• July 7, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May, 2026

52 pamilyang nasunugan sa Caloocan, hinatiran ng tulong ni Mayor Along

Posted on: May 29th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PERSONAL na binisita ni Mayor Along Malapitan ang 52 pamilyang naapektuhan ng sunog sa Barangay 132, Caloocan City upang maghatid ng tulong pinansyal at food packs mula sa Pamahalaang Lungsod ng Caloocan.

Nauna rito, naghatid na ang City Social Welfare and Development Department ng sleeping kits, hygiene kits, hot meals, at iba pang pangunahing pangangailangan upang matiyak na may agarang tulong ang mga naapektuhang pamilya. (Richard Mesa)

Ads May 29, 2026

Posted on: May 29th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Eala, Mboko nag-withdraw sa doubles event ng 2026 French Open

Posted on: May 28th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAG- WITHDRAW sa 2026 French Open doubles tournament sina Alexandra “Alex” Eala at Victoria Mboko, batay sa updated draw na inilabas nitong Miyerkules.Balita sa Pilipinas

Sa bagong draw, wala na ang pangalan nina Eala at Mboko, at pinalitan sila nina Leylah Fernandez at Diana Shnaider na sasabak kontra kina Oksana Selekhmeteva at Anastasia Zakharova.

Nauna nang natapos ang kampanya ni Eala sa singles matapos matalo kay Iva Jovic, 6-4, 6-2.

Wala pang inilalabas na opisyal na dahilan sa pag-withdraw ng dalawa sa doubles event.

Samantala, magpapatuloy pa rin sa singles competition si Mboko at nakatakdang humarap kay Katerina Siniakova sa second round ngayong araw ng Huwebes.

Ipinakita na may ibubuga rin sa pag-arte…JULIANNE, sumabak sa love scene sa loob ng nitso (ni: NONIE NICASIO) 

Posted on: May 28th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

ISA ang sexy actress na si Julianne Richards sa hot item sa mundo ng VMX app. 

Astig kasi ang kanyang alindog at kaseksihan.

Sa pelikulang “Desperada” na pinagbibidahan ni Robb Guinto, ipinakita ni Julianne na hindi lang siya sa hubaran o pagpapa-sexy may ibubuga, walang dudang may talento ang dalaga sa pag-arte.

Ang pelikula ay mula sa pamamamahala ng award-winning director na si Louie Ignacio. Ang rating ng movie ay R-18 dahil sa sensitibong tema nito, nudity, at ilang sex scenes with matching threesome pa.

Gumaganap dito si Julianne bilang isang pasaway na prosti.

Pahayag niya, “Ang role ko rito, I portray Gigi po, isa po siyang prostitute with a strong and rebellious personality.”

Inusisa pa namin ang seksing talent ni Lito de Guzman hinggil sa kanilang pelikula na palabas na ngayon sa mga sinehan.

“May pagka-sexy dahil sa role ko po, pero I would say I wasn’t too overly sexy, sakto lang po. Mas naka-focus po siya sa istorya ng character ko,” pakli ni Julianne. 

May love scene sila sa loob ng nitso, mahirap bang gawin?

“Medyo na challenge rin po, kasi masikip yung space at limited po yung puwedeng gawin sa loob,” aniya pa.

Paano niya ide-describe ang kanilang pelikula?

Seryosong pahayag niya, “I would describe it as a story of bravery. A film that raises awareness about mental health, trauma and human connection. This film is definitely one for the books for me po, sa lahat ng movies na nagawa ko so far.”Pinuri rin ni Julianne sina Robb, direk Louie, at ang mga co-star niya sa ‘Desperada.’ 

“Si Ate Robb at si Direk Louie, I felt so light and comfortable working with them po. Sobrang bait po nila and even though I was really challenged by my role, they made my experience easier for me, including the rest of the cast. I’m so grateful na naka-work ko po sila,” nakangiting pahayag ni Julianne.

Ang pelikula ay handog ng LDG Production nina Lito de Guzman at Daniela Carolino.

Tampok din dito sina Yasser Marta, Sue Prado, Mercedes Cabral, Marife Necessito, Adda Musni, Jorge Guda, at iba pa.

Nasa proseso pa siya ng self-improving:KYLINE, loveless pa rin at hindi nagmamadali na magkarelasyon (ni: ROMMEL GONZALES) 

Posted on: May 28th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SINGLE o loveless pa rin hanggang ngayon ang Sparkle GMA Artist Center actress na si Kyline Alcantara.

Sinabi ito ni Kyline sa interview sa kanya ni Nelson Canlas ng GMA News na ipinalabas sa “24 Oras”.

Ayon pa kay Kyline ay nasa proseso pa siya ng self-improving.

“I’m self-improving pa. Oo. Doon muna tayo.

“Huwag muna, Lord.

“When I love, I really love a person cause I feel like I have too much love to give. So, I just keep on giving and giving and giving, so ako na muna.

“Sa akin muna lahat.”

Ayon pa kay Kyline, the next time na magkakaroon siya ng lovelife ay hindi na niya masyadong isasapubliko.

Hindi rin daw siya nagmamadaling makahanap muli ng panibagong karelasyon. Nais niya raw na maranasan ang maraming bagay sa buhay habang bata pa siya.

“I’m still young. Actually, it’s a paradox nga whenever I say, I’m still young.

“I’m still young, so dapat I can experience a lot of things.

“I’m allowed to fail still, and I’m allowing myself to make more mistakes, but at the same time, I’m still young. I shouldn’t hurry,” saad pa ng dalaga.

Sa tanong kung sa susunod ay isa muling taga-showbiz o isang kilalang personalidad ang pipiliin niyang karelasyon…  

“With a public personality? Hindi ko po alam. “Honestly, hindi ko po alam. Depende kung sino ang ibibigay ng ating Panginoong Diyos.”

Inamin rin ng aktres na mahirap rin kapag alam ng publiko ang lahat-lahat tungkol sa kanyang lovelife o personal na buhay.

“Maybe that’s the reason why I’m self-improving cause parang masyado na pong out there. I know that we’re public figures, but we’re not public properties.

“Kung may mangyari man in the near future sa aking love life, siguro pang sa akin lang muna po iyon. Hindi ko na siya ipa-publicize that much,” sinabi pa ng aktres na mapapanood sa bagong Kapuso action series na ‘Taskforce Firewall’ bilang si Callie Sandoval.

Una niya itong action role.

“Ang ambag ko sa ‘Taskforce Firewall’ ay more on sa tech and siyempre may mga action scenes din kasi isa iyon sa mga hindi nila alam na kaya kong gawin.

“Na kaya ko ring bumaril, kaya ko ring mag-arnis.”

Kasama rin sa “Task Force Firewall” ng GMA sina Kylie Padilla, Miguel Tanfelix, Jak Roberto, at iba pa.

Tinutukso sa kapwa-Clash Panel na si JL:JILLIAN, puwede nang magka-boyfriend dahil 21 na (ni: ROHN ROMULO) 

Posted on: May 28th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MAGSISIMULA na ang ’The Clash Teens’, all-original Filipino reality singing competition ng GMA Network sa June 7, sa direksyon pa rin ni Louie Ignacio.

Pinangungunahan ito ng Clash Masters na sina Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose at Kapuso Total Heartthrob Rayver Cruz bilang mga host.

Babalik sa Clash Panel si Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista.  Kasama niya na magdadala ng bagong enerhiya at pananaw sa season na ito ang mga bagong judge na sina Star of the New Gen Jillian Ward at Chinito P-Pop Charmer JL ng BGYO.

After ng mediacon, nakatsikahan naman si Jillian, at natanong siya kung ready na ba siyang magka-lovelife.

Sagot ng young actress, “Alam n’yo po, I think puwede naman po siguro, no? Twenty-one na po ako. Puwede na po siguro.

“Actually, yung mama’t papa ko po, open na po sila. Hindi naman po ako in my 20s forever. So, gusto ko rin po ma-enjoy yung pagiging young ko, yung pagiging 21 ko.

“Yes! I’m open naman po na maging happy na kiligin. Sana ano…tanggapin niyo yun!” ang natawang pagpapakatotoo ni Jillian.

Natanong din si Jillian sa tsikang nanliligaw ang bagong Sparkle artist na si Kobie Brown matapos silang makita sa concert ni Jessica Sanchez.

“Dating agad?” reaksyon ni Jillian. 

“Well, basta po pag ano… ito na lang po ang masasabi ko, If it didn’t come from me, huwag niyo sabihin agad na totoo o hindi.”

Anyway, tinuksu-tukso naman si Jillian na bagay din silang maging magka-loveteam ng kasamahan niya sa Clash Panel na si JL Toreliza ng P-pop group na BGYO.

Magkakasabay kasi silang pina-interview kasama ang OG Clash Panel na si Christian, at nag-uumapaw nga ang kanilang chemistry.

Tanong kay JL kung okay ba siyang maka-partner si Jillian on screen, “Actually, marami na kaming mga acting experiences. Ngayon, meron na kaming collab with Yumi (karakter) sa Born to Shine na naere na.

“So, malay mo, kami ni Jillian, maka-work ko, kaming tatlo (isinama si Christian). Malay mo magkateleserye kami,” nakangiting sey ni JL.

Sabi pa ng BGYO member, “Magkapatid po kami (ni Jillian). Magkakapatid po kasi ang turing namin sa isa’t isa, e. Pinipilit nyo po talaga?” 

Natatawang tugon naman ni Jillian, “Alam n’yo yung mga tao, basta kapag nakatabi ko, bagay daw. Tropa ko ito, e. Kapatid ko na ito, e.”

At dahil kasama na si Jillian sa Clash Panel, ano ang ginawa niyang paghahanda.

“So, I made sure po talaga na pag-aralan ko po yung gagawin ko for this project. Nag-singing lessons po ako. Nag-research po ako. I don’t take this role, ang pagiging judge, lightly,” sabi pa ni Jillian.

Natanong naman si JL kung ano ang natutunan niya kina Lani Misalucha at Ai Ai delas Alas noong sumali siya sa Season 1 ng “The Clash”.

“Bilang galing Season 1 ang mga natutunan ko kay Ms. Lani kay Ms. Ai Ai ay mase-share ko dito sa The Clash Teens. And sobrang thankful po ako dahil na-meet ko sila.

“Gaya ng sinabi ni Kuya Christian, i-continue namin yung legacy na sinimulan nila,” pahayag niya pa.

Ads May 28, 2026

Posted on: May 28th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NCR nangunguna pa rin sa medal standing ng Palarong Pambansa 2026

Posted on: May 28th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAMAMAYAGPAG pa rin ang National Capital Region (NCR) sa partial at unofficial medal tally ng Palarong Pambansa 2026 ngayong Mayo 27, 2026.

Nangunguna ang NCR na may 12 gintong medalya, 6 na pilak, at 10 tanso para sa kabuuang 28 medalya.

Pumapangalawa ang CALABARZON (Region IV-A) na may 9 ginto, 8 pilak, at 6 tanso (23 medalya).

Habang nasa ikatlong puwesto ang Western Visayas (Region VI) na may 7 ginto, 5 pilak, at 7 tanso (19 medalya).

Sumunod ang Negros Island Region (NIR) na may 6 ginto, 4 pilak, at 2 tanso (12 medalya), at ang Bicol Region (Region V) na may 5 ginto, 3 pilak, at 5 tanso (13 medalya).

Kasama rin sa top 10 ang Eastern Visayas (Region VIII) na may 11 medalya, Central Visayas (Region VII) na may 15 medalya, Northern Mindanao (Region X) na may 12 medalya, Central Luzon (Region III) na may 9 medalya, at Ilocos Region (Region I) na may 10 medalya.

Samantala, nakapagtala rin ng medalya ang Davao Region (Region XI), Zamboanga Peninsula (Region IX), National Academy of Sports (NAS), MIMAROPA (Region IV-B),

SOCCSKSARGEN (Region XII), Cagayan Valley (Region II), BARMM, at Cordillera Administrative Region (CAR). Wala pang medalya ang Association of Philippine Schools Overseas (APSO).OFW

Ang Palarong Pambansa ngayong taon ay nilalahukan ng mga atleta mula sa 18 rehiyon ng bansa, kasama ang NAS at APSO, kung saan halos 1,500 medalya ang nakataya sa 24 na regular sports, demo, para, at exhibition events.

Target ng NCR na makuha ang ika-19 na sunod-sunod na overall championship matapos ang kanilang dominasyon noong 2025 sa Ilocos Norte.

Barangay Chairwoman Echel Pacis, ang tunay na ina at nagmamahal sa Barangay 139, Zone-12, Dist.1, ng Caloocan

Posted on: May 28th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

HINDI alintana ng masipag na Kapitana Echel Pacis ang kanyang propesyon bilang dating teacher at nurse sa Manila Doctors Hospital bagkus pinili niya ang makapaglingkod sa kanilang barangay upang higit pang makatulong sa kanyang mga kabarangay.
Unang siyang pumasok sa pulitika bilang Kagawad hanggang sa naging Kapitana ng nasabing lugar. Sa kanyang panunungkulan, ang kalinisan ang siyang pangunahin niyang proyekto upang maiwasan Ang anumang sakit sa kanyang lugar nasasakupan. Alam niya bilang dating nurse ay mahirap ang magkasakit lalo na ang mga bata, kabataan pati na ang mga senior citizens kaya’t priority niya talaga ang health concerns ng kanyang constituents.
Sa proyektong Clean & Green naman ay gumawa sila ng ” HAPAG” na binubuo ng mga iba’t bang gulay na siyang bagong in-adopt at initiated by DILG na ang layon ay manatiling maging malusog ang lahat.
Pinailawan din ng butihing ina ng Brgy. 139, Zone-12, Dist.1, Caloocan ang buong paligid ng kanilang komunidad kasabay ang paglalagay ng mga CCTV sa bawat sulok ng lugar upang ma-monitor ang galawan sa loob at labas ng barangay.
Para matiyak pa ang kaligtasan ng kanyang mga kabarangay, nagpalagay si Kapitana Echel ng bakal na gate para hindi makapasok ang sinumang nag-iisip ng masama sa kanyang mga nasasakupan. Lingguhan din ang kanilang clean-up drive, de-clogging at feeding programs bilang bahagi ng kanilang serbisyo publiko.

At ngayong Back to School na muli ay naghanda si Kapitana Pacis ng libreng school supplies upang kahit paano ay makabawas sa gastusin ng mga magulang na nagpapa-aral.
Nagbibigay din si Kapitana ng scholarship program sa mga estudyanteng gustong mag-aral ngunit kapos sa buhay.
“Gagawin ko po ang lahat sa abot ng aking makakaya mapaglingkuran nang husto ang aming mga kabarangay. Nagpapasalamat din po ako sa mga kasama kong mga Kagawad sa kanilang pakikipagtulungan para sa kaayusan ng kapaligiran at siyempre, labis din po ako nagpapasalamat sa aming Mayor Along Malapitan sa kanyang mga tulong sa aming barangay. Asahan din po ng aking mga kapatid, kamag-anak at mga kaibigan na kapag ako ay palaring maupong muli ay lalo ko pong pag-iibayuhin ang aking pamamalakad para madama nila ang aking pagmamahal sa kanila,” pahayag ng inang tunay na nagmamalasakit sa barangay, Kapitana, Echel Pacis.
( Sonny Asignacion)


					

Alex Eala, maagang nalaglag sa 2026 French Open

Posted on: May 28th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

MAAGANG 

 natapos ang kampanya ni Alex Eala sa French Open matapos siyang talunin ni Iva Jovic sa straight sets, 6-4, 6-2, sa unang round ng torneo noong Martes.

Mabilis na nakalamang si Jovic sa unang set matapos umabante sa 5-1 lead. Gayunpaman, nakabawi si Eala nang manalo sa tatlong sunod na laro upang paliitin ang agwat. Ngunit agad ding nabawi ni Jovic ang momentum upang tuluyang makuha ang unang set.

Sa ikalawang set, si Eala ang unang nakapuntos bago nagwagi si Jovic sa sumunod na dalawang laro. Nakadagdag pa ng isang laro ang Filipina tennis star, ngunit tuluyan nang humiwalay si Jovic matapos dominahin ang natitirang bahagi ng laban.

Kasalukuyang world no. 17 si Jovic na 18-anyos pa lamang, habang si Eala, na kamakailan lamang nagdiwang ng kanyang ika-21 kaarawan, ay nasa world no. 37 ranking.