• July 22, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Balitang ipalalabas din sa Kapatid Network…’Sigabo’ nina COCO at JULIA, paparating na ngayong June 22 sa Primetime Bida (ni: ROHN ROMULO)

INILABAS na ang official poster ng “Sigabo” na pararating na ngayong June 22, 8:00 PM sa Primetime Bida.  Mababasa sa FB post…”May tapang na hindi sumusuko at pusong hindi umaatras. Kapag puso ang iyong pinupuntirya, siguradong tatamaan ka.

“Ang tambalang matagal mong hinintay sa Primetime — Coco Martin at Julia Montes sa kwentong puno ng aksyon at emosyong didiretso sa puso mo.”

Handog ito ng ABS-CBN Studios, CCM Film Productions at Dreamscape Entertainment

Mapapanood ito sa All TV, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live on Youtube, at iWant app!

Muli ngang mapapanood gabi-gabi “Ang Hari ng Aksyon sa Ating Henerasyon,” kasama ang prime at award-winning actress na si Julia.Aasahan sa “Sigabo” ang tatak-Coco Martin na walang humpay na aksyon ang handog ng aktor. Mula ito sa orihinal na konsepto ni Coco, pagkatapos ng makasaysayang pag-ere ng mga programang minahal ng sambayanang Pilipino.

Tiyak na bagong putahe naman ang handog ni Coco at ng ABS-CBN na muling na tatatak sa puso ng mga Pilipino katulad ng matagumpay na pag-ere ng “FPJ’s Ang Probinsyano” na naging longest-running action-drama series sa Pilipinas, at ng “FPJ’s Batang Quiapo” na naging pinakapinanonood na primetime series ng tatlong taon. 

Anyway, totoo kaya ang kumakalat na balitang ipalalabas din ang bagong action series sa TV5, dahil may pag-uusap sa sa pagitan ng ABS-CBN dahil kay Coco. Balitang inaayos inaayos na raw ang collaborations dahil ang mga programa ng Kapatid network ay mapapanood na rin sa ABS-CBN platforms.’Pag natuloy ang pagpasok ng “Sigabo” sa Singko, magkakaroon kaya ng pagbabago sa timeslot ng mga serye ng TV5, tulad ng “My Bespren Emman” at “Secret in Prague”?Well, abangan na lang natin ang kaganapan pagdating ng June 22, na kung saan makakatapat din ng serye ni Coco ang top-rating series ni Dingdong Dantes, ang “The Master Cutter” sa GMA-7.