• April 24, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March, 2026

“We used Dante’s ‘Inferno’ as inspiration, where every floor is literally a different circle of hell,” says director of horror-action-comedy “THEY WILL KILL YOU”

Posted on: March 26th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

image.jpeg

Zazie Beetz in “They Will Kill You”

Photo credit: Warner Bros. Pictures

“Our production designer is a mad genius,” says director and co-writer Kirill Sokolov of Jeremy Reed, his production designer for “They Will Kill You.”

In the blood-soaked, high-octane horror-action-comedy, a young woman (Zazie Beetz) must survive the night at the Virgil, a demonic cult’s mysterious and twisted death-trap of a lair, before becoming their next offering in a uniquely brazen, big screen battle of epic kills and wickedly dark humor. The film also stars Myha’La, Paterson Joseph, Tom Felton, Heather Graham, and Patricia Arquette.

Watch the trailer: https://youtu.be/mGrPBpaaGWs

“The movie mostly is inside of this Virgil building, so it’s all interior,” continues Sokolov. “Making an interior movie, you understand that people can get tired of staring at four walls, and you have to be very clever and creative in a way to make people excited – how to show the same sets differently, how to extend this world, even not leaving the place. The Virgil is a nine-floor building, because we used Dante’s ‘Inferno’ as inspiration, where every floor is literally a different circle of hell. That gave us this idea of how we dress the floors, what kind of theme belongs to each floor, what is actually happening on that floor. So, we used this structure to develop the visual style and design of the place.”

Originally, the Virgil was going to be a scary tower in the middle of nowhere, says co-writer Alex Litvak. “But we quickly pivoted and landed on the idea of an exclusive condo complex in the heart of the city – a seemingly welcoming Rosemary’s Baby-style community most would kill [or die] to live in. That helped fuel some of the film’s themes: class, disposable people, the struggle to belong, to find a home, and the cost that comes with it. We also played with the idea that each floor represents a level of Hell. At one point the metaphor was more explicit, but we felt the building was starting to overshadow the characters, so we dialed that back. Suffice it to say, we think we’re only scratching the surface with the Virgil – and there may be more places like it all over the world…”

image.png

Zazie Beetz and director Kirill Sokolov on the set of “They Will Kill You”

Photo credit: Warner Bros. Pictures

Sokolov says that as the floor changes, the style of action changes as well. “As we move from floor to floor, the world changes, the circles of hell changes, so the vibe of the fights and the choreography also will be different,” he says. “We start with very grounded and naturalistic fights, a little bit exaggerated. Then we go into some kind of Viking shit with epic scale and much more graphic. Then we go full anime, crazy kung fu type of fighting. They sound different, they look different and they feel different and, I hope, bigger and bigger and bigger and more and more exciting.”

It certainly helped that the film’s producers are such horror fans – and respected names in the genre – themselves. “They Will Kill You” is produced by Andy Muschietti and Barbara Muschietti, who directed and produced, respectively, horror hits “It,” “It Chapter Two” and “Mama.”

Shares Litvak, “When we took the script to market, we were fortunate to have two competing buyers. For us, the goal wasn’t just to sell the script – it was to make the movie without losing the unconventional style and the inspired madness we had baked into the pages. The moment we met Andy and Barbara, it was clear we weren’t dealing with producers so much as fellow artists who immediately understood what we were trying to do. They believed in the tone of the film and supported our mission from the start. That ultimately made the choice to go with them a no-brainer, and it turned out to be the best decision we could have made.”

Everyone is invited to visit The Virgil when “They Will Kill You” opens only in cinemas March 25, 2026.

New Line Cinema and Nocturna present THEY WILL KILL YOU, distributed by Warner Bros. Pictures, only in theaters in North America on March 27, 2026, and internationally beginning on 25 March 2026. #TheyWillKillYouMovie

Photo credit: Warner Bros. Pictures

(ROHN ROMULO)

Kaya all praises kay Direk Fifth na nakatutok… RHEN, aminadong nahirapan sa role dahil kailangang maging OA

Posted on: March 26th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

ALL praises si Rhen Escaño kay Fifth Solomon na direktor ng Viva One series na ‘My Husband is a Mafia Boss’ na pinagbibidahan nina Rhen at Joseph Marco.
Naitawid kasi ng maayos ni Rhen ang papel niya sa serye bilang Aemie dahil kay direk Fifth.
“Malaking bagay yung workshop bago nag-start yung taping kasi first time ko pong gumawa ng romcom na comedy talaga,” lahad ni Rhen.
“Alam na alam ng lahat kung gaano kabaliw si Aemie. Sobrang yung character niya, talagang malala.
“Hindi siya madaling i-portray.
“Honestly ang hirap ng kailangan kong maging OA.
“So nung workshop namin, as in siguro nakaka-two days na kami, nagwo-worry ako na hindi siya lumalabas naturally, tapos halatang iniisip ko yung script.
“Hindi mailabas ng funny side ko.
“Akala ko noong una, ‘Hindi ko yata kaya. Paano?’
“Buti na lang, si Direk nandoon. Sobrang hands-on po niya.
“Kahit sa workshop, sumasama siya sa amin and we all know naman na sobrang witty and funny ni Direk Fifth.
“Kung kilala ninyo siya as a friend, alam ninyo talaga na sobra yung imagination niya na nakatulong talaga.
“Kaya dun sa trailer, malaki ang percentage na ambag ni Direk Fifth.
“Lumabas yung character ni Aemie na sobrang funny na hindi kailangan na piliting maging funny,” pagbabahagi pa ni Rhen.
Makakasama nina Joseph at Rhen si Ara Mina, bilang ina ni Aemie na si Alyana, pati na rin sina Priscilla Meirelles, Frost Sandoval, Sara Joe, Kyosu Guinto, at ALAMAT members Mo Mitchell at R-Ji Lim, na may mga mahahalagang papel na lalong magpapatindi ng action at romance ng serye.
Kukumpleto sa talented cast sina Simon Ibarra, PJ Rosario, Maru Delgado, Kelley Day, Anjo Damiles, Akihiro Blanco, Jaime Yllana, Icee Ejercito, Roberta Tamondong, Dann Aquino, Aaliyah Coco, Hazel Calawod, Naz San Juan, Bianca Santos, Yuki Sonoda, Sandex Gavin, at Edsel Santiago.
Pasukin ang mundo ng mafia at damhin ang kilig at aksyon sa My Husband Is a Mafia Boss. Samahan sina Aemie at Zeke sa bawat nakakanapabik na twist ng kanilang love story. Ekslusibong panoorin ang serye sa Viva One simula ngayong April 11, na susundan ng bagong episode tuwing Sabado.
Para i-stream ang series, pumunta sa www.vivaone.ph o i-download ang app at mag-subscribe sa App Store, Google Play, o Huawei App Gallery.
***
KAHANGA-HANGA ang aktres, newscaster, live seller at content creator na si Dianne Medina dahil isa na siya ngayong Chief Executive Officer (CEO) ng sarili niyang kumpanya, ang DM Studios.
Sa pamamagitan ng kanyang pagpupursige, tiyaga at sipag ay naitayo ni Dianne ang DM Studios (Dianne Medina Studios) na ang hangad ay makatulong sa iba pang mga content creators at artista.
Pagbabahagi ni Dianne, “It’s a live-selling agency, a live commerce platform wherein we help brands, audiences and of course celebrity influencers also. So basically, we mount live streams into high converting live selling.”
Katuwang siyempre ni Dianne sa DM Studios ang guwapo niyang mister na si Rodjun Cruz (Vice President for Marketing/PR head), maging ang pinsan ni Dianne, ang beauty queen/actress na si Maxine Medina (Vice President for Sales).
Bukod kay Dianne ay nagla-live selling rin si Rodjun na umaming hindi madaling trabaho ang pagla-live selling, sipag, tiyaga at charm ang puhunan para ang mga manonood ay bumili ng produktong ibinebenta nila.
At hindi rin totoong nagla-live selling si Rodjun pagkat wala na siyang project at career bilang artista.
Lahad ni Rodjun, “Proud live seller po ako kasi hard work po ‘yan, eh, marangal na trabaho. And hindi totoo na ‘pag nagla-live ka, wala ka nang trabaho, laos ka na, hindi po.
“May mga project pa po tayo. Kaka-champion lang po natin sa ‘Stars on the Floor,’ may serye po tayong ginagawa and proud po ako rito kasi po ‘yung team namin, lahat po ‘yan, nagwo-work for their families.
“Nakatutulong din kami sa brands, gayundin sa mga tao. At saka hindi biro ang live selling ha? Akala niyong iba, madali lang ‘yan. Hindi po, hard work talaga ‘yan at saka dedication.”
Samantala, ikinuwento naman ni Dianne na bata pa lamang siya ay pangarap na niyang maging isang CEO ng sarili niyang kompanya.
At natupad nga ito sa pagkakatayo ng DM Studios.
Sa kasalukuyan ay may fifteen celebrities na ang nasa pamamahala ng management ng DM Studios; ilan sa mga ito ay sina Rayver Cruz, Julie Anne San Jose, Tuesday Vargas, EA de Guzman, Shaira Diaz, at Carla Abellana, maging ang influencer na si Simon.
Malamang rin ay maging involved sa DM Studios sina Dasuri Choi, Polo Ravales, Zeus Collins, at Pancho Magno at marami pang iba.
Congratulations Dianne!

(ROMMEL L. GONZALES)

Higit 15K Valenzuelano student graduates, tumanggap educational assistance

Posted on: March 26th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

UMABOT sa mahigit 15K Valenzuelanong mga mag-aaral na nagtapos sa mga pampublikong paaralan sa Valenzuela City ang nakatanggap ng educational assistance mula sa Pamahalaang Lungsod.

Pinangunahan ni Mayor Wes Gatchalian ang pamamahagi ng educational assistance sa mga benepisyaryo, kabilang ang 10,620 elementary completers at 5,228 Senior High School (SHS) Grade 12 graduates, na tumanggap bawat isa ng financial grant na Php1,500.00.

Ang pamamahagi ay isinagawa sa loob ng limang na sumasaklaw sa lahat ng pampublikong paaralan upang matiyak ang isang organisado at mahusay na paglulunsad. Ang iskedyul na ito ay nagpapahintulot sa Pamahalaang Lungsod na sistematikong maabot ang bawat benepisyaryo habang pinapanatili ang maayos na koordinasyon sa mga administrador ng paaralan.

Sa pamamagitan ng inisyatiba, kinikilala ng Pamahalaang Lungsod ang dedikasyon at tiyaga ng mga Valenzuelanong mag-aaral na matagumpay na nakatapos ng mga pangunahing yugto ng kanilang akademikong paglalakbay.

Higit pa sa pagkilala, ang tulong ay nagsisilbi rin bilang praktikal na suporta para sa mga pamilya habang naghahanda ang mga mag-aaral para sa kanilang mga susunod na hakbang, maging sa mas mataas na edukasyon o mga landas sa karera sa hinaharap.

Sinasalamin ng programa ang patuloy na pamumuhunan ng Valenzuela sa edukasyon bilang pundasyon ng pag-unlad ng komunidad.

Sa patuloy na pagsisikap, ang Valenzuela ay nananatiling nakatuon sa paglikha ng mga pagkakataon para sa bawat mag-aaral at tinitiyak na ang pag-unlad sa edukasyon ay naa-access, inklusibo, at makabuluhan para sa lahat. (Richard Mesa)

PLANTASYON NG MARIJUANA SA CORDILLERA NA NAGKAKAHALAGA NG 69-M WINASAK NG PNP

Posted on: March 26th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAKAKUMPISKA ang Philippine National Police (PNP) nang mahigit ₱69 milyong halaga ng mga halaman ng marijuana sa serye ng mga operasyong pagpuksa na isinagawa sa Cordillera Administrative Region mula Marso 16 hanggang 22, 2026.

Batay sa mga ulat, ang mga pinagsamang operatiba ay nagsagawa ng 24 na operasyon sa pagpuksa ng marijuana sa buong Benguet, na nagresulta sa pagkawasak at pagkumpiska ng humigit-kumulang 72,900 na tumubong halaman ng marijuana, 420 punla, at mahigit 454,000 gramo ng pinatuyong dahon, tangkay ng marijuana. Tinatayang nasa ₱69,172,200.00 ang kabuuang halaga ng mga ilegal na drogang ito.

Pinuri ni PNP Chief, Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr. ang mga operating unit sa kanilang patuloy na pagsisikap sa pagsugpo sa aktibidad ng ilegal na droga sa rehiyon.

“Hindi natin titigilan ang laban kontra ilegal na droga. Tuloy-tuloy ang ating operasyon, lalo na sa mga lugar na ginagamit sa pagtatanim at produksyon. Sa tulong ng komunidad, mas mapapalakas pa natin ang kampanyang ito,” sabi ni PGEN Nartatez.

Binigyang-diin niya na bukod sa pagpuksa, nananatiling nakatutok ang PNP sa pagpigil sa pagkalat at pamamahagi ng ilegal na droga sa buong bansa.

Ang isang linggong tagumpay ay nagtatampok sa pinaigting na kampanya ng PNP laban sa ilegal na droga, na naaayon sa direksyon ng pambansang pamahalaan sa ilalim ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.. Ang mga pagsisikap na ito ay bahagi ng Focused Agenda ng PNP sa ilalim ng Enhanced Managing Police Operations, na nagpapalakas sa mga patuloy at aksyong hinimok ng intelligence sa buong bansa.

Tiniyak ng PNP sa publiko na magpapatuloy ang operasyon sa iba pang natukoy na lugar upang lansagin ang mga pinagmumulan ng ilegal na droga at panatilihing ligtas ang mga komunidad, alinsunod sa pagtulak nito para sa Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman. (PAUL JOHN REYES)

DOE: Fuel supply ng Pinas, tatagal pa ng 45-araw

Posted on: March 26th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ni Energy Secretary Sharon Garin na may sapat pang fuel supply ang bansa sa loob ng 45-araw base sa kanilang pakikipag-usap sa mga kumpanya ng langis.

Ayon kay Garin, ang kasalukuyang domestic supply ng gasolina ay inaasahang magtatagal pa ng hanggang 53.14 araw habang ang diesel ay hanggang 45.82 araw.

Ang kerosina naman ay hanggang 97.93 araw; jet fuel 38.62 araw; fuel oil 61.49 araw; at liquified petroleum (LPG) gas 23.51 araw.

Siniguro naman ni Garin na patuloy na dumara­ting ang suplay ng langis dahil nakipag-usap na rin aniya ang pamahalaan maging sa mga gobyerno mula sa supplier-countries gaya ng South Korea, Japan, at China.

Ang Philippine National Oil Company (PNOC) aniya ay nakakontrata na ng nasa hanggang 400 bariles ng langis habang ang pamahalaan ay oorder pa ng hanggang 600 bariles ngayong linggong ito, na nagkakahalaga ng nasa hanggang P10 bilyon, mula sa iba’t ibang sources, bilang buffer para sa hanggang isang linggong pangangailangan.
Kaugnay nito, muli ring umapela si Garin sa publiko na huwag mag-hoarding at iwasan ang profiteering na tiyak aniyang makakaapekto sa suplay ng langis ng buong bansa.

First time na nagpaka-daring sa ‘Desperada’… YASSER, nag-enjoy sa matitinding love scenes nila ni ROBB

Posted on: March 26th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

MARKADO ang papel ni Yasser Marta sa pelikulang “Desperada” na isa sa entry sa 8th Sinag Maynila Independent Film Festival.
Tampok dito si Robb Guinto, bilang isang babaeng biktima ng pananamantala na kinupkop sa isang mental asylum.

Paano niya ide-describe ang kanilang pelikula na pinamahalaan ng batikang direktor na si Louie Ignacio?

Tugon ni Yasser, “Ang Desperada kung aking i-describe, ito ay movie na nagpapahalaga sa mga taong may mental health issues and sa mga taong naligaw ng landas pero bumabangon, lumalaban at nagmamahalan pa rin.”

Ginagampanan niya rito ang papel na si Lucio, na isang drug addict dahil pinagmalupitan at pinagsamantalahan ng isang makapangyarihang militar.

Nagpa-sexy ba siya rito?

“Opo, may mga scenes na sexy po talaga,” tugon ng Kapuso aktor.

Tampok din sa pelikula sina Mhack Morales, Sue Prado, Mercedes Cabral, Marife Necessito, Julianne Richards, Adda Musni at Jorge Guda.

Nabanggit din ng aktor na very daring ang love scene nila rito ni Robb.

Aniya, “Yes, may ilang love scenes kami ni Robb, para sa akin very daring ito, it’s my first time na gumawa ng ganito ka-daring at masasabi kong nag-enjoy po ako dahil hindi siya bastos tignan and very art form ang attack ni direk Louie.”

Actually, bukod sa love scene nila ni Robb, dito’y may mainit na threesome sina Robb, Yasser, at Mhack.

Bakit kailangang panooorin ang kanilang movie?

“Bihira na lang po ang ganitong movie, very raw, very real at pang-masa talaga,’ seryosong pahayag ni Yasser.

Incidentally, nagpakita ng isang solidong performance sa pelikula si Yasser. Of course, mahusay dito si Robb, pati na si Mhack.
Ano ang masasabi niya kay Robb as an actress at kay Direk Louie?

“Isa sa mga dahilan kung bakit ako nahulog kay Robb ay dahil sa galing niya sa trabaho, mahal niya ang craft niya talaga.

“Kay direk Louie naman po, napakagaling niyang director, isang karangalan ang makatrabaho ko siya. Napakama-alaga niya sa artista, hindi ka pababayaan at naka-guide si Direk sa buong movie.”

On-going na ngayon ang Sinag Maynila filmfest at magtatapos ito sa March 29.

Handog ng LDG Production nina Lito de Guzman at Daniela Carolino, ang Desperada ay mapanood sa mga piling sinehan sa Metro Manila kabilang ang mga sinehan sa Gateway Cineplex, Eastwood Cinemas, Uptown Cinemas, Venice Cineplex, at Lucky Chinatown Cinemas.

(NONIE V. NICASIO)

Dahil sa nilalaman ng open letter sa FB post… BOY, hinihikayat ng netizens na idemanda si ALVIN

Posted on: March 26th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

HINIHIKAYAT ng netizens na idemanda ni King of Talk Boy Abunda ang aktor na si Alvin Aragon dahil sa open letter nito para kay GMA executive Annette Gozon-Valdes.

Wala mang binanggit na pangalan, naniniwala ang mga tagasuporta ni Kuya Boy na siya ang pinariringgan ni Alvin sa kanyangvFacebook post.

Naka-address ang open letter ni Alvin sa isang “Maam Annette,” na feeling ng mga netizen ay si Annette Gozon-Valdes ang tinutukoy niya.

“Maam Annette, Ang king of talk ang dapat inaalisan ng show at ang writer ng show.

“Kasi he uses, they uses this platform to encouraged and influenced Filipino people especially Filipino parents,” post ni Alvin.

“Gusto nila palabasin na Ok lang, Na walang masama ang maging bakla, maging tomboy, maging trans at maging queer.

“Maam annette alam natin na kasalanan yan sa Mata ng King of kings natin. Stop propagating Sin of homosexuality because it is against the Lord Jesus.”

Wala pa naman reaksyon si Kuya Boy tungkol dito.

Komento ng netizens…

“Sana manahimik ka na lang, Alvin. May sariling isip ang mga nilelektyuran mo. Matanda na sila. Bahala na sila sa kaluluwa nila.”

“Boy Abunda should sue. Grabe yan gusto mo mawalan ng trabaho yung tao dahil sa sexuality nya? Hindi ba that’s blatant discrimination? And mind you, isa na sya sa mga icons ng PH entertainment industry and matagal na syang out so bakit ngayon pa sya tatanggalin?”

“Nako pag si Vice Ganda ang tinarget nya next…good luck sayo.”

“Di titigil to hanggang hindi mademanda.”

“Hnd talaga titigil yan si Alvin kc nga pinagkakakitaan nya. more basher more income.”

“Laos na Kasi. may Tama Ka. Malala, kinulang sa turok he he. ”

“Inggit lang yan, dami mo na kasalanan boy di mo nahahalata.”

“Gago k tlga at bkt nman sya alisan ng show anong dhilan wla sya gngwa msma ikw dapat ang mnahimik n.”.

(ROHN ROMULO)

PBBM, hinikayat ang LGUs na maglaan ng 50% ng support fund para sa libreng bigas

Posted on: March 26th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang local government units (LGUs) na simulan na ng pamamahagi ng libreng bigas sa kanilang mga constituents sa loob ng susunod na isa hanggang dalawang linggo. Bahagi ito ng pagsisikap na mapagaan ang paghihirap at pasanin ng mga sambahayan sa gitna ng tensyon sa Gitnang Silangan.
Sa katunayan, inatasan ni Pangulong Marcos ang LGUs na maglaan ng 50% ng kanilang Local Government Support Fund (LGSF) na pambili ng bigas para ipamahagi.
“Magsisimula na rin na magbigay ang ating mga LGU ng libreng bigas. Ito ay nagsimula –‘yung LGSF program ito – nagsimula ito bago pa nagkagiyera. Pero iro-roll out ito within the next week or two,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
Ang LGSF ay isang government program na nagbibigay ng direktang financial assistance sa LGUs para sa mga priority projects, kabilang na ang infrastructure, healthcare, at iba pang local services.
Sa kabilang dako, sinabi ni Pangulong Marcos na pangungunahan ng LGUs ang pagpapatupad ng inisyatiba, na may opsyon na maglaan ng hanggang 100% ng kanilang LGSF funds para sa rice distribution.
Samantala, tiniyak naman ni Pangulong Marcos sa publiko na walang agarang pagtataas sa presyo ng mga pangunahing bilihin sa kabila ng tumataas na global fuel costs.
Ani Pangulong Marcos, nangako sa kanya ang manufacturers na pananatilihin ng mga ito na matatag ang presyo sa ngayon, dahil nananatiling ibinebenta ng mga ito ang ‘inventory purchased’ bago pa tumaas ang tensyon sa Gitnang Silangan.
“Habang nandiyan ang kanilang imbentaryo, nangako sila na hindi nila itataas ang presyo ng mga primary commodities,” ang winika ni Pangulong Marcos. ( Daris Jose)

“NAGIGING EMOSYONAL AKO… DAHIL KAHIT ANONG SIGAW NATIN AY HINDI PINAKIKINGGAN NG GOBYERNO” -Rep. Eli San Fernando

Posted on: March 26th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

EMOSYONAL na humarap si Kamanggagawa Rep. Eli San Fernando sa higit sanlibong nagtipong mangagagawa matapos hindi isama sa agenda ng Kamara ang House Bill 8081 o National Minimum Wage Bill.
Noong March 18 kasi ang huling araw bago ang six-week session break ng Kamara.

Para naman kay Aksyon Man, RV Villamor,
ang ganitong klaseng public servant ang tunay na may malasakit.
Damang – dama kasi ang pagmamahal para sa mga ordinaryong mamamayang Pilipino ni Rep. Eli San Fernando. Una kasi nitong iniisip palagi ang kapakanan ng mahihirap.
( Sonny Asignacion)

Petrolyo, idekralang prime commodity, lagyan ng price ceilings

Posted on: March 26th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

INIHAIN ng Makabayan bloc ang House Bill No. 8765 upang amyendahan ang Price Act at isama ang gasolina at diesel bilang prime commodities.
Ayon kina ACT Teachers Rep. Antonio Tinio, Gabriela Women’s Party Rep. Sarah Jane Elago at Kabataan Rep. Atty. Renee Louise Co, patuloy sa pagtaas ang presyo ng gasolina dala na rin sa tensyon sa Middle East.
“Habang nagdurusa ang mamamayan, kumakamal ng supertubo ang malalaking kumpanya ng langis at ang mga nagkukunwaring “mitigation” measures ng gobyerno sa pamamagitan ng token subsidies at panakip-butas na hakbang,” saad sa statement ng mga mambabatas.

Palalakasin ng HB 8765 ang kapangyarihan ng gobyerno na magpatupad ng price ceilings sa gasolina at diesel tuwing may kalamidad, emergencies, at malawakang illegal price manipulation o artificial price increases.

“Kagyat na kailangan ang ganitong proteksyon para mapigil ang garapalang overpricing at mapahupa ang domino effect ng fuel hikes sa pamasahe, pagkain, at iba pang pangunahing bilihin,” pahayag pa ng mga ito.

Sinabi pa ng mga mambabatas na ang panukala ay isa lamang urgent relief at accountability tool, at hindi isang kumpletong solusyon sa structural damage na dulot ng Downstream Oil Industry Deregulation Act.

Dapat kumilos agad ang Kamara para sa pagkakaroon nang mas malalim na reporma kabilang na ang mas malakas na regulation sa oil industry, centralized oil procurement, Petron renationalization, at mandatory unbundling ng oil prices.

Hindi anila sapat ang band-aid solution kung deregulasyon ang ugat kundi dapat wakasan ang sistemang nagpapayaman sa iilan at nagpapahirap sa nakararami.
(Vina de Guzman)