• August 17, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malayang silang pumirma ng prenup bago ikasal…BEA, super happy and proud sa wedding photos nila ni VINCENT (ni: ROHN ROMULO) 

AFTER nga na maglabasan ang balita at mga litrato sa naganap na civil wedding ng Kapuso actress na si Bea Alonzo at bilyonaryong boyfriend na si Vincent Co, nag-post na rin si Bea sa kanyang Instagram page. 

Makikita ang mga black and white photos nila ni Vincent na kuha sa kasal nila last July 13 sa Makati City Hall officiated by Mayor Nancy Binay. May caption itong, “Home” at mapapakinggan din ang wedding version ng “Palagi” ni TJ Monterde.

Sa isang litrato may hawak sina Bea at Vincent na wedding cake at may nakasulat na “Just married.” Makikita rin na super happy and proud nilang ipinakita ang mga suot nilang wedding ring.

Samantala, naibalita rin na may pinirmahan silang prenuptial agreement bago ikinasal.

Ayon ito mismo sa abogado ng Kapuso actress na si Atty. Joey V. Garcia ng GERA LAW.

Kusa raw at malayang pumirma sina Vincent at Bea sa naturang kasunduan, walang pumilit at walang nakialam.

“I must state clearly and unequivocally, for the record and in fairness to all concerned, that a prenuptial agreement was duly signed executed and entered into freely and voluntarily by the contracting parties, Ms. Bea Alonzo and Mr. Vincent Co, without issue,” pahayag pa ni Atty. Garcia.Ilan nga sa celebrities na masayang bumati ay sina Heart Evangelista, Gladys Reyes, Anne Curtis, Carla Abellana, Jericho Rosales, Ivana Alawi, KC Concepcion, David Licauco, Barbie Forteza, Royce Cabrera, Kylie Verzosa, Rabiya Mateo, Yasmien Kurdi,  Dimples Romana, Julie Anne San Jose, Arci Muñoz, Mariel Padilla, Jeric Gonzales, Derek Ramsay, Charlene Gonzalez, Vina Morales, Erik Santos, Rayver Cruz, Camille Prats, Jason Abalos, Rodjun Cruz, Pauleen Luna Sotto at Dawn Zulueta.

***

The 9th EDDYS katuwang ang PlayTime Entertainment, isang malaking tagumpay

ANG ika-9 na Entertainment Editors’ Choice na inihandog ng PlayTime Entertainment ay nagbigay-ningning sa mga manonood noong Hulyo 5 sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom sa Newport World Resorts, Pasay City. 

Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan nito sa Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) at sa taunang seremonya ng paggawad ng parangal na The EDDYS, buong-pagmamalaking kinikilala ng PlayTime Entertainment ang mga pinakamahusay na pelikula ng bansa — mula sa mga aktor at direktor hanggang sa mga kuwentong tumatatak sa ating lahat. 

Bilang opisyal na tagapaghandog ng The 9th EDDYS, buong-pagmamalaking iginawad ng PlayTime Entertainment ang mga premyong cash at tropeo ng pagkilala sa mga nagwagi sa mga pangunahing kategorya: Best Supporting Actor, Best Actor, Best Supporting Actress, Best Director, at Best Picture. 

Binibigyang-diin ng mga parangal na ito ang dedikasyon ng PlayTime na itaguyod ang kahusayang Pilipino at parangalan ang mga natatanging talento na humuhubog sa pelikulang Pilipino. 

Ang mga parangal ay iniabot nina Adela Mae Marshall, tagapagsalita ng PlayTime Entertainment, at Alexandra Krishna Oriño, ang Miss PlayTime Universe 2026.

“Bilang opisyal na presenter ng EDDYS ngayong taon, ipinagmamalaki ng PlayTime Entertainment na ipagdiwang ang mga natatanging isipan at kahanga-hangang talento ng industriya ng pelikulang Pilipino,” pahayag ni Adela Mae Marshall, tagapagsalita ng PlayTime Entertainment. 

“Isang karangalan para sa amin na mag-abot ng mga parangal at premyong cash sa mga nagwagi sa anim na pangunahing kategorya. Kinikilala ng PlayTime Entertainment ang dedikasyon at sining na nagbibigay-daan upang maging tunay na world-class ang pelikulang Pilipino.”

Sinang-ayunan ito ni Tessa Mauricio-Arriola, pangulo ng SPEEd, “Labis kaming natutuwa na makatuwang ang PlayTime Entertainment bilang aming opisyal na presenter. Ang kanilang bisyon ay tumutugma sa misyon ng SPEEd na itaguyod ang mahusay na paggawa ng pelikulang Pilipino.”

Ang ika-9 na Entertainment Editors’ Choice katuwang ang PlayTime Entertainment ay isang malaking tagumpay.