TILA may bagong nagpapatibok sa puso ng singer at aktres na si Maris Racal.
Kumakalat ngayon sa halos lahat ng social media platforms ang photos ni Maris kasama ang isang mystery guy.
Hindi maitatatwang itinatago ang pagkakakilanlan sa lalake dahil ang mga kuha ng mga larawan ay hindi ito nakaharap sa kamera.
Kung hindi ito nakaharap kay Maris, nakatagilid ang mga shots.
Pero sa mga kuhang larawan mababakas ang pagiging sweet nila sa isa’t isa. At tila kumportable naman ang aktres.
Base sa mga larawang kumakalat, mukhang foreigner ang guy. Kasi mapapansin pa rin na hindi ito hitsurang pinoy.
Wala naman din sigurong masama kung magkaroon man ng panibagong pag-ibig si Maris.
Afterall, dalawang taon na rin naman itong single. Nagtapos ang halos limang taong pagsasama nina Maris at ni Rico Blanco.
Noong july 2024, isinapubliko ng aktres ang paghihiwalay nila ng nasabing frontman ng dating bandang Rivermaya.
Walang malinaw na dahilan kung bakit tinapos Maris ang nasabing relasyon.
Isang bagay lang ang binaggit nito, nag-iba na raw kasi ang kanyang gustong tahaking buhay at nagbago na rin ang kanyang mga priorities.
Well, isa lang ang masasabi natin diyan. Buntot mo hila mo!
Sana nga lang matagpuan na niya ang lalaking talagang magbibigay sa kanya nang tunay na kaligayahan!
***
INUULAN ng batikos ang pagkaka-cast ni Atasha Muhlach para sa lead role ng “Bongga Ka, ‘Day! The Annie Batungbakal Musical”.
Ayon sa mga negatibong mensahe may mga nagsasabing dahil anak daw ito ng celebrity couple na sina Aga Muhlach at Charlene Gonzales, kung kaya’t dito napunta ang nasabing role.
Dahil dito, naglabas naman ng resibo ang Viva Artists Agency ng audition video ni Atasha. Kumbaga, ang role ay hindi ibinigay kay Atasha, nag-audition ito para sa role.
Baka nga naman outstanding ang ginawang audition video ng aktres at dating host ng ‘Eat Bulaga.’
Ang tanong lang namin, talaga bang nakakakanta si Atasha?
Kung sa pagsayaw kasi nakita naman natin may ibubuga naman ito.
Iconic ang role na ito. Kasi ito yung kanta na pinasikat ng legendary band na Hotdog nung 1979.
Sana nga lang, hindi nagkamali ang VAA sa pagpili kay Atasha.
At sana rin mabigyan niya ng hustisya ang role na ginampanan ng namayapang Superstar at National Artist na si Nora Aunor nung gawin itong pelikula.