• August 18, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July, 2026

DTI: Walang taas-presyo sa pangunahing bilihin

Posted on: July 20th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

TINIYAK ng Department of Trade and Industry (DTI) na wala pang inaasahang pagtaas sa presyo ng mga pangunahing pangangailangan at basic commodities sa kasalukuyan, sa kabila ng tumitin­ding tensyon sa pagitan ng Iran at Estados Unidos.

“Wala pa namang humihingi ng price increase sa atin. So for now, there’s still no price increase,” pahayag ni Trade Secretary Cristina Roque sa isang ambush interview sa MSME Summit 2026 na pinangunahan ng GoNegosyo, katuwang ang DTI.

Ayon sa kalihim, wala pang manufacturers na naghahain ng petisyon para sa price adjustments. Naitanong ito dahil sa posibilidad ng pagtaas ng ­presyo ng langis at produktong petrolyo sa susunod na linggo na maaaring makaapekto sa presyo ng bilihin.

“It’s really best for us to just wait first,” dagdag ni Roque.

Valenzuela, ipinamahagi na ang maagang pamaskong bigas para kina Lolo’t, Lola 

Posted on: July 20th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SINIMULAN na ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pangunguna ni Mayor WES Gatchalian ang pamamahagi ng mga gift pack na tig-10 kilong bigas para sa 75,067 rehistradong senior citizens ng Valenzuela bilang bahagi ng programang “Pasko sa Hulyo para kay Lolo at Lola 2026.”

Ang “Pasko sa Hulyo” ay taunang programa ng lungsod na nagsimula noong 2017 na nagdadala ng maagang diwa ng Pasko para kina Lolo at Lola na nagsisilbing pagpapahayag ng pasasalamat at pagpapahalaga ng lungsod sa napakahalagang kontribusyon ng mga nakatatandang residente nito sa komunidad.

Ang bigas na ginamit sa programa ay kinuha mula sa Nagkakaisang Magsasaka ng Isabela Agriculture Cooperative ng Lalawigan ng Isabela, bilang paraan ng pagsuporta sa mga lokal na magsasaka sa Hilagang Luzon.

Ang pamamahagi ay isasagawa sa loob ng apat na araw, mula Hulyo 15 hanggang 18, na sumasaklaw sa 19 na barangay sa pamamagitan ng mga itinalagang lugar ng pamamahagi.

Ang mga senior citizen mula sa natitirang 14 barangay ay makukuha ang kanilang mga gift pack sa pamamagitan ng house-to-house na pamamahagi simula Hulyo 20 at tinitiyak din na ang mga benepisyaryong mahihirapang bumiyahe ay maayos pa rin makuha ang kanilang mga regalo.

Pinapayuhan ang mga benepisyaryo na kunin ang kanilang mga gift pack ayon sa iskedyul na nakasaad sa mga voucher na inihatid sa kanilang mga tahanan. Ipakita lang ng mga senior citizen ang kanilang OSCA ID at voucher sa oras ng pagkuha. Ang mga hindi makakakuha nang personal ng kanilang gift pack ay maaaring mag-atas ng kinatawan sa pamamagitan ng pagpapakita ng voucher at OSCA ID ng benepisyaryo, at valid ID ng kinatawan.

Sa pamamagitan ng “Pasko sa Hulyo para kay Lolo at Lola,” patuloy na kinikilala ng Pamahalaang Lungsod ang mahalagang papel ng mga senior citizen sa pamamagitan ng pagtiyak na makatatanggap sila ng makabuluhang tulong, habang isinusulong ang isang komunidad na mas mainam tirahan, mapagmalasakit, at inklusibo para sa bawat Pamilyang Valenzuelano. (Richard Mesa)

Ads July 18, 2026

Posted on: July 18th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Dahil sa pagko-callout ng ‘real-life Darna’ kay Sen. Robin…MARIEL, pinag-uusapan sa pag-unfollow kina ANGEL at ANNE (ni: ROHN ROMULO) 

Posted on: July 18th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PINAG-UUSAPAN ngayon ng netizens sa social media ang ginawang pag-unfollow ni Mariel Padila kina Angel Locsin at Anne Curtis sa kanyang Instagram.

Dahil nga ito sa viral post ng tinaguriang “real-life Darna” na kung saan nagpahayag ito ng kanyang public callout sa mister ni Mariel na si Sen. Robin Padilla.

Na-verify namin na totoo ngang wala na sa following list si Angel sa IG page ni Mariel at maging si Anne.

Pero naka-follow pa rin naman ang dalawang aktres sa IG account ng TV host-actress.

Nag-ugat nga ang viral Facebook post dahil sa taliwas na pinaninindigan ni Robin pagdating sa mga kontrobersyal na isyu sa Pilipinas.

May pag-amin ang senador na isa siyang “komunista” nang usisain ni Atty. Jeremy Lotoc sa pagsalang nito bilang testigo sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte noong Martes, July 14.

Naglabas ng sama ng loob si Angel nang tanungin niya ang actor-senador kung nasaan ito noong mga panahong isinasangkot siya sa red tagging.

“Ang tanong ko lang, nasaan ka nung panahong nirered-tag ako kahit alam mong hindi totoo? Actually, kasama mo pa nga at kachikahan yung mga nangre-red-tag.”

Nadismaya rin siya kay Sen. Robin dahil tila parang kinakampihan pa nito ang founder ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na si Apollo Quiboloy, kahit ito ay nahaharap ngayon sa iba’t ibang kaso.

Kaya ang matinding mensahe ni Angel sa senador: “Tama na, Kuya. Gising na. Hindi pa huli ang lahat.”Samantala, nag-comment naman si Anne sa post ni Angel  ng, “welcome back mars, ay, Darna pala.”Nabasa for sure ito ni Mariel, kaya I-unfollow din niya bukod kay Angel.
***Rommel, ipinagtanggol ang kapatid na si RobinTRENDING din ngayon ang aktor at brother ni Sen. Robin Padilla na si Rommel Padilla dahil sa pag-share ng post ng netizen na bina-bash si Angel Locsin. Mukhang sinasang-ayunan ng tatay ni Daniel Padilla ang mga paratang ng netizen sa aktres tungkol sa pananahimik nito sa mga isyu sa gobyerno gaya ng korapsyon at maanomalyang flood control projects.

“Nag ingay si Angel Locsin sa issue ni Robin pero tahimik siya sa baha, nakawan at flood control Angel ung pinagtanggol ni Robin, inelect ng 32m vs pansarili mong issue. Akala ko matalino pang-Darna kalang pala talaga, Ding ang Bato,” post ng netizen.

Ni-repost nga ito ni Rommel na may caption na, “#ReaLTaLK”.

Marami nga ang nagulantang nang basagin ni Angel ang kanyang pananahimik sa social media nang magsulat ito ng open letter para kay Sen. Robin na makasama niya sa noon sa GMA series na “Asian Treasures” at pareho rin silang naging hurado sa “Pilipinas Got Talent” ng ABS-CBN.

Bahagi ng pahayag ni Angel hindi na raw si “Robin Padilla” na kilala niya at nakikitang senador ngayon.

Samantala, wala pang reaksiyon si Robin sa naging pahayag ni Angel.

Aabangan din kung magre-react sina Angel at Anne sa ginawang pag-unfollow ni Mariel.

Gaganap na mga bagong miyembro ng NIXI…GOLDEN at AC, pasok na rin sa ‘Born to Shine’ (ni: ROMMEL GONZALES) 

Posted on: July 18th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MAPAPANOOD na ngayong Sabado, July 18, ang mga bagong karakter na aabangan sa top-rating GMA Afternoon Prime Series na ‘Born to Shine.’

Makikilala na sina Golden Cañedo at AC Bonifacio bilang Lexi at Kendall, ang mga bagong miyembro ng NIXI. Kasabay ng major comeback ng kanilang grupo na yayanig sa mundo ng P-pop, anong mangyayari sa YUMI?

Magiging matatag na ba ang grupo ni Jeni (Zephanie) o patuloy na maaapektuhan ang YUMI dahil sa issues ng kanyang half-sister na si (Olive May)?

Subaybayan ang ‘Born to Shine’ mula Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m. sa GMA Network.

***

KoolPals, na-offend kina Chariz at Buboy?

MALAKAS mang-asar ang mga komedyante, pero paano kung sila na ang inasar? May karapatan din ba silang ma-offend?

‘Yan ang pag-uusapan ngayong Sabado, July 18, sa “Your Honor” hosted by Madam Chariz Solomon at Vice Chair Buboy Villar.

“In aid of jokes: Bawal ma-offend ang KoolPals?” Para malaman ang kanilang panig ay inimbitahan bilang resource persons sa isang riot at laugh trip na hearing ang mga komedyanteng sina GB Labrador at Roger Naldo. 

Abangan ang “Your Honor” tuwing Sabado, 8:15 p.m. sa YouLOL YouTube channel. Available rin ang hearing sessions sa Your Honor Spotify at Apple Podcasts.

In-invite ang MMDA para ipalabas ang 51st MMFF Best Picture… ‘I’mPerfect’, magkakaroon ng special screening sa Lucania Film Festival (ni: REY PINEDA) 

Posted on: July 18th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

LALONG pinayaman ni Bea Alonzo ang famous Wadough’s dahil sa kanilang P3,000 round minimalist wedding cake.

Samantalang ang wedding ring daw ng aktres ay nagkakahalaga ng mahigit P500,000.

Ikinasal na nga si Bea Alonzo sa kanyang business tycoon fiance na si Vincent Co.

Simpleng kasalan ang naganap. Labingdalawa lang ang nasa listahan ng mga guests.     Mga malalapit na kaibigan lamang ng dalawa ang um-attend. Hindi rin na-invite ang mga magulang nina Bea at Vincent.

Naisantabi na ang espekulasyon noon na nagkaroon ng ‘di pagkakaunawaan sa magkabilang panig dahil sa pre-nuptial agreement.

Parehong boluntaryong pumirma ang dalawa para sa nasabing agreement nang walang halong pag-aalinlangan. 

Sa ngayon, wala pa daw balita kung saan sila magho-honeymoon. Pareho raw tied-up sa kani-kanilang trabaho ang mga bagong kasal.

Kung inyong matatandaan, noong March 2026, kumalat ang balitang lumabas ang mga pangalan nina Bea at Vincent para sa marriage banns ng St. Peter the Apostle Parish sa Manila. 

Sa huling linggo ng June, nabalita rin na in-unfollow na ni Bea si Vincent sa kanyang instagram account. Maging ang kanyang wedding ring ay hindi na rin nakitang suot nito sa mga events.

Kung kaya’t laking gulat ng mga netizens ng maglabasan online ang mga photos nila na ikinasal na ni Makati Mayor Nancy Binay ang dalawa.

So, nangangahulugan ba na talagang nagkalabuan lang ang kanilang relasyon dahil sa pre-nuptial agreement?

O, dahil tutol sa nasabing kasalan ang mga magulang ng mga ito.

Tama lang naman ang ginawa nina Bea at Vincent. Nasa edad na sila at puwede na silang magdesisyon para sa kanilang mga sarili.

Afterall, sila namang dalawa ang magsasama at magsisimula para sa kanilang bubuuing pamilya.

***

NAKARATING sa amin ang balitang mismong pamunuan ng Lucania Film Festival sa Pisticcci, Italy ang nag-invite sa MMDA para ipalabas sa nasabing film festival ang “I’m Perfect” na prinodyus ng Nathan Studios, Inc.

Hindi kasali sa kumpetisyon ng film festival ang nasabing pelikula.

Kumbaga, special screening lang ang magaganap.

Ayon sa nasagap naming balita, mismong mga organizers daw ng film festival ang nag-request na magkaroon ito ng film exhibition dahil sa kakaibang tema ng pelikula.

Historical ang mangyayaring ito, dahil sa kauna-unahang pagkakataon isang Pinoy film ang magkakaroon ng special screening na ginampanan ng persons with down syndrome na idinirek ni Sigfrid Andrea Bernardo.

Nasungkit ng “I’m Perfect” ang Best Picture award sa nakaraang 2025 Metro Manila Film Festival. At naiuwi rin ng lead actress na si Kristel Go ang Best Actress award.

Sa magaganap na screening, malamang na maimbita rin ibang film festival ang “I’m Perfect” para sa public screening.

FIFA fever, ramdam na sa Spain habang papalapit ang World Cup Final

Posted on: July 18th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MATINDI ang kasabikan ngayon sa Spain habang puspusan ang paghahanda ng bansa para sa nalalapit na FIFA World Cup 2026 Final sa Hulyo 19, kung saan makakaharap ng kanilang pambansang koponan ang defending champion Argentina.Soccer

Kasunod ng 2-0 panalo ng Spain laban sa France sa semifinal, lalo pang tumaas ang kumpiyansa ng mga fans na muling masusungkit ng kanilang national team ang kampeonato.

Patuloy ang masinsinang pagsasanay ng tropa ni Coach Luis de la Fuente, na nakatutok sa kondisyon ng mga key players gaya nina Lamine Yamal at Pedro Porro upang matiyak ang kahandaan sa pinakamahalagang laban ng torneo.

Obiena nag-uwi ng silver medal sa Meeting Madrid 2026

Posted on: July 18th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAG -UWI ng silver medal si Pinoy pole vaulter EJ Obiena sa torneo sa Spain.

Nakamit nito season best na 5.85 meters sa Meeting Madrid 2026 sa Spain.

Nakuha naman ni bo Kanda Lita Baehe ng Germany ang unang puwesto na nakamit ang 5.90 meters.

Habang bronze medal naman ang nakamit ni Pedro Buaro ng Portugal na nakaabot ang taas ng 5.85 meters.

Nabigo kasi si Obiena sa tatlong attempt nito na abutin ang 5.95 meters kaya nakuha ni Baehre ang panalo.

Sa nagdaang tatlong torneo ngayong Hulyo ay nakapag-clear ang Pinoy Olympian ng 5.80 meters.

Ryan Garcia, dedepensahan ang kaniyang WBC title vs Conor Benn sa Setyembre

Posted on: July 18th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAKATAKDANG depensahan ni Ryan Garcia ang kaniyang WBC welterweight title laban kay Conor Benn sa Setyembre 12, 2026.

Gaganapin ang laban ng dalawa sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, batay sa inisiyal na schedule ng naturang laban.

Sa kasalukuyan, isinasapinal pa ang ibang detalye ng laban ngunit bago nito ay dati nang nagpapahayag ng interest ang kampo ng dalawang boksingero na makapagharap sa ring.

Inaasahang magiging mahigpit ang naturang laban, lalo na at magkaiba ang taglay na boxing skills ng mga ito. Hawak ni Garcia ang mapaminsalang left hook at mabilis na kilos habang si Benn ay kilala sa kaniyang heavy combinations at forward pressure.

Sa ngayon, hawak ni Garcia ang 25 panalo at dalawang pagkatalo. Dalawampu sa naturang panalo ay pawang mga knockouts.

Kaparehong bilang din (25) ang panalo ng British boxer na si Benn ngunit 14 lamang dito ang nagawa niyang maipanalo sa pamamagitan ng knockout habang isa pa lamang ang kaniyang natikmang pagkatalo.

Dalawang buwan bago ang laban, itinuturing bilang heavy favorite si Garcia kung saan ibinibigay sa kaniya ng mga oddsmaker ang hanggang 75% win probability habang underdog naman si Benn.

PBBM, tiniyak ang mas matatag na edukasyon at proteksyon sa mga Pilipinong seafarer

Posted on: July 18th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PATULOY na pinalalakas ng pamahalaan ang edukasyon at pagsasanay ng mga Pilipinong Marino para matiyak ang kaligtasan at kahandaan sa anumang panganib sa kanilang paglalayag.

Sa kanyang talumpati sa pagtatapos ng Philippine Marine Merchant Academy (PMMA) SALIGHIRANG Class of 2026 sa San Narciso, Zambales, sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na iyan ay dahil nahaharap sa. matinding hamon ang maritime education at certification standards ng bansa.

“Pinalakas natin ang edukasyon at pagsasanay sa sektor ng maritima, pinahusay ang sistema ng sertipikasyon, in-upgrade ang mga pasilidad at kagamitan, at nakipagtulungan nang malapit sa ating mga pandaigdigang katuwang upang matiyak na patuloy na nakatutugon ang pamantayan ng Pilipinas sa pandaigdigang inaasahan,” ani Pangulong Marcos.

Sinabi ng Pangulo na nalagay sa panganib ang kabuhayan ng humigit-kumulang 50,000 Pilipinong mandaragat na nagsisilbi sa mga barkong rehistrado sa European Union kaya agad umaksyon ang pamahalaan.

“Hindi natin maaaring hayaang malagay sa panganib ang kinabukasan ng ating mga Pilipinong marino. Kaya naman agad na kumilos ang inyong pamahalaan upang matugunan ang hamong ito,” diin ng Pangulo.

Tiniyak ni Pangulong Marcos na ang tungkulin ng pamahalaan ay hindi nagtatapos sa pagpapanatili ng mataas na pamantayan at kakayahan makapagtrabaho ng mga Pilipinong Marino.

Marami pa rin aniyang Pilipinong mandaragat ang naglalayag saan man mga lugar na may panganib, kabilang ang mga rehiyong apektado ng kaguluhan sa Gitnang Silangan, at sila ang prayoridad ng pamahalaan.

“Laging handang umalalay at tumulong ang inyong pamahalaan. Saanman kayo dalhin ng dagat—maging bilang bahagi ng Hukbong Dagat ng Pilipinas, tagapangalaga ng ating mga karagatan, o opisyal ng merchant marine na nagdadala ng dangal ng ating bansa—huwag ninyong kalimutang dalhin ang liwanag na iyon saanman kayo magpunta,” dagdag ng Pangulo.

Hinikayat din ng Pangulo ang mga nagtapos na taglayin ang kahusayan, mamuno nang may kababaang-loob, at maglingkod nang may integridad. (DARIS JOSE)