• August 18, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July, 2026

‘Hindi tayo racist, hindi sinungaling’- PBBM

Posted on: July 29th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

IGINIIT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang mga Pilipino ay hindi racist at hindi rin sinungaling, kasunod ng muling pag-init ng tensyon sa dagat laban sa China na patuloy na tumatanggi sa 2016 Arbitral Award na nagbasura sa kanilang pag-aangkin sa West Philippine Sea.

“Filipinos are a noble, kind, gracious, and great race. We are not greedy. We are not ra­cists. We are not liars. We are respectful, and we are dignified. We are Filipinos, and we do not yield,” pahayag ng Pangulo sa kanyang ika-limang State of the Nation Address (SONA).

Nitong nakaraang linggo, nagkaroon ng banggaan sa Ayungin Shoal sa pagitan ng mga sundalong Pilipino at Tsino — ang unang seryosong insidente sa dagat matapos ang ­ilang buwan. Ayon sa pamahalaan, inatake ng China Coast Guard ang mga Pilipinong sundalo malapit sa barkong nagsisilbing garison sa pinag-aagawang Shoal.

Sa parehong buwan, naghain ang Maynila ng diplomatic protest laban sa Beijing dahil sa isang “racist” na video ng Chinese state media na inilalarawan ang Pilipinas bilang isang cartoon na unggoy.

Binigyang-diin ni Marcos na ang Arbitral Award, na kamakailan ay nagmarka ng ika-10 taon, ay “final and binding” at nagsisilbing pamantayan sa interpretasyon ng UNCLOS.

“Ito ay hindi lamang ­ating isinusulong, at higit sa lahat, hindi natin ito tatalikuran,” giit ng Pangulo.

Dagdag pa niya, gagawin ng pamahalaan ang lahat ng kinakaila­ngang hakbang upang ipagtanggol ang Award sa pamamagitan ng mapayapa at legal na ­paraan laban sa anumang pagtatangka, lokal man o dayuhan, na pahinain ang tagumpay na ito.

NLEX, nanatiling walang talo sa PBA Governor’s Cup

Posted on: July 28th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NANATILING walang talo ang NLEX Road Warriors matapos nitong pigilan ang San Miguel Beermen para makuha ang 110-96 panalo sa PBA Season 50 Governors’ Cup nitong Linggo.

Pinangunahan ni DeQuan Jones ang NLEX sa kanyang 27 points at 10 rebounds, habang nakapagambag si Schonny Winston ng 24 points para tulungan ang koponan na makuha ang ikaapat na sunod na panalo at manatili sa liderato ng Group A.

Muntik makabalik ang San Miguel matapos bawasan ang 25 points na kalamangan ng NLEX sa pangunguna ni Don Trollano, ngunit hindi nagpatalo ang Road Warriors at sinelyuhan ang panalo sa pamamagitan ng last three point sa first three quarters ng laro.

Nanguna naman para sa Beermen si George King na may 31 points, habang nagtala sina Trollano ng 16 at June Mar Fajardo ng 15 points.

Ito ang unang talo ng San Miguel matapos ang pagbabalik ni coach Leo Austria, na patuloy pa ring nagpapagaling matapos ang angioplasty.

Pennsylvania governor, ideklara bilang ‘LeBron James Day’ ang araw na pumirma si James ng kontrata sa Sixers

Posted on: July 28th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

IDINEKLARA ng State of Pennsylvania ang araw ng pagpirma ni Lebron James sa kaniyang kontrata sa Philadelphia 76ers bilang ‘Lebron James Day,’ July 24.Mga Gabay sa Paglalakbay at Travelogue

Agad naglabas ng proclamation si Commonwealth of Pennsylvania Governor Josh Shapiro para sa bagong deklarasyon, bilang pagkilala sa record-breaking career, mga hindi matutumbasang nagawa, at inaasahang magandang kinabukasan niya sa Philadelphia.

Binalikan ng gobernador ang mga record ni Lebron tulad ng pagkakabulsa ng apat na Championship, all-time leading scorer ng NBA mula pa noong 2023, maraming MVP awards, tatlong Olympic gold, at 22 beses na All-Star player.

Hindi rin aniya nagpahuli ang NBA superstar sa pagtulong sa mga komunidad sa pamamagitan ng iba’t-ibang mga programa na siya mismo ang nagsimula at nagpaunlad.

Kabilang dito ang pagtulong sa mga out-of-school youth na magkaroon ng mas magandang kinabukasan, pagbibigay ng scholarship at college support sa mga estudyante, pagtatayo ng mga pabahay, pagbibigay ng pagkain, medisina, at iba pang serbisyo.

Lahat ng ito, ayon kay Gov. Shapiro, ay pawang nagpapakita at nagpapatunay sa mga kawanggawa na pinangungunahan ng 4-time champion.

Lahat ng tulong ng superstar aniya ay pinapahalagahan hindi lamang ng libu-libong kabataan at pamilya na kaniyang natulungan kundi mga komunidad at fans na sumusuporta sa kaniya.

Maaalalang pumirma ng $8 million contract si Lebron para sa dalawang taon, kasama ang Philadelphia kung saan makakasama na niya ang dalawang kapwa MVP na sina Joel Embiid at Jalen Brown.

Fulll-blown investigation sa Davao flood control scandal

Posted on: July 28th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NANAWAGAN si ACT Teachers Party-list Representative at Deputy Minority Leader Antonio Tinio sa Ombudsman na i-fast track ang imbestigasyon sa flood control scandal sa Davao City, kasunod ng matinding pagbaha kamakailan na nakaapekto sa mga residente.

“Davao residents were hit again by massive flooding the other day, devastating residents and their property. This catastrophe could have been prevented if billions in public funds were not squandered on ghost and questionable flood control projects. I hope that the Ombudsman can fast track its investigation on this and file appropriated charges against the culprits,” ani Tinio.

Matatandaan na nitong Mayo, hiniling ni Tinio sa Ombudsman na imbestigahan ang Davao at Matina River flood control projects, sa inihain nitong House Resolution, dokumento at findings sa P4.44 bilyong red flags.

Sa liham nito kay Ombudsman Jesus Crispin C. Remulla, hinikayat ng mambabatas ang agarang imbestigasyon sa alegasyon ng anomalya.

Nirebyu ng ACT Teachers ang nasa 121 flood control projects sa Davao at Matina Rivers mula 2019 hanggang 2022.

Sinabi ni Tinio na nasa 80 kontrata na nagkakahalaga ng P4.44 billion ang nired-flagged ng partylist dahil sa ilang iregularidad kabilang na ang total overlap of contracts on identical river sections (P135M); double funding kung saan parehong project ang dobleng lumabas sa 2020 GAA at naibigay sa iba’t ibang contractors (P115M); location changes at shortened project lengths sa kabila ng near-full payment (P425M); contracts lacking specifications tulad ng station numbers o defined lengths (P3.56B); contracts with no corresponding GAA line item (P623M); at incomplete projects long past expiry dates (P713M), kabilang na yaong nabigyan ng “100% complete” habang “On-Going,” at isang project na nai-ulat na nakumpleto lamang ng 64% matapos ang limang taon.

“These red flags strongly point to possible ghost projects, double payment, illegal expenditures, and systematic shortchanging—enabled by the absence of verifiable specifications. That is why we are urging the Ombudsman to prioritize physical verification along the Davao and Matina rivers and establish clear accountability,” sabi ni Tinio.

“Lahat ng sangkot, dapat managot!” ani Tinio. “Unahin dapat ang aktuwal na beripikasyon sa Davao River at Matina River. Ilantad dapat ang mga ghost project, dobleng pondo, at pagkukulang sa proyekto. Panagutin dapat ang mga opisyal at kontratistang kumita habang nalalagay sa peligro ang mga taga-Davao.”

Umapela pa si Tinio sa Ombudsman na bigyan ng priority attention ang mga incomplete projects at na-tag na “100% complete” ngunit namarkahan ng “On-Going.”

(VINA de GUZMAN)

PBBM, ipinagmalaki ang maraming bilang na government-organized job fairs sa gitna ng krisis

Posted on: July 28th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SINABI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa kanyang ika-5 State of the Nation Address (SONA), araw ng Lunes, Hulyo 27, binigyang diin ng Chief Executive na halos 100 job fairs ang inorganisa ng gobyerno para sa mga Filipino job seekers noong Araw ng Paggawa sa gitna ng tumataas na presyo ng langis.

“Marami ang naapektuhan o kaya’y nawalan ng trabaho sa panahong ito,” ayon sa Pangulo.

Kaya aniya, tuloy-tuloy ang pagsasagawa niya ng mga job fair sa buong bansa.

Sa katunayan, nito lamang Mayo , Araw ng Paggawa at kasagsagan ng mataas na presyo ng krudo, nagsagawa aniya siya ng halos 100 job fairs kung saan halos 300,000 trabaho ang pinagbibigay-alam sa publiko.

“Sa isang araw ng job fair na ito, lagpas sa 6,000 Pinoy ang hired-on-the-spot.

Dito rin aniya niya ipinamamahagi ang mga suweldo para sa mahigit na 100,000 benepisaryo at nagtrabaho sa ilalim ng Integrated Livelihood and Emergency Employment Programs and Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers programs ng DOLE. ( DARIS JOSE)

Rep. Erice: “Hindi na bagong pangako ang kailangan ng bayan—katotohanan, pananagutan at tunay na reporma”

Posted on: July 28th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

BAGO ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., inihayag ni Caloocan 2nd District Representative Edgar “Egay” Erice na hindi sapat ang panibagong listahan ng mga pangako. Ang hinihintay aniya ngayon ng sambayanang Pilipino ay malinaw na mga sagot sa mga isyung matagal nang bumabagabag sa bansa.

“Apat na taon na ang administrasyong ito. May tatlo na tayong SONA na puno ng magagandang pangako—murang pagkain, modernisadong agrikultura, mas maraming trabaho, paglaban sa korapsyon, repormang pampulitika, at mas mahusay na pamamahala. Ang tanong ngayon ay: alin ang tunay na natupad at alin ang nanatiling pangako lamang?” ani Erice.

Ayon kay Erice, may ilang hakbang na nararapat kilalanin, gaya ng pagbabawal sa POGO operations at pagpapatuloy ng ilang malalaking infrastructure projects. Ngunit sa mga pinakamahahalagang pangako ng Pangulo, lalo na sa usapin ng katiwalian at repormang pampamahalaan, marami pa ring hindi nasasagot.

“Ang pinakamalaking pangako ng Pangulo noong 2025 SONA ay ang paglilinis ng sistema matapos niyang sabihin ang tanyag na ‘Mahiya naman kayo’ laban sa mga umano’y sangkot sa anomalya sa flood-control projects. Hanggang ngayon, nais marinig ng taumbayan ang buong katotohanan.”

Sinabi ni Erice na sa kanyang pananaw, ito ang mga tanong na dapat sagutin ng Pangulo sa kanyang SONA:

Una, ano ang buong katotohanan tungkol sa mga infrastructure at flood-control appropriations mula 2023 hanggang 2025? Magkano ang pondong nasayang, na-divert, o hindi nagamit nang maayos? Paano ito nangyari, at ano ang naging resulta ng mga imbestigasyon?

Ikalawa, ano na ang naging bunga ng kampanya laban sa corruption? Nasaan na ang mga ipinangakong “big fish”? Ano ang naging resulta ng mga kasong isinampa at ng mga imbestigasyong isinagawa?

Ikatlo, handa bang tiyakin ng Pangulo na ang lahat ng opisyal na maaaring may pananagutan—anumang posisyon ang kanilang hawak o hinawakan—ay sasailalim sa patas, independiyente, at transparent na imbestigasyon batay sa ebidensiya?

Ikaapat, bakit hanggang ngayon ay wala pa ring ganap na institutional reforms laban sa korapsyon? Ano na ang nangyari sa panukalang Independent People’s Commission laban sa infrastructure corruption? Ano na ang estado ng CADENA Act na magbibigay ng ganap na transparency sa national budget?

Ikalima, ano na ang nangyari sa ipinangakong Anti-Political Dynasty Law? Halos apatnapung taon nang inaatasan ng Konstitusyon ang Kongreso na ipatupad ito. Kung seryoso tayo sa reporma, dapat wakasan ang monopolyo ng kapangyarihan ng iilang pamilya.

Ikaanim, ano ang pangmatagalang plano ng administrasyon laban sa inflation? Hanggang ngayon ay ramdam pa rin ng maraming Pilipino ang mataas na presyo ng pagkain, kuryente, pamasahe, at iba pang pangunahing pangangailangan.

Ikapito, ano ang malinaw na polisiya ng Pilipinas sa gitna ng lumalalang tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at Tsina? “Kailangan nating marinig na ang bawat hakbang sa ating foreign policy ay nakabatay lamang sa pambansang interes—sa ating soberanya, seguridad, ekonomiya, at kapayapaan,” ani Erice.

Ikawalo, panahon na bang baguhin ang direksiyon mula sa kulturang umaasa sa ayuda tungo sa ekonomiyang lumilikha ng disenteng trabaho, negosyo, at pangmatagalang kabuhayan? “Ang ayuda ay mahalaga sa panahon ng kalamidad at emerhensiya, ngunit hindi ito dapat maging pangunahing estratehiya laban sa kahirapan. Mas kailangan ng Pilipino ang oportunidad kaysa permanenteng pag-asa sa ayuda,” dagdag niya.

Ayon kay Erice, ang tunay na sukatan ng isang SONA ay hindi ang ganda ng talumpati kundi ang katapatan nitong harapin ang mga hindi pa nalulutas na problema ng bansa. (Richard Mesa)

PBBM, gustong tanggalin ang electricity system loss charges na ipinasa sa mga konsyumer

Posted on: July 28th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tanggalin na ang electricity system loss charges na ipinasa sa mga konsyumer.

Ito ang inihayag ni Pangulong Marcos sa kanyang ika-5 State of the Nation Address (SONA), araw ng Lunes, sa Batasang Pambansa. 

“Pinapasa ito sa consumer at kinakarga sa bill na pinapatungan pa ng value-added tax. Hindi naman kasalanan ng consumer kung bakit nagkaroon ng system loss,” ayon kay Pangulong Marcos sabay sabing “Kaya hindi naman tama na kailangan sila pa ang pagbabayarin dito.”

Kaya nga, ang hiling ng Pangulo ay agad na amyendahan ang EPIRA.

“Therefore, we, the people, request – no, we demand for the immediate amendment of the EPIRA, and to prohibit charging system loss against consumers including the value-added tax thereon,” aniya pa rin.

Ang system loss ay nawawalang kuryente mula generation papunta sa bahay.  

(DARIS JOSE)

Kahit wala nang kinabibilangang management…JULIA, ‘di magsusunog ng tulay dahil ‘open to opportunities’ (ni: ROHN ROMULO) 

Posted on: July 28th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

KAHIT wala nang kinabibilangang management, tiniyak ni Julia Barretto na open siyang tumanggap ng trabaho sa lahat ng network at production houses na naging part ng kanyang showbiz career.

“It’s a good time in my life to be able to explore and work with everyone kasi lahat may magandang istorya, and gusto ko ma-grab opportunity na ‘yun kapag naisip nila ako para sa proyekto,” ayon sa naging panayam sa kanya kamakailan. 

“‘Wag natin gamitin ‘yung word na [freelancer] ‘yun. Gamitin natin na open to opportunities,” dagdag pa ni Julia.Say pa niya, ‘di siya magsusunog ng tulay dahil malaki ang utang na loob niya sa lahat nang nagbigay sa kanyang projects.“I don’t wanna burn bridges. You know why? Sa lahat ng network, management production house, naalagaan ako, naprotektahan ako, naging mabuti and sobra akong grateful,” pahayag pa ng anak nina Dennis Padilla at Marjorie Barretto.

“Andon pa din ‘yung desire ko na makipagtrabaho sa lahat from Viva, to Star Cinema, to Regal with all the production houses. 

“Gusto kong patuloy pa rin iyong trabaho, basta naman may magandang istorya.”

Samantala, first time niyang makakasama si Diamond Star si Maricel Soriano upcoming horror movie na “Haunted Carnival,” ito rin ang first movie niya sa Regal Entertainment.

Makakasama nila sa movie sina John Arcilla, James Reid, Fyang Smith, Joaquin Arce, Celyn David, at Charlie Fleming.

Ang “Haunted Carnival” ay isa sa official entries sa 52nd Metro Manila Film Festival (MMFF) na mapapanood sa mga sinehan sa December 25. 

Inaabangan na sila sa Lollapalooza Music Festival… SB19, kasama na ng BINI bilang Department of Tourism ambassadors (ni: ROSE GARCIA) 

Posted on: July 28th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

TAMA ang mga hula. 

Pero sa isang banda, parang nakakaloka rin naman kung sakali at hindi sila ha.

Ang global P-pop Powerhouse SB19 ang bagong Department of Tourism ambassadors. Ang SB19 na talaga ang halos unanimous na hula ng mga netizen nang maglabas ng five goats emojis ang DOT noong July 23 sa kanilang mga social media accounts. 

Ni-recognize ng DOT ang SB19 not only as a source of national pride, but as the country’s finest representatives of Filipino culture.

Pinadalhan din ng DOT ang grupo na kinabibilangan nina Stell, Pablo, Justin, Ken at Josh ng “Galingbayan” box bilang send-off for their US and Japan tour leg. Umalis na nga sila last Monday for the Lollapalooza Music Festival. 

Bilang Tourism Ambassadors, makikipag-collab or work ang SB19 sa DOT para ma-promote pa at ma-convince, lalo na ang nga A’TIN worlwide to come and visit the different places in the Philippines.

Bukod sa SB19, nauna nang ibinalita ng DOT na kinuha nila ang BINI bilang ambassadors. 

***

Chinese film na “Dear You” massive hit

MASSIVE hits pala ang Chinese film na “Dear You” that is set from 1950’s. 

Hindi nga rin siya makokonsider from the mainstream dahil ang movie ay originally in Teocheow dialect, sa may Eastern part ng China. 

Una itong nag-premiere sa Shantou noong April 17, followed by a national theatrical release in China last May 3. From ¥1.4 million na budget ng movie, kumita na ito ng ¥1.9 billion. Making it the number 1 Chinese film.

Kuwento ito ng isang young Chinese man na pumunta ng Thailand to locate his long-lost granfather. Pero ending, iba ang na-uncover niya na siyang dapat alamin sa movie.

Bida rin dito ang lola na bida sa hit Thai movie na “How to Make Millions before Grandma Dies” na si Usha Seamkhum. Aba, may box-office appeal pala siyang talaga. 

Sa Pilipinas, sa August 12 ito regular na mapapanood sa mga sinehan. Pero meron muna itong special screenings sa SM Mall of Asia IMAX sa August 5 at sa SM North sa August 8.

Ang President ng FFCCCII at member ng Anvil Business Club na si William Lim Jr., ay naniniwalang magandang mapanood ng mga Pinoy ang movie dahil makaka-relate rin dito ang nga OFW at pwedeng maging bridge sa conflict ng dalawang bansa ngayon sa ilang issues tulad ng WPS.

Nagsimula ang isyu sa post ng asawa, ’the best year SARAH, pinagdududahang buntis na sa first baby nila ni MATTEO (ni: REY PINEDA) ever’…

Posted on: July 28th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

BUNTIS nga ba si Sarah Geronimo?

Marami kasing naglalabasang balita sa social media tungkol dito.  Ang espekulasyon ay gawa ng mga fans ng singer/actress.

Ayon sa balita, nagsimula ang isyu tungkol sa nasabing pagbubuntis ng mag-post si Matteo Guidicelli.     

Binati ni Matteo si Sarah para sa kanyang 38th birthday nitong July 25, 2026 sa kanyang social media account.  

Ang nagbigay kulay ay ang post nitong “the best year ever”. Kasabay ng post, ang mga latest videos ni Sarah. 

Isa sa mga dumagdag sa espekulasyon ay ang pagkansela nito sa dapat sanang show nito para sa isang music festival. Hindi raw iyon makakabuti para sa kanyang kalusugan at pinagpapahinga raw ito ng kanyang doktor.     

At ang lalong nagpatindi sa isyu ay ang pagbabati nina Sarah at ng kanyang mga magulang na sina Daddy Delfin at Mommy Divine Geronimo. 

Kung saan may mga in-upload pang video kung saan makikitang nag-duet sina Sarah at ang kanyang ama.

Kung totoo man ang isyu, ano naman ang masama dun?     

May asawa naman si Sarah, at hindi naman lihim yon.     

Kunsabagay, karapatan naman ni Matteo na pangalagaan ang kanyang binubuong pamilya. Hindi naman natin siya masisisi kung ililihim muna nila ang totoo.

Well, hintayin na lang natin sa mga susunod na buwan kung lolobo talaga ang tiyan ni Sarah.

***

HINDI maramot ang singer na si Darren Espanto.

Dahil kahit sa kalye ng Australia ang nagbigay ito ng konting kasiyahan para sa kanyang mga fans.     

Kasalukuyang nasa Australia si Darren, kasama ang buong grupo ng mga artists para sa Team ASAP XP show nila.

Nagpamalas nga ng kanyang world class talent ang nasabing singer/host sa isang busking session sa kalye.     

Makikita sa in-upload na video ang isang gitarista na mukhang pinoy at tinutugtog ang “I’ll Never Go” na nagkaroon din ng version si Erik Santos.

Napapaligiran si Darren ng kapwa artist niyang sina Donny Pangilinan, Robi Domingo, di kami ssure sa mga babae kasi nakatagilid ang shot,e.     

Hinihintay na nga lang namin kung gagayahin ni Darren ang boses ni Erik, e.     

Kaso, version niya ang narinig namin.