Pinaghahandaan na ang pagiging ‘Golden Boy’…YUL, nagpasalamat kay PIOLO dahil sa walang kupas na pagkakaibigan (ni: ROHN ROMULO)
- Published on July 14, 2026
- by Francis Paolo Torres
SA Facebook post ng magaling na aktor at public servant na si Yul Servo ibinahagi niya ang paghahanda sa pagiging “Golden Boy” sa pamamagitan ng isang fitness journey.
Nitong Hulyo 12, 2026, makikita larawan ng matalik na kaibigang aktor na si Piolo Pascual, na naka-topless at may gym equipments.
May caption ito na: “Road to 50. No shortcuts. Just consistency. Day 1.”
Sa February 22, 2027 ang 50th birthday ng dating Manila Vice Mayor.Maging si Piolo pala ay magsi-celebrate ng kanyang 50th birthday sa January 12, 2027.
Isang buwan lang halos ang pagitan ng kanilang kaarawan. For sure kayang-kayang ma-achieve ang pagiging fit tulad ng katawan ni Papa P.
Bukod sa pagiging premyadong aktor si Yul, mahusay rin siyang metal visual artist.At kanyang isa pang Facebook page na “Yul Servo Nieto-Artist” ay i
sa nga si Piolo sa mga pinasalamatan ni Yul dahil nagtiwala sa kanya ang Kapamilya actor. Ibinahagi rin niya ang larawan na magkasama sila ni Papa P.“Salamat tol, sa tiwala. Isang karangalan na ako ang napili para likhain ang artwork ng napakagandang lugar na ito,” pahayag ni Yul.
Dagdag mensahe pa niya, “Halos isang dekada man ang lumipas, walang kupas ang pagkakaibigan. Parang kahapon lang ang huli nating pagkikita.
Maraming salamat tol.” Marami naman ang natuwa at bumati kay Yul at siguradong aabangan kung anong klaseng obra ang lilikhain niya para sa lugar na pag-aari ni Piolo.