• August 17, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July, 2026

DILG sa mga tauhan: Pagtanggap ng regalo, solicitation bawal

Posted on: July 30th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PINAALALAHANAN ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng mga opisyal at mga empleyado ng ahensiya na ipinagbabawal ng batas at may katapat na parusa ang pagtanggap ng regalo, pabor o pasasalamat o iba pang may monetary value habang tinutupad ang tungkulin.

Ito ay nakasaad sa ipinalabas na memorandum ng DILG nang makatanggap ng report na may ilang tauhan ang gumagamit ng kanilang puwesto para makapag-solicit ng pera, regalo at iba pa mula sa mga pribadong indibidwal, national government agencies at local go­vernment units (LGUs).

Binigyang diin ng DILG na alinsunod sa Section 7 of Republic Act (RA) No. 6713, o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees bawal sa public officials at empleyado na mag-solicit, manghingi at tumanggap ng anumang regalo, gratuity, favor, entertainment, loan o anumang monetary value habang nasa tungkulin o may kinalaman sa anumang transaksyon na apektado ang tungkulin sa opisina.

Niliwanag ng DILG na ang sinumang mapapatunayang m­agkakasala rito ay maaa­ring ma­dismis sa trabaho at makasuhan.

Ads July 30, 2026

Posted on: July 30th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Binalikan ang nakakalokang unang araw bilang kasambahay…PIOLO, nag-akyat-bahay dahil nakatulog si MOI at nai-lock ang pinto (ni: ROHN ROMULO)

Posted on: July 29th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SA naging interview ng “i-Listen with Kara David” vodcast, nagbalik-tanaw si Moi Bien sa nakakalokang unang araw niya bilang kasambahay ni Piolo Pascual.

Kuwento ng komedyante, “’yung pang-first kong pasok, na-lock ko ang pinto. Hindi siya nakapasok. Kasi naglaba ako ng maraming, maraming, marami. Kasi siguro matagal na silang walang kasambahay.

“Tapos nakatulog ako. Ako lang mag-isa sa bahay. Alam mo kung saan siya dumaan? Sa bubong. Inakyat niya ‘yung bahay niya,” natatawang pahayag niya.

“Nai-lock ko ‘yung bahay. Tapos tawag siya nang tawag. Hindi ko siya marinig. Kasi, ito ‘yung gate, ito ‘yung kuwarto malayo sa akin.”

Wala raw dalang susi ang aktor, “Wala, nag-akyat-bahay siya. ‘Yun ‘yung first meet namin.”

Hindi naman daw nagalit sa kanya si Papa P, dahil naiintindihan siguro niya na marami siyang nilabhan kaya nakatulog sa pagod.

Kuwento pa ni Moi, nagtatrabaho noon ang kanyang bayaw sa pamilya ni Piolo at siya nga ang inirekomenda.

“Nag-aartista na rin yata siya that time, parang series, series. Eh, hindi ako masyadong aware sa mga arti-artista, hindi ako masyadong kinikilig sa mga artista. 

“Si Robin (Padilla) lang ‘yung ano ko dati, tsaka si Joko Diaz,” pag-amin ni Moi.

Hindi raw siya na-starstruck kay Piolo dahil, “First kita ko nga kay Papa P, hindi ako fan. Wala, dedma.”

Puring-puri naman ni Moi ang kabaitan at pagiging makatao ni Papa P na pinagsilbihan niya ng halos 16 years bilang personal assistant.

“Kasi po, nu’ng naging close na kami, parang, hindi niya kasi kami itinuring na, well, alam namin trabaho namin ‘to, kasambahay kami, driver ‘yung mga kasama ko, ganiyan. Pero, hindi naman niya kasi kami tinuturing na iba eh.

“Like, sabay-sabay kami kakain, magluluto ako, tapos ayaw niya na kakain kayo ng kaniya-kaniya. ‘Family tayo dito, kailangan sabay-sabay tayo kakain.’ Pare-pareho kami lahat. Wala, pare-pareho ng baso, pare-pareho ng kutsara,” pagmamalaki pa niya kay Papa P.

***

MTRCB, ipinatawag ang mga producer ng ‘It’s Showtime’ 

IPINATAWAG ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang mga producer ng “It’s Showtime” sa gitna ng mga reklamo ukol sa 24 Hulyo 2026 na episode ng noontime show na may diumanong inappropriate na eksena at racially insensitive at colorist na komento. 

Ayon sa notice to appear, nakatanggap ang Ahensiya ng maraming ulat at reklamo mula sa mga concerned citizen tungkol sa episode at sa mga kilos at salita ng TV host at comedian na si Vice Ganda.

Inutusan ng MTRCB ang GMA Network Inc. at ABS-CBN Corporation bilang respondents na dumalo sa isang hearing ng MTRCB Hearing and Adjudication Committee. Ang hearing ay gaganapin sa 29 Hulyo 2026, Miyerkules, 10:30 a.m. 

Maaaring magpadala ng kinatawan o abogado ang mga respondent sa hearing. Bago o sa takdang araw ng hearing, dapat silang magpakita ng proof of authority na sila ang inatasang kinatawan ng mga respondent. 

Ayon sa mga natanggap na ulat at reklamo at sa isang ulat ng Monitoring and Inspection Unit (MIU) ng Ahensya, ang tinutukoy na insidente ay ang “Memerimar” skit sa “Laro Laro Pick” segment ng nasabing noontime show. 

Inireklamo ng mga concerned citizen ang diumano’y racist at colorist na pahayag ni Vice Ganda at ang “lugaw” scene nina Vice Ganda at Ion Perez. 

Bago matapos ang 25 Hulyo 2026 episode ng “It’s Showtime,” humingi ng tawad si Vice Ganda para sa mga biro na kanilang sinabi sa nakaraang episode. 

Sabi ng MTRCB, nais malaman ng Ahensya kung ang “It’s Showtime” ay tumupad sa provisions ng Section 3(c) ng Presidential Decree No. 1986 na ipinagbabawal ang pagpapalabas ng TV programs na “contrary to law, good customs, public order, public morals, or are otherwise objectionable.”

Dagdag ng MTRCB, ituturing nilang waiver ng karapatan na maghain ng ebidensiya kung hindi dadalo ang mga respondents at ireresolba ng Ahensiya ang isyu base sa mga records na kanilang hawak.

Dream role niya na makaganap na isang mermaid…Content creator na si BERNIE, pagsasabayin ang vlogging at acting (ni: NONIE NICASIO) 

Posted on: July 29th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAKATSIKAHAN namin kamakailan ang vlogger na si Bernie Batin at nalaman namin na mayroon siyang dalawang upcoming movies na natapos na ang shooting.

Third and fourth movie na pala ito ni Bernie, kaya happy siya na unti-unting nagkakaroon ng katuparan ang kanyang pangarap.

Pahayag niya, “Mayroon po akong dalawang upcoming movies, sa ‘Kappa-tiran’ po, ang role ko ay isang teacher, tapos sa ‘Sa Tamang Oras’ naman po ang role ko ay tindera sa palengke.

“Ang mga lead actors po sa ‘Kappa-tiran’ ay sina Ejay Falcon, Sheryl Cruz, Patricia Javier, Aljur Abrenica, Bembol Rocco, at iba pa. ‘Sa Tamang Oras’ naman po ay sina Kelvin Miranda, Angel Guardian, at Ron Angeles.”

Nabanggit din ni Bernie kung ano ang dream role niyang magampanan sa pelikula or TV.

Wika niya, “Marami po akong dream role, pero ang pinaka-dream ko po talaga na role ay maging isang mermaid… dahil noong bata po ako, ang hilig ko na po magsire-sirenahan sa mga ilog.”

Ano ang magiging priority niya, movies ba or yung pagiging content creator?

Esplika ni Bernie, “Bata pa lang po ako ay pangarap ko na pong maging artista. Noong naging content creator po ako, ito po ang nagbukas ng maraming opportunities sa akin, tulad po ng pagkakapasok ko po sa showbiz.

“Ipagpapatuloy ko pa rin po ang pagiging content creator ko, tapos tatanggapin ko pa rin po kapag may offer po sa movies or TV show po.” 

Dagdag pa niya, “Kasi po ang pagiging content creator lagi pong nandiyan, pero ang movies po kasi hindi po laging may offer. So, bakit pa po mamimili kung pwede naman pong pagsabayin? 

“Kasi ang movie guesting naman po ay hindi palagi, unlike po sa pagiging content creator ko po na araw-araw ko pong ginagawa. 

“Pero, basta po kung saan may opportunity ay push lang po nang push,” nakangiting sambit pa ng vlogger na kilala rin bilang Pinakamasungit na Tindera sa Social Media.

At peace na ngayon at nabunutan ng tinik sa dibdib… JAMES, inamin na grabe ang takot bago i-upload ang coming out video (ni: ROMMEL GONZALES) 

Posted on: July 29th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

TILA nabunutan ng tinik sa dibdib ang Sparkle artist na si James Graham ngayong alam na ng mundo na member siya ng LGBTQIA+.

Sa interview sa kanya ng  ng GMA News Online, umamin si James na grabe ang takot  niya ang bago pa niya i-upload ang kanyang TikTok video ng coming out niya.

“My initial reaction was fright.

“I was so scared.

“Hindi ko inakala na magiging positive yung mga comments.

“And with the positive comments, I guess it kind of helped me to accept the fact that I already came out.”

Hindi man sinasadya ang kanyang pag-a-out, para kay James ay isa itong blessing in disguise.

“I’m at peace with how it unfolded, because I feel like I would have never told anyone if it didn’t come down to that,” sabi ni James.

Iniiwasan niya raw na dumating ang panahong pagsisisihan niyang hindi niya agad tinanggap ang tunay niyang pagkatao.

Sinabi rin niya na tiwala sa sarili sa tamang panahon ang mahalaga.

Ayon pa sa “Royal Blood” actor…

“You just have to believe in yourself. 

“You can come out, in your own time, as long as you’re comfortable. There’s no rush.”

“You just have to know that there is someone out there who will always love and accept you for who you are.”

Ngayon raw siya nakadama ng tunay na kalayaan, na walang lihim na itinatago.

“I’m living my best life. 

“I feel like I can finally be who I am.”

February 2025, tumungo si James sa Amerika upang ituloy ang kurso niyang nursing.

Year 2023, kinilala si James bilang isa sa mga Outstanding Youth of the Philippines, kasama ang kapwa niya Sparkle GMA Artist Center talents na  sina Princess Aliyah at Aidan Veneracion.

FFCCCII is proud to support two advance screenings of ‘Dear You’, one of China’s biggest box-office hits

Posted on: July 29th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

THE Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) is proud to support one of China’s biggest box-office hits, “Dear You” by sponsoring two advance screenings. 

Happening on August 5, 2026 (Wednesday), 7:00p.m. at SM Mall of Asia IMAX, and August 8, 2026 (Saturday), 6:30 p.m. at SM North EDSA Cinema 3, followed by theatrical releaso on August 12, 2026.

In cooperation with the Anvil Business Club, one of the more than 170 Filipino Chinese chambers of commerce and business organizations that comprise the Federation, with members from Aparri to Tawi-Tawi.

This remarkable family drama film has become a major box-office success across Asia. 

Directed and co-written by Lan Hongchun. It stars a largely non-professional cast featuring Li Sitong, Wang Yantong, Wu Shaoqing, Zheng Runqi and Wang Xiaohui, alongside Thai actress Usha Seamkhum.

Made on a modest budget of 14 million yuan and it grossed over 1.9 billion yuan domestically in China.

It tells a moving and inspiring story of the overseas Chinese experience between Thailand and southern China-a touching narrative of family, sacrifice, resilience, and hope. 

Beyond deepening cultural understanding and appreciating the history of Chinese migration, this film also highlights the timeless importance of strong family values.

According to the FFCCCII President Victor Lim, “We believe its message will resonate deeply with Filipinos. As a nation with millions of Overseas Filipino Workers serving in many parts of the world, we understand the sacrifices, separation, and emotional journeys of families striving to build better lives for their loved ones.

“The movie is primarily in the Teochew language, which shares many similarities with the Hokkien language spoken by many members of the Filipino Chinese community, and it is accompanied by English subtitles.”

The Federation has always been committed not only to promoting sustainable and inclusive economic growth in the Philippines and supporting meaningful socio-civic and charitable initiatives, but also to advancing cultural exchanges that foster mutual understanding, strengthen friendship among peoples, and celebrate our shared heritage.

“One recent example of this commitment was our invitation last month to popular vertical drama actress Zhang Yingfei of the hit series Linda Walker to visit the Philippines. Through her visit, we hoped to inspire our youth to value education, perseverance, and hard work in pursuing a better future. 

“This advocacy reflects the spirit of our “Operation: Barrio Schools” program, through which the FFCCCII has donated more than 6,500 public school buildings to underserved communities throughout the country since 1961.”

Ads July 29, 2026

Posted on: July 29th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Alex Eala makakatambal si Canadian world number 4 Felix Auger-Aliassime sa US Open mixed doubles event

Posted on: July 29th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAKATAKDANG makatambal ni Pinay tennis star Alex Eala si Candian World number 4 Felix Auger-Aliassime sa US Open mixed doubles event na gaganapin sa Flushing Meadows sa Queens sa New York.

Ang Filipino-Canadian tandem ay bahagi ng high-profile cast na pinangungunahan nina 24-time Grand Slam champion Novak Djokovic at Aryna Sabalenka.

Ang 16 teams na pasok sa mixed doubles ay inanunsiyo kamakailan.

Hindi naman kasama sa torneo si World number 1 Jannik Sinner sa ikalawang taon matapos na umatras noong nakaraang taon dahil sa sakit nito.

Maging ang tinaguriang karibal ni Sinner na si Carlos Alcaraz ay hindi rin makakasama dahil nagpapagaling pa ito sa kaniyang injury sa kamay na natamo noong Abril sa unang round ng Barcelona Open.

Suporta ng gobyerno sa mga atleta, triple na-PBBM

Posted on: July 29th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na hindi lamang dinoble kundi triniple na ng kanyang administrasyon ang suporta sa mga atleta at sa larangan ng sports sa bansa.

Ito ang inihayag ng Pangulo sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA).

“Mahalaga rin sa atin ang sports. Itinaas natin nang triple ang suporta natin dito. Hindi lang sa aliw na hatid nito, kundi para sa kalusugan,” pagtitiyak ng Pangulo.

Binigyang-diin din ni Pangulong Marcos ang patuloy na pag-angat ng Philippine sports, kasunod ng mga tagumpay ng WTA-highest-ranked Filipino tennis player na si Alex Eala.

“Sa nag-uumapaw nating suporta kay Alex Eala, sana ay marami ang naengganyo para matuto at maglaro hindi lamang ng tennis kundi ng iba pang sports,” diin ng Pangulo.

Umaasa rin ang Pangulo na lalo pang sisikat ang football sa bansa kasunod ng tagumpay ng Filipinas women’s football team.

“Sa halimbawa ng Filipinas women’s football team, sana rin ay mas sumikat pa ang football sa ating bansa at marami ang maglaro,” pahayag ng Pangulo.

Ipinahayag din ni Pangulong Marcos ang kanyang hangarin na balang araw ay makapasok ang Pilipinas sa FIFA World Cup.

“Balang-araw, baka makasali na ang Pilipinas sa World Cup,” dagdag pa ng Pangulo. (DARIS JOSE)

PBBM: reporma sa DPWH isasagawa katuwang ang mga bagong graduate para sa tapat at malinaw na serbisyo

Posted on: July 29th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SINIMULAN na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga reporma upang matiyak ang integridad at kahusayan sa mga proyektong pang-imprastruktura, ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang ika-5 State of the Nation Address.

“Ang reporma sa DPWH ay nagsimula na. Nagpasok tayo ng mga bagong graduates, kasama na ang mga tuwid at maaasahang mga job order at contract of service,” pahayag ng Pangulo.

Dagdag pa ng Punong Ehekutibo na bukod sa mga flood control projects, sinisiguro ng ahensya na lahat ng proyekto ay dumaan sa masusing pagsusuri — mula plano, presyo, hanggang aktwal na implementasyon.

“Para walang overpricing, sinigurado natin na ang mga materyales ay ayon sa presyo sa merkado,” ani Pangulong Marcos.

Tiniyak din ng Pangulo na mahigpit na binabantayan ang bawat proyekto at pondo sa pamamagitan ng Transparency Portal, Integrity Chain, at pakikipagtulungan sa mga Civil Society Organization (CSO).

“Bantay-sarado ang bawat proyekto at ang nakalaang pondo sa Transparency Portal, Integrity Chain, at katuwang na mga Civil Society Organization,” diin ng Pangulo.

Sa kanyang SONA, binigyang-diin ni Pangulong Marcos ang pangako ng kanyang administrasyon laban sa katiwalian. 

( DARIS JOSE)