Gaganap na mga bagong miyembro ng NIXI…GOLDEN at AC, pasok na rin sa ‘Born to Shine’ (ni: ROMMEL GONZALES)
- Published on July 18, 2026
- by Francis Paolo Torres
MAPAPANOOD na ngayong Sabado, July 18, ang mga bagong karakter na aabangan sa top-rating GMA Afternoon Prime Series na ‘Born to Shine.’
Makikilala na sina Golden Cañedo at AC Bonifacio bilang Lexi at Kendall, ang mga bagong miyembro ng NIXI. Kasabay ng major comeback ng kanilang grupo na yayanig sa mundo ng P-pop, anong mangyayari sa YUMI?
Magiging matatag na ba ang grupo ni Jeni (Zephanie) o patuloy na maaapektuhan ang YUMI dahil sa issues ng kanyang half-sister na si (Olive May)?
Subaybayan ang ‘Born to Shine’ mula Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m. sa GMA Network.
***
KoolPals, na-offend kina Chariz at Buboy?
MALAKAS mang-asar ang mga komedyante, pero paano kung sila na ang inasar? May karapatan din ba silang ma-offend?
‘Yan ang pag-uusapan ngayong Sabado, July 18, sa “Your Honor” hosted by Madam Chariz Solomon at Vice Chair Buboy Villar.
“In aid of jokes: Bawal ma-offend ang KoolPals?” Para malaman ang kanilang panig ay inimbitahan bilang resource persons sa isang riot at laugh trip na hearing ang mga komedyanteng sina GB Labrador at Roger Naldo.
Abangan ang “Your Honor” tuwing Sabado, 8:15 p.m. sa YouLOL YouTube channel. Available rin ang hearing sessions sa Your Honor Spotify at Apple Podcasts.