Ibinahagi ang funny but memorable beauty queen moment…CHARIZ, kinoronahang ‘2026 Mrs. Universe Philippines Ambassadress’ kasama si KRIS (ni: ROMMEL GONZALES)
- Published on July 16, 2026
- by Francis Paolo Torres
KINORONAHAN kamakailan ang Sparkle stars na sina Chariz Solomon at Kris Bernal bilang 2026 Mrs. Universe Philippines Ambassadress.
Sa trending vodcast na “Your Honor,” ibinahagi ng host na si Chariz ang kanyang funny but memorable beauty queen moment. Sa gitna kasi ng kanyang coronation, ilang beses na nahulog ang kanyang bouquet at ang mismong korona.
Natatawang ikinuwento ito ni Chariz sa co-host na si Buboy Villar at celebrity guest ng “Your Honor” episode na si Donita Nose. Patunay lamang ito ng positive attitude ni Chariz kahit na may epic ganap na nangyayari sa life. Kaya naman, deserve talaga niya ang titulo.
Subaybayan ang “Your Honor” tuwing Sabado, 8:15 p.m. sa YouLOL YouTube channel. Available rin ang hearing sessions sa Your Honor Spotify at Apple Podcasts.
***
Lee Victor, very grateful mapabilang sa ‘You’re My Favorite Song’
MALAKI ang pasasalamat ng Sparkle artist na si Lee Victor na mapabilang sa hit Afternoon Prime series na “You’re My Favorite Song” (YMFS).
Sa kanyang social media post, sinabi ni Lee na ang maging bahagi ng seryeng panghapon ay isang “answered prayer.”
Ginagampanan ni Lee si Raviel, isa sa mga malapit na kaibigan ni Calix (Clifford).
“When I joined Sparkle in 2022, I was always saying in interviews that I wanted to be part of a youth-oriented show,” pagbabahagi ni Lee. Nag-audition din daw siya sa GMA series na MAKA, kung saan sa kasamaang-palad ay hindi raw siya napili.
Sa kabila ng mga kabiguan, ipinahayag ng Sparkle teen na nauunawaan na niya ngayon kung bakit hindi nangyari ang mga gusto niya noon dahil ngayon nga ay napabilang na siya sa You’re My Favorite Song.
“Being part of You’re My Favorite Song feels extra special…not just because it’s a dream come true but because I get to do it with some of my closest friends. And I don’t think I’ll ever take that for granted.”
“Funny how the prayers that take the longest to answer end up making the most sense. To everyone who’s been watching, posting, tweeting, making edits and cheering us on…thank you. It means more than you know,” dagdag pa ni Lee.