• October 3, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 16th, 2026

Malayang silang pumirma ng prenup bago ikasal…BEA, super happy and proud sa wedding photos nila ni VINCENT (ni: ROHN ROMULO) 

Posted on: July 16th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

AFTER nga na maglabasan ang balita at mga litrato sa naganap na civil wedding ng Kapuso actress na si Bea Alonzo at bilyonaryong boyfriend na si Vincent Co, nag-post na rin si Bea sa kanyang Instagram page. 

Makikita ang mga black and white photos nila ni Vincent na kuha sa kasal nila last July 13 sa Makati City Hall officiated by Mayor Nancy Binay. May caption itong, “Home” at mapapakinggan din ang wedding version ng “Palagi” ni TJ Monterde.

Sa isang litrato may hawak sina Bea at Vincent na wedding cake at may nakasulat na “Just married.” Makikita rin na super happy and proud nilang ipinakita ang mga suot nilang wedding ring.

Samantala, naibalita rin na may pinirmahan silang prenuptial agreement bago ikinasal.

Ayon ito mismo sa abogado ng Kapuso actress na si Atty. Joey V. Garcia ng GERA LAW.

Kusa raw at malayang pumirma sina Vincent at Bea sa naturang kasunduan, walang pumilit at walang nakialam.

“I must state clearly and unequivocally, for the record and in fairness to all concerned, that a prenuptial agreement was duly signed executed and entered into freely and voluntarily by the contracting parties, Ms. Bea Alonzo and Mr. Vincent Co, without issue,” pahayag pa ni Atty. Garcia.Ilan nga sa celebrities na masayang bumati ay sina Heart Evangelista, Gladys Reyes, Anne Curtis, Carla Abellana, Jericho Rosales, Ivana Alawi, KC Concepcion, David Licauco, Barbie Forteza, Royce Cabrera, Kylie Verzosa, Rabiya Mateo, Yasmien Kurdi,  Dimples Romana, Julie Anne San Jose, Arci Muñoz, Mariel Padilla, Jeric Gonzales, Derek Ramsay, Charlene Gonzalez, Vina Morales, Erik Santos, Rayver Cruz, Camille Prats, Jason Abalos, Rodjun Cruz, Pauleen Luna Sotto at Dawn Zulueta.

***

The 9th EDDYS katuwang ang PlayTime Entertainment, isang malaking tagumpay

ANG ika-9 na Entertainment Editors’ Choice na inihandog ng PlayTime Entertainment ay nagbigay-ningning sa mga manonood noong Hulyo 5 sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom sa Newport World Resorts, Pasay City. 

Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan nito sa Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) at sa taunang seremonya ng paggawad ng parangal na The EDDYS, buong-pagmamalaking kinikilala ng PlayTime Entertainment ang mga pinakamahusay na pelikula ng bansa — mula sa mga aktor at direktor hanggang sa mga kuwentong tumatatak sa ating lahat. 

Bilang opisyal na tagapaghandog ng The 9th EDDYS, buong-pagmamalaking iginawad ng PlayTime Entertainment ang mga premyong cash at tropeo ng pagkilala sa mga nagwagi sa mga pangunahing kategorya: Best Supporting Actor, Best Actor, Best Supporting Actress, Best Director, at Best Picture. 

Binibigyang-diin ng mga parangal na ito ang dedikasyon ng PlayTime na itaguyod ang kahusayang Pilipino at parangalan ang mga natatanging talento na humuhubog sa pelikulang Pilipino. 

Ang mga parangal ay iniabot nina Adela Mae Marshall, tagapagsalita ng PlayTime Entertainment, at Alexandra Krishna Oriño, ang Miss PlayTime Universe 2026.

“Bilang opisyal na presenter ng EDDYS ngayong taon, ipinagmamalaki ng PlayTime Entertainment na ipagdiwang ang mga natatanging isipan at kahanga-hangang talento ng industriya ng pelikulang Pilipino,” pahayag ni Adela Mae Marshall, tagapagsalita ng PlayTime Entertainment. 

“Isang karangalan para sa amin na mag-abot ng mga parangal at premyong cash sa mga nagwagi sa anim na pangunahing kategorya. Kinikilala ng PlayTime Entertainment ang dedikasyon at sining na nagbibigay-daan upang maging tunay na world-class ang pelikulang Pilipino.”

Sinang-ayunan ito ni Tessa Mauricio-Arriola, pangulo ng SPEEd, “Labis kaming natutuwa na makatuwang ang PlayTime Entertainment bilang aming opisyal na presenter. Ang kanilang bisyon ay tumutugma sa misyon ng SPEEd na itaguyod ang mahusay na paggawa ng pelikulang Pilipino.”

Ang ika-9 na Entertainment Editors’ Choice katuwang ang PlayTime Entertainment ay isang malaking tagumpay.

Ibinahagi ang funny but memorable beauty queen moment…CHARIZ, kinoronahang ‘2026 Mrs. Universe Philippines Ambassadress’ kasama si KRIS (ni: ROMMEL GONZALES) 

Posted on: July 16th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments


KINORONAHAN kamakailan ang Sparkle stars na sina Chariz Solomon at Kris Bernal bilang 2026 Mrs. Universe Philippines Ambassadress. 

Sa trending vodcast na “Your Honor,” ibinahagi ng host na si Chariz ang kanyang funny but memorable beauty queen moment. Sa gitna kasi ng kanyang coronation, ilang beses na nahulog ang kanyang bouquet at ang mismong korona.

Natatawang ikinuwento ito ni Chariz sa co-host na si Buboy Villar at celebrity guest ng “Your Honor” episode na si Donita Nose. Patunay lamang ito ng positive attitude ni Chariz kahit na may epic ganap na nangyayari sa life. Kaya naman, deserve talaga niya ang titulo.

Subaybayan ang “Your Honor” tuwing Sabado, 8:15 p.m. sa YouLOL YouTube channel. Available rin ang hearing sessions sa Your Honor Spotify at Apple Podcasts.

***

Lee Victor, very grateful mapabilang sa ‘You’re My Favorite Song’

MALAKI ang pasasalamat ng Sparkle artist na si Lee Victor na mapabilang sa hit Afternoon Prime series na “You’re My Favorite Song” (YMFS). 

Sa kanyang social media post, sinabi ni Lee na ang maging bahagi ng seryeng panghapon ay isang “answered prayer.”

Ginagampanan ni Lee si Raviel, isa sa mga malapit na kaibigan ni Calix (Clifford).

“When I joined Sparkle in 2022, I was always saying in interviews that I wanted to be part of a youth-oriented show,” pagbabahagi ni Lee. Nag-audition din daw siya sa GMA series na MAKA, kung saan sa kasamaang-palad ay hindi raw siya napili.

Sa kabila ng mga kabiguan, ipinahayag ng Sparkle teen na nauunawaan na niya ngayon kung bakit hindi nangyari ang mga gusto niya noon dahil ngayon nga ay napabilang na siya sa You’re My Favorite Song.

“Being part of You’re My Favorite Song feels extra special…not just because it’s a dream come true but because I get to do it with some of my closest friends. And I don’t think I’ll ever take that for granted.”

“Funny how the prayers that take the longest to answer end up making the most sense. To everyone who’s been watching, posting, tweeting, making edits and cheering us on…thank you. It means more than you know,” dagdag pa ni Lee.

Hindi inasahan ng manager na sisikat agad…FYANG, misunderstood lang at ‘di totoong may bad attitude (ni: NONIE NICASIO) 

Posted on: July 16th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

IPINAGTANGGOL ng talent manager na si Mannix Carancho ang kanyang alagang si Fyang Smith laban sa mga akusasyon na may bad attitude raw ang aktres.

Ipinahayag ni Mannix na misunderstood lang si Fyang.

Aniya, “She’s misunderstood, ang totoo, madali siyang magtiwala sa mga tao. Siguro dahil hindi niya pa close iyong ibang tao, akala tinatarayan sila. 

“Pero kapag nakilala nyo siya, wala kang masasabi sa pakikisama niya. Napakabait, walang masamang tinapay. Walang insecurities, gusto lang niyang mag-enjoy.”

Aminado rin siya na hindi inasahang sisikat at magiging maganda ang takbo ng career ni Fyang.

“Hindi ko naman sobrang in-expect, pero nakitaan ko po siya ng potential na malayo ang mararating niya. Talented po siya at marunong makisama,” sambit ni Mannix.

Talent na ni Mannix si Fyang bago pa man ito naging Big Winner sa ‘Pinoy Big Brother: Gen 11’. Si Fyang ay nasa pangangalaga ng Mannix Management at Star Magic ng ABS-CBN.

Marami nang naging project si Fyang pero ang inaabangan ngayon sa kanya ay ang entry nilang “Haunted Carnival” sa darating na Metro Manila Film Festival 2026.

Anyway, si Mannix ay isa sa mga pinakamatagumpay na negosyante at talent manager sa bansa sa kasalukuyan. Siya ang nasa likod ng Prestige International, ang business empire na kanyang itinayo.

Sa industriya ng skincare, kilala siya bilang “Lord of Soap.” 

Bukod kay Fyang, nasa pangangalaga ni Mannix ang mga social media influencers at Tiktokers na gaya nina Zaide Diaz at Elaine Maniquiz (ZaiLane), Kosuke Umemoto at Mary Julian Cabaltera (Koshelleine), Ace Remeter at Nica Navarro (AceNic), Yance Figueroa at Angela Broma (Yanella), Kurt Ausan at Mark Denmiel Esguerra (KurFect), Keith Bryan Castel at Yuniko Cabaltera (KeithLaine), Kenneth Danks at Miles Lian Ramirez (KenLi). 

Kabilang din dito sina Luke Kendrix Torres at Patrick Valle (KenPat), Riri Navarro, It’s Showtime Ms. Q&A Talakera 2026 Grand finalist Angela Lim, Chona Vibes at Mamie Bhiee. 

Si Amanda Salas ang kanilang creative director.

MTRCB gives G rating to latest ‘Doraemon’ movie, R-13 to “The Odyssey,” “The Second Child,” and  “Superhuman” 

Posted on: July 16th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

THE latest installment in the popular “Doraemon” franchise hits cinemas this week after receiving a G rating from the Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Children and anime otakus will surely enjoy “Doraemon The Movie: New Nobita and the Castle of the Undersea Devil,” which has a run time of one hour, 41 minutes and 27 seconds and will be shown exclusively in SM Cinemas.

It is the 45th “Doraemon” feature film and features the voice of Mizuta Wasabi as the iconic title character and Ohara Megumi as Nobita.

The MTRCB described it as an adventure story that teaches children about the undersea world and its creatures, and educates them to be environment-friendly and compassionate towards others.

“The film promotes positive values and is appropriate for audiences of all ages,” the Agency said in giving it a rating of G, which means that it is suited for the general audience. 

The MTRCB also gave R-13 ratings to three other exciting movies that are now showing in theaters.

The epic fantasy action movie, “The Odyssey,” got an R-13 rating for its “infrequent and non-graphic depiction of violence and suffering, mature themes” that may not be suitable for viewers below 13 years old. 

Starring Matt Damon as the Greek hero Odysseus and Anne Hathaway as his wife Penelope, the film is adapted from Homer’s classic epic and chronicles Odysseus’ long journey home after the Trojan War.

It runs for two hours, 52 minutes and 24 seconds and has an ensemble cast that includes Tom Holland, Lupita Nyong’o, Zendaya and Charlize Theron, among others.

Also given an R-13 rating is the South Korean feature film, “The Second Child,” starring Lim Soo-jung, Park So-yi and Yuna. 

The horror-mystery flick, which runs for one hour, 44 minutes and 40 seconds, has “mature themes concerning depression and suicide” and has “infrequent depictions of horror and frightening scenes” that were deemed unsuitable for children below 13 years old. 

Meanwhile, the sci-fi action thriller, “Superhuman,” starring Christopher Mark, has an R-13 rating. It has a run time of one hour, 17 minutes and 25 seconds, with exciting martial arts scenes that is sure to keep moviegoers on the edge of their seats.

It is shown exclusively in Megaworld Cinemas.

In classifying it as an R-13 movie, the MTRCB said its “infrequent and non-graphic depiction of violence and suffering, prolonged violent fight sequences, mature themes of mind alterations” may not be suitable for children younger than 13 years of age.

A rating of G or General Audience means that a film is suitable for all ages, while a PG rating or Parental Guidance means that a parent or guardian should be present to help guide and supervise younger viewers.

An R-13 rating means that a film is suitable for moviegoers aged 13 and up, while R-16 movies are meant for audiences aged 16 or older. A movie with an R-18 rating is for adult audiences only. 

MTRCB Chair and CEO Lala Sotto urged parents and guardians to be guided by the Board’s classification ratings for this week’s upcoming movies.

“Bagama’t karamihan sa mga pelikula natin ngayong linggo ay angkop sa mga batang manonood, pinapaalalahan pa rin namin ang mga magulang na gabayan silang maigi sa panonood ayon sa kanilang edad at pang-unawa,” Sotto said.

“Nais namin na may matutunan ang ating mga anak sa mga mapapanood nila sa mga teatro – hindi lamang sa kultura, kundi pati sa pagpapahalaga at tamang-asal,” she added.

(ROHN ROMULO)

Eala target higitan Wimbledon runSA KABILA ng tagumpay sa Wimbledon Championships, walang balak si Alex Eala na tumigil at huminto sa ginagawa nito.

Posted on: July 16th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Sa halip, mas lalo pa itong naging uhaw sa mas mataas na tagumpay na makamit sa mga susunod na torneong lalahukan nito partikular na sa mga Grand Slam events.

Umabot si Eala sa fourth round ng Wimbledon — ang pinakamataas na puwestong nakamit nito sa isang Grand Slam tournament.

“My previous result in Wimbledon is my best result in a Grand Slam. It’s the highlight of my career so far. It motivates me to work harder. I’m even more ambitious now I’m even more hungry,” ani Eala.

Kaya naman desidido ang 21-anyos Pinay netter na mas lalo pang kumayod ng husto upang malampa­san ang kanyang narating sa Wimbledon.

Dala ni Eala ang mantra na ‘kapag lumago hindi na hihinto’ na humatak ng atensiyon hindi lamang sa mga Pinoy fans kundi sa mga foreign tennis analysts.

“The whole idea of ‘kapag lumago hindi na hihinto’ it resonates so well with this moment in my career because I feel like the seeds have planted. More than it correlating to results, it refers more to the dream that I have,” paliwanag ni Eala.

Noong bata, marami na itong pangarap sa bu­hay. Isa na rito ang makapag­laro sa isang Grand Slam event.

Ngayong natupad na ang pangarap na ito ni Eala, nais nitong hamunin pa ang kanyang kakayahan na maabot ang mas mataas na tagumpay.

Yahoo Mail: Search, Organize, Conquer

Walang makapigil sa Road Warriors

Posted on: July 16th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NATUTO na ng kanilang leksyon ang NLEX.

Hindi na hinayaan ng Road Warriors na mawala ang kanilang double-digit lead sa second half para sagasaan ang Titan Ultra Giant Risers, 135-100, at patuloy na solohin ang liderato sa Group A ng PBA Season 50 Governors’ Cup kahapon sa Ynares Center sa Antipolo City.

Bumira si guard Schonny Winston ng 30 points, 9 rebounds at 6 assists  habang may 29 markers, 7 boards at 4 assists si Robert Bolick.

Dumiretso ang NLEX sa kanilang ikatlong sunod na panalo na regalo nila para sa ika-80 kaarawan ng kanilang chairman na si Manny V. Pangilinan.

“I think we’re getting a lot of contributions from different guys obviously,” ani coach Jimmy Alapag na nakahugot ng 22 points kay balik-import DeQuan Jones. “Berto (Bolick) and Schonny (Winston) are a big part of what we do.”

Nauna nang pinadapa ng tropa ni Alapag ang guest team Macau, 114-75, at nalusutan ang Terrafirma, 101-100, kung saan nalusaw ang itinayo nilang 23-point lead sa third period.

Bagsak ang Titan Ultra sa 0-3 marka bagama’t nakahugot kay import Tirrell Brown ng 27 points at 10 rebounds sa kanyang debut game.

Mula sa 30-24 abante sa first period ay nakawala ang Road Warriors sa se­cond quarter, 59-36, mula sa fastbreak basket ni Wins­ton sa huling 2:07 minuto bago ang halftime.

Nakabangon ang Giant Risers sa likod nina Brown, Bryan Sajonia at Joshua Munzon para makalapit sa 63-72 sa 7:33 minuto ng third quarter.

Ngunit hindi bumitaw ang NLEX at muling lumamang sa 97-82 sa pagtiklop ng nasabing yugto sa pagbibida nina Bolick, LJ Gonzales at Tony Semerad.

Mula rito ay hindi na nakabalik sa laro ang Titan Ultra .

Spain pasok na sa finals ng FIFA World Cup

Posted on: July 16th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PASOK na sa finals ng FIFA World Cup 2026 ang Spain matapos na talunin nila ang France 2-0.

Unang nakapagtala ng goal si Mikel Oyarzabal sa first half ng laro sa laro na ginanap sa Dallas Stadium.

Habang ang pangalawang goal ay nakamit ni Pedro Porro.

Nakatakdang bumiyahe ang Spain sa New Jersey kung saan hihintayin nila ang mananalo sa pagitan ng England at Argentina.

PBBM, itinalaga si Sarmiento para pangunahan ang Bangsamoro peace panel

Posted on: July 16th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si Presidential Peace Adviser Secretary Mel Senen Sarmiento bilang bagong chair ng Peace Implementing Panel (PIP) para sa Bangsamoro peace process.

Pinalitan ni Samiento si retired military general Cesar Yano, na nagretiro noong Pebrero.

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na pangangasiwaan ni Sarmiento ang pagsusulong ng peace process kasama ang MILF upang makamit ang pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao region.

Sinabi ni Castro na taglay ni Sarmiento ang malawak na karanasan at kadalubhasaan sa local government at public administration, umakma para sa nasabing posisyon habang isinusulong ng gobyerno ang pangmatagalang kapayapaan sa nasabing rehiyon.

 (DARIS JOSE)

Malakanyang, umaasa na ipapasa ng Kongreso ang mga priority bills ni PBBM sa gitna ng budget season, impeachment

Posted on: July 16th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

UMAASA ang Malakanyang na ipapasa ng Kongreso ang mga priority legislative measures ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kabila ng nalalapit na deliberasyon ng panukalang 2027 national budget at nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na nananatiling kumpiyansa ang Pangulo na bibilisan ng mga mambabatas ang pagkilos sa priority bills ng administrasyon dahil nakalaan ito para mapakinabangan ng publiko.

“Since iyan po naman din ay priority bills ng Pangulo ay umaasa po siya na ito ay mapapabilis kasi ito ay para talaga sa ating mga kababayan,” ayon kay Castro matapos na tanungin kung kumpiyansa ang administrasyon na ang mga panukalang batas ay maaaprubahan ngayong taon sa kabila ng paglipat ng pansin at pokus ng Kongreso sa panukalang national budget sa susunod na buwan na impeachment proceedings ng Senado.

Nagbigay din ng update si Castro sa kalagayan ng 8 priority measures na tinukoy ng Pangulo.

Ani Castro, ang panukalang National Center for Geriatric Health Act, pag-amiyenda sa Government Assistance to Students and Teachers in Private Education (GASTPE) Act, at panukalang Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) Act ay nananatiling nakabinbin sa bicameral conference committee.

Ang panukalang amyendahan ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act ay nakabinbin din habang ang Last Mile and Geographically Isolated, Disadvantaged and Conflict-Affected Areas Schools Act ay naka-enroll at ang kopya nito ay naka-transmit na sa Malakanyang noong Hunyo 25.

Samantala, ang panukalang amyendahan ang Masustansyang Pagkain para sa Batang Pilipino Act ay sponsored na sa Senate floor noong Hunyo 17.

Tinuran pa ni Castro na ang panukalang Anti-Political Dynasty Act ay inaprubahan na sa third reading ng Mababang Kapulungan ng Kongreso at kasalukuyang nasa ilalim ng ‘period of interpellation’ para sa second reading sa Senado.

Ang panukalang Presidential Merit Scholarship Program, ay pumasa na sa Kongreso sa third reading at nakabinbin sa Senate Committee on Higher, Technical and Vocational Education.

At nang tanungin si Castro kung tatalakayin ng Pangulo ang kanyang mga priority measures sa nalalapit na State of the Nation Address sa Hulyo 27, tumangging magbigay ng detalye si Castro ukol dito.

“Ayaw kong pangunahan ang Pangulo,” aniya pa rin. (DARIS JOSE)

4 NA CICL, NAIBALIK NA SA PAMILYA

Posted on: July 16th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

KAPILING na ng kanilang pamilya at nakapag-aral na ang apat na binatilyong Children in Conflict with the Law (CICL) matapos matagumpay na makumpleto ang intervention program ng Manila Department of Social Welfare (MDSW).

Ayon kay MDSW Chief Jay Reyes Dela Fuente, ang apat na kabataan na pawang nasa edad 14 at 15 anyos ay nasangkot sa mga kasong riot at theft, dahilan upang isailalim sila sa ilang buwang intervention sa Manila Boystown Complex sa Marikina.

Sinabi ni Dela Fuente na matapos makumpleto ang rehabilitasyon, ligtas nang naibalik ang mga binatilyo sa pangangalaga ng kani-kanilang mga magulang. Kasabay nito, tinulungan din silang makabalik sa paaralan upang maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral at mabigyan ng panibagong pagkakataon sa buhay.

Bukod sa pagbabalik sa eskwela, pinagkalooban din ang mga kabataan ng capital assistance upang magsilbing panimula sa kanilang kabuhayan at makatulong na maiwasan ang muling pagkakasangkot sa paglabag sa batas.

Ayon sa MDSW, ang naturang hakbang ay bahagi ng programang “Serbisyong Yorme, Lahat may Pag-asa at Pagkakataon,” na naglalayong bigyan ng pag-asa at pangalawang pagkakataon ang mga kabataang nagkamali upang maging responsableng miyembro ng lipunan. 

(Gene Adsuara)