Peso bagsak sa 61.30 kontra US Dollar
- Published on April 30, 2026
- by @peoplesbalita
BUMAGSAK ang Philippine peso sa bagong pinakamababang halaga na 61.30 sa US dollar sa pagtatapos ng kalakalan nitong Martes.
Nagbukas ang kalakalan ng peso nitong Martes sa P60.80 kontra dolyar na mas mahina na kaysa sa dating pinakamababang halaga nito na 60.748 noong Marso 31. Mula rito, patuloy na bumaba ang halaga ng lokal na pera.
Umusad ang halaga ng peso laban sa dolyar bago ang pag-atake ng US-Israel sa Iran sa katapusan ng Pebrero.
Lumakas pa ito sa 57.665 sa dolyar noong huling araw ng kalakalan ng Pebrero, na mas malakas kaysa sa antas ng pagsasara nito noong Enero 2 na 58.841.
Ngunit simula nang sumiklab ang digmaan sa Gitnang Silangan, lumampas ang peso sa rekord na pinakamababang halaga.
Ang piso ay nasa 54.975 sa simula ng termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.