• October 3, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 22nd, 2026

PNP TUMULONG SA PAGLIKAS NG MGA RESIDENTE MATAPOS ANG LANDSLIDE SA MATI CITY

Posted on: July 22nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

AGAD na rumesponde ang mga tauhan ng Philippine National Police sa Mati City Police Station upang tulungan ang mga residenteng naapektuhan ng landslide sa Sitio Colilisi, Brgy. Tagabakid, Mati City, Davao Oriental noong Hulyo 19.

Sa gitna ng panganib dulot ng pagguho ng lupa, inalalayan ng mga pulis ang mga pamilya sa ligtas na paglikas at nakipag-ugnayan sa iba pang ahensya upang matiyak ang maayos na pagresponde sa insidente. 

Limang bahay ang nawasak habang ilan pang kabahayan ang nagtamo ng pinsala. Pansamantalang hindi rin madaanan ang bahagi ng Pres. Diosdado Macapagal National Highway. Gayunman, naibalik ang one-lane access matapos ang isinagawang clearing operations.

Pinuri ni Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr., Chief, Philippine National Police, ang mabilis at makataong pagtugon ng mga pulis sa lugar.

“Sa ganitong mga pagkakataon, higit na mahalaga ang presensya ng pulis na handang tumulong at magbigay ng pag-asa. Hindi lang pagpapatupad ng batas ang ating tungkulin—kundi ang pagprotekta sa buhay at kapakanan ng bawat Pilipino. Ipagpapatuloy natin ang ganitong uri ng serbisyo saanman tayo kailangan.”

Nanawagan din ang Chief PNP sa publiko na manatiling mapagmatyag, sumunod sa mga abiso ng lokal na pamahalaan at mga awtoridad, at agad na lumikas sa oras ng panganib upang maiwasan ang mas malaking sakuna.

Patuloy na nakikipagtulungan ang PNP sa mga concerned agencies upang matiyak ang kaligtasan ng mga apektadong komunidad, bilang pagpapatunay ng Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman. 

(PAUL JOHN REYES)

Ka-tie niya si Kara bilang Best Host for Public Service…IVANA, ‘di pa rin makapaniwalang nanalo ng dalawang FAMAS Awards (ni: ROHN ROMULO) 

Posted on: July 22nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

HINDI pa rin makapaniwala ang Kapamilya actress at content creator na si Ivana Alawi na nagwagi siya ng dalawang awards sa 1st FAMAS Broadcast Awards.

Wagi si Ivana bilang Best Host for Public Service at ka-tie niya ang broadcast journalist na si Kara David. 

Nakuha rin niya ang tropeo para Best Public Service Show dahil sa mga ginagawa niyang pagtulong sa pamamagitan ng kanyang vlogs.Sa Facebook post niya, mababasa na, “Still can’t believe na nanalo tayo ng 2 FAMAS Awards.

“Thank You, Lord, for always reminding me that Your plans are always greater than mine. Lagi Mo akong sinusurpresa sa tamang panahon.

“Maraming salamat, FAMAS, sa tiwala. At higit sa lahat, maraming salamat sa bawat isa sa inyo na patuloy na nanonood, sumusuporta, at naniniwala sa lahat ng ginagawa ko.”Dagdag pa ng actress/vlogger, “nagsimula lang ako sa simpleng pangarap na makapagpasaya at makatulong sa kapwa. Kaya bawat blessing na natatanggap ko, mas lalo akong naniniwala na hindi ito para sa akin lang, kundi para maibahagi rin sa mas maraming tao.

“Hangga’t may kakayahan ako, hindi ako magsasawang tumulong at ibalik ang pagmamahal na binibigay ninyo sa akin.

“Maraming salamat. Mahal na mahal ko kayo.”

Si Kara naman ay nanalong Best Public Affairs Talk Show para sa “I-Listen”

Wagi rin si Kara ng Best Documentary para sa kanyang “I-Witness” episode na “Embalsamador de Motor.” 

Present pareho sina Kara at Ivana para personal na tanggapin ang kani-kanilang award. 

Binigyang-pugay ni Kara sa kanyang acceptance speech ang mga sakripisyo at paghihirap ng kanyang crew at staff kasabay ng pasasalamat sa mga taong nagtiwala para ilahad sa publiko ang kanilang mga kuwento.

Samantala, ibinahagi naman ni Ivana ang kanyang award sa kapwa niya mga nominado na sina Kara David, Jessica Soho, PAO Chief, Atty. Persida Rueda-Acosta, Dra. Edinell Calvario at Vicky Morales.

“Maraming, maraming salamat po ulit sa FAMAS for this award. I actually want to share this with also my co-nominees dahil napakaganda talaga ng mga ginagawa rin nila.

“And again, with everything that’s happening in this world, I think it’s very important na nagse-share tayo ng positive content and tumutulong tayo sa ating mga kababayan because ‘di ba, sino pa bang magtutulungan kundi tayo-tayo lang,” ayon pa speech ng aktres at content creator.

Kaabang-abang ang reunion movie ng Viva Hotbabes…SHEREE, muling masisilayan ng mga barako ang kaseksihan (ni: NONIE NICASIO) 

Posted on: July 22nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MALAPIT nang simulan ang pelikulang “MILF” na pagbibidahan ng apat na dating member ng Viva Hotbabes sina Sheree, Katya Santos, Maui Taylor, at Gwen Garci.

Ito ang nabanggit sa amin ni Sheree, “mayroon kaming comeback movie, kami sa Viva Hotbabes… soon, abangan po, may movie kami.”

Kapag magkakasama silang apat, riot ba on and off camera?

Tugon ni Sheree, “Yes po, not just riot but this is gonna be fun! Dark comedy na sexy ang peg. Pinaghahandaan na rin talaga namin itong movie namin.

“Bago mag-shoot ay nag-aral muna ako na maging isang dive master sa The Asri Resort sa Anilao, Batangas.”

Iyon ba ang role niya sa movie, isang dive master?

Esplika ng aktres, “Actually, pole instructor ang role ko sa film, pero why not? Puwede namang idagdag ang dive master.”Sa “MILF”, magpapa-sexy ba siya at muling magpapatakam sa mga barako?

“Yes po… pero siyempre mas matured role na, but still showcasing our strengths as individuals and as a group.

“Kaming lahat dito sa movie ay powerful, strong and of course very empowered women,” seryosong lahad pa ni Sheree.

Nalaman din namin sa talented na aktres na parang reunion movie ito ng mga Viva Hotbabes.

Nakita nga namin sa photos sa Facebook ni Sheree ang ilan sa kanila tulad nina Andrea del Rosario, JC Parker, at Jen Rosendahl. Kasama nila sa picture si Direk GB Sampedro na siyang magiging direktor ng movie.

Nag-set up lang ng dinner sa gitna ng bukid… Proposal ni Rep. LUIGI kay YASSI, simple at hindi kinailangang magarbo (ni: REY PINEDA) 

Posted on: July 22nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

ENGAGED na pala ang aktres na si Yassi Pressman sa kanyang boyfriend na si Camarines Sur 2nd District Representative Luigi Villafuerte.

Mismong si Luigi ang nag-post ng video, nito lang July 18, 2026 sa kanyang social media account.     

Makikita sa video na simple at tila makahulugan ang nasabing proposal.  Nag-set up si Luigi ng tila early dinner sa gitna ng bukid.     

Walang ibang taong makikitang nakapaligid sa venue, maliban sa dinaanan ng kamerang waiter na nakatayo sa tabi ng mesa.     

Kakaiba rin ang ginawang proposal nitong si Luigi.  Hindi kinailangang magarbo at sosyal ang nasabing proposal.     

Sa yaman ng mga Villafuerte sa Camarines Sur, I’m sure kahit saang bansa kaya nitong idaos ang isang engrandeng proposal.     

Pero, bakit nga ba sa dinami-rami ng lugar sa Bicol, e, sa gitna ng bukid nangyari ang proposal?  

Ano kaya ang gustong ipakahulugan ni Luigi sa simpleng milestone na ito sa kanilang buhay?     

Puwede sigurong simple ang proposal pero punung-puno nang pagmamahal.  O, baka naman talagang tinipid dahil mahirap ang buhay ngayon.   

In fairness naman, September 2023 pa noong naging opisyal na sila na.    

Ito ay matapos ang isyu kina Yassi at Coco Martin.      

Anyway, sa mga kababayan ko diyan sa Camarines Sur, may soon-to-be first lady na ang inyong probinsya.

***  

Ruru, ipinagmalaking walong taon na sila ni Bianca

ANG bilis talaga ng takbo nang panahon.    

Sa isang photo na in-upload ni Ruru Madrid sa kanyang social media account, ipinagmalaki nitong walong taon na sila ng kanyang partner na si Bianca Umali.  Napag-alaman namin na grade school student pa lamang ang aktor, tagahanga na siya ni Bianca. 

Nangangahulugan pa lang ‘di hamak na mas matanda si Bianca kay Ruru. Aminado ang aktor na isa ito sa mga pinangarap niya. Ang maging parte nang buhay ni Bianca.

Ayon sa aming nakalap na balita, talagang kung paano daw ang treatment ni Ruru kay Bianca noon, hanggang ngayon ganun pa rin ito.     

Kumbaga, alagang-alaga niya si Bianca. Alagang-alaga niya ang kanilang relasyon.     

In fairness, walang masyadong naging isyu sa pagitan ng lovely couple.     

Hindi nagkaroon ng isyu sa parte ng bawa’t isa. Walang na-involve na ibang babae sa buhay ni Ruru.

Maging kay Bianca, nakatuon lamang ang pansin nito sa kanyang boyfriend. Taliwas sa paniniwala ng iba nag kapag parehong taga-showbiz, mas madalas masalimuot ang pagsasama.  

Pinatototohanan lamang ng mga ito na malakas ang pundasyon ng kanilang relasyon. Buo ang tiwala nila sa isa’t isa.     

Prangkahan lang, maraming tukso sa mundo ng showbiz. 

Sa estado nila sa showbiz, malamang na may mga umaaligid sa kanilang temptasyon.     

At dahil napapanatili nila ang kanilang magandang pagsasama.  Sana lang mas dumami pa ang tulad nila sa showbiz.   

Hindi yung gagamitin lang ang kasikatan ng isa para umangat ang karera ng isa.     

Ang tanong, wala pa ba silang planong magpakasal?  

Hindi pa kaya naiinip si Bianca?     

Hindi pa kaya sila nagkakasawaan?

Meet Rex, Rhubarb, Timmy, and the heroic pups of “PAW Patrol: The Dino Movie”

Posted on: July 22nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Welcome to Jurassic Bark.

The PAW Patrol is gearing up for its biggest and wildest rescue mission yet in “PAW Patrol: The Dino Movie,” roaring into Philippine cinemas on August 26.

This time, the pups find themselves far from Adventure Bay and face to face with towering dinosaurs, a mysterious tropical island, and a volcanic disaster that threatens every creature in sight.

Joining them on the adventure are new characters, including Rex, Rhubarb, Timmy, and more.

The adventure begins when the PAW Patrol’s ship is caught in a mysterious storm. After being thrown off course, the pups crash-land on an uncharted tropical island populated by dinosaurs.

Stranded in unfamiliar territory, the team soon meets Rex, a pup who has lived on the island for years. Thanks to his experience, Rex knows nearly everything there is to know about dinosaurs and the island they call home.

His knowledge quickly becomes essential as the PAW Patrol adjusts to a world filled with massive footprints, prehistoric creatures, and rescue missions unlike anything they have handled before.

Just when the pups begin to understand their new surroundings, Mayor Humdinger arrives with another selfish scheme.

Hoping to profit from the island’s natural resources, Humdinger begins mining without considering the danger. His reckless actions accidentally trigger a huge dormant volcano, putting the entire island at risk.

With lava threatening the land and countless creatures in danger, the PAW Patrol must act fast.

The pups are pushed into a string of high-stakes, dino-sized rescues as they race to stop Humdinger, protect the island, and prevent its dinosaurs from facing extinction.

From towering dinosaurs to a raging volcano, the team has never faced challenges this enormous.

Still, with courage, teamwork, and Rex’s dino expertise, the pups are ready to prove that no rescue is too big.

Packed with humor, heart, action, and prehistoric excitement, “PAW Patrol: The Dino Movie” promises a thrilling big-screen adventure for children, families, and longtime fans of the beloved rescue team.

The animated adventure features an ensemble voice cast that includes Carter Young, Mckenna Grace, Terry Crews, Meredith MacNeill, Ron Pardo, Jennifer Hudson, Hayden Chemberlen, Fortune Feimster, Jameela Jamil, Rain Janjua, Bill Nye, Paris Hilton, Lucien Duncan-Reid, William Desrosiers, Nylan Parthipan, and Snoop Dogg.

The film also introduces Henry Bolan.

Paramount Animation and Spin Master Entertainment present a Spin Master Entertainment production.

Meet the dino-mite crew when “PAW Patrol: The Dino Movie” roars into Philippine cinemas on August 26.

(ROHN ROMULO) 

Ads July 22, 2026

Posted on: July 22nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Spain, kinoronahang kampeon sa World Cup 2026 vs Argentina, 1-0

Posted on: July 22nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

YUMANIG sa East Rutherford, New Jersey, nang muling nakoronahan ang Spain bilang kampeon ng mundo matapos talunin ang Argentina sa score na 1-0 sa 2026 FIFA World Cup Final.

Sa extra time ng laban, si Ferran Torres ang nakapuntos ng nag-iisang goal na nagbigay ng panalo sa La Roja at nagpatibay ng kanilang ikalawang titulo sa kasaysayan ng torneo.

Hindi napigilan ng Argentina ang matinding opensa ng Spain, lalo na matapos ma-red card si Enzo Fernández sa stoppage time ng second half.

Ang pagkakabawas ng isang manlalaro ay nagbigay ng mas malaking bentahe sa Espanya hanggang sa makapuntos sila sa karagdagang oras.

Bukod sa kampeonato, nakamit din ng Spain ang iba’t ibang parangal.

Si Unai Simón ay ginawaran ng Golden Glove matapos magtala ng pitong shutouts, si Rodri ay tinanghal na Golden Ball bilang pinakamahusay na manlalaro ng torneo, at si Pau Cubarsí ay kinilala bilang Best Young Player.

Ito ang ikalawang pagkakataon na nakuha ng Spain ang World Cup, kasunod ng kanilang unang panalo noong 2010.

Sa tagumpay na ito, naging unang bansa ang Espanya na sabay na may hawak ng men’s at women’s World Cup titles.

Samantala, nabigo ang Argentina na maulit ang kanilang tagumpay noong 2022 at hindi natupad ang pag-asang maging ikatlong koponan sa kasaysayan na makapagdepensa ng titulo.

Pacquiao-Mayweather rematch tiwalang magiging record-breaking event pa rin

Posted on: July 22nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NANINIWALA ang MP Promotions CEO Jas Mathur na mananatiling malaking atraksyon sa mga boxing fans ang rematch nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr. kahit na naurong ang laban nito sa Enero sa susunod na taon.

Ayon kay Mathur, tiwala siyang muling magiging matagumpay at makapagtatala ng rekord ang muling pagtatapat ng dalawang boxing legend dahil ito umano ang laban na nais muling mapanood ng publiko.

Iginiit ni Mathur na ang rematch nina Pacquiao at Mayweather ang magiging isa sa pinakamalaking sporting events sa panahon ng streaming era.

Matatandaang inanunsyo ang rematch ngayong taon, ngunit agad itong kinuwestiyon ng ilang boxing analyst at tagahanga kung makakamit pa nito ang parehong interes na nakuha ng kanilang unang laban noong 2015.

Sa unang paghaharap ng dalawa, nanalo si Mayweather sa pamamagitan ng unanimous decision. Marami rin ang nadismaya dahil hindi umano naging kasing aksyon ang laban gaya ng inaasahan dahil sa patakbo na depensa ni Mayweather.

Bukod dito, kapwa nasa huling bahagi na ng kanilang karera ang dalawang boksingero. Sa oras ng itinakdang rematch sa Enero, halos 50 taong gulang na si Mayweather habang 48 naman si Pacquiao.

Gayunman, naniniwala si Mathur na hindi magiging hadlang ang edad ng dalawang atleta dahil kapwa umano sila natatanging personalidad sa mundo ng boksing.

PCSO Chorale, kakanta ng Lupang Hinirang sa SONA ni PBBM

Posted on: July 22nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

INANUNSYO ng Malakanyang na ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Chorale ang kakanta ng Lupang hinirang sa pang-5 State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Hulyo 27, 2026.

Ang chorale group ng PCSO ang tinanghal na Grand Prix champion sa Korea International Choir Competition 2026, kung saan tinalo nila ang 47 iba pang grupo.

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na walang celebrity na magpapaningning sa nasabing event dahil nais ng Pangulo na simple at marangal ang kanyang SONA.

Ang In-House o RTVM aniya ang magdi-direct ng SONA ng Pangulo.

“Ang magho-host po kasi ng SONA ay ang House of Representatives. Pero naka-align po ang ehekutibo, ang Office of the President dahil ang panawagan po dito ay simple lamang po, simpleng okasyon,” ang nauna ng sinabi ni Castro,

“Iyan po talaga ang plano at iyan din po ang gusto ng Pangulo,” ang sinabi pa rin ni Castro.

Nangako naman si Castro na kaagad na ibabahagi sa Malacanang Press Corps (MPC) ang iba pang detalye sa SONA ng Pangulo. 

 ( DARIS JOSE)

Ngayong pumayag na buksan ang bank at financial records ni VP Sara….House prosecution panel, kumpiyansang uusad na ang impeachment process

Posted on: July 22nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MATAPOS katigan ng Senate impeachment court ang kanilang hiling na kunin at buksan ang mga bank at financial records ni Bise Presidente Sara Duterte, nagpahayag ng kumpiyansa ang House prosecution panel na tuluyan nang uusad ang impeachment process.

Ito rin ang pahayag ni House prosecutor Akbayan Party-list Rep. Jose Manuel “Chel” Diokno matapos siyang tanungin sa posibilidad na iaakyat nila ang isyu ng subpoena ng mga bank at financial records sa Supreme Court.

“Una-una, syempre, that is within the options available to the defense. But at the same time, we hope that there will be no obstacles to the continuation of the trial,” sinabi ni Diokno sa press briefing nitong Martes. 

Sinabi ni Diokno na umuusad na ang impeachment trial gaya ng inaasahan, natapos ang pre-trial at naumpisahan na ng prosecution na iprisinta ang kanilang mga testigo. 

“Nagsimula na po ‘yung paglilitis natin, tapos na tayo sa pre-trial, nakapagpresenta na ang prosecution ng dalawang testigo, at dapat tuloy-tuloy na itong prosesong ito,” sabi ng Diokno.

At sa posibilidad na hamunin ng defense panel ang subpoena sa Korte Suprema, sinabi ni Diokno na magiging oportunidad din ito na klaruhin ang saklaw ng kapangyarihan ng judiciary at ng Senate impeachment court. 

“Makikita din natin kung sakasakaling aakyat ’yan, kung ano ang gagawin ng ating Supreme Court, especially when it comes to the issue of, ano ba talaga ‘yung ibig sabihin ng sole power to try and decide an impeachment case,” tugon ni Diokno. 

Aniya, marami nang kasong may kaugnayan sa impeachment ang nadesisyunan na ng Supreme Court tulad ng Francisco vs. House of Representatives, Gutierrez vs. House of Representatives at Duterte vs. House of Representatives.

 “But I do hope that it will become very clear for the future, na maging klarong-klaro at malinaw sa lahat, ‘yung kapangyarihan ng Senate impeachment court on the one hand, at ‘yung kapangyarihan ng Supreme Court on the other,” pahayag ni Diokno. 

(Vina de Guzman)