• July 22, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PAG-DETECT NG BAGYO SA MAYNILA, IPRINISINTA

IPRINISINTA ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso ang ilang bagong kagamitan o early warning devices at weather preparedness equipment bilang bahagi ng paghahanda ng pamahalaang lungsod sa mga inaasahang sakuna o El NiƱo.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso, ilalagay ito malapit sa coastal area sakop ng District 1, 3 at 5.

Pangangasiwaan ito sa ilalim ng Manila City Disaster Risk Reductin and Management Department o MCDRRMD.

Sinabi ni Christian John Evangelista , local DRRMO Officer na dalawang hazard sirene na may anim na horns at automated weather station ang kanilang i-install sa lalong madaling panahon.

Ito ay karagdagan lamang sa apat na nauna nang kagamitan na binili rin ng pamahalaang lungsod ng Maynila para sa agarang pagtugon sa mga oras ng delubyo o sakuna tulad ng bagyo, lindol at iba pa.

Ayon pa kay Evangelista, ang naturang kagamitan kasama ang system nito ay binili sa Japan sa halagang P20 milyon.

Sinabi ni Mayor Isko na ang maagap na paglikas ay makapagliligtas ng buhay sa pamamagitan ng naturang kagamitan dahil na rin sa patuloy na paghahanda sa pamumuno ni MCDRRMD Director Arnel Angeles.

Pangungunahan din ng MCDRRMD ang pagsasanay sa mga Barangay o komunidad sa pamamagitan ng simulation at drills. (Gene Adsuara)