Transport News LASACMAR mbudsman pinahinto ang paggamit ng Stradcom IT system sa LTO
- Published on June 8, 2026
- by Francis Paolo Torres
PINAHINTO ng Ombudsman ang operasyon ng Stradcom IT system sa Land Transportation Office (LTO) dahil sa mga alegasyon ng korupsyon at sa kawalan ng legal na kontrata.
Dahil dito, ang Ombudsman ay nagbigay ng direktiba na gamitin na lamang ang sistema ng pamahalaan sa ilalim ng Land Transportation Management System (LTMS) ng LTO.
Sa nasabing direktiba ay sinabi ng Ombudsman na ang Commission on Audit (COA) ay may nakalap na mga findings na nagsasabing ang Stradcom IT system ay may operasyon na walang “duly executed at subsisting contract.”
Dahil dito, ang mga responsableng mga opisyales ay maaaring makasuhan ng administrative at criminal liability sa ilalim ng procurement at anti-graft laws.
“There is graft and corruption, unauthorized use of government assets and prejudice to the motoring public,” wika ng Ombudsman.
Ayon pa rin sa Ombudsman ay ang operasyon ng Stradcom ay hindi dumaan sa isang competitive procurement at contractual transparency. May kakulangan din ito ng audit trail at safeguards sa LTO-IT system.
Nagbabayad din ang mga motorista ng karagdagan computer fees mula sa platform ng Stradcom kung saan mula January hanggang December 2025 ay nakakolekta ng mahigit sa P602.9 milyon pesos.
Kung ang gagamitin ng mga motorista ay ang LTMS ng LTO hindi na sila kailangan magbabayad. Ang nasabing platform ayon sa Ombudsaman ay hindi nagagamit kahit na matagal itong may operasyon.
Binigyan ng direktiba mula sa Ombudsman ang LTO ng limang (5) araw upang magbigay ng compliance report na nagsasaad ng “confirming cessation of use of the (Stradcom) LTO-IT System and detailing initial steps toward full LTMS utilization.”
Ang LTMS ay isang sistema ng IT na may anim (6) ng taon ginagamit ng LTO na isang government-owned platform para sa mga serbisyo at transaksyon ng ginagawa sa LTO tulad ng pagrerehistro ng sasakyan.
“Non-compliance will be treated as a ground for appropriate administrative proceedings, which will include, but will not be limited to, imposition of preventive suspensions,” sabi ng Ombudsaman.
Samantala, ang grupo ng Coalition 169 ay nagalak sa ginawang hakbang Ombudsman kung saan sinabi nila na mayron isang “strong affirmation that transparency, accountability and the rule of law must prevail in government transactions” sa nasabing desisyon ng Ombudsman.
Dagdag ng grupo na dahil sa ginawang desisyon ng Ombudsman ay nagkaron din ng procurement compliance, public accountability, government data security, at nabigyan diin ang problema sa financial burden ng mga motorista.
Sinabi rin nila na dapat pagaralan ng pamahalaan kung paano ang sistema ay magkakaron ng tinatawag na refunding costs sa mga transaksyon na nangyari. LASACMAR