• August 17, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Top 1 at kinabog si JLo sa isang Paris fashion event…HEART, pinuri ang aura ni BEA nang sorpresahin ang newly wed (ni: ROHN ROMULO) 

SA Instagram Stories ng The Aivee Clinic, ipinakita ang ginawang pag-sorpresa ni Heart Evangelista si Bea Alonzo habang nasa treatment room. 

Kahit may gulat, agad naman silang nagtilian at nagyakapan, sabay bati ni Heart sa kaibigan matapos ikasal sa billionaire businessman na si Vincent Co noong July 13 sa Makati City Hall.

“Grabe ‘yung glow!” papuri ni Heart kay Bea na fresh at blooming ang aura as newly wed.

Nandun din sa treatment room sina Dr. Aivee Teo at Dr. Z Teo na nagpaabot din ng pagbati kay Bea.

“We’re just so happy. Masaya lang kami,” wika ni Dr. Aivee.

Say naman ng Kapuso fashion icon, “That’s how it should be!”

***

SAMANTALA, nanguna kasi si Heart bilang top celebrity voice sa Paris Haute Couture Week Fall/Winter 2026-2027!

Nakamit niya ang pinakamataas na media impact value (MIV) na umabot sa $7.5 million o humigit-kumulang P462.3 million.

Base sa inilabas na datos ng Launchmetrics last Friday, July 17, nasa No. 1 spot si Heart sa list ng celebrities na may pinakamalaking impluwensya at exposure sa nasabing fashion event.Pumangalawa naman ang Indian actress-model na si Esha Gupta na nakapagtala ng $1.7 million o mahigit P104 million MIV, na ang layo ng agwat kay Heart. Nasa ikatlong puwesto naman si American actress-performer Jennifer Lopez na may $1 million o nasa P61.6 million.

Ayon pa sa ulat, nakalikom ang Paris Haute Couture Week ng kabuuang $239 million o mahigit P14 billion media impact value.

Sa latest achievement na ito ni Heart, na ramdam ang kaligayahan, labis na nagpasalamat ang Pinay fashion icon, na kung saan nag-iwan rin siya ng tatlong red heart emojis sa comment section.

***R’Bonney, positibo pa rin kahit natsugi agad sa ‘Project Runway’

SA first challenge pa lang ng American reality fashion competition na “Project Runway”, napauwi agad si Miss Universe 2022 R’Bonney Gabriel dahil hindi niya mapabilib ang judges sa ginawang disenyo para sa challenge na “Your Best Look.”

Kasabay nga ng Filipino-American beauty queen at fashion designer na naligwak sa first round sina Jennifer Daniels, Andrea Moore, LRÉ the Artist, Plane Jane, at Robby Crone.

Sa kabila ng maagang pag-exit sa kompetisyon, naging positibo pa rin si R’Bonney sari kanyang Instagram post na, “Reframe setbacks as opportunities.” Sey pa niya: “Entering ‘Project Runway’ was a devastating and humbling experience and definitely did not go as well as I was hoping for. “But as disappointed as I am, I’m only looking forward to investing more into my craft and building my brand.”Sa isa pang Instagram post, ibinahagi ng beauty queen ang ginawang outfit para sa first challenge ng competition.

Caption niya, “The design that sent me home on @projectrunway [blue heart emoji].”

Bumuhos naman ang suporta mula sa kanyang mga tagahanga kahit natsugi agad siya sa “Project Runway”.