Anim na taon din na naghintay ang mag-asawa: ALEX, ipinagbubuntis na ang panganay nila ni MIKEE (ni: ROHN ROMULO)
- Published on May 22, 2026
- by Francis Paolo Torres
KAHAPON, May 21, ini-reveal na ng actress-TV host na si Alex Gonzaga na preggy na siya sa panganay nila ng asawang si Mikee Morada.
Ayon pa sa content creator na makalipas ang anim na taong paghihintay, sa wakas ay dumating na rin ang ipinagdarasal nilang blessing.
Masaya ngang ibinahagi ni Alex sa kanyang social media pages ang magandang balita, kasama ang ng isang video ng mga kaganapan sa buhay nila ni Mikee.
Caption niya, “After almost 6 years of marriage and 3 heartbreaking losses, we never lost faith and continued to surrender everything to the Lord.
“While preparing for IVF, the Lord Jesus blessed us with a natural pregnancy.”
Pagpapatuloy pa ng sister ni Toni Gonzaga, “We want to thank everyone who prayed with us, hoped with us, and supported us through this journey to becoming parents. “By God’s grace, our prayers have been answered, and we are finally going to be mommy and daddy.
“The Lord Jesus truly answers prayers. Please continue praying with us for a safe and healthy pregnancy until our baby arrives.”Umani naman ng mga pagbati lalo na mga celebrity friends tulad nina Lucky Manzano, Jessy Mendiola, Gladys Reyes, Pauline Luna, Kitkat, Maja Salvador, Robi Domingo, Ivana Alawi, Yeng Constantino, Aiko Melendez, Jason Abalos, Karen Davila, Diana Zubiri, China Ortaleza, Kris Bernal, Rodjun Cruz, Vina Morales, John Prats, Poking, Arci Muñoz at marami pang iba.Congrats Mikee and Alex!