• June 4, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 4th, 2026

PBBM, pinangunahan ang kick-off ng Brigada Eskwela sa Navotas

Posted on: June 4th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PERSONAL na bumisita si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasama sina DepEd Secretary Sonny Angara at Navotas City Mayor John Rey Tiangco sa Kapitbahayan Elementary School sa lungsod para pangunahan ang kick-off ng Brigada Eskwela 2026.

Binigyang-diin ng Pangulo ang kahalagahan ng Brigada Eskwela bilang sama-samang pagkilos ng pamahalaan, mga guro, magulang, at mga volunteer upang matiyak na handa ang mga paaralan bago ang pasukan sa eskwela.

Ininspeksyon din niya ang mga CCTV units na inilagay sa paaralan noong Abril 2026 upang tiyakin ang kaligtasan ng mga mag-aaral at mga guro, at maiwasan ang vandalism at iba pang banta sa seguridad.

Nagpasalamat naman si Mayor Tiangco sa Pangulo sa pagdalaw nito sa lungsod, bilang pakikiisa sa bayanihan sa paaralan, at paglaan ng oras para magbasa ng kwento at magbigay-saya sa mga batang mag-aral.

“Bukod sa paghahanda sa pasukan, alam nating memorable experience para sa mga batang Navoteño ang makasama at makausap siya,” dagdag niya. 

Kasunod nito, binisita din ni Pangulong Marcos, kasama si DSWD Sec. Rex Gatchalian ang mga pamilyang pansamantalang nanunuluyan sa evacuation center sa Phase 1C, Multipurpose Hall, Brgy., NBBS Kaunlaran, na naapektuhan ng sunog sa Brgy. NBBS Proper noong Enero 2026 para kamustahin at bigyan ng food packs, hygiene kits, at tulong pinansyal upang matugunan ang kanilang pangangailangan habang nagsisimula silang makabangon.

Pinasalamatan din ni Tiangco si DepEd Sec. Angara, DSWD Sec. Gatchalian para sa Tara, Basa! at kay DOLE Sec. Francis Tolentino sa paglalagay ng TUPAD workers na tumutulong sa paglinis at pag-aayos ng paaralan. 

(Richard Mesa)

NBI AT BOC, NAKAKUMPISKA NG ₱35.4-M HALAGA NG SMUGGLED NA SIBUYAS AT BAWANG SA NUEVA ECIJA

Posted on: June 4th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAKUMPISKA ng National Bureau of Investigation, sa pamamagitan ng Special Action Unit (NBI-SAU) nito, kasama ang Bureau of Customs (BOC) at ang Philippine Coast Guard (PCG), ang mga ilegal na inangkat na produktong agrikultural na nagkakahalaga ng ₱35,437,198.00 mula sa isang cold storage facility sa Talavera, Nueva Ecija.

Ang operasyon ay nag-ugat sa isang reklamo na humihiling ng imbestigasyon sa umano’y ilegal na pag-angkat, pag-iimbak, pamamahagi at pagbebenta ng mga ipinuslit na sibuyas sa mga lokal na pamilihan. Batay sa ulat, nagsagawa ang NBI-SAU ng pangangalap ng impormasyon, pagmamatyag, pagpapatunay at isang test-buy operation laban sa Talco Cold Storage Corp., na matatagpuan sa Bypass Road, Brgy. Calipahan, Talavera, Nueva Ecija.

Ang mga sample na nakuha sa test-buy ay isinumite sa Department of Agriculture–Bureau of Plant Industry (DA-BPI), na nagkumpirma na ang mga sibuyas ay inangkat.

Noong Abril 24, 2026, sa bisa ng isang Liham ng Awtoridad, sinuri ng mga tauhan ng NBI-SAU, BOC at PCG ang pasilidad at natuklasan ang bulto ng mga inangkat na sibuyas na nakatago sa likod ng mga tambak ng lokal na nakabalot na sibuyas. Napansin ng mga awtoridad na ang paraan ng pagtatago ay nagpapahiwatig ng isang tila pagtatangka na itago ang mga inangkat na produkto mula sa inspeksyon.

Matapos mabigo ang Talco Cold Storage Corp. na bigyang-katwiran ang pag-aari nito ng mga inangkat na sibuyas at bawang sa loob ng itinakdang panahon, naglabas ang BOC ng Warrant of Seizure and Detention noong Mayo 21, 2026, na nag-uutos sa pagsamsam at wastong disposisyon ng mga produktong agrikultural.

Ang kabuuang halaga ng mga nakumpiskang produkto ay lumampas sa itinakdang limitasyon sa ilalim ng Republic Act No. 12022, o ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act of 2024, kaya maituturing na economic sabotage ang agricultural smuggling.

Ipagpapatuloy ng NBI-SAU ang imbestigasyon nito upang matukoy ang lahat ng taong responsable at makakalap ng karagdagang ebidensya para sa pagsasampa ng mga naaangkop na kaso sa ilalim ng RA 12022, RA 10863, o ang Customs Modernization and Tariff Act, at iba pang naaangkop na batas. (PAUL JOHN REYES)

Pride Month: PBBM, nangako ng patas na proteksyon, paggalang sa LGBTQIA+ community

Posted on: June 4th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NANGAKO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ng patas na proteksyon at paggalang para sa LGBTQIA+ community habang nakiisa sa pagdiriwang ng Pride Month.

Sinabi ng Pangulo na nananatiling committed ang gobyerno na tiyakin ang ‘dignity, inclusion, at equal opportunities’ para sa lahat ng Filipino anuman ang pagkakakilanlan ng mga ito.

“As we celebrate Pride Month, the government reaffirms a principle that must never waver: every Filipino is entitled to equal protection, equal opportunity, and equal respect under the law,” ayon sa Pangulo.

Binigyang diin ni Pangulong Marcos na “inclusion should not remain only in words.”

“It must be reflected in our policies, strengthened by our institutions, and practiced in our everyday actions as a people,” aniya pa rin.

Sa kabilang dako, kinilala naman ng Pangulo ang kontribusyon ng LGBTQIA+ community sa bansa pamamagitan ng “talent, service, at leadership.”

“The LGBTQIA+ Community has long helped shape our country’s progress through its talent, service, and leadership,” ang pahayag ng Pangulo.

“To overlook these contributions is to deny an essential part of the Filipino story,” dagdag na wika nito.

Wala aniyang Pinoy ang makararamdan na hindi sila kasali sa lipunan dahil lamang sa kanilang ‘identity.’

“Let this observance send a clear message: no Filipino should ever be made to feel invisible in the country they help build,” ang tinuran ng Pangulo.

“No one should ever be forced to conceal who they are in order to earn acceptance and understanding,”aniya pa rin.

Samantala, kinilala naman ng Pangulo ang pakikibakang kinahaharap ng mga miyembro ng LGBTQIA+ community para tanggapin ng lipunan at ikasa ang pagkakapantay-pantay.

“This observance honors the courage of those who refused to be excluded or denied their rightful place in society,” ani Pangulong Marcos.

Ads June 4, 2026

Posted on: June 4th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments