• July 22, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 4th, 2026

Director Steven Spielberg celebrate “Disclosure Day” along with the cast at the red carpet premiere in Paris

Posted on: June 4th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments


THE stars are out in Paris as Emily Blunt, Josh O’Connor, Colman Domingo, and Wyatt Russell walk the red carpet at the premiere of science fiction film “Disclosure Day” on June 2 at the Grand Rex in Paris, France.

Director and filmmaking legend Steven Spielberg joined the cast in the festivities, celebrating his return to sci-fi after a long hiatus from the genre. Longtime collaborator of Spielberg’s and writer for “Disclosure Day” David Koepp was also in attendance.

Watch the final trailer of Disclosure Day: https://youtu.be/Jj_5v5rJ2v4

The film “Disclosure Day” answers the question of humanity’s response to the revelation of life beyond Earth. Based on an original story by Steven Spielberg, with screenplay by David Koepp, the film also stars Colin Firth and Eve Hewson. 

Check out more snapshots from the Paris premiere:Disclosure Day arrives in Philippine cinemas on June 10. Check out Universal Pictures PH (FB), UniversalPicturesPH (IG), and UniversalPicsPH (TikTok) for the latest news and updates.



Ibinatay sa maling batas, mga ebidensya binalewala…ALFRED at YASMINE, umapela sa pagka-dismiss ng reklamong bullying

Posted on: June 4th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

UMAPELA si Councilor Alfred Vargas at ng asawa na si Yasmine  Espiritu-Vargas sa Manila Prosecutors’ Office na muling suriin ang resolusyong nagbabasura sa kanilang reklamo laban kay Rob Sy at sa partner nitong si Juvelle Bacosa.

Ipinunto ng mag-asawang Vargas na maling batas ang pinagbasehan ng resolusyon at binalewala nito ang mga mahahalagang ebidensya na kanilang iprinisinta.

Sa kanilang petisyon, sinabi ng Vargas couple na ginamit sa resolusyon ang depinisyon ng bullying sa ilalim ng Republic Act No. 10627, o Anti-Bullying Act of 2013, isang batas na ipinasa upang partikular na tugunan ang bullying sa loob ng mga paaralan at institusyong pang-edukasyon.

Iginiit nila na ang reklamong inihain nila laban kina Sy at Bacosa ay hindi nakabase sa Anti-Bullying Act.

Sa halip, layon ng reklamo na panagutin ang mga respondent sa ilalim ng Section 10(a) ng Republic Act No. 7610, o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Layunin ng nasabing batas na pangalagaan ang mga bata laban sa pang-aabuso, kalupitan, pagsasamantala, at mga kondisyong nakasasama sa kanilang pag-unlad.

Dagdag pa ng mag-asawa, ang insidente ay nangyari sa isang swimming competition sa Rizal Memorial Sports Complex noong Pebrero 14, 2026, at hindi naganap sa loob ng paaralan.

“We respectfully believe that the Resolution erred in adopting a restrictive interpretation of the law and failed to fully appreciate the totality of the evidence on record,” pahayag nila.

Sinabi ng mga Vargas na binawasan ng resolusyon ang proteksyong ibinibigay ng batas sa kanilang anak dahil sa pagtrato nito sa bullying incident na isang insidenteng pang-paaralan lamang.

Ayon pa sa petisyon ng mag-asawa, mas malawak na proteksyong ibinibigay sa ilalim ng RA 7610.

Dagdag pa nila, binalewala ng Resolusyon ang mga ebidensya, kabilang ang mga testimonya ng mga witness, maging ang mga professional psychiatric findings na nagpapatunay sa matinding emosyonal at sikolohikal na epektong dinanas ng kanilang anak.

Ipinapakita ng isinumiteng ebidensya na ang insidente ay nagdulot ng takot, pagkabalisa, kahihiyan, at sikolohikal na pinsala sa bata.

Binigyang-diin din nila ang kabiguan nina Sy at Bacosa na gumawa ng nararapat na aksyon upang itama at mapigilan ang insidente, sa kabila ng mga naunang babala at paalala hinggil sa ikinilos ng kanilang anak.

Giit ng mag-asawang Vargas, taliwas sa nakasaad sa resolusyon, ang kanilang anak ay nakaranas ng agresyon, pangungutya, pamamahiya, pananakot, at emosyonal na pagmamaltrato.

“These acts resulted in clinically documented psychological distress,” sabi pa nila.

Tinutulan din nila ang paglalarawan ng resolusyon sa mga insidente bilang simpleng away-bata o maliliit na alitan lamang.

“These are not trivial matters,” ayon sa kanila. 

“These are precisely the kinds of acts and conditions that Republic Act No. 7610 seeks to prevent, particularly when they affect the dignity, emotional security, psychological well-being, and development of a child.”

Sinabi rin sa petisyon na ang kanilang reklamo ay hindi lamang nakabase sa sariling pahayag kundi sa mga salaysay ng maraming saksi na isinumite bilang suporta sa kaso.

“These are positive, direct, and material eyewitness accounts,” sabi ng mag-asawa sa kanilang apela.

Binigyang-diin din nina Vargas na hindi isinaalang-alang ng resolusyon ang sariling salaysay ng bata, maging ang resulta ng psychiatric evaluation.

Ayon sa apela, lumabas sa evaluation na dumanas ng emosyonal at sikolohikal na pagdurusa ang kanilang anak. Kabilang sa mga nakita sa pagsusuri ang adjustment disorder with mixed anxiety and depressed mood, pagkatakot, pagkapahiya, pagkabalisa, pakiramdam na pinagtaksilan, at iba pang palatandaan ng sikolohikal na pinsala na nangangailangan ng propesyonal na tulong.

“These manifestations should not be dismissed as mere childish statements or ordinary conflict between minors,” pahayag pa Alfred at Yasmine.

Dahil alam niyang magiging mabuti itong ama…SUE, game na game na magka-baby sila ni DOMINIC (ni: ROMMEL GONZALES) 

Posted on: June 4th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NATANONG si Sue Ramirez kung keri na ba niyang magka-baby sila ni Dominic Roque at agad niyang sinagot na,“why not? Sana.”

“Kung maibibigay, di ba? I think Dominic will be a very, very good father in the future, if he does want to have kids.”

Sabagay, nasa tamang edad na naman si Sue para maging ina, she will be turning thirty years old sa July 20, at iyon na nga, ready naman na raw siya.

“Matagal ko na siyang gustong mangyari for me. Kapag tinatanong ako, ano bang gusto ko pang mangyari? Sabi ko, parang nagawa ko na lahat. Ang dami ko nang nagawa.

“Pero gusto kong maging nanay.

“Gusto kong maging nanay na katulad ng nanay ko. Yun ang lagi kong sinasabi.”

Aminado si Sue dahil magti-30 na siya, may konting pressure na siyang nadarama.”Yun nga, inevitable yung ticking timebomb ng pagiging isang babae,” say niya.

“Kailangan na siya ng kilos at galaw soon kung gusto nating may mangyari at may mabuong bata.

“Pero right now, I am still busy working. Pero kung ibibigay sa akin, why not?”

Okay lang ba sa kanya na magkaanak kahit hindi pa kasal?

“Oo naman” ang pakli ni Sue.

Anyway, natanong nga si Sue tungkol dito dahil may pelikula sila ni Rico Blanco, ang “Project Baby” ng Regal Entertainment Inc. na ipapalabas na sa mga sinehan sa June 10.

Sa “Project Baby” ay siya si Sandy na gustong magka-baby sa isang sperm donor na walang commitment.

Okay din ba sa kanya ang ganitong sitwasyon?

“Dati, naisip ko iyon. Baka kahit walang partner, baka kaya ko?

“Pero ngayon, mas ano na ako…siguro depende sa partner mo at the moment.

“Makikita mo rin talaga iyon at saka mas mabubukas pa yung isip at puso mo sa possibility na I can still form a beautiful family.

“Pero if not, I think pipiliin mo pa rin yung tao na alam mo na kahit maghiwalay kayo o meron kayong hindi napagkakasunduan, kapag medyo may certainty ka din dun sa person that you want to do it with.”

Balitang ipalalabas din sa Kapatid Network…’Sigabo’ nina COCO at JULIA, paparating na ngayong June 22 sa Primetime Bida (ni: ROHN ROMULO)

Posted on: June 4th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

INILABAS na ang official poster ng “Sigabo” na pararating na ngayong June 22, 8:00 PM sa Primetime Bida.  Mababasa sa FB post…”May tapang na hindi sumusuko at pusong hindi umaatras. Kapag puso ang iyong pinupuntirya, siguradong tatamaan ka.

“Ang tambalang matagal mong hinintay sa Primetime — Coco Martin at Julia Montes sa kwentong puno ng aksyon at emosyong didiretso sa puso mo.”

Handog ito ng ABS-CBN Studios, CCM Film Productions at Dreamscape Entertainment

Mapapanood ito sa All TV, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live on Youtube, at iWant app!

Muli ngang mapapanood gabi-gabi “Ang Hari ng Aksyon sa Ating Henerasyon,” kasama ang prime at award-winning actress na si Julia.Aasahan sa “Sigabo” ang tatak-Coco Martin na walang humpay na aksyon ang handog ng aktor. Mula ito sa orihinal na konsepto ni Coco, pagkatapos ng makasaysayang pag-ere ng mga programang minahal ng sambayanang Pilipino.

Tiyak na bagong putahe naman ang handog ni Coco at ng ABS-CBN na muling na tatatak sa puso ng mga Pilipino katulad ng matagumpay na pag-ere ng “FPJ’s Ang Probinsyano” na naging longest-running action-drama series sa Pilipinas, at ng “FPJ’s Batang Quiapo” na naging pinakapinanonood na primetime series ng tatlong taon. 

Anyway, totoo kaya ang kumakalat na balitang ipalalabas din ang bagong action series sa TV5, dahil may pag-uusap sa sa pagitan ng ABS-CBN dahil kay Coco. Balitang inaayos inaayos na raw ang collaborations dahil ang mga programa ng Kapatid network ay mapapanood na rin sa ABS-CBN platforms.’Pag natuloy ang pagpasok ng “Sigabo” sa Singko, magkakaroon kaya ng pagbabago sa timeslot ng mga serye ng TV5, tulad ng “My Bespren Emman” at “Secret in Prague”?Well, abangan na lang natin ang kaganapan pagdating ng June 22, na kung saan makakatapat din ng serye ni Coco ang top-rating series ni Dingdong Dantes, ang “The Master Cutter” sa GMA-7. 

PAG-DETECT NG BAGYO SA MAYNILA, IPRINISINTA

Posted on: June 4th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

IPRINISINTA ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso ang ilang bagong kagamitan o early warning devices at weather preparedness equipment bilang bahagi ng paghahanda ng pamahalaang lungsod sa mga inaasahang sakuna o El Niño.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso, ilalagay ito malapit sa coastal area sakop ng District 1, 3 at 5.

Pangangasiwaan ito sa ilalim ng Manila City Disaster Risk Reductin and Management Department o MCDRRMD.

Sinabi ni Christian John Evangelista , local DRRMO Officer na dalawang hazard sirene na may anim na horns at automated weather station ang kanilang i-install sa lalong madaling panahon.

Ito ay karagdagan lamang sa apat na nauna nang kagamitan na binili rin ng pamahalaang lungsod ng Maynila para sa agarang pagtugon sa mga oras ng delubyo o sakuna tulad ng bagyo, lindol at iba pa.

Ayon pa kay Evangelista, ang naturang kagamitan kasama ang system nito ay binili sa Japan sa halagang P20 milyon.

Sinabi ni Mayor Isko na ang maagap na paglikas ay makapagliligtas ng buhay sa pamamagitan ng naturang kagamitan dahil na rin sa patuloy na paghahanda sa pamumuno ni MCDRRMD Director Arnel Angeles.

Pangungunahan din ng MCDRRMD ang pagsasanay sa mga Barangay o komunidad sa pamamagitan ng simulation at drills. (Gene Adsuara)

Filipino heritage, kakatawanin ang makasaysayang NBA Finals matchup

Posted on: June 4th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MAAARING magkaroon ng makasaysayang representasyon ang mga Pilipino sa darating na NBA Finals, matapos mapabilang sa magkalabang koponan ang dalawang manlalarong may dugong Pilipino na sina Jordan Clarkson ng New York Knicks at Dylan Harper ng San Antonio Spurs.

Sa naturang senaryo, inaasahang hindi lamang tagapanood ang mga Pilipino, kundi magkakaroon din ng direktang representasyon sa loob ng pinakamalaking entablado ng NBA.

Si Clarkson, beteranong scorer at matagal nang kinikilalang bahagi ng Gilas Pilipinas program, ay may malalim na kaugnayan sa Pilipinas. Kilala siya sa pagsusuot ng “PILIPINAS” jersey sa mga international tournaments at sa kanyang pagiging bahagi ng Philippine basketball scene sa mga nakaraang taon.Balitang Pilipinas

Samantala, si Harper naman ang 2025 No. 2 draft pick, ay itinuturing na isa sa mga young guards ng liga. Anak siya ng dating NBA champion na si Ron Harper, at may dugong Pilipino sa panig ng kanyang ina na si Maria Pizarro na mula Bataan.

Gilas Pilipinas Women, dumanas ng back-to-back loss sa FIBA 3×3 Women’s World Cup

Posted on: June 4th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

DUMANAS ng back-to-back loss ang Gilas Pilipinas Women sa FIBA 3×3 Women’s World Cup.

Unang nabigo ang Philippine team sa kamay ng Latvia, 11-14 sa opening game ng Pool C ng naturang torneyo.

Nagawa pa ng team na magbulsa ng 5-2 advantage sa unang bahagi ng laban ngunit bumawi ang Latvian team sa pamamagitan ng isang dominanteng 12-1 run.

Muli namang gumanti ang Gilas at naibaba ang kalamangan sa 13-10 ngunit sa huli ay kinulang pa rin ang comeback effort ng koponan.

Sa sumunod na laban ng Gilas Women, nabigo rin ito sa bigating Team Germany, 10-22.

Dinomina ng No. 6 seed ang Gilas at hindi binigyan ang PH team ng anumang pagkakataon para makabawi.

Bukas (June 3) ay haharapin ng PH team ang China at Italy sa nagpapatuloy na elimination games. Sa ngayon ay hawak nito ang pinakamababang puwesto sa Pool C dahil sa dalawang magkasunod na pagkatalo.

Unang nakakuha ng FIBA 3×3 Women’s World Cup ticket ang Pilipinas matapos nitong itumba ang Team Singapore sa qualifiers.

Lino Cayetano, itinalaga bilang bagong PTV-4 GM

Posted on: June 4th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

INANUNSYO ng Malakanyang na itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang film at television director at dating Taguig City Mayor na si Lino Cayetano bilang bagong general manager ng state-run People’s Television Network o PTV-4.

Tinukoy ni Presidential Communications Office (PCO) Acting Secretary Dave Gomez ang “rare wealth of experience from the media, the private, and the public sector” ni Cayetano na aniya’y makatutulong para mas maiangat ang PTV 4 sa larangan ng multimedia.

Si Cayetano, may-ari ng Rein Entertainment, nagsilbi bilang Alkalde ng Taguig mula 2019 hanggang 2022 at Taguig City 2nd District representative mula 2013 hanggang 2016. Kapatid siya ni Senate President Alan Peter Cayetano.

Ang PTV-4 ay kasalukuyang pinamumunuan sa acting capacity ni Malou Choa-Fagar, na nagsilbi bilang acting general manager simula pa noong August 2025.

Pinasalamatan naman ni Gomez si Fagar sa pamumuno sa state-run television network.

“I would also like to extend my profound gratitude to GM Fagar for her service to the station and the nation,” ani Gomez.

Ang PTV-4, itinatag noong 1974, ay isang state-operated television network ng gobyerno sa ilalim ng pangangasiwa ng PCO. (DARIS JOSE)

Cavite 4th District Rep. Francisco “Kiko” Barzaga, pinatalsik sa Kamara

Posted on: June 4th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

TULUYAN nang pinatalsik sa roster ng kamara si Cavite 4th District Rep. Francisco “Kiko” Barzaga nitong Martes ng gabi dahil sa mga social media posts nito laban sa gob­yerno at mga kilalang personalidad, kabilang ang mga kapwa nito mambabatas.

Sa botong 265 pabor, 14 tutol at walo ang nag-abstain, ganap na napatalsik bilang miyembro ng Kamara si Barzaga dahilan sa umano’y disorderly behavior nito at misconduct na hindi akma bilang mambabatas.

Ang pagpapatalsik kay Barzaga ay kasunod naman ng Committee Report No. 298 na isinulong ni 4Ps partylist Rep. Jonathan Clement Abalos, chairman ng House Committee on Ethics, kaugnay ng disorderly behavior at conduct unbecoming a member of the House of Representatives sa panibagong ethics complaint na inihain naman ni Iloilo Rep. Janette Garin.

Ayon kay Abalos, matapos ang masusing deliberasyon, natagpuan ng mga mambabatas na si Barzaga “committed disorderly behavior and conduct unbecoming of a Member of the House of Representatives,” batay sa panuntunan ng Kamara at Section 4 ng Republic Act No. 6713.

Ito ang ikatlong pagkakataon na pinatawan ng suspensyon si Barzaga, nauna na itong masuspinde ng 60 araw mula Disyembre 1, 2025 sa kasong disorderly behavior at misconduct.

Nakabalik si Barzaga noong Enero 30, 2026 pero muling nasuspinde ng karagdagang 60 araw noong Pebrero 4, 2026 dahil sa patuloy na pagpo-post ng mga malis­yoso at mapanirang mga pahayag na nakakasira na sa imahe ng Kamara. (Vina de Guzman)

PBBM, nakiisa sa bayanihan sa paaralan sa Navotas

Posted on: June 4th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasama sina DepEd Secretary Sonny Angara at Navotas City Mayor John Rey Tiangco ang kick-off ng Brigada Eskwela 2026 sa Kapitbahayan Elementary School sa lungsod, bilang pakikiisa sa bayanihan sa paaralan, at naglaan din ng oras para magbasa ng kwento at magbigay-saya sa mga batang mag-aral. (Richard Mesa)