGTAS

Posted on: July 27th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAGLIYAB ang isang Hyundai Stargazer na ginagamit bilang TNVS sa northbound lane ng MacArthur Bridge, malapit sa FEATI University College sa Maynila, Biyernes ng madaling araw.

Ayon sa driver na si Denver, 35-anyos, may sakay siyang isang pasahero at patungo na sana sa Rizal Avenue nang biglang umusok ang sasakyan at mawalan ng andar bandang alas-4:10 ng madaling araw.

Ilang sandali pa ay sumiklab ang apoy sa bahagi ng makina kaya agad silang lumabas ng sasakyan.

Kapwa ligtas ang driver at ang kanyang pasahero at walang naitalang nasugatan sa insidente.

Mabilis namang rumesponde ang Bureau of Fire Protection, katuwang ang Quiapo Fire Volunteer Brigade, at tuluyang naapula ang sunog bandang alas-5:03 ng madaling araw.

Halos matupok ang harapang bahagi ng SUV dahil sa lakas ng apoy. Patuloy pang inaalam ng mga kinauukulan ang sanhi ng insidente.

(Gene Adsuara)

649 Valenzuelanos, hired-on-the-spot sa mega job fair

Posted on: July 27th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

UMABOT sa 649 Valenzuelanos na naghahanap ng trabaho ang kaagad natanggap sa trabaho sa isinagawang mega job fair ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Wes Gatchalian, bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-157 kaarawan ni Dr. Pio Valenzuela.

Ang Local at Overseas Mega Job Fair ay inorganisa ng Public Employment Service Office (PESO), katuwang ang DOLE-NCR CAMANAVA at ang tanggapan ni Senate President WIN Gatchalian, na may One-Stop-Shop Pre-Employment Services na isinagawa sa ALERT Multi-Purpose Center Hall, Barangay Malinta.

Sa 1,909 Valenzuelanong aplikante, 649 (384 babae; 265 lalaki) ang hired on the spot (HOTS) mula sa 53 local at overseas na mga sumaling kumpanya. 

Sa pamamagitan ng programang ito, muling pinagtibay ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang patuloy nitong layunin na makapagbigay ng mas maraming oportunidad sa trabaho at mapalapit ang mga kaakibat nitong serbisyo para sa mga Valenzuelano. (Richard Mesa)

276 hired on-the-spot sa mega job fair sa Caloocan

Posted on: July 27th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

UMABOT sa kabuuang 276 job applicants ang hired on-the-spot sa isinagawang Mega Job Fair ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan na ginanap sa Caloocan Sports Complex. Pinasalamatan ni Mayor Along Malapitan ang Public Employment Service Department at mga katuwang kumpanya sa paglalapit ng trabaho at pagtitiwala sa kakayahan ng mga Batang Kankaloo. (Richard Mesa)

LTFRB: Magkakaroon ng konsultasyon sa mga PUVs

Posted on: July 27th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

INUTUSAN ng Department of Transportation (DOTr) sa pangunguna ni DOTr Secretary Giovanni Lopez ang Land Transportations Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magkaroon ng konsultasyon sa mga operators at drivers ng public utility vehicles (PUVs) upang talakayin ang kanilang petisyon para sa pagtataas ng pamasahe.

“I ordered the LTFRB to initiate consultations in connections with pending fare hike petitions of the drivers and operators of public utility vehicles, primarily the public utility jeepneys (PUJs),” wika ni Lopez.

Dahil dito ay magkakaron ng recomputation ang LTFRB upang magkaroon ng tamang adjustments dahil sa tumataas ng presyo ng produktong petrolyo. Ang recomputation ay based sa naka-pending na petisyon ng mga grupo sa transportasyon na nagkakahalaga ng ten-peso fare hike.

Gagawin ang ganitong aksyon dahil na rin sa kautusan ni President Ferdinand Marcos na pag-aralan kung paano mababalanse ang kapakanan ng mga drivers at mga pasahero dahil sa hinaharap na pagtataas ng pamasahe.

Sinabi rin ni Marcos na ang LTFRB ay kailangan magsimula ng proseso kung saan maaari ring magkaroon ng posibilidad na mapalawak ang tulong na ibibigay ng pamahalaan tulad ng fuel subsidy o di kaya ay fuel discount.

“In that way, we can help manage inflation. I believe the president will also take up and address this issue, as it is a priority for him,” saad ni Lopez.

Binigyan diin ni Lopez ang kahalagahan ng masusing pag-aaral sa petisyon na inihain ng grupong Manibela at iba pang asosasyon sa transportasyon. Dapat na bigyan pansin ang magiging epekto nito sa inflation na siya ngayon kinababahala ng mga mamamayan ng bansa.

“The complication right now is that we also have to address inflation. In a recent survey, one of the top concerns of our fellow Filipinos is how to manage inflation because it will greatly affect the prices of commodities,” dagdag ni Lopez.

Dagdag naman ni LTFRB chairman Vigor Mendoza na dapat ay may mga factors na dapat bigyan ng konsiderasyon tulad ng kakayanan ng mga pasahero sa pagbabayad ng karagdagan pasahe at epekto ng inflation sa gagawing fare adjustment.

Samantala, ang Manibela naman ay humihiling sa LTFRB na alisin ang suspensyon sa P1 jeepney fare increase at payagan pa ang karagdagan P1 upang magkaroon ng P2 the minimum increase sa pamasahe.

Tinatawagan din nila ang pamahalaan na tanggalin ang excise at value-added taxes sa mga produktong petrolo upang bumaba ang presyo nito.

Nang nakaraang linggo ay nagtaas ang mga kumpanya ng langis kung saan nagkaroon ng maximum price increase ang diesel na nagkakahalaga ng P10.68 kada litro habang ang gasolina ay tumaas ng P3.65 at ang kerosene ay tumaas ng P11.77 dahil sa patuloy na kaguluhan sa middle east. LASACMAR

2 tambay, huli sa aktong bumabatak ng droga sa Valenzuela

Posted on: July 27th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

KULUNGAN ang kinasadlakan ng dalawang drug suspects nang maaktuhang gumagamit umano ng iligal na droga sa magkakahiwalay na lugar sa Valenzuela City.

Sa ulat ni Police Investigator PSSg Alfredo Mendoza III, nagsasagawa ng Anti-Criminality Operation ‘Oplan Galugad’ ang mga tauhan ng Police Sub-Station 3 nang maaktuhan nila si alyas “Joey”, 43, na sumisinghot umano ng shabu sa loob ng isang nakaparadang tricycle sa Libra St., Brgy., Marulas dakong alas-9:50 ng gabi.

Nasamsam sa kanya ang isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, isang nakabukas na plastic sachet na may bahid ng shabu, at mga drug parapernalya.

Nauna rito, dakong alas-7:55 ng gabi nang mahuli din sa akto ng mga tauhan ng Police Sub-Station 2 si alyas “Angel”, 34, na gumagamit rin umano ng shabu sa Lower Tibagan, Barangay, Gen T De Leon.

Nakumpiska sa suspek ang isang plastic sachet na may bahid ng hinihinalang shabu at mga drug parapernalya.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Patuloy na hinihikayat ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento ng publiko na makiisa sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa pamamagitan ng maagap na pagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga taong may kahina-hinalang gawain.

 (Richard Mesa)

PDEA, DDB NAGHATID NG TULONG SA BATAAN COMMUNITY NA NAKATUKLAS SA FLOATING SHABU NA BILYON ANG HALAGA

Posted on: July 27th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAGHATID ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ang Dangerous Drugs Board (DDB), ng essential government services sa mga residente ng Barangay Sisiman, Mariveles, Bataan, bilang pasasalamat sa komunidad na ang katapatan at pagbabantay ay nakatulong sa isa sa pinakamahalagang pagsisikap sa bansa laban sa ilegal na droga.

Ang community outreach program, sa pangunguna nina DDB Chairman Secretary Oscar F. Valenzuela at PDEA Director General Undersecretary Isagani R. Nerez, ay nagbigay sa mga residente free medical consultations, legal assistance, haircuts, coffee, at information on drug rehabilitation and intervention services. Nakatanggap din ang mga pamilya ng mga supot ng bigas, tsinelas, damit sa pamamagitan ng isang ukay-ukay drive, at mga gamit sa paaralan para sa mga bata.

Dumalo sa aktibidad ang mga kinatawan mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), DDB, at mga katuwang na non-government organization, na nagbigay-diin sa whole-of-nation approach ng gobyerno sa pagsusulong ng kapakanan ng komunidad at pagpapalakas ng kampanya laban sa ilegal na droga.

Kinikilala ng inisyatibong outreach ang huwarang integridad ng mga mamamayan ng Barangay Sisiman, lalo na ang 10 mangingisda na, noong Hunyo 2, 2025, ay nagsuko sa mga awtoridad ng humigit-kumulang ₱1.514 bilyong halaga ng methamphetamine hydrochloride, o shabu matapos matuklasan ang mga ilegal na droga na lumulutang sa karagatan ng Masinloc, Zambales. Ang kanilang katapatan ay pumigil sa mga ilegal na droga na makarating sa mga komunidad at malaki ang naitulong sa kampanya laban sa droga ng gobyerno.

“This outreach program is our way of expressing our sincere gratitude to the people of Barangay Sisiman. Their decision to report and surrender the illegal drugs demonstrated that ordinary citizens play an extraordinary role in protecting our communities. Their honesty serves as an example that patriotism begins with doing the right thing, even when no one is watching.” sabi ni Undersecretary Nerez.

Binigyang-diin niya na ang aktibidad ay kumakatawan sa higit pa sa paghahatid ng mga pangunahing serbisyo ng gobyerno. “Today is about recognizing a community that stood with the government in safeguarding our nation from the threat of illegal drugs. We are here not only to provide assistance but to honor the trust, courage, and civic responsibility shown by the people of Sisiman. When communities and government work together, we become stronger in defeating the drug menace.”

Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na paigtingin ang kampanya laban sa ilegal na pagpupuslit ng droga, patuloy na pinalalakas ng PDEA ang partnerships with local government units, law enforcement agencies, at coastal communities upang maiwasan ang pagsasamantala sa katubigan ng Pilipinas bilang mga ruta ng transportasyon at mga lugar ng pagbababa ng malalaking dami ng ilegal na droga. (PAUL JOHN REYES)

Fuel discount sa PUVs tataasan

Posted on: July 27th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

IKINOKONSIDERA ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagpapalawig at pagtaas ng fuel discount para sa mga pampublikong sasakyan, sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo bunsod ng nagpapatuloy na gulo sa Middle East.

Ayon kay LTFRB Chairman Vigor D. Mendoza, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng ahensiya sa iba’t ibang concerned agencies upang matulungan ang public transport sector sa epekto ng oil price hike. Bukod sa recomputation ng pasahe, tinatalakay rin ang posibilidad ng sustaining, expanding at increasing ng fuel discount bilang alternatibong hakbang.

“We are factoring everything in the conduct of review and recomputation, and this includes the fact that it is difficult to do so because the situation in the Middle East remains unpredictable and unstable,” pahayag ni Mendoza.

Sa kasalukuyan, nasa P10 kada litro ang fuel discount na ibinibigay sa mga passenger jeepneys at UV Express. Mahigit 87,000 PUVs na ang nakinabang dito, mula sa kabuuang 143,000 na nakalista sa sistema.

May mga panukalang palawakin at dagdagan pa ang discount upang makatulong sa dagdag na gastusin sa operasyon, na matagal nang hiling ng sektor ng PUVs. Aminado si Mendoza na kakailanganin ng malaking budget para maisakatuparan ang programa.

“Increasing and expanding the fuel discount is the most logical and practical measure in the middle of the uncertainty on the situation in the Middle East. This will be factored in the ongoing discussions,” dagdag pa ng LTFRB chairman.

Una nang nangako ang LTFRB na bibilisan ang diskusyon sa panukalang dagdag-pasahe. Para sa mga pampasaherong jeep, target ng ahensiya na maitaas sa P5 ang minimum na pasahe.

Tumulong angfoundation nila sa 10beneficiary organizations…LOVE KRYZL, nagningning sa matagumpay at makabuluhang 10th birthday concert (ni:ROHN ROMULO)

Posted on: July 25th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

ISANG hindi malilimutang gabi ng musika, inspirasyon, at pagbabahagi ang nasaksihan sa “Xtraordinary Kryzl: Born to Shine” 10th Birthday Concert ng Little CEO at young performer na si Kryzl Jorge, na ginanap sa Samsung Hall, SM Aura, Bonifacio Global City, Taguig.

Sa murang edad na 10, ipinamalas ni Kryzl ang kanyang pambihirang talento sa singing at dancing, kasabay ng dedikasyon, disiplina, at passion na kanyang hinubog sa loob ng ilang buwang paghahanda. Isa sa pinakamalalaking tampok ng concert ang official launch ng kanyang 10 original songs, na bawat isa ay may dalang mensahe ng pag-asa, kabutihan, pangarap, at positibong pananaw sa buhay.

Sa kabila ng pagsabay sa pag-aaral at masinsinang rehearsal schedule, pinatunayan ni Kryzl na sa pamamagitan ng tiyaga at sipag, kayang maabot ang anumang pangarap. Mas lalo pang naging inspirasyon ang kanyang paglalakbay dahil sa walang sawang suporta ng kanyang pamilya at ng buong Kryzl Group of Companies, na patuloy na humuhubog sa kanyang pagmamahal sa musika, leadership, at service.

Higit pa sa pagpapakita ng talento, ang “Xtraordinary Kryzl: Born to Shine” ay naging selebrasyon ng layunin, malasakit, at pag-asa—isang patunay na kahit bata pa ay kayang magbigay-inspirasyon at makagawa ng positibong pagbabago.

Nasaksihan ng audience ang isang pambihirang musical journey habang halos lahat ng 10 original songs ni Love Kryzl ay kanyang itinanghal. Binuksan ang programa sa pamamagitan ng masiglang Purple Hearts Jingle, na ipinakilala ng celebrity host na si Diane Medina, na nagpapanatili ng kasiyahan ng audience sa pamamagitan ng interactive games, exciting prizes, at iba pang masayang bahagi ng programa.

Opisyal na sinimulan ang concert sa isang high-energy performance ng “No Rush,” kasama ang mga mananayaw ng GAU Entertainment. Sinundan ito ng “Crush on You,” kung saan nakasama ni Kryzl sa entablado sina Josh Ford at Kira Balinger, na umani ng masigabong palakpakan mula sa audience.

Nagtanghal din si Kryzl ng mga heartfelt duet kasama ang kanyang special guests, kabilang ang “Opo, Thank You Po” kasama si Queenay Mercado at “Hugs, Breathe, Smile” kasama si Rachel Ann Pegaso. Ang huling awitin ay inialay sa 10 beneficiary organizations ng Purple Hearts Foundation, na naging isa sa pinakanakaaantig na bahagi ng gabi.

Isa pang tampok na performance ang “Perfect Summer” ng The Jorge Siblings, na mas lalong naging espesyal sa pamamagitan ng father-and-daughter dance nina Jhong Hilario at Sarina Hilario. Nagbahagi rin si Jhong ng isang inspiring message bilang pagpapahayag ng patuloy na suporta ng Purple Hearts family sa journey ni Sarina, habang pinuri rin niya si Kryzl sa kanyang mga kahanga-hangang tagumpay sa murang edad.

Isa sa pinakaemosyonal na bahagi ng concert ang performance ni Kryzl ng “Hearts in Bloom,” isa sa kanyang newest original songs. Ang kanyang taos-pusong pag-awit at expressive stage performance ay labis na nakaantig sa audience at naging patunay ng kanyang paglago bilang isang batang recording artist.

Bilang bahagi ng taunang adbokasiya ng Purple Hearts Foundation, bahagi ng pagdiriwang nang ika-10 kaarawaan ni Kryzl ang pagtulong sa 10 beneficiary organizations na kinabibilangan ng Kanlungan ni Maria, Patuco Church, SPEEd, Tahanang Balik-Alay, God’s Little Angels, Colegio de San Rafael, Guanella Home for Special Children, Archdiocese of Peñafrancia, Animal Kingdom Foundation (AKF), at Baon Mo, Sagot Ko. 

Nagtapos ang concert sa awiting “Birthday LOVE,” kung saan nakasama ni Kryzl sa entablado ang kanyang buong pamilya. Ang emosyonal na finale ay sumasalamin sa mensahe ng pasasalamat, pagmamahal, generosity, at kahalagahan ng giving back sa komunidad.

Hindi naman sila nagmamadaling magkarelasyon…DUSTIN, umaming naghihintay lang na sagutin ni BIANCA (ni: ROMMEL GONZALES) 

Posted on: July 25th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

HALOS langgamin sa sweetness tuwing magkasama, pero ayon mismo kina Dustin Yu at Bianca de Vera, wala pa silang relasyon bilang magkasintahan.

Hindi naman raw sila nagmamadali.

Ayon kay Dustin sa recent guesting nila “Fast Talk With Boy Abunda”, “Honestly Tito, naghihintay na lang talaga ako ng sagot.

“And kung talagang kailangan ko maghintay habang buhay, gagawin ko!”

Ayon pa sa Sparkle actor, ang mahalaga ay ini-enjoy nila ni Bianca ang kanilang samahan.

Sinabi naman ni Bianca na hindi sila nagmamadali ni Dustin na dalhin na sa next level ang friendship nila.

Lahad ng dalaga, “I think hindi rin naman kami nagmamadali. I mean, we have so much time together.

“I mean, Dustin is a great guy. I think he is the most consistent man I’ve ever met in my whole life, well of course besides my dad.

“Grabe din kasi manindigan si Dustin, which I admire very much.”

Ang mga proyektong pinagsamahan na ng DustBia (Dustin at Bianca) ay ang unang season ng “Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition”, ang “The Secrets of Hotel 88”, sa music video ng The Juans para sa Ngiti at music video ng Lily para sa Kinakabahan.

Isasagawa naman ang “DustBia Love, Actually” fan meet sa New Frontier Theater sa Quezon City sa August 8.