• July 7, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May, 2026

Bagong coach ng Gilas Pilipinas Women, itinalaga ng Samahang Basketbol ng Pilipinas

Posted on: May 22nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

ITINALAGA ng Samahang Basketbol ng Pilipinas si Burke “BT” Toews bilang bagong head coach ng Gilas Pilipinas Women.

Papalitan ni Toews si Patrick Aquino na matagal ding namuno sa national team at tumulong sa pag-angat ng Gilas Women sa international basketball scene.

Nakilala si Toews sa kanyang matagumpay na pamumuno sa Fujitsu Red Waves sa Japan kung saan napanalunan nila ang magkasunod na kampeonato noong 2024 at 2025.

Inaasahang pangungunahan niya ang kombinasyon ng beterano at batang manlalaro ng Gilas Women kabilang sina Jack Animam, Afril Bernardino, at Kacey Dela Rosa.

Kasalukuyang nasa ika-30 puwesto sa world rankings ang Gilas Women matapos ang matagumpay nilang kampanya sa iba’t ibang international tournaments ngayong taon.

Flagg at Knueppel, bumida sa NBA All-Rookie First Team

Posted on: May 22nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NANGUNA si Dallas Mavericks forward Cooper Flagg, na tinanghal na Rookie of the Year at No. 1 overall pick, sa NBA All-Rookie First Team.

Kasama niya sa listahan sina Kon Knueppel ng Charlotte Hornets, VJ Edgecombe ng Philadelphia 76ers, Dylan Harper ng San Antonio Spurs, at Cedric Coward ng Memphis Grizzlies.

Sina Flagg, Knueppel, at Edgecombe ay unanimous picks, habang si Harper ay nakakuha ng 93 first-team votes at si Coward ay 29.

Naging makasaysayan si Knueppel bilang unang rookie na nanguna sa liga sa three-pointers made (273).

Anim na taon din na naghintay ang mag-asawa: ALEX, ipinagbubuntis na ang panganay nila ni MIKEE (ni: ROHN ROMULO)

Posted on: May 22nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

KAHAPON, May 21, ini-reveal na ng actress-TV host na si Alex Gonzaga na preggy na siya sa panganay nila ng asawang si Mikee Morada.  

Ayon pa sa content creator na makalipas ang anim na taong paghihintay, sa wakas ay dumating na rin ang ipinagdarasal nilang blessing.  

Masaya ngang ibinahagi ni Alex sa kanyang social media pages ang magandang balita, kasama ang ng isang video ng mga kaganapan sa buhay nila ni Mikee.  

Caption niya, “After almost 6 years of marriage and 3 heartbreaking losses, we never lost faith and continued to surrender everything to the Lord.  

“While preparing for IVF, the Lord Jesus blessed us with a natural pregnancy.” 

Pagpapatuloy pa ng sister ni Toni Gonzaga, “We want to thank everyone who prayed with us, hoped with us, and supported us through this journey to becoming parents.   “By God’s grace, our prayers have been answered, and we are finally going to be mommy and daddy.

“The Lord Jesus truly answers prayers. Please continue praying with us for a safe and healthy pregnancy until our baby arrives.”Umani naman ng mga pagbati lalo na mga celebrity friends tulad nina Lucky Manzano, Jessy Mendiola, Gladys Reyes, Pauline Luna, Kitkat, Maja Salvador, Robi Domingo, Ivana Alawi, Yeng Constantino, Aiko Melendez, Jason Abalos, Karen Davila, Diana Zubiri, China Ortaleza, Kris Bernal, Rodjun Cruz, Vina Morales, John Prats, Poking, Arci Muñoz at marami pang iba.Congrats Mikee and Alex! 

AI AI, dumating sa point na muntik nang iwanan ang showbiz at mag-stay na lang sa Amerika (ni:  ROMMEL GONZALES) 

Posted on: May 22nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SINABI mismo ni Ai Ai delas Alas na dumating sya sa point na muntik na niyang iwanan ang showbiz.

“Oo, mayroon!

“Kasi di ba pumunta kami ni third husband [Gerald Sibayan] sa Amerika? So iyon yung time na, ‘Ah! Dito na lang ako, Amerika. Alagaan ko yung asawa ko.’

“Napigil lang ako nung friend ko. Sabi niya, ‘Hindi, hindi mo hindi gugustuhin ang showbiz. Kilala kita, babalik at babalik ka riyan.’

“Totoo! Ayoko ng ibang work. Gusto ko artista lang ako for life hanggang mawala ako,” saad ni Ai Ai kay Toni Gonzaga sa Toni Talks.

Inilahad rin ni Ai Ai kung ano ang pinaka-hindi niya nagustuhan sa industriya ng showbiz.

“Siguro yung pulitika.

“Parang kunwari, si ganito powerful tapos parang nainggit siya sa iyo, tatanggalin ka na, mawawalan ka na ng show.”

Nang tanungin naman ni si Ai Ai kung ano ang biggest challenge niya sa industriya…

“Siyempre nung nag-start ako.

“Struggling ako na… ang talagang goal ko lang naman is mabuhay ko yung pamilya ko, yung nanay ko, magkaroon ako ng work.

“Tapos nung nasa showbiz na ako, siyempre, hindi ko naman binalak na talagang maging bida. “Nakakatuwa kasi parang pelikula rin na wala kasi akong kotse so sasakay ako sa tricycle.

“Mauuna kang pupunta, kasabay mo yung kable.

“Huli ka ring aalis after nung shoot kasi kasabay ka nung kable. Sasabay ka sa service.”

*** 

LABIS-LABIS ang kasiyahan at  excitement ni Barbie Forteza dahil for the first time ay makakatrabaho niya si Sharon Cuneta!

Ang upcoming series na  ‘Honor Thy Mother’ ang pagsasamahan ng GMA Princess at ng nag-iisang Megastar.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Barbie ay ibinahagi ng Sparke GMA Artist Center actress ang kanyang impresyon sa Megastar.

“Honestly, we haven’t started taping yet pero kahit dalawang beses pa lang kaming nagkasama nang matagal, naramdaman ko na agad ‘yung warmth niya bilang isang tao.

“Napakalaking bagay nun considering na siya ang ating Megastar.

“Napakahalaga sa akin ‘yung fact na taong-tao siya sa lahat, mula sa pinakamababang posisyon hanggang sa pinakamataas.

“Taong-tao ang ating Megastar,” bulalas ni Barbie.

Isa raw sa mga inspirasyon niya bilang artista si Sharon.

“I’m very proud kasi sabi nila di ba, never meet your heroes kasi a lot of times you’ll be very disappointed pero ako, she just keeps proving that I’ve made the right decision to be here, to join showbiz because of her.

“I can’t wait to learn from her!”

Ang ‘Honor Thy Mother’ ay ang bagong collab series ng GMA at ABS-CBN kasama ang Prime Video.

Makakasama rin nina Barbie at Sharon sa serye ang mga aktor na sina Tonton Gutierrez, Khalil Ramos, John Estrada, Mercedes Cabral at RK Bagatsing.

PBBM, pinangunahan ang oath-taking ng mga bagong opisyal ng PBMLP

Posted on: May 22nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Miyerkules ang oath-taking ng mga bagong halal na national at regional officers ng Provincial Board Members League of the Philippines (PBMLP) sa Malakanyang.

Binigyang-diin ng Pangulo ang kahalagahan ng matibay na ugnayan ng national at local government upang mas mapalapit ang serbisyo ng pamahalaan sa mamamayan.

“We should now view the national government and the local government as working together as one,” ani Pangulong Marcos.

“‘Pagtibayan natin ang cooperation, ang koordinasyon ng local at saka national at ‘yan ang talagang magkaka-synergy and mararamdaman naman ng tao kaagad,” dagdag ng Pangulo.

Kabilang sa mga bagong halal na opisyal sina Romel Enriquez ng Cavite bilang National President; Venzencio Arcamo ng Bohol bilang Executive Vice-President; Dexter Yasay ng Misamis Oriental bilang National Chairman; at Pablito Sanidad Jr. ng Ilocos Sur bilang National Secretary-General.

Sa kanyang talumpati, binanggit din ng Pangulo ang mga hakbang ng pamahalaan para palakasin ang local governance, kabilang ang direktang pagbibigay ng Local Government Support Fund (LGSF) sa mga LGU upang mapabilis ang implementasyon ng mga proyektong pangkaunlaran.

“The lines between national funds and local government funds are still there. But for me, it’s not important if the national government funds are administered by the local government because I always believe, and I have said this many times, na walang mas expert sa isang lugar kung hindi ‘yung mga taga roon,” ayon sa Pangulo.

“Para sa akin, it doesn’t matter kung sino ang gagawa, who gets the credit, who funds it, hindi importante sa akin, basta’t magawa… As long as the project, the program, the problem is solved, the program is rolled out, the project is done, and nararamdaman ng tao ang mga services,” diin pa niya.

Noong Oktubre 2023, nilagdaan ni Pangulong Marcos ang Republic Act No. 11964 na nagtatakda ng automatic income classification ng LGUs upang mapalakas ang kanilang economic potential.

Samantala, inilabas naman ng Malakanyang noong Nobyembre 2025 ang Executive Order No. 103 na nagpapalawig hanggang Fiscal Year 2028 sa full devolution ng ilang national government functions sa LGUs upang mabigyan pa ng sapat na panahon ang mga ito na mapalakas ang kanilang kakayahan. (DARIS JOSE)

Panukalang magpapalakas sa emergency response mechanisms at pagkakaroon ng institutional representation, sinuportahan ni Speaker “Bojie” G. Dy III 

Posted on: May 22nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAGBIGAY suporta si Faustino “Bojie” G. Dy III sa panukalang magpapalakas sa emergency response mechanisms at pagkakaroon ng institutional representation para sa mga Indigenous Peoples (Ips).

“Kailangan nating siguraduhin na walang sinuman ang maiiwan, lalo na ang ating mga Indigenous Peoples na kadalasan ay nasa malalayong komunidad at mas vulnerable kapag may kalamidad o sakuna. Mahalaga ang mabilis, maayos, at organisadong pagtugon para agad makarating ang tulong sa kanila,” ani Dy.

Sa ginanap na pagpupulong sa ilang opisyal ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), inihayag ng mga ito sa Speaker ang pangangailangan na gawing institusyonal ang quick response mechanism para sa Indigenous Peoples, partikular na kapag panahon ng kalamidad at iba pang emergencies.

Ayon sa NCIP, kabilang ang Indigenous communities sa bulnerableng sector tuwing may krisis pero walang specific na legal framework sa kasalukuyan na nagmamandato sa pagkakaroon ng focused quick response system sa IPs.

Kinilala naman ni Dy ang importansiya ng panukala dahil na rin sa kadalasang geographically isolated at nasa disadvantaged areas ang mga ito kaya nade-delay ang relief at government assistance tuwing may emergencies.

Bilang agarang rekomendasyon, isinuwestiyon ni Dy na simulan na ng NCIP ang pagkalap at pagsama-sama ng pangalan at profiles ng Indigenous Peoples sa buong bansa na isusumite sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sinabi ng Speaker na ang pagkakaroon ng database sa kanila ay makakatulong sa mga government agencies na matukoy ang mga IP beneficiaries para sa mas mabilis at siguradong prayoridad para sa pagbibigay tulong tuwing may emergency at sakuna.

“Habang pinag-aaralan natin ang institutional mechanisms, maaari nating simulan agad ang mas maayos na koordinasyon at data gathering para mas mabilis silang maabot at matulungan kapag may krisis,” saad ni Dy.

Inihayag pa ng NCIP ang pangangailangan sa implementasyon ng consultative mechanisms na magsisiguro sa mas malawak na Indigenous Peoples representation sa paggawa ng batas sa local at national levels.

Suportado din ni Dy ang inisyatibo dala na rin sa importansiya ng pagbibigay ng malaking boses sa Indigenous communities sa diskusyon at desisyon ng gobyerno na makakaapekto sa kanila.

“Hindi sapat na minsan lamang natin sila pinakikinggan. Kailangang may tunay at tuluy-tuloy na representasyon ang ating mga Indigenous Peoples sa policymaking process dahil mahalaga ang kanilang pananaw, karanasan, at kontribusyon sa ating bansa,” pahayag ng Speaker.

Kinumpirma din ni Dy ang commitment ng kyamara na suportahan ang mga panukalang magsusulong sa pagsasama, proteksyon sa mga bulnerableng komunidad at mapalakas ang disaster preparedness at response systems sa bansa.

(Vina de Guzman)

Malakanyang, tikom ang bibig sa ulat na nag-uugnay kay PBBM sa korapsyon, legacy rehab drive

Posted on: May 22nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

PINABULAANAN ng Malakanyang ang “speculation and intrigue” na report na nag-uugnay kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa corruption scandal, at sa London-based public relations firm di umano’y kinalampag para “i-rehabilitate” ang kanyang imahe sa loob ng international community.

Sa isang Viber message sa mga mamamahayag, dedma lang si Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na Palace Press Officer Claire Castro sa nasabing write-up.

“We have no comment on articles based on speculation and intrigue. The Palace deals in facts and is focused on the problems facing Filipinos today, not speculation about events years ago,” ang mensahe ni Castro.

Tinukoy ni Castro ang May 19 investigative report ng Whale Hunting, na nagsasabing ang London-based PR firm na tinatawag na Project Associates di umano’y nag-alok kay Pangulong Marcos ng $144,000-per-month (humigit-kumulangP8.9 million) contract noong 2022.

Ang kumpanya ay dapat na binayaran para i-rehabilitate ang international image ni Pangulong Marcos, inorganisang pagpupulong sa pagitan niya at ng Western elites, at pinangasiwaan ang mga tanong ukol sa diktadura niyang ama.

Sinasabi rin na ang 2022 election victory ni Pangulong Marcos ay umasa nang husto sa ‘historical revisionism’ at isang “sophisticated” online disinformation campaign na inilalarawan ang Marcos dictatorship bilang “golden age.”

Iniuugnay din si Pangulong Marcos sa Malaysian businessman Jaya Sudhir, na sinasabing di umano’y sangkot sa international bribery at corruption scandals.

“Six months after Marcos won the election, the hidden reality of that ‘reform’ was on display at the Singapore Formula 1 Grand Prix,” ang mababasa sa kuwento.

“Fast forward to mid-2025, when the flood control scandal broke, former House Speaker Martin Romualdez was implicated as one of the masterminds, leading to reports of frozen assets and investigations by the Office of the Ombudsman and the Sandiganbayan,” ayon sa ulat.

“Then, in late April 2026, Romualdez posted a video from what appeared to be a private residence. The lighting was soft. He wore a white polo, no jacket—the look of a man under pressure who wanted to seem relaxed. He spoke slowly. Almost carefully,” ang nakasaad sa artikulo.

And then, with a precision that suggested he had thought about this for some time, he added that the national budget process begins in the executive branch. Not with the Speaker. With the President,’ nakasaad pa rin dito. (DARIS JOSE)

Dagdag benepisyo para sa mga seniors, isinailalim sa rebyu ng House Committee on Senior Citizens

Posted on: May 22nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

ISINAILALIM sa rebyu ng House Committee on Senior Citizens ang ilang panukalang magpapalakas sa benepisyo, proteksyon at social support system para sa mga senior citizens sa pamamagitan nang pagpapalawig ng mga ito tulad ng healthcare assistance at mas malakas na legal safeguards.

“The laws we craft today will help shape a future where senior citizens are not marginalized or forgotten. We must give birth to a future generation where our Filipino ‘lolos and lolas’ are respected, protected, and empowered,” pahayag ni Committee chairperson at United Senior Citizens Partylist Rep. Milagros Aquino-Magsaysay sa isang pagpupulong.

Iginiit nito na layon ng mga panukala na mapanatili ang dignidad, proteksyon at human rights ng mga matatanda habang sinisiguro na matutugunan at mparusahan ang pang-aabuso at pagpapabaya sa mga ito sa ilalim ng batas.

Isinusulong din sa mga panukala ang pagkakaroon ng karagdagang pasilidad at serbisyo para sa mga senior citizens, partikular na yaong bulnerable, inabandona, walang tahanan o nangangailangan ng specialized care. 

Kabilang sa mga panukalang tinalakay ay ang House Bills 1976, 8486, 8596, 2321, 8897, 39, 148, 281, 1229, 2607, 5187, 6549, 7013, at 7310.

Sinabi ni Taguig-Pateros Rep. Ricardo Cruz Jr., author ng HBs 1976 at 8486, na kailangang palakasin ang pagbibigay ng care system dahil marami sa mga senior citizens ang patuloy na nagdurusa mula sa pagpapabaya, pag-abandona at kakulangan ng access sa healthcare at social support services. 

Isinusulong pa sa panukala ang pagkakaroon ng mga elderly centers at public nursing homes sa bawat siyudad at munisipalidad.

“Ang dalawang panukalang batas na ito ay magkaugnay. One focuses on active and healthy aging through community-based centers for the elderly, while the other provides protection and shelter for those who are abandoned, homeless, and in need of long-term care,” paliwanag nito.

Ang iba pang panukalang tinalakay ay ang hakbang na magpapalawig pa sa mga pribelehiyo at benepisyo at karagdagang financial na tulong tulad ng pagtaas sa discounts at utility-related benefits.

Sa HB 5187 na inihain ni Senior Citizens Partylist Rep. Rodolfo Ordanes na ang mga senior citizens na nasa idad 60 hanggang 69 taon gulang ay patuloy na mabibigyan ng 20% discount habang ang mga idad 70 hanggang 79 ay mabibigyan ng 25% discount. Para naman sa senior citizens na idad 80-taon ay makakakuha ng 30% discount, habang ang mga 90 anyos pataas at mabibigyan ng 35% discount. 

(Vina de Guzman)

Gobyerno, nangako ng legal na pagpapatupad ng arrest warrant laban kay Sen.Bato dela Rosa 

Posted on: May 22nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NANGAKO ang Malakanyang ng legal na pagpapatupad at aakto alinsunod sa umiiral na batas sa pagsisilbi ng warrant of arrest laban kay Senador Ronald Dela Rosa.

Sinabi ito ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na Palace Press Officer Claire Castro matapos na ianunsyo ni Justice Secretary Fredderick Vida na inatasan na nito ang Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) na arestuhin si Dela Rosa.

“Maliwanag ang sinabi ng DOJ na enforceable ang warrant of arrest laban kay Sen. Bato,” ang winika ni Castro.

“Karampatang aksyon ng naaayon sa batas ang maaasahan mula sa gobyerno. Lahat ay gagawin ng ating mga opisyal para maibigay ang hustisya sa lahat,” dagdag na pahayag ni Castro.

Nauna rito, ibinasura ng Korte Suprema ang kahilingan ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa na maglabas ng temporary restraining order (TRO) at/o status quo ante order (SQAO) laban sa arrest warrant na inisyu ng International Criminal Court (ICC) laban sa kanya.

Sa isang press briefer na inilabas nitong Miyerkules, Mayo 20, 2026, inihayag ng SC ang resulta ng En Banc decision sa botong 9-5-1, na nagbabasura sa naturang kahilingan ni Dela Rosa para sa interim relief.

Sa kanyang mga pahayag sa SC, hiniling ni Dela Rosa ang TRO at/o SQAO upang pigilan ang mga ahensya ng gobyerno na arestuhin siya batay sa anumang warrant na inilabas ng ICC, ano mang Interpol red notice o diffusion, o ano mang banyagang hudisyal o quasi-judicial na instrumento nang walang katumbas na Philippine judicial warrant.

Kabilang sa mga ahensyang binanggit sa petisyon ang Department of the Interior and Local Government, Department of Justice, Department of Foreign Affairs, Philippine National Police, National Bureau of Investigation, Bureau of Immigration, Armed Forces of the Philippines, at Criminal Investigation and Detection Group.

Nilinaw ng SC na ang inaksyunan lamang nila ay ang kahilingan para sa interim relief, partikular ang TRO at SQAO, at hindi pa nila pinagpasyahan ang pangunahing mga isyung legal na inihain ng mga partido sa kaso.

Inanunsyo rin ng SC na naka-upload sa SC website sa Mayo 25, 2026 ang buong resolusyon, kabilang ang magkakahiwalay na concurring at dissenting opinions ng mga mahistrado.

Nananatiling hindi pa nareresolba ang mga pangunahing petisyon na inihain nina Duterte at Dela Rosa.

Nitong nakaraang linggo, tinangka ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) na arestuhin si Dela Rosa sa Senado sa bisa ng arrest warrant na inilabas ng ICC.

Ang arrest warrant ay may kaugnayan sa partisipasyon umano ni Dela Rosa sa madugong war on drugs na ipinatulad ng dating administrasyong Duterte na marami ang namatay. (DARIS JOSE)

Mga pekeng produktong pampalasa sa pagkain, nasamsam sa Caloocan

Posted on: May 22nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NASAMSAM ng mga awtoridad ang daan-daang mga pekeng produktong pampalasa sa pagkain sa ikinasang buy-bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa tatlong suspek sa Caloocan City.

Sa ulat ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Benliner Capili kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director P/MGen. Anthony Aberin, sinubukan nilang bumili ng pekeng produktong pampalasa nang makatanggap sila ng impormasyon hinggil pagbebenta nito sa Caloocan City.

Nang positibo ang ulat, ikinasa ng pulisya ang buy-bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa tatlong suspek dakong alas-8:00 ng gabi nang tanggapin ang P100,000 markadong salapi mula sa pulis na nagpanggap na buyer, kapalit ng 60-kahon ng mga produktong pampalasa, sa kanilang bodega sa Corregidor St. Brgy. 63.

Bukod dito, nakumpiska rin ng pulisya at ng mga kinatawan ng pribadong kompanyang gumagawa ng seasoning products, ang karagdagang 317 kahon ng kahalindulad din pekeng produkto sa bodega ng mga suspek.

Sinabi ni P/MGen. Aberin na hindi biro ang panganib na dala ng pekeng produkto sa kalusugan ng publiko, pati na rin sa posibleng pagkawala ng tiwala ng mga consumers sa naturang mga produkto.

Sasampahan ng pulisya ng reklamong paglabag sa Republic Act 8293, o ang Intellectual Property Code of the Philippines ang mga naarestong suspek sa Caloocan City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)