Malakas ang chance na makapasok sa ‘MMFF’.. DINGDONG at MARIAN, muling magsasama sa romantic drama na ‘Remember’ (ni: ROHN ROMULO)
- Published on June 8, 2026
- by Francis Paolo Torres
INIHAYAG na ang bagong pelikulang pagsasamahan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ay pinamagatang “Remember”.
Ito na ang pinakahihintay na romantic drama ng real-life celebrity couple na mula sa direksyon ni Mae Cruz-Alviar at hatid ng ABS-CBN Studios at Star Cinema kasama ang APT Entertainment, AgostoDos Pictures, at Regal Entertainment.
At pagkatapos ng reveal, lumipad na patungong Quebec, Canada ang mga bida at crew para kunan ang mga pangunahing eksena para sa paparating na pelikula.
Parehong team na likod ng kanilang 2023 blockbuster hit na “Rewind” ang hahawak ng “Remember”.
Ibinahagi naman ni Dingdong na sobrang masaya siya sa muling nilang pagsasama ni Marian after three years. Biro pa ng Kapuso Primetime King, mas makakasama na niya ngayon ang asawa, dahil pareho silang busy sa kani-kanilang projects.
Tuwang-tuwa naman si Marian nang mabasa ang script ng movie, kaya sigurado silang magugustuhan ito ng kanilang tagasubaybay, na matagal na ring naghihintay sa muli nilang pagtatambal at dumating na nga ang tamang panahon.
Siguradong kaabang-abang ang “Remember” na malakas ang chance na makapasok sa 2026 Metro Manila Film Festival sa December.
***
Sigaw ng mga kabataan, ‘nasaan ang Hydra’
MATINDI ang ingay ngayon sa socmed tungkol sa opisyal na mainstream screening ng “Habang Nilalamon Ng Hydra Ang Kasaysayan” ni Dustin Celestino na unang pinalabas nuong Oktubre 2025 sa Cinemalaya.
Maingay ang sigaw ng mga kabataan at estudyante na sana’y dumami pa ang mga sinehan na magpapalabas ng political-drama na ito na pinagbibidahan nina Zanjoe Marudo, Mylene Dizon, Jojit Lorenzo, Nanding Josef, at Dolly de Leon.
Napapanahon ang ‘Hydra’ lalo na ngayong maraming hinaharap na pagsubok ang bansa ang mga mamamayan lalo na sa estado ng ekonomiya at pulitika dito sa Pilipinas.
Mapangahas ang ‘Hydra’ sa pagsiwalat sa mga realidad ng socio-cultural at political conflicts at kung paano nito naaapektuhan ang buhay at moralidad ng mga tao.
Layunin ng mga teachers na ipapanood ito sa kanilang mga estudyante para malaya nilang mapaguspaan sa paaralan ang mga isyung panlipunan.
Pero paano nga naman ito mapapanood kung sa iilang mga sinehan lang ito mapapanood?