• August 18, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July, 2026

Kulang pa ba ‘yung blessing na meron kayo?’…Kuya JOBERT, binasag si IVANA dahil sa pag-eengganyo na magsugal (ni: ROHN ROMULO) 

Posted on: July 21st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments


“NAMIMIGAY ka nga inengganyo mo naman sila magsugal. Kulang pa ba yung blessing na meron kayo?”, ito ang caption ng Facebook post ng komedyanteng si Jobert Austria na mas kilalang “Kuya Jobert” tungkol sa pagpo-promote ni Ivana Alawi ng online casino.

Isa nga si Jobert sa nambasag sa Kapamilya actress at content creator matapos nitong ipaalam sa social media ang pamimigay ng mamahaling cellphone.

Ibinahagi rin ng komedyante ang ipinost ng isang netizen na labis na nadismaya sa content ni Ivana.“I never thought I would unfollow Ivana Alawi.

“She was one of the very few Filipino vloggers I truly admired. I followed her because I saw her kindness, her generosity, and how many lives she touched through her charity.

“That’s why this hurt,” saloobin ni  April Cortes Titong na isa ring digital

creator.

Dagdag pa niya, “Seeing the 100 iPhone giveaway used to promote online gambling was heartbreaking.

“All I could think about was the thousands of Filipinos who might be encouraged to gamble because someone they look up to made it seem exciting or rewarding.” 

Bahagi pa ng mahabang post, “I know my one unfollow means nothing compared to millions of followers. She’ll never notice. 

“But I will. I don’t want my support, no matter how small, to go toward something I believe can cause real harm. This isn’t coming from hate. It’s coming from disappointment.”

Marami naman ang nag-agree sa pananaw ni Kuya Jobert at ayon sa netizens hindi raw talaga tama ang ginawa ni Ivana dahil sa pagpo-promote ng online gambling kapalit ng mamahaling cellphone.

Nag-trending at viral ang post ni Ivana last July 15 kung saan ipinakita ang pagbili niya ng daan-daang iPhone 17 na ipamimigay daw sa mga mapipili niyang followers.

Pero binash nga siya ng netizens dahil kailangang naka-follow muna sa isang online gaming app para ma-consider at maple sa mga mabibigyan ng bonggang cellphone.

Samantala, dahil nag-50 million na ang FB followers ni Ivana, namigay siya ng regalo sa mga followers na naglalaman ng P10,000 o iPhone 17 na puwedeng ipagpalit sa P50,000 na may mga pumili dahil malaki ang maitutulong nito sa kanila.

As of writing nasa 51 million na ang FB followers ni Ivana. 

Dinaig pa ang ABS-CBN dahil sa 51 million FB followers…IVANA, patuloy na bina-bash dahil sa pag-eendorso ng online casino (ni: ROSE GARCIA) 

Posted on: July 21st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MARAMI ang nagko-call out kay Ivana Alawi ngayon. 

Napaka-ingay ni Ivana simula nang mag-post siya ng 100 iPhone 17 give-aways niya. 


I-follow lang daw ang link na yun nga, online casino pala. Dahil dito, nakatanggap ng mga pamba-bash si Ivana dahil sa nag-eendorso siya ng sugal.

Katulad din ng iba pang mga artista tulad nina Alden Richards, Vice Ganda, Kim Chiu at iba pa. Tila na-scrutinize na siya ng iba, pero paano nga ba, masisisi nga ba ang katulad niya na nag-eendorso ng online casino na at the same time, nagagamit niya rin ang pera sa pagtulong sa nakararami?

Anyway, nadaig pa mismo ni Ivana ang network niya na ABS-CBN dahil as of this writing, sa kabila ng mga natanggap na bashing, aba, 51 million lang naman na ang FB followers niya. Ang ABS nga ay nasa 46 million lang. Grabe!

Tumanggap din si Ivana ng awards sa 1st Famas Broadcast Awards 2026 sa kategoryang Best Public Service Show at Best Host for Public Service. 

Top 1 at kinabog si JLo sa isang Paris fashion event…HEART, pinuri ang aura ni BEA nang sorpresahin ang newly wed (ni: ROHN ROMULO) 

Posted on: July 21st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SA Instagram Stories ng The Aivee Clinic, ipinakita ang ginawang pag-sorpresa ni Heart Evangelista si Bea Alonzo habang nasa treatment room. 

Kahit may gulat, agad naman silang nagtilian at nagyakapan, sabay bati ni Heart sa kaibigan matapos ikasal sa billionaire businessman na si Vincent Co noong July 13 sa Makati City Hall.

“Grabe ‘yung glow!” papuri ni Heart kay Bea na fresh at blooming ang aura as newly wed.

Nandun din sa treatment room sina Dr. Aivee Teo at Dr. Z Teo na nagpaabot din ng pagbati kay Bea.

“We’re just so happy. Masaya lang kami,” wika ni Dr. Aivee.

Say naman ng Kapuso fashion icon, “That’s how it should be!”

***

SAMANTALA, nanguna kasi si Heart bilang top celebrity voice sa Paris Haute Couture Week Fall/Winter 2026-2027!

Nakamit niya ang pinakamataas na media impact value (MIV) na umabot sa $7.5 million o humigit-kumulang P462.3 million.

Base sa inilabas na datos ng Launchmetrics last Friday, July 17, nasa No. 1 spot si Heart sa list ng celebrities na may pinakamalaking impluwensya at exposure sa nasabing fashion event.Pumangalawa naman ang Indian actress-model na si Esha Gupta na nakapagtala ng $1.7 million o mahigit P104 million MIV, na ang layo ng agwat kay Heart. Nasa ikatlong puwesto naman si American actress-performer Jennifer Lopez na may $1 million o nasa P61.6 million.

Ayon pa sa ulat, nakalikom ang Paris Haute Couture Week ng kabuuang $239 million o mahigit P14 billion media impact value.

Sa latest achievement na ito ni Heart, na ramdam ang kaligayahan, labis na nagpasalamat ang Pinay fashion icon, na kung saan nag-iwan rin siya ng tatlong red heart emojis sa comment section.

***R’Bonney, positibo pa rin kahit natsugi agad sa ‘Project Runway’

SA first challenge pa lang ng American reality fashion competition na “Project Runway”, napauwi agad si Miss Universe 2022 R’Bonney Gabriel dahil hindi niya mapabilib ang judges sa ginawang disenyo para sa challenge na “Your Best Look.”

Kasabay nga ng Filipino-American beauty queen at fashion designer na naligwak sa first round sina Jennifer Daniels, Andrea Moore, LRÉ the Artist, Plane Jane, at Robby Crone.

Sa kabila ng maagang pag-exit sa kompetisyon, naging positibo pa rin si R’Bonney sari kanyang Instagram post na, “Reframe setbacks as opportunities.” Sey pa niya: “Entering ‘Project Runway’ was a devastating and humbling experience and definitely did not go as well as I was hoping for. “But as disappointed as I am, I’m only looking forward to investing more into my craft and building my brand.”Sa isa pang Instagram post, ibinahagi ng beauty queen ang ginawang outfit para sa first challenge ng competition.

Caption niya, “The design that sent me home on @projectrunway [blue heart emoji].”

Bumuhos naman ang suporta mula sa kanyang mga tagahanga kahit natsugi agad siya sa “Project Runway”.

Ads July 21, 2026

Posted on: July 21st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Pagtawag ng Tsina na unggoy sa mga Pinoy, hindi nagustuhan ni PBBM- Malakanyang

Posted on: July 21st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

HINDI tanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at ng sambayanang Filipino ang AI-generated video ng Chinese state media outlet na China Daily na naglalarawan sa mga Filipino bilang mga unggoy.

“Lahat ng Pilipino, hindi na natin kailangang makita kung anong reaksiyon ng Pangulo dahil kahit sinuman sa Pilipino, hindi magiging maganda ang pagtanggap, hindi matatanggap iyong ganoong paglalarawan sa mga Pilipino na bilang unggoy,” ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang.

“Siguro mayroon lang tayong ilang opisyal na tanggap na sila’y unggoy pero ang Pangulo ay hindi,” diing pahayag ni Castro. Hindi naman nito pinangalanan kung sino ang mga opisyal na kanyang tinukoy na ang paglalarawan sa mga Filipino ay unggoy.

Nauna rito, tinawag naman ng of Foreign Affairs (DFA) ang video na “racist,” “mapanlait” at “dehumanizing.”

Sa kabilang dako, sinabi ni Castro na napanood na ni Pangulong Marcos ang AI-generated video ng China Daily na naglalarawan sa mga Pilipino bilang unggoy.

“Opo, napanood niya po ‘to at nag-report naman din po ang… si Secretary Tess Lazaro, si Secretary Gibo Teodoro at nakita na po natin kung ano pong mensahe ng mga ahensiya at ito po ay sinusuportahan po ng Pangulo,” aniya pa rin.

Samantala, sa panawagan naman ni Senator Risa Hontiveros sa Malakanyang na ipatawag si Ambassador to the Philippines Jing Quan para sa bagay na ito.

“Ah, ang ano po natin ay gumagawa na rin po ng aksiyon, si Secretary Tess Lazaro patungkol po diyan. Kung ano po ang balak ng Senado, nasa kanila po ‘yan at mandato rin naman po nila na alamin ang mga pangyayaring ito at para maipakita rin sa ating mga kababayan na kinukondena natin ang anumang pagmamaliit sa mga kapwa nating Pilipino,” ang tinuran ni Castro.

At nang tanungin si Castro kung may balak ba ang Pangulo na ipatawag ang Chinese Ambassador, ang naging tugon ni Castro ay “Si Secretary Tess Lazaro na po ‘yan.” ( DARIS JOSE)

Pulis Opisyal, Ginawaran ng Karangalan Dahil sa Katapatan at Natatanging Serbisyo

Posted on: July 21st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MALABON CITY — Sa kabila ng mga hamon sa pagpapatupad ng batas, pinatunayan ni Police Captain Marcelo Bombita-Agarin na ang tunay na kapangyarihan ng isang pulis ay nagmumula sa integridad at tapat na

paglilingkod. Taliwas sa iba, hinding-hindi pinanaig ni PCapt. Agarin ang pang-aabuso sa tungkulin. Sa halip, nanatili siyang isang huwarang alagad ng batas sa pamamagitan ng maayos na pakikisalamuha sa publiko at epektibong pamamalakad sa kanyang Area of Responsibility (AOR).

Dahil dito, nananatiling tahimik, ligtas, at payapa ang nasasakupan ng Police Sub-Station 6 (Tañong) sa Malabon City sa ilalim ng kanyang pamumuno.Bago ang kanyang pagkakatalaga sa Metro Manila, si PCapt. Agarin ay isang biterano ng Special Action Force (SAF) na nadestino sa iba’t ibang mapanghamong lugar sa Mindanao sa loob ng limang taon at kalahati. 

Nagsilbi siya bilang Platoon Leader sa Parang, Maguindanao at Tawi-Tawi, at naging Company Commander din ng 1402nd Company sa Jolo, Sulu. Matapos nito, itinalaga naman siya bilang Chief of Police sa Looc, Sulu.Noong Oktubre 16, 2025, opisyal siyang nagbalik sa National Capital Region Police Office (NCRPO). Agad siyang nagsilbi bilang Chief ng Operation Section mula Disyembre hanggang Marso bago tuluyang humawak ng sariling sub-station.

Bilang pagkilala sa kanyang natatanging kontribusyon sa seguridad ng Malabon, ginawaran kamakailan si PCapt. Agarin ng tatlong plake ng pagkilala (Recognition at Commendation) sa ilalim ng Tañong Police Sub-Station 6. Ang mga parangal na ito ay patunay ng kanyang tapang at dedikasyon sa matagumpay na pag-aresto sa isang mapanganib na suspek na nahulihan ng iligal na armas. 

Ang kanyang kuwento ay isang patunay na may mga pulis pa ring handang magsakripisyo para sa kapayapaan ng komunidad nang may tapang at dangal.

(Sonny Asignacion)

Testimonya ng NBI chief, magsisilbing ‘finale’ ng Article IV presentation

Posted on: July 21st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

INIHAYAG ng House prosecution na ang testimonya ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag ang inaasahang magsisilbing ‘finale’ ng kanilang presentasyon sa 4th article of impeachment kaugnay sa pagbabanta umano ni Vice President Sara Duterte kina President Ferdinand R. Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.

“So ito po ‘yung magiging finale nitong Article IV, ang presentasyon ng House prosecution panel kay Director Matibag at ang pagbibigay po niya ng information, facts surrounding this preliminary investigation conducted by the NBI,” pahayag ni Adiong sa isang press briefing.

Sinabi naman ni Atty. Benjamin “Jay” Tolosa Jr., legal spokesperson at counsel para sa House prosecutors, na ang testimonya ni Matibag ay hindi lamang magpapatunay sa testimonya ng dalawang unang saksi, NBI Special Agent John Mark Calilung at Regional Director Jeremy Lotoc, kundi magbibigay ng bagong impormasyon sa impeachment court.

“What I can tell you is that aside from corroborating the testimony given by our two witnesses, he will be giving new important information,” ani Tolosa. 

“And I can also assure you that you wouldn’t want to miss his testimony tomorrow.”

Naiprisinta ng prosekusyon si Calilung, kaugnay sa digital evidence mula sa Nov. 23, 2024 press conference ni Duterte at ni Lotoc, na tumestigao sa ginawang imbestigasyon ng NBI at rekomendasyon nang paghahain ng criminal charges laban sa VP.

(VINA de GUZMAN)

“Walang maiiwan sa pag-unlad ”-House Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III

Posted on: July 21st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

ITO ang naging pahayag ni House Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III na pinatitibay ang pangako ng House of Representatives na magbalangkas ng mga batas na nagbibigay oportunidad sa bawat Pilipino at pagtibayin ang lokal na komunidad. 

“As Congress resumes its work, we carry with us a simple commitment: No province should be left behind. No community should be overlooked. And every Filipino—especially our kababayan in Mindanao—deserves the opportunity to succeed,” sinabi ni Dy sa isang mensahe sa pagdiriwang ng 60th Foundation Anniversary ng South Cotabato at 27th T’nalak Festival nitong Sabado.

Inihalintulad ni Dy ang makulay na T’nalak Festival sa sama-samang pagsisikap ng mga Pilipino upang mapagbuklod ang komunidad kahit magkakaiba ang kultura at tradisyon.

“Every great community is woven together by people who choose unity over division; who choose service over self-interest; and who believe that our diversity is our greatest strength. Progress is never woven by one person. It is woven by an entire community. At ang paghahabi ng kinabukasang iyon ay hindi natatapos sa isang pagdiriwang,” sinabi ni Dy sa kanyang mensahe na binasa ni Senior Deputy Speaker Ferdinand Hernandez.

Inihayag ni Dy ang ilan sa mga naipasa na panukala na sinusuportahan ang mga hakbang sa ikabubuti ng edukasyon at nutrisyon bago nagsara ang First Regular Session ng 20th Congress, kabilang ang expansion ng Government Assistance to Students and Teachers in Private Education (GASTPE) Program, pagpapatibay ng Last Mile Schools Program, at ang panukalang National Nutrition Program para mapalawig ang school-based feeding at iba pang nutrition interventions sa mga bata.

“Laws matter. But what matters even more is whether people actually feel the difference. Because the true measure of every law is not what is written on paper—it is what changes in people’s lives,” sinabi ni Dy. 

Sa nakatakdang pagbubukas ng Second Regular Session ng Kamara sa July 27, sinabi ni Dy na naka-focus ang mga mambabatas sa pagbabalangkas ng mga batas na tutugon sa pangangailan ng mamamayan.

 “Patuloy naming pakikinggan ang tinig ng ating mga lokal na pamahalaan at ng ating mga mamamayan upang matiyak na ang bawat batas na aming ipinapasa ay tumutugon sa tunay ninyong pangangailangan at sa mga hamong kinakaharap ng inyong mga komunidad,” sinabi ni Dy. (VINA de GUZMAN)

AUSSIE NATIONAL, ARESTADO NG BI

Posted on: July 21st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

INARESTO ng Bureau of Immigration (BI) ang isang 57-anyos na Australian national na may umiiral na deportation order sa Bacolod City.

Kinilala ni Immigration Commissioner Joel Anthony Viado ang dayuhan na si Bradley Vincent Gould, na inaresto ng mga operatiba ng BI Regional Intelligence Operations Unit–Region VI sa Barangay Sum-ag, Bacolod City. Isinagawa ang operasyon sa pakikipag-ugnayan sa Philippine National Police (PNP), Naval Forces Central, at Philippine Air Force (PAF).

Ayon sa mga awtoridad, si Gould ay may umiiral nang warrant of deportation na inilabas ng Bureau of Immigration matapos siyang ireklamo dahil sa umano’y pangha-harass at psychological abuse. Natunton siya sa pamamagitan ng intelligence monitoring at inaresto matapos makumpirma ng mga operatiba ng BI ang kanyang pagkakakilanlan.

Isinailalim sa kustodiya ng Bureau of Immigration Warden Facility sa Muntinlupa City, kung saan siya mananatili habang hinihintay ang kanyang deportasyon. 

(Gene Adsuara)

Fogging operation kontra dengue sa mga paaralan sa Caloocan, pinaigting

Posted on: July 21st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

KONTRA DENGUE! Para maprotektahan ang mga batang mag-aaral sa banta ng dengue, ipinag-utos ni Mayor Along Malapitan sa Caloocan City Environmental Management Department ng fogging operations sa iba’t ibang paaralan sa lungsod. Muli rin siyang nagpapaalala sa lahat na makiisa sa pag-iwas sa nasabing sakit sa pamamagitan ng paglilinis ng mga kapaligiran, lalo na ng mga nakaimbak na tubig na maaaring pamugaran ng lamok. (Richard Mesa)