• August 18, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kahit wala nang kinabibilangang management…JULIA, ‘di magsusunog ng tulay dahil ‘open to opportunities’ (ni: ROHN ROMULO) 

KAHIT wala nang kinabibilangang management, tiniyak ni Julia Barretto na open siyang tumanggap ng trabaho sa lahat ng network at production houses na naging part ng kanyang showbiz career.

“It’s a good time in my life to be able to explore and work with everyone kasi lahat may magandang istorya, and gusto ko ma-grab opportunity na ‘yun kapag naisip nila ako para sa proyekto,” ayon sa naging panayam sa kanya kamakailan. 

“‘Wag natin gamitin ‘yung word na [freelancer] ‘yun. Gamitin natin na open to opportunities,” dagdag pa ni Julia.Say pa niya, ‘di siya magsusunog ng tulay dahil malaki ang utang na loob niya sa lahat nang nagbigay sa kanyang projects.“I don’t wanna burn bridges. You know why? Sa lahat ng network, management production house, naalagaan ako, naprotektahan ako, naging mabuti and sobra akong grateful,” pahayag pa ng anak nina Dennis Padilla at Marjorie Barretto.

“Andon pa din ‘yung desire ko na makipagtrabaho sa lahat from Viva, to Star Cinema, to Regal with all the production houses. 

“Gusto kong patuloy pa rin iyong trabaho, basta naman may magandang istorya.”

Samantala, first time niyang makakasama si Diamond Star si Maricel Soriano upcoming horror movie na “Haunted Carnival,” ito rin ang first movie niya sa Regal Entertainment.

Makakasama nila sa movie sina John Arcilla, James Reid, Fyang Smith, Joaquin Arce, Celyn David, at Charlie Fleming.

Ang “Haunted Carnival” ay isa sa official entries sa 52nd Metro Manila Film Festival (MMFF) na mapapanood sa mga sinehan sa December 25.