• August 18, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kaabang-abang ang reunion movie ng Viva Hotbabes…SHEREE, muling masisilayan ng mga barako ang kaseksihan (ni: NONIE NICASIO) 

MALAPIT nang simulan ang pelikulang “MILF” na pagbibidahan ng apat na dating member ng Viva Hotbabes sina Sheree, Katya Santos, Maui Taylor, at Gwen Garci.

Ito ang nabanggit sa amin ni Sheree, “mayroon kaming comeback movie, kami sa Viva Hotbabes… soon, abangan po, may movie kami.”

Kapag magkakasama silang apat, riot ba on and off camera?

Tugon ni Sheree, “Yes po, not just riot but this is gonna be fun! Dark comedy na sexy ang peg. Pinaghahandaan na rin talaga namin itong movie namin.

“Bago mag-shoot ay nag-aral muna ako na maging isang dive master sa The Asri Resort sa Anilao, Batangas.”

Iyon ba ang role niya sa movie, isang dive master?

Esplika ng aktres, “Actually, pole instructor ang role ko sa film, pero why not? Puwede namang idagdag ang dive master.”Sa “MILF”, magpapa-sexy ba siya at muling magpapatakam sa mga barako?

“Yes po… pero siyempre mas matured role na, but still showcasing our strengths as individuals and as a group.

“Kaming lahat dito sa movie ay powerful, strong and of course very empowered women,” seryosong lahad pa ni Sheree.

Nalaman din namin sa talented na aktres na parang reunion movie ito ng mga Viva Hotbabes.

Nakita nga namin sa photos sa Facebook ni Sheree ang ilan sa kanila tulad nina Andrea del Rosario, JC Parker, at Jen Rosendahl. Kasama nila sa picture si Direk GB Sampedro na siyang magiging direktor ng movie.