Dahil sa pagko-callout ng ‘real-life Darna’ kay Sen. Robin…MARIEL, pinag-uusapan sa pag-unfollow kina ANGEL at ANNE (ni: ROHN ROMULO)
- Published on July 18, 2026
- by Francis Paolo Torres
PINAG-UUSAPAN ngayon ng netizens sa social media ang ginawang pag-unfollow ni Mariel Padila kina Angel Locsin at Anne Curtis sa kanyang Instagram.
Dahil nga ito sa viral post ng tinaguriang “real-life Darna” na kung saan nagpahayag ito ng kanyang public callout sa mister ni Mariel na si Sen. Robin Padilla.
Na-verify namin na totoo ngang wala na sa following list si Angel sa IG page ni Mariel at maging si Anne.
Pero naka-follow pa rin naman ang dalawang aktres sa IG account ng TV host-actress.
Nag-ugat nga ang viral Facebook post dahil sa taliwas na pinaninindigan ni Robin pagdating sa mga kontrobersyal na isyu sa Pilipinas.
May pag-amin ang senador na isa siyang “komunista” nang usisain ni Atty. Jeremy Lotoc sa pagsalang nito bilang testigo sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte noong Martes, July 14.
Naglabas ng sama ng loob si Angel nang tanungin niya ang actor-senador kung nasaan ito noong mga panahong isinasangkot siya sa red tagging.
“Ang tanong ko lang, nasaan ka nung panahong nirered-tag ako kahit alam mong hindi totoo? Actually, kasama mo pa nga at kachikahan yung mga nangre-red-tag.”
Nadismaya rin siya kay Sen. Robin dahil tila parang kinakampihan pa nito ang founder ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na si Apollo Quiboloy, kahit ito ay nahaharap ngayon sa iba’t ibang kaso.
Kaya ang matinding mensahe ni Angel sa senador: “Tama na, Kuya. Gising na. Hindi pa huli ang lahat.”Samantala, nag-comment naman si Anne sa post ni Angel ng, “welcome back mars, ay, Darna pala.”Nabasa for sure ito ni Mariel, kaya I-unfollow din niya bukod kay Angel.
***Rommel, ipinagtanggol ang kapatid na si RobinTRENDING din ngayon ang aktor at brother ni Sen. Robin Padilla na si Rommel Padilla dahil sa pag-share ng post ng netizen na bina-bash si Angel Locsin. Mukhang sinasang-ayunan ng tatay ni Daniel Padilla ang mga paratang ng netizen sa aktres tungkol sa pananahimik nito sa mga isyu sa gobyerno gaya ng korapsyon at maanomalyang flood control projects.
“Nag ingay si Angel Locsin sa issue ni Robin pero tahimik siya sa baha, nakawan at flood control Angel ung pinagtanggol ni Robin, inelect ng 32m vs pansarili mong issue. Akala ko matalino pang-Darna kalang pala talaga, Ding ang Bato,” post ng netizen.
Ni-repost nga ito ni Rommel na may caption na, “#ReaLTaLK”.
Marami nga ang nagulantang nang basagin ni Angel ang kanyang pananahimik sa social media nang magsulat ito ng open letter para kay Sen. Robin na makasama niya sa noon sa GMA series na “Asian Treasures” at pareho rin silang naging hurado sa “Pilipinas Got Talent” ng ABS-CBN.
Bahagi ng pahayag ni Angel hindi na raw si “Robin Padilla” na kilala niya at nakikitang senador ngayon.
Samantala, wala pang reaksiyon si Robin sa naging pahayag ni Angel.
Aabangan din kung magre-react sina Angel at Anne sa ginawang pag-unfollow ni Mariel.