• August 19, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July, 2026

Dumayo ng Capas, Tarlac:PBBM, ininspeksyon ang National Academy of Sports 

Posted on: July 15th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pag-inspkesyon sa state-of-the-art National Academy of Sports (NAS) facilities sa New Clark City Sports Complex, Capas, Tarlac.

Tanda ito ng mahalagang yugto para sa Philippine sports development.

Kasama ng Pangulo si Education Secretary Sonny Angara sa pag-inspeksyon, kung saan binigyang diin ng mga pasilidad ang commitment ng administrasyon na suportahan ang mga kabataang Filipino student-athletes sa pamamagitan ng world-class training venues at cutting-edge academic infrastructure.

Nakasalamuha naman ng Pangulo ang mga kabataang atleta mula sa iba’t ibang isport sa kanyang pag-inspeksyo sa mga pasilidad.

“We are immensely proud to see how this institution has grown into a premier hub that bridges elite athletic training and quality academic education for our youth. Under the leadership of President Marcos, we will continue to enhance these spaces to produce champions who will proudly represent the Philippines on the global stage,” ang sinabi ni Angara.

“It is a big honor and privilege for our student learners to have a chance to meet His Excellency, President Ferdinand Marcos. Batid namin kung gaano kalaki ang pagpapahalaga at suporta na binibigay ni Pangulong Marcos para sa ating mga pambansang atleta at mga kabataang nasa larangan ng sports,” ang sinabi naman ni Associate Professor Francis Carlos Diaz, NAS Executive Director.

Sa kabilang dako, itinatag ang National Academy of Sports (NAS) sa ilalim ng Republic Act No. 11470 para i- institutionalize ang isang pangunahing pang-edukasyon at athletic pathway para sa mga ‘gifted young Filipino.’

“The visit highlights the administration’s aggressive push to modernize grassroots sports infrastructure and showcases how the academy’s holistic support system is already producing champion-caliber results,” ayon sa DepEd.

Makikita sa data na nagbigay ng subsidiya ang pasilidad sa isang learner population na 246 elite student-athletes para sa School Year 2026–2027, na may core disciplines na espesyalita sa pagsasanay sa pitong foundational sports gaya ng aquatics, athletics, badminton, gymnastics, judo, table tennis, at taekwondo.

Sa pag-iikot, ininspeksyon ng mga opisyal ang ganap na operational na Phase 1 buildings, kung saan matatagpuan ang Academic and Administration Building at isang highly equipped na Multi-Sports Gymnasium.

Nirepaso rin ng mga ito ang Phase 2 developments, kasalukuyang nasa 98%, nagtatampok sa modernong Gymnastics Hall, isang Sports Performance Building, at komprehensibong staff at student residences.

Para sa 2026–2027 School Year, nakahanda ang akademya na suportahan ang 246 student-athletes na maging dalubhasa sa foundational sports gaya ng aquatics, athletics, badminton, gymnastics, judo, table tennis, at taekwondo.

Ang NAS program offers ay nag-aalok ng holistic support system, nagbibigay sa mga mag-aaral ng 24/7 care, dormitory housing, full daily meals at snacks, strength at conditioning support, at monthly personal allowance na P3,000.

“To maintain this intensive environment, the NAS workforce includes 174 dedicated personnel, including full-time faculty, program heads, and specialized coaches. This investment has already yielded results, with NAS athletes securing 1,029 medals in national and international competitions in 2025, ayon sa ulat.

“Most recently, the academy hauled in 26 medals—including 10 gold, 5 silver, and 11 bronze—during the 2026 Palarong Pambansa, demonstrating the rapid growth and elite standard of its sports program,” ayon pa rin sa ulat.

Samantala, kapwa naman matatag ang Department of Education at NAS sa kanilang shared mission na pag-develop sa world-class student-athletes habang pinangangalagaan ang future leaders ng bansa. ( DARIS JOSE)

SEGURIDAD NI MARCOLETA SA PGH, HINIGPITAN

Posted on: July 15th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MAHIGPIT ang naging seguridad kay Senator Rodante Marcoleta nang dumating kahapon ng tanghali sa Philippine General Hospital (PGH) para sa kanyang medical examination check up.

Guwardiyado ang senador ng mga tauhan ng Criminal Investigation Detection Group (CIDG) sa pangunguna ni CIDG-NCR Chief Col.John Guiagui nang dumating ito sa nasabing pagamutan sakay ng isang coaster.

Siya ay naka-wheelchair, protective vest at detainee shirt pero paglilinaw ni Guiagui , bahagi lamang ito ng precautionary measures upang walang masamang mangyari sa senador.

Ang pagsailalim sa medical examination kay Senator Marcoleta ay alinsunod na rin sa kautusan ng Sandiganbayan Third Division upang malaman kung kinakailangan pa niyang manatili sa PNP General Hospital at kung may kakayahan siyang humarap sa Korte bukas.

Upang maiwasan naman ang posibleng epekto sa ibang mga pasyente, nauna nang sinabi ng pamunuan ng pagamutan na naging mahigpit sila sa mga media habang isinasagawa ang pagsusuri sa senador.

Paliwanag ni PGH Director Gerardo Legaspi , pangunahing konsiderasyon nila ang kapakanan ng mga pasyente kaya dapat limitahan ang galaw sa loob ng ospital.

Una na ring sinabi ng pamunuan ng PGH na tanging ang Sandiganbayan lamang ang makakapagbigay ng mga detalye at impormasyon sa ginawang pagsusuri.

Inaasahan namang haharap sa Sandiganbayan ang mga doktor na sumuri kay Sen.Marcoleta bukas ng 8:30 ng umaga upang ipaliwanag ang resulta ng isinagawang medical evaluation.

 (Gene Adsuara)

Conor McGregor handa muling lumaban kapag gumaling na ang kaniyang injury sa kanang tuhod

Posted on: July 15th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAGPAHIWATIG muli na lalaban sa Octagon si Irish mixed martial arts Conor McGregor kapat tuluyan ng gumaling ang kaniyang kanang tuhod.

Natamo nito ang nasabing injury sa pagkatalo niya kay Max Hollowa sa loob ng 69 segundo ng kanilang UFC 329 sa Las Vegas.

Nagkaroon ng maling pagdapo ng kaniyang kaniyang hita ng magsagawa ng roundhouse kick sa simula ng laban.

Sa kaniyang social media post ay handa na itong lumaban muli basta tuluyan na itong makapag recover.

England, umabante sa World Cup Semifinals matapos padapain ang Norway

Posted on: July 15th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAKAMIT ng England ang puwesto nito para sa inaasam na semifinals ng FIFA World Cup matapos talunin ang Norway, 2-1, sa isang dikit na quarter-final match na umabot pa sa over time.

Umabot pa sa tabla ang laro, 1-1, matapos ang 90 minutong sagupaan ng dalawang koponan. Naunang umiskor ang Norway sa ika-36 minuto nang magpakawala si Andreas Schjelderup ng isang napakagandang tira na nagbigay ng unang kalamangan sa kanilang koponan.

Pinagunahan naman ni Jude Bellingham ang England matapos magtala ng dalawang goal na nagdala sa Three Lions sa kanilang ikatlong World Cup semifinal appearance mula noong 1966.

Sa extra time, tatlong minuto pa lamang ang lumilipas nang muling sumiklab ang opensa ng England. Nagpakawala si Morgan Rogers ng isang long-range shot sa goal ng Norway.

Kumakatawan sa pinakamahusay na Pilipino: Tennis star Alex Eala, ipinagmalaki ni PBBM

Posted on: July 15th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PINARANGALAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si tennis star Alex Eala sa Palasyo ng Malakanyang bilang pagkilala sa kanyang makasaysayang laro sa Wimbledon.

Si Eala ang kauna-unahang Filipina na na-seed sa No. 29 sa Wimbledon at nakapasok sa Round of 16 ng prestihiyosong Grand Slam tournament.

Inilarawan ang 21-year-old tennis star bilang kampeon na sumasagisag sa pinakamagandang katangian ng mga filipino at nagsilbing inspirasyon sa bansa dahil sa kanyang mga achievements at pagpapakumbaba.

Sa homecoming reception sa Malakanyang, pinagkalooban si Eala ng Presidential Citation, pagkilala sa kanya bilang kauna-unahang Filipina na makamit ang walang katulad na tagumpay sa international professional tennis circuit.

Ang pagkilala ay pagbibigay papuri kay Eala para sa kanyang “exceptional talent, perseverance, and unwavering determination,” at pagbibigay inspirasyon sa bagong henerasyon ng mga Filipino na atleta habang nagdadala ng karangalan sa bansa.

“You have brought so much pride to the Philippines, to the Filipinos, and not only because of your success, but also because of the grace with which you handled that success,” ayon kay Pangulong Marcos.

“Because the way you play and the way you comfort yourself makes us proud. Because you show the greatest, best qualities of Filipinos. So you remind us why we are a great race,” aniya pa rin.

Sinabi pa ng Pangulo na ang breakthrough ng Eala sa Wimbledon ay lumampas sa isport, sabay sabing ang mga Filipino sa buong mundo ay kaisa ni Eala habang siya ay lumalaban.

“We are all behind you. The entire Filipino nation has come to love you because of your sweetness and grace,” ani Pangulong Marcos.

Pinuri rin ni Pangulong Marcos ang disiplina at mindset ni Eala, inalala kung paano siya (Eala) agad na nakapag-pokus sa kanyang susunod na goal matapos ang kanyang tagumpay.

“That is a sign of a true fighter, a true champion… You allow yourself to be happy for three minutes and then you start thinking about your next match,” ayon sa Chief Executive.

Bilang tugon, pinasalamatan ni Eala si Pangulong Marcos sa pagkilala at pagbibigay puri sa kanya. Para kay Eala, pagkilala ito sa mga taon ng pagsisikap na hindi napapansin.

“I feel very seen. Hearing that come from you, I feel like all the hard work that I’ve done is seen. All the hours that aren’t on TV are seen and validated and appreciated,” ani Eala.

Nangako naman si Eala na patuloy niyang bibitbitin ang watawat ng Pilipinas ng buong pagmamalaki sa bawat tournament.

“Lubos kong ipinagmamalaki ang pagiging Pilipino. I carry the flag with me wherever I go,” ani Eala sabay sabing “I promise that I will continue to represent the Philippines in the best way that I possibly can.” 

( Daris Jose)

Pagsusuri sa 2027 Budget pinaiigting; prayoridad ang mga proyektong handa sa agarang implementasyon- Recto

Posted on: July 15th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

TULOY-TULOY pa rin ang pagrepaso sa panukalang pambansang budget para sa 2027 matapos itong himayin ng buong Gabinete noong nakaraang Biyernes, Hulyo 10, 

Ito ang tiniyak ni Executive Secretary Ralph Recto upang masiguro na ang budget ay ayon sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pawang mga programa lang na pakikinabangan ng mamamayan ang paglalaanan ng pondo.

Ipinaalala rin ni Recto sa mga ahensya ang tagubilin ng Pangulo na tanging mga proyekto lamang na siguradong mabilis at walang sagabal sa implementasyon ang bibigyan ng prayoridad.

“Kaya dapat pawang nakatugma sa programa ng pamahalaan, ayon sa pambansang plano, at mataas ang pampublikong benepisyo ang maisama sa panukalang gastusin,” aniya ni Recto.

Sa nasabing pulong noong Hulyo 9, iprinisenta ni DBM Secretary Kim de Leon ang tampok na nilalaman ng 2027 National Expenditure Program (NEP) na isinumite sa Pangulo noong Biyernes.

Umaasa si Pangulong Marcos na ang NEP na binalangkas ng DBM ay masusing binusisi at pinag-aralan.

Dumalo rin sa pulong ang mga Kalihim ng mga pangunahing ahensya ng pamahalaan, kabilang sila DepEd Secretary Juan Edgardo Angara, DSWD Secretary Rexlon Gatchalian, DA Secretary Francisco Tiu Laurel, DOLE Secretary Francis Tolentino, at DOE Secretary Sharon Garin. Naroon din ang mga pangunahing opisyal ng DPWH, DOTr, at DOH. (DARIS JOSE)

Buwanang social pension para sa mga PWD, isinulong

Posted on: July 15th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

ISINUSULONG ni Nueva Vizcaya Lone District Representative Atty. Timothy Joseph “Tim” Cayton ang mga panukalang nagbibigay ng tunay na proteksyon at suporta sa mga pinaka-nangangailangan. Sa ilalim ng inihain niyang House Bill No. 9885 o ang Social Pension for Persons with Disability (PWD) Act, layunin niyang mabigyan ng buwanang social pension ang lahat ng kwalipikadong Persons with Disability (PWD) upang makatulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

Ayon kay Cayton, bagama’t may iba’t ibang benepisyo ang mga PWD sa ilalim ng umiiral na batas, marami pa rin ang nahihirapang tustusan ang dagdag na gastusin dulot ng kanilang kondisyon kabilang ang gamot, assistive devices, rehabilitasyon, transportasyon, at iba pang pangangailangan. Aniya, hindi sapat ang mga diskwento lamang, lalo na para sa mga PWD na may mababang kita o walang pinagkakakitaan.

Sa ilalim ng panukala, ang bawat rehistradong PWD na may valid PWD ID ay makatatanggap ng hindi bababa sa P1,000 buwanang social pension. Nakasaad din sa panukala ang mahigpit na sistema ng beripikasyon upang maiwasan ang duplication at fraud, regular na pagrepaso sa halaga ng pension batay sa inflation, at malinaw na grievance mechanism upang maprotektahan ang mga benepisyaryo.

“Ang kapansanan ay hindi dapat maging dahilan upang mas lalong malugmok sa kahirapan. Tungkulin nating tiyakin na ang ating mga kababayan na may kapansanan ay may sapat na suporta upang mamuhay nang may dignidad at ganap na makilahok sa lipunan,” ani Cayton.

Sa pamamagitan ng panukalang ito, muling ipinapakita ni Cong. Tim Cayton ang kanyang paninindigan na ang bawat sektor ng lipunan, lalo na ang mga PWDs, ay nararapat bigyan ng higit na pagkilala, proteksyon, at konkretong tulong mula sa pamahalaan.

(VINA de GUZMAN)

Overbilling sa kuryente, pinaiimbestigahan ng mambabatas 

Posted on: July 15th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PINAIIMBESTIGAHAN ni Gabriela Women’s Party Rep. Sarah Elago sa House Committee on Energy ang naiulat na umano’y overbilling, maling meter readings, at mataas na electricity rates na ipinapataw ng Manila Electric Company (Meralco).

Pinuna rin ng mambabatas ang Energy Regulatory Commission (ERC) sa kabiguan umano nitong protektahan ang mga consumers mula sa lumalaking bilang ng reklamo sa billing.

Ilan sa tinukoy ni Elago sa House Resolution 1189 na reklamo mula sa consumers ay ang pagdoble sa buwanang singil sa kuryente o minsan ay triple sa iba ng walang kaukulang pagtaas sa kanilang konsumo sa kuryente.

Kinuwestiyon din nito ang ginawang payo ng ERC sa consumers na i-monitor ang kanilang mga meter readings at bayaran ang singil “under protest” upang maiwasan ang disconnection. Lumilitaw na inililipat ng ahensiya ang pasanin sa tamang billing sa ordinaryong consumers.

“Tingin yata ng ERC, Spiderman ang mga konsyumer at kayang akyatin ang poste para mabasa ang metro. At paano mo sasabihing magbayad muna kahit under protest kung ang mismong dahilan ng reklamo ay wala nang kakayahang bayaran ang sobra-sobrang singil? Imbes na papanagutin ang Meralco, ipinapasa ng ERC sa mga konsyumer ang responsibilidad sa pagkakamali ng power distributor,” dagdag nito.

Sinabi ng mambabatas na layon ng imbestigasyon na madetermina kung sapat ang mga kasalukuyang mga batas at regulatory mechanisms para protektahan ang consumers at mapanagot ang mga power industry stakeholders sa pagtaas ng kanilang singgil.

“Ano pa ang silbi ng ERC kung hindi nito kayang protektahan ang mga konsumer laban sa malinaw na mga reklamo ng overbilling? Dapat alamin ng Kongreso kung bakit tila hindi napapanagot ang Meralco at kung paano mapapalakas ang mga batas upang tunay na maipagtanggol ang karapatan ng mamamayan,” ani Elago.

Muling nanawagan ang Gabriela na tuldukan ang privatization-driven model sa power sector at ibalik ang serbisyo sa suplay ng kuryente sa publiko.

“Batayang serbisyo ang kuryente at hindi dapat ginagawang negosyo. Hangga’t interes ng malalaking korporasyon ang inuuna sa halip na kapakanan ng mamamayan, magpapatuloy ang mataas na singil at kawalan ng pananagutan. Panahon nang unahin ang serbisyo publiko kaysa tubo,” pagtatapos ni Elago. (Vina de Guzman)

REPASUHIN NG NEA ANG PERFORMANCE RATING NG ELECTRIC COOPERATIVES

Posted on: July 15th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MANILA — Nanawagan ang consumer advocacy group na ILAW Pilipinas sa National Electrification Administration (NEA) na baguhin ang sistema nito sa pag-evaluate ng performance ng mga electric cooperative (EC), dahil umano’y hindi ito sumasalamin sa tunay na karanasan ng mga consumer.

Ayon sa ILAW, masyadong nakatuon ang kasalukuyang rating system sa mga financial at operational indicators, ngunit hindi nito nasusukat ang kalidad ng serbisyo, bilis ng pagresolba sa reklamo, pagiging maaasahan ng suplay ng kuryente, at kasiyahan ng mga consumer.

Sa pinakahuling ulat ng NEA, 81 sa 121 ECs ang nakatanggap ng Green rating, habang 26 ang Yellow, anim ang Orange, at walo ang itinuring na Red o “ailing.” Iginiit ng ILAW na dapat ding isama sa pagsusuri ang karanasan ng mga miyembro-consumer at ang presyo ng kuryente upang maging mas makabuluhan ang performance ratings.

Hinikayat din ng grupo ang mga consumer na maging mas aktibo sa pag-unawa sa sektor ng enerhiya, paggamit ng mga complaint mechanism, at pananagot sa mga electric cooperative at regulator upang mapabuti ang serbisyo sa publiko. 

(Gene Adsuara)

Motor tinangay, MC taxi rider sinaksak ng pasahero, dedo

Posted on: July 15th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

HUMANDUSAY ang duguang katawan ng 46-anyos na motorcycle taxi rider matapos saksakin ng kanyang pasahero bago tinangay ang kanyang motorsiklo sa Caloocan City, Martes ng madaling araw.

Dead-on-arrival sa Caloocan City Medical Center ang MC rider na si alyas “Norberto” sanhi ng tinamong tama ng saksak sa tagiliran habang nadakip naman ang suspek na si alyas “Jeffrey”, 43, matapos muling mangholdap ng grab driver sa Malabon City.

Sa nakarating na ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, angkas ng biktima ang suspek sa kanyang motorsiklo at pagsapit ng mga ito sa Block 10, Talangka St. Brgy. 20, Caloocan City dakong alas-2:55 ng madaling ay biglang tinarakan sa tagiliran ng salarin ang rider.

Matapos ang pananaksak, mabilis na tumakas ang suspek tangay ang motorsiklo ng biktima na nagawa pang makatakbo patungong Tanigue Street kung saan siya natagpuan ng mga Tanod ng Brgy. 18, na nagsugod sa kanya sa nasabing pagamutan.

Samantala, pagsapit ng suspek sa Dulong Borromeo Proper, Brgy. Longos, Malabon City bandang alas-4:30 ng madaling araw, hinoldap naman niya ang grab driver na si alyas “Jhamel”, 21, at sapilitang kinuha ang kanyang cellphone subalit nanlaban ang biktima.

Nagsisigaw na humingi ng tulong si ‘Jhamel’ sa mga bystander sa lugar na silang humabol sa suspek hanggang sa masukol sa tinakbuhang dead-end na eskinita kung saan siya kinuyog at pinagbubugbog bago i-turn over sa mga nagrespondeng tauhan ng Malabon Police Sub-Station 5.

Nabawi sa suspek ang tinangay na cellphone kay ‘Jhamel’, pati na ang ice pick na gamit sa pananaksak at ang NMax motorcycle na tinangay niya sa nasawing biktima.

(Richard Mesa)