• April 30, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 30th, 2026

LTO CHIEF IPINAG-UTOS ANG AGARANG PAGSIBAK SA 4 NA NCR LAW ENFORCERS NA SANGKOT SA PANGONGOTONG

Posted on: April 30th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

SINIBAK sa kanilang kasalukuyang puwesto ang apat (4) na Law Enforcement Officers ng Land Transportation Office–National Capital Region (LTO-NCR) kaugnay ng kanilang pagkakasangkot sa isang insidente ng pangingikil na naganap noong Abril 23, 2026, sa kahabaan ng C3 Road sa Navotas City.

Alinsunod sa isang pormal na kautusan, inatasan ang mga nasabing tauhan na isuko ang lahat ng law enforcement paraphernalia at iba pang pananagutan sa Operations Division sa loob ng 24 na oras mula sa pagtanggap ng kanilang relief at reassignment orders, ayon sa umiiral na mga pamantayan.

Binigyang-diin ni LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, ang matibay na paninindigan ng ahensya laban sa anumang uri ng maling asal sa hanay nito. Aniya, ang pagsugpo sa katiwalian ay nananatiling pangunahing bahagi ng kanyang 7-Point Priority Agenda.

“Hindi kukunsintihin ng LTO ang anumang pang-aabuso sa kapangyarihan. Nananatili kaming nakatuon sa pagtiyak na ang aming mga kawani ay ginagampanan ang kanilang tungkulin nang may pinakamataas na antas ng integridad at propesyonalismo,” pahayag ni Lacanilao.

Tiniyak din niya sa publiko na magsasagawa ang ahensya ng masusi at patas na imbestigasyon, at ang sinumang mapatunayang may pananagutan ay haharap sa kaukulang administratibo at legal na parusa.

Bilang bahagi ng patuloy na pagsulong ng pananagutan, transparency, at kaligtasan sa kalsada, hinihikayat ng LTO ang publiko na iulat ang anumang insidente ng maling asal na kinasasangkutan ng kanilang mga tauhan. (PAUL JOHN REYES)

Peso bagsak sa 61.30 kontra US Dollar

Posted on: April 30th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

BUMAGSAK ang Philippine peso sa bagong pinakamababang halaga na 61.30 sa US dollar sa pagtatapos ng kalakalan nitong Martes.

Nagbukas ang kalakalan ng peso nitong Martes sa P60.80 kontra dolyar na mas mahina na kaysa sa dating pinakamababang halaga nito na 60.748 noong Marso 31. Mula rito, patuloy na bumaba ang halaga ng lokal na pera.
Umusad ang halaga ng peso laban sa dolyar bago ang pag-atake ng US-Israel sa Iran sa katapusan ng Pebrero.

Lumakas pa ito sa 57.665 sa dolyar noong huling araw ng kalakalan ng Pebrero, na mas malakas kaysa sa antas ng pagsasara nito noong Enero 2 na 58.841.

Ngunit simula nang sumiklab ang digmaan sa Gitnang Silangan, lumampas ang peso sa rekord na pinakamababang halaga.
Ang piso ay nasa 54.975 sa simula ng termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Huwag magtago sa bank secrecy laws, giit ng mambabatas

Posted on: April 30th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

KONSTITUSYON ang mas mananaig kumpara sa ordinaryong lehislasyon, huwag magtago sa likod ng bank secrecy laws.
Ito ang binigyan-diin ni House Committee on Justice chair Batangas Rep. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro sa kanyang opening statement sa pinal na pagdinig ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Luistro, walang reklamo o legal maneuver ang maaaring magbaligtad sa pangunahing prinsipyo na may pananagutan ang mga public officials sa sambayanang Pilipino sa lahat ng panahon.
“Magreklamo na sila hangga’t gusto nila, ngunit hindi nito mababago ang isang simpleng katotohanan: ang Konstitusyon ang pinakamataas na batas,” ani Luistro. At ayon sa Konstitusyon, lahat ng opisyal ay dapat may pananagutan sa taumbayan sa lahat ng oras.”
Sinabi ni Luistro na ang anumang limitasyon na ipinapataw sa isang ordinary legislation, kabilang na ang bank secrecy, ay hindi maaaring pumalit sa mandato ng konstitusyon ukol sa transparency at accountability, partikular na sa usapin ng impeachment proceedings.
“Anumang limitasyon na nilikha ng ordinaryong batas—kasama na ang bank secrecy—ay hindi maaaring manaig laban sa mandato ng Konstitusyon para sa public accountability,” paliwanang ni Luistro.
“At tayo sa Komiteng ito ang boses ng utos na iyan, kaya nga pwede tayo mag-issue ng nararapat na subpoena, at lalo na sa kaso ng impeachment, pwede nating hingiin ang report ng AMLC.”
Binigyan diin pa nito na ang bank secrecy laws ay hindi para protektahan ang unexplained wealth kundi para protektahan ang lehitimong deposito.
(Vina de Guzman)

DPWH Sec. Dizon, muling nag-inspeksyon sa Navotas landfill fire

Posted on: April 30th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

MULING ininspeksyon ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon, kasama sina Navotas Mayor John Rey Tiangco, DENR Secretary Juan Miguel Cuna, Office of Civil Defense (OCD), Ambassador of Japan to the Philippines Kazuya Endo, Minister for Economic Affairs Naobumi Yokota, JICA Philippines Office Chief Representative Baba Takashi, at JICA technical experts ang nasusunog na lumang Navotas landfill kung saan umano na aniya sa halos kalahati ng apektadong lugar ang naapula na ang sunog. (Richard Mesa)

‘Major upgrade’ ng PhilHealth maternity benefits, sisipa na

Posted on: April 30th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

INANUNSYO ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Miyerkules ang pagpapalawig sa maternity benefits na ipagkakaloob Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) simula ngayong araw, Abril 30, 2026.
Layon nito na pagaanin ang pasanin sa pananalapi ng mga expectant mothers.
Sa isang video message, inanunsyo ni Pangulong Marcos na ang coverage para sa normal hospital deliveries ay itataas sa P29,000—halos triple sa nakalipas na P9,750—habang ang benepisyo naman para sa cesarean sections ay itataas sa pagitan ng P58,000 at P62,000 mula P37,000.
“Sa maraming pagkakataon, kung sa ward manganganak kahit sa private hospital, maaaring wala nang babayaran paglabas,” ayon sa Pangulo.
Winika pa ng Pangulo na ang prenatal care coverage ay pinalawak mula apat hanggang walong checkups, ngayon ay kabilang na ang bakuna at laboratory tests.
Covered naman sa postnatal care ang tatlong follow-up visits.
“Simple lamang ang ating layunin, nais nating matiyak na ang bawat ina ay makakapanganak ng ligtas at hindi nag-aalala kung saan kukuha ng pambayad,” aniya pa rin.
“Nais natin na walang buhay ang malalagay sa panganib dahil lamang sa kakulangan ng pera,” dagdag na wika nito. (Daris Jose)

Sa House Committee on Justice… VP Sara, nakitaan ng dalawang ‘probable cause findings para i-impeach

Posted on: April 30th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAKITAAN ng House Committee on Justice ng probable cause para i-impeach si Vice President Sara Z. Duterte sa dalawang reklamo.
Sa magkahiwalay na botohan, inaprubahan ng komite ang ikatlo o Saballa complaint at ang ika-apat na Cabrera complaint, na kapwa nakakuha ng botong 53 ng walang objection.
“The chair pronounces that the existence of probable cause has been declared with respect to both the Saballa complaint and the Cabrera complaint,” deklara ni committee chair Batangas Rep. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro.
Ang dalawang mosyon para idetermina ang probable cause ay isinulong ni Pinoy Workers Party-list Rep. Franz Vincent Legazpi, na nagsabing sapat na ang reklamo.
Pagkatapos ng botohan, isinulong ni Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila De Lima na pag-isahin na lamang ang dalawang reklamo na inaprubahan ng komite ng walang humadlang .
Inatasan ni Luistro ang komite na iprepara at isumite ang report at articles of impeachment.
“We direct the committee to prepare the committee report along with the resolution and the articles of impeachment. We further direct the committee to transmit the same to the complainant, the respondent vice president, and the justice members.”
Itinakda naman ni Luistro ang pagpapatuloy ng pagdinig sa Mayo 4, 2026 ng alas-10 ng umaga. (Vina de Guzman)

Ads April 30, 2026

Posted on: April 30th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments