• July 7, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May, 2026

IMPLEMENTASYON NG LAND-BASED SERVICE CONTRACTING PROGRAM, MATATAPOS NA SA MAY 22, 2026 – LTFRB

Posted on: May 22nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

IPINAHAYAG ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), sa ilalim ng pamumuno ni DOTr Secretary Giovanni “Banoy” Z. Lopez, ang pagtatapos ng implementasyon ng Land-Based Service Contracting Program (LBSP).

Ayon kay LTFRB Chairman Atty. Vigor D. Mendoza II, matatapos ang programa sa Mayo 22, 2026, ganap na 11:59 p.m., araw ng Biyernes.

Ang benepisyo ng LBSP, 20% diskwento sa pamasahe para sa lahat ng regular na pasahero.

40% diskwento para sa mga estudyante, senior citizens, at persons with disability.

Layunin nitong magbigay ng mabilis at abot-kayang mass transport system.

Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr., ipinatutupad na sa buong bansa ang P10 kada litro fuel discount subsidy matapos ang matagumpay na dry-run sa Metro Manila.

141,724 units ng passenger jeepneys at UV Express ang nakalista na sa programa at maaari nang mag-avail ng diskwento sa diesel.

Ang mga gasolinahan na kalahok (4,299 nationwide) ay konektado sa database ng pamahalaan sa pamamagitan ng mobile app na naglalaman ng listahan ng mga kwalipikadong benepisyaryo.

Sakop lamang ang mga PUV na may valid franchise, na may 150-litro ceiling kada linggo bawat unit.

Kapag nakumpirma ang license plate na nakalista sa programa, awtomatikong ibabawas ang diskwento sa presyo ng diesel.

Inatasan ni Chairman Vigor ang lahat ng LTFRB Regional Directors na magsagawa ng information drive upang ipaalam sa mga driver ang mga gasolinahang kalahok.

Inabisuhan na ang lahat ng tauhan ng LTFRB hinggil sa pagtatapos ng programa.

Ayon sa memorandum: “You are directed to inform all onboarded beneficiaries under the LBSCP to cease and discontinue all activities related to the implementation of the program upon the expiration of the aforementioned date and time.”

Sakop ng kautusan ang pagtigil ng QR code at manual scanning, pagbibigay ng 20% diskwento, at pagtanggal ng mga tarpaulin, signage, at iba pang materyales na kaugnay ng LBSP. (PAUL JOHN REYES)

PBBM, HINIKAYAT ANG PRESIDENTIAL SCHOLARS NA PAGBUTIHIN ANG PAG-AARAL PARA SA BAYAN

Posted on: May 22nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

HINIMOK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ngHuwebes ang mga benepisyaryo ng Presidential Scholarship Program sa Obando, Bulacan na magsikap sa pag-aaral at sulitin ang tulong-edukasyon mula sa pamahalaan.

Nakipagpulong ang Pangulong Marcos sa mga Presidential Scholars sa Obando Central School. Saklaw ng programa ang 11 barangay sa Obando, kung saan may kabuuang 55 iskolar ang tumanggap ng tulong pinansyal.

Sa ilalim ng programa, bawat barangay ay tumatanggap ng P200,000, kung saan P100,000 dito ay inilaan para sa limang iskolar na tatanggap ng tig-P20,000.

“At lagi kong sinasabi sa ating mga presidential scholar na nakikita ko ay dapat mapakinabangan ninyo nang mabuti ito, ‘yung P20,000 na ‘yan, at gamitin ninyo sa mabuti para matulungan ang pag-aaral ninyo, matulungan ang pang-edukasyon ninyo,” ayon kay Pangulong Marcos.

Binigyang-diin ng Pangulo na ang edukasyon ay isang karapatan at hindi pribilehiyo kasabay ng pagpapatibay ng pangako ng pamahalaan na tulungan ang mga kabataang Pilipino na makatapos ng pag-aaral.

“Para sa pamahalaan, ang edukasyon ay hindi pribilehiyo kundi karapatan ng bawat kabataan,” diin ng Punong Ehekutibo.

Pinaalalahanan naman ni Pangulong Marcos ang mga estudyante na ang edukasyon ay isang panghabambuhay na puhunan na makatutulong sa pag-unlad ng kanilang buhay, pamilya, at komunidad.

“Kaya mag-aral kayo nang mabuti, study hard, work hard, at makikita natin napakaganda ang magiging tulong ng magandang edukasyon para sa inyong lahat,” dagdag ng Pangulo. (DARIS JOSE)

Ads May 22, 2026

Posted on: May 22nd, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Ayala Malls Cinemas unleash a new table of terror with the exclusive release of “obsession”

Posted on: May 21st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

AYALA Malls Cinemas expands its roster of curated, world-class exclusive titles with critically acclaimed, original horror film Obsession. The movie is directed by a new voice in horror, Curry Barker, who went viral for his 2024 found footage horror film Milk & Serial. Obsession is a story of a hopeless romantic, who in a desperate bid to capture the heart of the girl he likes, makes a wish on a kitschy “One Wish Willow” toy. He finds himself getting exactly what he needs, but soon discovers that wishes can come with a dark, sinister price.

Director Baker shares his motivation for weaving this dark story for the big screen. “With Obsession, I wanted to tell a story about how far someone’s fixation on another person can go. At what point does something we call love stop being love? And beyond that, what does the word “love” even mean?” 

Baker also wants his film to leave a lasting impression on the viewers, stating, “I want people leaving the theater still talking – arguing over how they felt, what they would have done differently, and whether what they saw was love or obsession.” 

Watch the trailer (FB): https://tinyurl.com/mrykzwv

Dedicated to providing cinemagoers the best in current and classic cinema, Obsession is one of the newest films that create the diverse set of Ayala Malls Cinema exclusive films. Enjoy a scary movie night with fellow horror enthusiasts in the perfect setting, in the comfortable and state of the art cinemas at Ayala Malls. Frights feel even more real with the latest in screen and audio technology.

Book your tickets to Obsession with Ayala Malls Cinemas revamped ticketing site, Ayala All Access. Their newest online hub provides convenience in checking out the latest in films. Cinemagoers can book their tickets from the comfort of their own homes. Obsession opens exclusively at Ayala Malls Cinemas on May 27. Be the first to catch the film with Ayala Mall Cinemas’ Early Access Screenings on May 23, 6:30PM, at Trinoma, Glorietta, and Ayala Malls Manila Bay. Check out details of the promo and participating movies at the Ayala Malls Cinemas’ Facebook and Instagram.

About Ayala Malls Cinemas:

Ayala Malls Cinemas is the country’s premier destination for elevated moviegoing with theatres designed for comfort, quality, and cutting‑edge technology. Ayala Malls Cinemas delivers crystal‑clear projection, immersive sound, and refined amenities at every theater, with premium formats such as 4DX, A-Giant, and MyCinema in select locations —details that make all the difference. As part of Ayala Malls’ commitment to creating memorable experiences, Ayala Malls Cinemas continues to redefine how Filipinos enjoy the big screen across its malls nationwide.

(ROHN ROMULO)

Spurs kinailangan pa ng 2 OT para talunin ang OKC at makuha ang unang panalo 122-115

Posted on: May 21st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

UMABOT pa sa dalawang overtime para makuha Nakuha ng San Antonio Spurs ang unang panalo sa best of seven Western Conference Finals laban sa Oklahoma City Thunder 122-115.

Bumandera sa panalo ng Spurs si Victor Wembanyama na nagtala ng 41 points at 24 rebounds.

Nagtala rin ng 24 points si rookie player Dylan Harper na siyang pumalit kay De’Aaron Fox matapos na ito ay mainjured.

Ito ang unang pagkatalo ng Thunder ngayong playoffs.

Sinabi ni Spurs coach Mitch Johnson na naging motibo para kay Wembanyama ang hindi nito pagkakuha ng Most Valuable Player na nakamit ni OKC star Shai Gilgeous-Alexander.

Nalimitahan lamang sa 24 points si Gilgeous-Alexander kung saan target ng OKC na maging unang koponan na maulit ang kampeonato mula ng makuha ng Golden State Warriors sa taong 2017 at 2018.

Knicks, ibinulsa ang Game 1 OT win vs Cavs, 115 – 104

Posted on: May 21st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

UMABOT sa overtime ang bakbakan sa pagitan ng New York Knicks at Cleveland Cavaliers sa Game 1 ng Eastern Conference Finals.

Gumawa ang Knicks ng 32-18 run sa ika-4 na quarter upang habulin ang Cavaliers at maipasok ang laro sa overtime.

Pagpasok ng OT, agad bumuhos ang Knicks ng magkakasunod na field goals at kumamada ng 14 puntos sa loob ng limang minuto. Sa panig ng Cavaliers, tatlong puntos lamang ang naitala (14-3).

Pinangunahan ni Knicks guard Jalen Brunson ang matagumpay na comeback sa kanyang 38 puntos, 6 assists, at 3 steals.

Bagaman nalimitahan sa 13 puntos ang bigman na si Karl-Anthony Towns, nakapagtala pa rin siya ng 13 rebounds, 1 block, at 1 steal.

Hindi umubra ang tandem nina Donovan Mitchell at James Harden dahil sa mahigpit na depensa ng New York. Sa pagtatapos ng laban, nagtala si Mitchell ng 29 puntos, 5 rebounds, at 6 steals, habang si Harden ay may 15 puntos, 4 rebounds, at 1 block.

Ipinagmalaki ang engagement ring:CRISTINE, engaged na muli dahil nag-propose na si GIO (ni: ROSE GARCIA) 

Posted on: May 21st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

 

ENGAGED na muli si Cristine Reyes. 

Nag-propose na nga sa kanya ang boyfriend na si Gio Tingson. 

Si Gio ay dating Chairperson and commissioner ng National Youth Commission. Malapit din siya kay Sen. Bam Aquino bilang isang political campaign strategies. 

Ang irony, Kakampink si Gio habang si Cristine ay naging isa sa masugid na supporter ni Sen. Imee Marcos. 

Ayon kay Cristine, sa kanyang Instagram post, “end game” na raw. At ipinakita niya rin ang kanyang engagement ring. Kung pagbabasehan ang mga post niyang photos, tila sa Hongkong naganap ang proposal. 

“Every timeline led here. endgame unlocked.”

***

NAKAUSAP ng MMPress (Multimedia Press Society) ang isa sa most eligible bachelor ng bansa, ang Congressman ng 3rd District ng Negros Occidental at tumatayong Chairman ng House Special Committee on Creative Industries na si Javi Benitez.

Ever since na una pa lang namin siyang nakilala noong pasukin niya ang showbiz at kahit na naging Mayor ng Victoria at ngayon, nasa Congress na, napakabait, magalang pa rin niyang talaga.

Napakatutok din sa kanyang trabaho sa Kongreso at sa Creative Industries & Performing Arts. Marami siyang plano for the industries, lalo na ang makapagbigay suporta at mapalakas p talaga, lalo na ang film industry. 

Natawa ito nang tanungin kung bakit nilayasan agad ang pagiging Mayor ng Victoria City, pero sey niya, it’s more on makatulong pa talaga, hindi lang sa Victoria kung hindi sa buong distrito. 

Kaya tinanong naman namin siya kung “nilayasan” na rin ba niya ang pagiging artista naman. 

Aniya, “Yung pagiging artista, ang dami kong natutunan like how I deal with my emotion, with people. Pero, yung sa showbiz industry, nandito ako hindi man in front of the camera, pero para sa industriya.”

Siyempre, hindi maiwasang hindi pa rin maitanong kay Javi ang kanyang ex-girlfriend at longest relationship niya dahil 5 years sila na si Sue Ramirez. 

Masaya raw siya para kay Sue at Dominic Roque. 

“I’m very happy for her. Wala akong masabing masama para sa kanya and she’s still one of the most underrated actress.

“Feeling ko, sila na ang end game,” nakangiting sabi pa niya.”

Sa ika-12 taon sa showbiz: MARIS, aliw na aliw na namigay ng libreng bigas sa mga jeepney driver (ni: ROHN ROMULO) 

Posted on: May 21st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

SA pagdiriwang ng ika-12 taon sa showbiz, namigay si Maris Racal ng libreng bigas sa pumapasadang jeepney drivers.

Mababasa sa Instagram post ng Kapamilya actress, “12 years na ako sa industria happy anniversary to us mariestellers. love you all so much!” 

Nag-post ng video clip si Maris kung saan namimigay siya ng libreng bigas sa mga dumaraan na jeepney driver sa University of the Philippines (UP) sa Diliman, Quezon City. 

Aliw na aliw at nagtatatalon pa si Maris habang hawak ang makulay na sign ng ‘FREE BIGAS’ at plastic ng bigas na personal na inaabot sa mga tsuper.

Marami ngang netizens ang natuwa at pumuri sa ginawa ni Maris at kabilang na rito ang ilang celebrities.

Komento ng GMA News reporter na si Bernadette Reyes, “Thank you for doing this Maris bilang consumer beat reporter, ito yung isa sa mga dapat talagang tutukan ngayon na issue dahil habang may mga kaguluhan sa pulitika, naghihintay ang taongbayan ng tulong para sa kumakalam na sikmura. Ang taas ng presyo ng bigas. What you give these people is more than just rice itself but you also give them hope and faith in humanity. May God bless you more.”

Say ni Agot Isidro, “Woot woot!!!! Love you.”

“Sana lahat katulad mo. Happy 12th anniversary! ”

“Alabyu Maris! Nakakabilib ka. Sana dumami pa ang kagaya mo.””Happy 12th anniversary you are loved, more bigating projects for you!”

“Happy Anniversary Maris Racal. You are our forever bata, our Nation’s Endearing Sweetheart, our GuitaRis, our Romcom Princess, our All-Purpose Queen.” 

“Happy Anniversary maris and maristellers I’m Soo proud of you Bata ang Bata namin sa loob ng bahay ni kuya noon at Hanggang Ngayon love love ka namin Dito lang kami ng aabang ng mga project mo love you always.”

“Thank you, sunshine!”

Grand launch ng all-in-one relaxation place na ALU Garden, naging matagumpay (ni: ROHN ROMULO) 

Posted on: May 21st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

NAGING matagumpay ang grand launch ng all-in-one relaxation place na ALU Garden noong Mayo 18 na matatagpuan sa Barangay Loma, Amadeo, Cavite.

Ang ALU garden ay mayroong event place, restaurant, cafe, massage at gaming hub pag-aari nina Albert Caño, Heiz Robert Andros, at Leslie Ann Uy. 

Dumating din ang aktor na si Mark Neumann para nakasama sa ribbon cutting.

Kinuwento nina Albert at Leslie kung paano nila binuo ang ALU Garden.

Pahayag Albert, “Nag-start ‘yun noong may gusto kaming i-open na coffee shop sa Canyon Cove kasi may business din ako roon. So, nakipag-meeting na kami sa VP ng Canyon Cove pero ‘di natuloy.

“Napahiya ako, siyempre parang kapatid ko na si Leslie, kaya humanap ako ng paraan na humanap ng business na kasama siya.

“A week after that happen may tumawag sa akin sinabi na, ‘sir may vacant space rito open for sale, ibinibenta o gusto mo ire-rent out na lang.’

“Tinawagan ko siya at sinabi ko na may for rent na space o ibinebenta na. Sinabi ko sa kanya, ‘go ba natin ito?’ Piniktyuran ko at sinend ko sa kanya, tapos sabi niya sa akin i-go ko na.

“Doon nag-start, and then sa logo namin, sabi niya, ‘ikaw na bahala.’”

Dagdag pa ni Albert, “Nag-search ako sa Bible, for positive ang sini-search ko. Biglang lumabas ang ALU na ang meaning moving, positive siya.

“Although combination ng name namin ang ALU , Albert, Leslie Anne Uy. Sakto rin na may bago siyang partner in life, same rin ng letter A (Andros) din sakto. Doon nag-start ‘yung journey namin kung paano nag-start ‘yung ALU Garden.”

Pahayag naman ni Leslie, “To add doon, sinabi ni Albert kung paano nabuo ang ALU. Siya kasi talaga ang business niya SPA, massage at saka salon, marami siyang branches more than 10 sa buong Pilipinas.

“Ako naman ‘yung first business ko naman franchising, fanchiser kami ng Bean Leaf, mayroon kaming 40 branches nationwide.

“So ayun mahilig sa negosyo, pero ayun nga nang i-open niya ‘yun, sabi niya nga na mag-open kami ng ganitong business. Sabi ko why not? Kasi sabi ko ‘di ko forte ‘yung spa eh ang galing niya roon, tapos ang laki ng space gusto ko naman ‘yung food, resto ‘yung coffe shop.

“Sakto rin na may nga building na available, may mga room, kaya nabuo na all in one hub.

“Tapos ‘yung partner ko naman na si Heiz Robert mahilig siya sa gaming kaya may gaming Hub din dito.

“Kanya-kanya kami ng hawak dito, pinag-combine lang lahat, kaya nabuo ang ALU Garden.”

Samantala, walang paligoy-ligoy na inamin ni Ms. Leslie na pinangarap niyang maging artista noon.

“Oo, pangarap ko talaga, kaso hindi ako sinu-support ng parents ko, matinda na lang ako sa grocery,” sagot niya.

“Pero okay lang kasi marami akong natutunan sa pagne-negosyo.  Kaya ‘yun beauty ko para sa inyo na lang.”

Anyway, sigurado na babalik kami sa ALU Garden, dahil gusto naming ma-try ang kakaibang ino-offer ng kanilang SPA at muling matikman ang matapang nilang kape habang nagre-relax sa malaming na lugar.  

Hazard pay sa mga civilian government personnel na naka-deploy sa West Philippine Sea (WPS), aprubado

Posted on: May 21st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

INAPRUBAHAN ng mga mambabatas ng kasapi ng House Special Committee on the West Philippine Sea ang panukala na bigyan ng hazard pay ang mga civilian government personnel na naka-assign o naka deploy sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Malabon Rep. Antolin Oreta III, inaprubuhan ng komite ang House Bill (HB) 8673 matapos sangayunan ng mga mambabatas ang serbisyo at sakripisyo ng mga civilian government personnel sa gitna ng panganib sa WPS. Karamihan sa mga personnel ay kabilang sa maritime operations support, scientific research, fisheries protection, at logistics support.

Sa isang privilege speech, naipakita ni Akbayan Partylist Rep. Percival “Perci” Cendaña ang panganib na kinakaharap ng mga civilian employees sa WPS sa gitna ng mga agresibong kilos ng China na umaangkin sa halos 90 porsiyento ng South China Sea, kabilang ang WPS.

Inihalimbawa ni Cendaña ang mga sugatang personnel ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na madalas tinatamaan ng water cannon ng Chinese Coast Guard at ang insidente na isang personnel ng Philippine Navy ay naputulan ng daliri matapos atakihin ng CCG ang kanilang sinasakyang banca.

Sinuportahan naman ito ni Palawan Rep. Jose Alvarez at nagbigay suhestiyon na isama sa coverage ang mga manggagawa sa Kalayaan Islands na apektado din mga ginagawang harassment ng Chinese Navy sa lugar. (Vina de Guzman)