• July 22, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June, 2026

TNVS driver, pinagbabaril ng pasahero sa Caloocan, dedbol

Posted on: June 9th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

HUMANDUSAY ang duguang katawan ng isang driver ng transport network vehicle service (TNVS) matapos pagbabarilin ng kanyang pasahero na nagpahatid sa kanya sa Caloocan City.

Dead-on-the-sopt sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang 37-anyos na biktimang residente ng Merry Land Homes Subdivision, Brgy. 172, Caloocan City.

Nakapiit naman at nahaharap sa kasong Murder ang 43-anyos na suspek matapos maaresto sa follow-up operation ng mga tauhan ni Caloocan City Police Chief P/Col. Joey Goforth sa kanyang tirahan sa Brgy. Muzon, San Jose Del Monte City sa Bulacan.

Sa ulat ng tanggapan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, naganap ang insidente ng pamamaril sa biktima sa Phase 4B Pkg 8, B81, L11, Brgy. 176, Bagong Silang.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na bago nangyari ang pamamaril, noong Linggo ng alas-3:15 ng madaling araw, dinala ng mga tauhan ng Barangay 188 ang suspek sa Tala Police Sub-Station 14 dahil nawawala umano ang lalaki at hindi alam kung papaano makakauwi.

Para matulungan, nagpa-book ng Grab ride ang pulisya na tinugunan ng biktima subalit, pagsapit sa nasabing lugar ay pinagbabaril ng suspek ang biktima sa hindi nabatid na dahilan.

Wala namang ibinigay na pahayag ang suspek sa pulisya kung ano ang motibo niya sa ginawang pamamaslang sa biktima. 

(Richard Mesa)

JOINT BUY-BUST OPERATION SA PASAY NAKATIMBOG NG ₱68-M HALAGA NG SHABU, 2 SUSPEK ARESTADO

Posted on: June 9th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MATAGUMPAY na naaresto ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office–National Capital Region Northern District Office (PDEA RO-NCR NDO), sa pakikipagtulungan ng PDEA RO-NCR Southern District Office (SDO), Philippine National Police Drug Enforcement Group – Special Operation Unit NCR (PNP DEG SOU NCR), at Pasay City Police Station 1, ang dalawang suspek na nahulihan ng humigit-kumulang 10 kilo ng pinaghihinalaang Methamphetamine Hydrochloride o mas kilala sa tawag na shabu, na tinatayang nagkakahalaga ng ₱68-M sa isang buy-bust operation sa Pasay City.

Ang operasyon ay isinagawa bandang alas-7:30 ng gabi noong Hunyo 6, 2026, sa kahabaan ng Diosdado Macapagal Boulevard, Barangay 76, Pasay City.

Ang mga naarestong suspek ay kinilala lamang sa kanilang mga alyas na “Ron,” isang 41-anyos at residente ng Barangay Santa Isabel, Dipolog City, at “Bai,” 32-anyos at residente ng Barangay Divisoria, Zamboanga City.

Narekober sa operasyon ang isang kulay abong foil pack na naglalaman ng humigit-kumulang 1,000 gramo ng pinaghihinalaang shabu, na siyang pinagbentahan at siyam pang kulay abong foil pack na naglalaman ng humigit-kumulang 9,000 gramo ng pinaghihinalaang shabu, kaya ang kabuuang dami ng nakumpiska ay nasa 10,000 gramo na tinatayang aabot sa halagang ₱68-M.

Nakumpiska rin ang tatlong identification card, dalawang Android mobile phone, perang ginamit bilang buy-bust money at isang sasakyan.

Ang mga suspek ay sasampahan ng kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II ng Republic Act No. 9165 o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ang mga nakumpiskang pinaghihinalaang ilegal na droga ay ipapadala sa PDEA Laboratory Service para sa forensic examination. (PAUL JOHN REYES)

Mendiola bantay-sarado sa Araw ng Kalayaan – MPD

Posted on: June 9th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

TINIYAK ng Manila Police District (MPD) na handa silang magbantay at magbigay ng seguridad sa Mendiola sa Biyernes, kasabay nang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa bansa.

Kaugnay nito, perso­nal na ring ininspeksyon ni MPD Director PBGen. Arnold Santiago ang Mendiola kahit ilang araw pa bago ang pagdiriwang ng Independence Day sa Hunyo 12, para sa isinasagawa nilang preparas­yon, sakaling magdaos ng mga kilos-protesta ang ilang grupo sa nasabing lugar.

Ayon kay Santiago, nais niyang masiguro na protektado ang sangay ng ehekutibo ng pamahalaan, partikular na si Pang. Ferdinand Marcos Jr.

Kabilang sa ininspeksyon ng MPD chief ay ang mga pangunahing kalsada, mga gate, papasok, at palabas ng Palasyo ng Malacañang.

Siniguro rin naman ni Santiago na may sapat silang mga tauhan upang magbantay sa Malacañang at panatilihin ang kapayapaan at kaayusan sa lungsod ng Maynila, sa Araw ng Kasarinlan sa bansa.

Oplan Balik-Eskwela…Mahigit 55K pulis naka-deploy sa pagbubukas ng klase

Posted on: June 8th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

UMAABOT sa 55,000 pulis ang idineploy ng Philippine National Police (PNP) sa pagbubukas ng klase ngayong araw sa ilalim ng Oplan Balik-Eskwela para matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante, guro, at mga magulang.

Ayon kay PNP PGen. Jose Melencio Nartatez Jr., ang deployment ay kinabibilangan ng 28,751 PNP personnel, 4,079 personnel mula sa iba pang yunit, 22,677 force multipliers mula sa mga partner agency, at community organizations.

Naglatag din ang PNP ng 9,319 Police Assistance Desks sa mga paaralan at nag-deploy ng 9,525 mobile patrol units upang palakasin ang seguridad at police visibility sa mga school zones.

Sa kabila nito, tiniyak ni Nartatez na hindi maaapektuhan ng operasyon ang regular na anti-crime campaigns, intelligence operations, at neighborhood safety initiatives ng PNP.

Sa datos ng Department of Education (DepEd), umabot na sa halos 26 milyong mag-aaral ang nakapag-enroll para sa School Year 2026-2027, habang ina­asahang aabot sa 26.4 milyon ang kabuuang bilang ng mga enrollees ngayong taon. ( Daris Jose)

PB DepEd: 26 milyong estudyante, balik-eskwela ngayon

Posted on: June 8th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NASA 26 milyong mag-aaral ang inaasahang magbabalik-eskwela ngayong Lunes, Hunyo 8, para sa School Year 2026-2027.

Ayon kay Department of Education (DepEd) Assistant Secretary Jocelyn Andaya, hanggang noong Biyernes ng nakaraang linggo, halos 26 milyong mag-aaral na ang nagpa-enroll para sa nasabing taong panuruan.

Aniya pa, inaasahan ng DepEd na aabot ng hanggang 26.4 milyon ang magiging enrollees para sa SY 2026-2027, na kahalintulad noong nakaraang taon.

Ipinaliwanag ni Andaya na may ilang estudyante, partikular na ang mga nasa senior high school (SHS), ang hindi kaagad makapagpatala sa klase dahil sa pagtatrabaho o ‘di kaya ay pag-uwi sa mga lalawigan.

Muli rin namang tiniyak ni Andaya na tuloy ang pagbubukas ng klase ngayong Lunes sa kabila ng ulat na posibleng magkaroon ng class suspension, na tinawag pa niyang ‘fake news.’

Siniguro rin niya na handang-handa na ang DepEd para tanggapin ang mga mag-aaral sa klase.

“Fake news ‘yan (class suspension). Sabi nga ni DepEd Secretary Sonny Angara, “Handang-handa na tayo sa DepEd para i-welcome ang mga bata at sabihin sa kanila na ang kanilang eskwelahan ay handa na, ito ay malinis, ito ay maayos, at ligtas sila rito,” pahayag Andaya said. “Tuloy na tuloy na sa June ang pasukan.” ( DARIS JOSE)

Knicks, posibleng ibulsa ang 2026 championship sa 6 Games – Pinoy European basketball coach

Posted on: June 8th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NANIWALA si Batang Europa Program Director, Coach Kem Navoa na kinalaunan ay makukuha ng New York Knicks ang 2026 NBA championship.
Posibleng mangyari ito sa loob ng anim na game o 4-2.

Ayon sa Europe-based Filipino basketball coach, bagaman malaki ang tyansa ng San Antonio Spurs na makakuha ng ilang panalo, posibleng mananaig pa rin ang pagiging batikan ng Knicks players kumpara sa karanasan ng bagitong Spurs superstar na si Victor Wembanyama.

Kailangan din aniya ni Spurs guard De’Aaron Fox na mag-level up tulad ng mga pinapakita niya sa regular games upang makapagbulsa ng panalo ang San Antonio, dahil sa ngayon ay labis nang nahihirapan ang bigman na bukod-tanging magbubuhat sa koponan.
Maaalalang ibinulsa ng Knicks ang dalawang magkasunod na Game 1 at Game 2 sa kabila ng pagpupumilit ng San Antonio na dominahin ang laban sa sarili nitong court.

Posible rin aniyang magkakaroon ng momentum swing sa mga susunod na laban ngunit naniniwala ang batikang Filipino coach na mananaig pa rin ang experience ng Knicks sa kasagsagan ng laban.

Tinukoy nito ang magandang performance ng New York guard na si Jalen Brunson, isang volume shooter na kayang dominahin ang 3-point line at paint area.

Ang 19-anyos din na Russian ay unang nagwagi ng kaniyang grand slam.

Posted on: June 8th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Tinalo nito sa finals ng French Open si Maja Chwalinska ng Poland sa score na 6-3, 6-2.

Itinuturing siya ngayon bilang pinakabatang manlalaro na nagwagi ng women’s single title mula noong makamit ni Monica Selessa sa taong 1992.

John Riel Casimero pinatumba si Luis Nery ng Mexico

Posted on: June 8th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAGWAGI si Pinoy boxer John Riel Casimero laban sa kay Luis Nery ng Mexico.

Nakuha ni Casimero ang Technical Knockout na panalo sa loob ng ikaapat na round sa laban na ginanap sa Japan.

Sa unang round pa lamang ay pinabagsak na ni Casimero si Nery hanggang sinundan pa ito sa ikalawang round at sa ikatlong round.

Pagpasok ng ikaapat ay dominado pa rin ng 37-anyos na si Casimero ang laban at tuluyang pinatumba ang Mexican boxer.

HINDI LAHAT NG MALETA ay may PERA, IBA PRUTAS!

Posted on: June 8th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SA GITNA ng mga bintang at kuwentong ang bawat maleta ay puno ng suhol, ipinakita ni Rep. Terry Ridon ang ibang katotohanan. Ang hinog na mangga sa loob ng kanyang bagahe ito ay sagot sa mga paninira, umano patunay na hindi lahat ay nabibili, at paalala na ang tunay na yaman ay nasa katotohanan at paglilingkod na walang halong dumi. Hindi lahat ng nakatago ay masama, ngunit ito ang pinakamalakas na sagot sa lahat ng haka-haka. Na sa panahong maraming naghahanap ng dumi at katiwalian, may mga taong nananatiling daladala ang katapatan at ang tunay na lasa ng pagiging tapat sa bayan. (By SER MORALES Sr.)

Bebot, isinelda sa sugal, droga sa Valenzuela

Posted on: June 8th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

BALIK-SELDA ang isang bebot matapos makuhanan ng droga nang maaresto ng pulisya habang naglalaro umano ng illegal na sugal kasama ng isang lalaki sa Valenzuela City.

Nahaharap sa kasong paglabag sa PD 1602 (Anti-illegal Gambling Law) at R.A 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang suspek na si alyas “Maricris”, 31, factory worker at residente ng Brgy. Bignay.

Sa ulat ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento kay Northern Police District (NPD) Acting District P/BGen. Benliner Capili, dakong alas-11:20 ng gabi, nagsasagawa ng anti-criminality operation ‘Oplan Galugad’ ang mga tauhan ng Police Sub-Station 7 sa Casarival 4,6, Northville 1, Brgy., Bignay nang maaktuhan nila ang suspek kasama ang isang lalaki na naglalaro umano ng sugal na ‘lucky 9’.

Nilapitan sila ng mga pulis saka inaresto at nasamsam sa kanila ang bet money, baraha at isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nakuha umano kay ‘Maricris’.

Ayon sa pulisya, dati ng nakulong si alyas Maricris dahil sa pagkakasangkot umano sa pagtutulak ng illegal na droga. 

(Richard Mesa)