• July 7, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May, 2026

Boston head coach Joe Mazzulla tinanghal bilang 2025-26 NBA Coach of the Year

Posted on: May 29th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Itinanghal bilang 2025-26 NBA Coach of the Year si Boston Celtics head coach Joe Mazulla.

Si Mazulla ang coach mula sa Boston na makakuha sa naturang pagkilala matapos ang 46 na taon.

Tinalo ng Boston head coach sina Detroit Pistons coach J.B. Bickerstaff at San Antonio Spurs HC Mitch Johnson. Nakakuha kasi ang batikang coach ng 62 first-place habang ang sumunod sa kaniya na si Bickerstaff ay nakakuha lamang ng 29 na boto.

Maalalang sa katatapos na season ay pinangunahan ni Mazulla ang roster overhaul sa Celtics kasunod ng pag-alis nina Kristaps Porziņģis, Jrue Holiday, at Al Horford, kasama ang pagkawala ni Jayson Tatum dahil sa kaniyang mahabang rehabilitasyon mula sa achiles injury.

Sa pamamagitan ng ginawang overhaul, nagawa ng Boston na tapusin ang naturang season bilang No. 2 seed sa Eastern Conference, 56-26.

Sa kabilang banda, huling nakuha ng Celtics coach ang Coach of the Year award noong 1979 – 1980 Season kung saan nagsisilbi noong head coach ng koponan si Bill Fitch.

Si Mazulla ang isa sa pinakabatang coach na makakuha ng naturang award sa kaniyang edad na 37.

52 pamilyang nasunugan sa Caloocan, hinatiran ng tulong ni Mayor Along

Posted on: May 29th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PERSONAL na binisita ni Mayor Along Malapitan ang 52 pamilyang naapektuhan ng sunog sa Barangay 132, Caloocan City upang maghatid ng tulong pinansyal at food packs mula sa Pamahalaang Lungsod ng Caloocan.

Nauna rito, naghatid na ang City Social Welfare and Development Department ng sleeping kits, hygiene kits, hot meals, at iba pang pangunahing pangangailangan upang matiyak na may agarang tulong ang mga naapektuhang pamilya. (Richard Mesa)

NPD, pinaigting ang surprise inspection sa mga police sub-stations

Posted on: May 29th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PINAIGTING ng Northern Police District (NPD) ang surprise inspection nito sa lahat ng police sub-stations sa CaMaNaVa bilang bahagi ng patuloy nitong internal reforms at pagsisikap na palakasin ang disiplina, pananagutan, at kahusayan sa pagpapatakbo sa loob ng organisasyon.

Ayon kay NPD Acting District Director P/BGen. Benliner Capili, binibigyang-diin ng inisyatiba ang matatag na pangako ng NPD na itaguyod ang integridad, propesyonalismo, at mataas na pamantayan ng serbisyo ng pulisya alinsunod sa Anim na Strategic Program Thrust nito, partikular sa Integrity Monitoring Enhancement / Internal Cleansing.

Dagdag niya, sa pagsasagawa ng mga inspeksyon, ang mga tauhan at pasilidad ng pulisya ay tinasa upang matiyak ang kahandaan, tamang ugali, pagsunod sa mga standard operating procedures, at pagtugon sa paghahatid ng serbisyo publiko.

Layunin din aniya ng aktibidad na tukuyin ang mga puwang at agad na matugunan ang mga lugar na nangangailangan ng pagpapabuti upang higit pang mapahusay ang mga operasyon ng pulisya at tiwala ng publiko.

Iginiit pa ni Gen. Capili na ang internal cleansing mechanisms, kabilang ang unannounced inspection ay mahalaga sa pagpapanatili ng disiplina at pagtiyak na ang bawat pulis ay nananatiling may pananagutan at nakatuon sa pinakamataas na pamantayan ng serbisyo.

“This initiative is part of our continuing effort to strengthen internal discipline and reinforce a culture of integrity within the ranks. We expect all personnel to consistently uphold professionalism and public service excellence at all times,” ani B/Gen. Capili.

Tinitiyak din ng NPD sa publiko na patuloy itong magpapatupad ng mga katulad na hakbangin upang higit na mapabuti ang pagganap ng pulisya at matiyak na ang mga serbisyo sa pagpapatupad ng batas ay mananatiling mahusay, maaasahan, at karapat-dapat sa pagtitiwala ng publiko. (Richard Mesa)

43 KILOGRAMS NG SHABU NAHARANG SA MANILA INTERNATIONAL CONTAINER PORT

Posted on: May 29th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MATAGUMPAY na naharang ng mga anti-drugs operatives ang humigit-kumulang 43 kilo ng pinaghihinalaang methamphetamine hydrochloride, o mas kilala sa tawag na shabu, sa isang coordinated seaport interdiction operation sa Manila International Container Port (MICP) sa Tondo, Manila noong Lunes, Mayo 25, 2026, bandang 3:40 ng hapon.

Ang operasyon ay isinagawa ng mga operatiba at tauhan mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Intelligence Service; Regional Office–National Capital Region (RO-NCR); International Cooperation and Foreign Affairs Service (ICFAS); at Legal and Prosecution Service (LPS), sa pakikipagtulungan ng Bureau of Customs Enforcement and Security Service (ESS) at Customs Anti-Illegal Drugs Task Force (CAIDTF).

Narekober ng mga awtoridad ang kabuuang 129 na parihabang pakete na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na may bigat na humigit-kumulang 43 kilo, na tinatayang aabot sa halagang ₱292.4 milyon.

Ang nakumpiskang kargamento ay kasalukuyang sumasailalim sa masusing imbestigasyon upang matukoy ang pinagmulan nito, mga tatanggap nito, at posibleng kaugnayan sa local at international drug trafficking networks.

“This successful interdiction highlights the unwavering commitment of our law enforcement agencies to protect the country’s borders from the entry of illegal drugs,” sabi ni PDEA Director General Undersecretary Isagani R. Nerez.”

“Through strengthened inter-agency cooperation and intensified intelligence operations, we will continue to pursue and dismantle drug trafficking syndicates that threaten the safety and welfare of our communities.” dagdag pa ni PDEA DG Nerez.

Ang mga daungan ng bansa ay nananatiling mahigpit na sinusubaybayan habang patuloy na pinapahusay ng gobyerno ang kakayahan nito sa pagpapatupad laban sa mga ilegal na aktibidad ng droga. Ipinapakita ng operasyon ang bisa ng matibay na koordinasyon sa mga partner agencies sa pagprotekta sa bansa mula sa pagiging koridor ng trafficking ng droga.

Tiniyak ng mga awtoridad sa publiko na ang case build-up operations and profiling activities ay nagpapatuloy bilang paghahanda sa pagsasampa ng mga kaukulang kaso laban sa mga indibidwal na sangkot sa tangkang pagpapadala ng mga ilegal na droga. (PAUL JOHN REYES)

4.7 milyong food packs nakalatag na sa maaapektuhan ng bagyong Domeng

Posted on: May 29th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

HANDA na ang pamunuan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para ipamahagi ang nasa 4.7 milyong kahon ng family food packs (FFPs) sa mga pamilyang posibleng maaapektuhan ng bagong low-pressure area (LPA) na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) na inaasahang papasok ng bansa at maging bagyo na tatawaging Domeng.

Ayon kay DSWD Asst Secretary at spokesperson Irene Dumlao, na nakahanda na ang mga FFPs sa iba’t ibang warehouses sa bansa.

Bukod sa FFPs, nananatiling sapat ang stockpiles ng DSWD tulad ng iba pang food items na may halagang P589 milyong non-food relief items at iba pang non-food items na may halagang P153 milyon.

Mayroon din na nakastandby pang pondo na nasa P923 milyon na maaring magamit sa panahon ng panga­ngailangan.

“Sa kabuuan, aabot sa higit P5.3 billion ang standby funds at stockpiles ng DSWD na maaaring gamitin kung sakaling pumasok na at maminsala ang Bagyong Domeng sa ating bansa,” dagdag ni Dumlao.

Aware ang mga may-ari na nagtatago ang aktor:KEN, palipat-lipat sa pinagtatrabahuhan na mga bars

Posted on: May 29th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

ISANG mapagkakatiwalaang source ang nagpatunay sa amin na nasa Bangkok, Thailand nga si Ken Chan.

Ayon sa aming source kasalukuyan daw itong nagtatrabaho sa mga bars sa may Silom area.

Binanggit pa ng aming source na palipat-lipat daw ng mga bars si Ken.  Aware daw ang may-ari ng mga bars na nagtatago ito. Kapag may mga taga-immigration daw na naghahanap itinatago daw ito sa CR.

Sabi pa nga ng aming source, nakakalbo na raw ngayon si Ken. Dagdag naman ng isang kasama niya, marahil daw ay stress-related na ang cause ng baldness ni Ken.

HIndi nga raw ito napapakali sa trabaho dahil palaging may alalahanin na baka nga siya mahuli at mapauwi ng Pilipinas.

Kung inyong matatandaan, nasangkot ang dating Kapuso actor sa syndicated estafa case.

Tumataginting na P14 million ang perang involved, dahil sa nalugi nitong restaurant na ltinawag noon na Cafe Claus. 

November 2024 nung i-serve ang warrant of arrest ng Quezon City Police sa bahay ng aktor. Subalit wala ang aktor at hindi ito matagpuan.

Ayon sa report, iginiit ng kampo ni Ken na wala itong ini-scam na pera. At lalong wala itong ninakaw.

Ang totoong dahilan lang daw ay ang pagkalugi nito at sinasabing business brankruptcy ang dahilan.

Marami tuloy ang umuusisa na kung talagang wala naman daw kasalanan itong si Ken bakit hindi ito umuwi at harapin ang kasong kanyang kinakaharap. Bakit daw kailangan nitong magtago? 

Kung naniniwala daw itong “truth will prevail” eh, patunayan daw nito at harapin ang mga taong kanyang nakasosyo sa negosyo.

***

TOTOO ba ang balitang may mga sisibakin daw na main host ang “It’s Showtime”

Ayon sa balita, dalawang main host daw ang tatanggalin sa nasabing noontime show.

May mga nagsabing gusto raw unahan ng network ang mga main hosts na ito kaya gusto na nilang sibakin bago sila iwanan ng mga ito.

Ang totoo daw kasi, may offer ang dalawang main host na ito sa ibang network. For sure, mas malaki ang offer. Mas maganda ang mga benepisyo.

Kamakilan lang, na-interview daw si Ogie Alcasid tungkol sa nasabing isyu.

Pero, tila walang kaalam-alam si Ogie sa nasabing balita. Unaware daw ito sa isyu.

Ayon naman sa ibang netizen, isa raw si Ogie sa mga nasasabing main host na na-offer-an ng ibang network. 

Baka naman ayaw pa lang umamin kasi hindi pa naman plantsado ang offer.  

Well, kung totoo man ang isyung ito. Desisyon naman nila yon. At kung totoo nga, wala namang masama kung para sa career growth ito. 

Kapag nagkataon at nawala ang dalawang main host na ito sa “It’s showtime” sigurado lang na hahatakin nito ang ratings pababa.

Well…ganyan talaga sa showbiz. 

Yung sinasabing loyalty. minsan nababayaran.

Nadismis ang kasong sinampa nina Councilor Alfred:ROB, pinagdiinang hindi bully ang anak dahil pinapalaki nila ng maayos (ni: ROMMEL GONZALES) 

Posted on: May 29th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAGLABAS ng official statement ng aktor na si Rob Sy tungkol sa pagkakadismis ng kasong isinampa ni QC Councilor Alfred Vargas sa isyu ng bullying sa pagitan ng kanilang mga anak.

Ayon sa kanyang post… 

(On the Dismissal of the Child Abuse Complaint filed before the Manila City Prosecutor’s Office)

“Malugod po naming tinatanggap ang May 12, 2026 Resolution na inilabas ng Office of the City Prosecutor of Manila na NAGBASURA sa criminal complaint for alleged child abuse under R.A. 7610 na isinampa laban sa amin.

“Sa sampung (10) pahinang resolusyon, nakita ng Manila City Prosecutor’s Office na Walang Sapat na ebidensya o prima facie case para kami ay makasuhan ng criminal, lalo na para magpakita ng anumang reasonable certainty of conviction sa korte. 

“Hindi po bully ang aming anak at sinisiguro po namin na sya ay aming pinapalaki ng maayos, at kung nagkakamali ay aming itinatama at dinidisiplina. Gaya ng maayos na pagpapalaki sa amin ng aming mga magulang, hangad din namin na mapalaki ng tama ang aming anak.”

Dagdag pa niya, “Consistent po dito, ay tahasan ding sinabi sa Resolution na ang mga alegasyon ay “merely based on speculation,” at muling pinagtibay ang isang pangunahing prinsipyo sa batas na “ang allegasyon ay hindi ebidensya.”

“Mula pa lamang sa simula, nanindigan kami na ang reklamong ito ay isang kalkuladong “Narrative Reversal” at isang pagtatangkang baliktarin ang tunay na pangkalahatang kwento gamit ang media portrayals at emotional theatrics imbes na objective facts at totoong ebidensya.

“Sa kabila ng online hostility, cyberbullying, at maagang paghusga ng ilan na aming tiniis sa buong ordeal na ito, pinili naming huwag sumabay sa Pampublikong Drama. 

“Sa halip, umasa kami sa tahimik ngunit matibay na bigat ng Objective Truth, Verified Clinical Psychological Evaluations, at Institutional Validation mula sa mga tamang awtoridad.”

Pagpapatuloy pa niya, “lubos ang aming pasasalamat sa Office of the City Prosecutor ng Maynila para sa patas, masusi, at objective nilang pag-evaluate sa mga ebidensya. 

“Nagpapasalamat din kami sa aming mga Pamilya, mga Co-Parents at sa mga nag Testigo na lakas loob na humarap ng kusang loob sa Manila Prosecutor’s Office para tahasang isalaysay at ipaliwanag ang kanilang mga nasaksihan. Malaking Pasasalamat din sa aming mga Swimming Teams, at sa aming mga Nagmamahal Kaibigan, at lalo na sa aming Abogado, si Atty. DJ Jimenez (The Pinoy Street Lawyer Official), na matatag na tumayo sa tabi ng aming pamilya lalo na sa anak namin. Salamat din sa mga grupo at indibidwal-na kahit hindi namin personal na mga kakilala, ay nagpaabot ng kanilang Suporta at hindi nagpadala sa ano mang one-sided public narratives.

“Bagama’t nauunawaan namin sa paliwanag ng aming abogado na maaari pa itong i-apela o humaba pa sa legal na proseso, ang DISMISSAL o PAGBABASURA na ito ay isang mahalaga at kinakailangang vindication para sa aming pamilya, lalo na sa aming Anak.

“Moving forward, ang ultimate goal namin ay tuluyang ma “Fireproof” ang aming anak mula sa epekto ng masakit na kabanatang ito. Ang absolute priority namin ay protektahan ang kanyang kapayapaan, emotional security, at overall well-being, at siguraduhing lalaki siyang ligtas, matatag, at protektado ng katotohanan. Sa ibang mga menor de edad na nadamay, hangad namin na kayo ay maprotektahan at malagpasan ninyo ang ano mang epekto mayroon ang mga pangyayaring ito na hindi lamang na confine sa loob ng City Prosecutors Office kundi lumabas at naging laman din ng pampublikong diskurso. 

“Sa lahat ng ating mga nasa Gobyerno na Lehitimong nagsusulong ng Anti-Bullying, hindi lamang dapat ito pang politika kundi kailangan isabuhay. Public Office is a Public Trust at ang pagbubully sa mga Bata, Matanda, Babae, Lalake, LGBTQ, may Kakayahan man sa buhay o Wala, Politiko man o Hindi, ay hindi kailanman nagiging tama at maaring mapatawan ng kaukulang parusa.

“Apela rin po at Panalangin sa mga naunang nanghusga sa amin, na marahil nadala lang sa Maling Naratibo, nawa’y mag silbing aral sa inyo na ang bugso ng damdamin ay walang naidudulot na mabuti lalo na sa mga bata at menor de edad. Imbis na kampanya laban sa pambubully sa ano mang paraan, tila Kayo na ang mga naging bully sa inyong Iresponsableng mga pahayag at mga direktang pananakot sa amin. Naway mapatawad kayo ng nasa Itaas at gaya ng lagi naming sinasabi mula pa noong simula, ang Panginoong Diyos ang aming ultimate Protector.

“God Bless Us All Po

Madamo gid nga Salamat!!!

#PraiseBeToGod #TheTruthPrevailed #ROBSY”

Matapos ibasura ang kasong isinampa tungkol sa pambu-bully:ALFRED at YASMINE, tuloy at ‘di pa tapos ang laban para mabigyan ng hustisya ang anak (ni: ROHN ROMULO) 

Posted on: May 29th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

TULOY lang ang laban nina Quezon City Councilor Alfred Vargas at Yasmine Espiritu laban sa aktor na si Rob Sy at sa misis nito.

Ibinasura nga ng Manila City Prosecutor’s Office ang Child Abuse Complaint na isinampa nina Alfred at Yasmine laban mag-asawa dahil daw sa pambu-bully sa kanilang anak.

Matatandaan na noong April 13 ay nagsampa ng kaso sina Alfred at Yasmine sa umano’y violation of Section 10(a) of Republic Act No. 7610, o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Ayon sa resolusyong inilabas ng piskalya, walang sapat na ebidensyang naipakita ang kampo ni Vargas na may pananagutan si Sy at asawa sa inirereklamong insidente sa pagitan ng mga bata.

Dahil sa bagong kaganapan, naglabas ng official statement si Alfred kung saan ipinagdiinan niyang itutuloy nila ang laban sa lahat ng legal na paraan.

“We have been informed about the decision of the prosecutor,” panimula ng Facebook post ni Konsehal Alfred. 

“While we have yet to receive the official decision, we say with certainty that we respect the law and due process and we will continue to do so regardless of the outcome.”

Dagdag pa niya, “in the same light, due process allows us to seek legal remedies. We will exert all available legal avenues to pursue justice for our child. 

“Hindi pa po dito nagtatapos ang laban. Thank you for all your prayers.”

Nauna rito, nag-isyu rin ng pahayag ang kampo ni Rob Sy sa pagkakadismis ng kaso laban sa kanila.

“Sa sampung (10) pahinang resolusyon, nakita ng Manila City Prosecutor’s Office na walang sapat na ebidensya o prima facie case para kami ay makasuhan ng criminal, lalo na para magpakita ng anumang reasonable certainty of conviction sa korte. 

“Hindi po bully ang aming anak at sinisiguro po namin na siya ay aming pinapalaki nang maayos, at kung nagkakamali ay aming itinatama at dinidisiplina. 

“Gaya ng maayos na pagpapalaki sa amin ng aming mga magulang, hangad din namin na mapalaki nang tama ang aming anak,” pahayag niya.

***

‘Love, NGO’ pinayagan nang ipalabas ng MTRCB matapos ang masusing review

Matapos dumaan sa mahigpit na review process at serye ng konsultasyon kasama ang National Council on Disability Affairs (NCDA), pinayagan na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang pagpapalabas ng lokal na pelikulang Love, NGO na may R-16 classification.

Ang pelikula ay sumailalim sa pagsusuri ng isang Komite na binubuo ng mga abogado at Board Members na sina Cesar S. Pareja, Maria Gabriela R. Concepcion, at Mynoa R. Sto. Domingo.

Ang pelikula na produksyon ng Viva Communications, Inc. ay sumailalim sa masusing pagsusuri matapos magpahayag ng concern ang NCDA hinggil sa paraan ng pagpapakita nito sa mga persons with disabilities o PWDs.

Nakipagpulong din nitong Huwebes ang MTRCB sa pangunguna ni Chairperson at CEO Lala Sotto sa mga opisyal ng NCDA na pinamumunuan ni Executive Director Glenda Relova kasama ang mga producer ng pelikula upang linawin ang mga isyung ibinabato sa materyal.

Ayon sa Board, nakatuon ang naging pag-uusap sa pagtiyak ng sensitibo at responsableng pagtalakay sa mga PWD habang sinusuri rin ang kabuuang konteksto ng pelikula.

Bagama’t napansin ng MTRCB na may ilang eksena sa pelikula na maaaring maituring na diskriminasyon sa mga taong may speech impediment, at may madalas na paggamit ng maaanghang na mura at sexually suggestive na mga salita, sinabi ng Board na nakita pa rin nito ang “redeeming value” ng pelikula kapag tiningnan sa kabuuan.

Ayon sa MTRCB, nagbibigay umano ang pelikula ng ibang perspektibo sa paglalakbay at karanasan ng pangunahing karakter na isang PWD.

“The MTRCB appreciates the NCDA’s ongoing efforts to promote inclusive and respectful media portrayals,” ani Sotto.

Tiniyak din ng opisyal na katuwang ng MTRCB ang NCDA sa pagprotekta sa dignidad at maayos na representasyon ng sektor ng mga may kapansanan.

Muling binigyang-diin ni Sotto ang kampanya ng ahensya na “Responsableng Panonood” o Responsible Viewing, na layuning tulungan ang mga pamilyang Pilipino na makagawa ng tamang desisyon sa panonood habang sinusuportahan ang paglago ng industriya ng pelikula.

“Kami sa MTRCB, patuloy naming isinusulong ang Responsableng Panonood o Responsible Viewing. Layunin nitong tulungan ang mga pamilyang Pilipino na makagawa ng wastong pagpili habang sinusuportahan ang matatag at lumalagong industriya ng pelikula,” dagdag ni Sotto.

“Naniniwala kami na ang pagprotekta sa viewers ay responsibilidad ng lahat. Hindi ito nagsisimula at nagtatapos sa MTRCB lamang. Kabilang dito ang exhibitors, distributors, producers, at lahat ng bahagi ng cinema ecosystem,” saad pa niya.

Health alert: Protect the mind and let not your heart be troubled

Posted on: May 29th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

WHILE cardiovascular disease persists as a leading cause of global mortality, medical experts are increasingly shifting away from viewing heart health in isolation. Many of them are now advocating for a holistic approach that integrates mental health care into standard cardiac treatment. 

After all, the physiological link between chronic stress, anxiety, and heart function is profound; sustained high levels of cortisol and adrenaline can accelerate arterial damage, trigger inflammatory responses, and contribute to hypertension, effectively placing the heart in a state of constant, damaging strain. 

The connection between mental health and heart health was brought to light during the Advocacy Hour Usapang Puso sa Puso, held as part of the 56th PHA-PCC Annual Convention and Scientific Meeting on May 26, 2026, at Edsa Shangri-La Mandaluyong City.

With the theme “Mental Health & The Heart,” the session brought together cardiologists, psychiatrists, faith leaders, mental health advocates, and members of the public to discuss how stress, anxiety, depression, trauma, and burnout may affect cardiovascular health.

PHA Director III and Advocacy Hour Committee Chair Dr. Iris M. Garcia was joined by Philippine Psychiatrist Association President Dr. Joan Mae Perez-Rifareal, actress, content creator and television host Hershey Neri, and spiritual leader Dr. Ed Lapiz.

Dr. Garcia emphasized that mental health plays an important role in how people think, feel, act, and make decisions in their daily lives.

“Mental health is part of our overall health. It affects how we think, feel, act, relate with others, and make decisions every day,” she said.

She added that emotional struggles can also affect the body, including the heart.

“Kapag ang isang tao ay dumadaan sa depression, anxiety, chronic stress, trauma, lack of sleep, or emotional overload, hindi lang isip at damdamin ang naaapektuhan. The body is affected too, including the heart,” Dr. Garcia said.

Dr. Garcia also noted that heart advocates have a role in creating safe spaces where mental health can be discussed openly and with compassion.

“As we continue promoting heart health, may we also create safe spaces where mental health can be discussed with compassion and without judgment. Seeking help is not a sign of weakness. It is a step toward healing,” she said. 

In addition, Dr. Perez-Rifareal said mental health should not be treated separately from physical health, especially as many people continue to experience chronic stress and emotional struggles.

“Physical and mental health are deeply interconnected. We cannot separate one from the other,” she said.

She said stress is part of life, but excessive and unmanaged stress may lead to burnout, anxiety, depression, unhealthy coping habits, and other health risks.

“Do not be afraid of the word stress. It is part of life,” Perez-Rifareal said.

Perez-Rifareal also encouraged the public to protect their mental well-being through proper sleep, healthy food, exercise, hobbies or stress outlets, and a strong support system.

Meanwhile, celebrity guest Hershey Neri, who is currently a psychology student and mental health advocate, shared the physical trauma she had at 19 and how therapy helped her understand said trauma and healing.

“The therapy really changed my life,” Neri said.

She reminded the public that healing can be difficult, but seeking help is an important step toward recovery.

“Healing or going to therapy is like peeling off a band-aid. It hurts because you are healing,” she said.

Neri also encouraged people to show compassion to those who are struggling emotionally.

“Sometimes people do not need advice right away. Sometimes they just want someone to ask, ‘How can I help?’” she said.

“I have more than a thousand bashers, but I have five best friends and my parents. I have seven people who love and support me and they are my safe place,” Neri as she chose to focus on the people who genuinely support and care for her. 

She added that she chose to work for comedy because she uses humor to heal. “Because laughter is medicine, I want to share my life, a beautiful life of laughter, to others,” she concluded. 

Pastor Ed Lapiz, on the other hand, warned about the emotional burden caused by social media pressure, negativity, and information overload.

“There is a difference between being informed and being invaded by information,” Lapiz said.

He urged the public to protect their peace while staying compassionate.

Quoting the bible verse, “Let not your heart be troubled,” he said: “Guard the heart, but do not harden it,” Lapiz said.

The discussion highlighted the need for whole-person heart care. While medicines, exercise, healthy food, blood pressure control, and cholesterol management remain important, emotional wellness, rest, stress management, safe relationships, and professional support must also be part of prevention and recovery.📰🗞️📰

( MARY ROSE ANTAZO)

IMPORMASYON NG MGA BOTANTE, LIGTAS– COMELEC

Posted on: May 29th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MARIING pinabulaanan ng Commission on Elections (COMELEC) ang kumakalat na impormasyon sa social media na umano’y na-kompromiso ang datos nang mahigit 83 milyong botanteng Pilipino.

Ayon sa COMELEC, hindi totoo ang alegasyong may naganap na data breach sa kanilang sistema. Tiniyak ng ahensya na nananatiling kumpleto at ligtas ang lahat ng datos at impormasyon ng mga botante na nakaimbak sa kanilang network at database.

Base ito sa isinagawang masusing beripikasyon at imbestigasyon ng COMELEC Information Technology Department Security Incident Response Team (ITD SIRT).

Kasabay nito, hinikayat ng COMELEC ang publiko na maging mapanuri at maingat sa mga nababasa, napapanood, at naririnig online upang maiwasan ang pagkalat ng maling impormasyon.

Pinayuhan din ng ahensya ang publiko na sundan lamang ang official social media accounts ng COMELEC at bisitahin ang kanilang website para sa tamang impormasyon kaugnay ng halalan. 

(Gene Adsuara)