• April 27, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March, 2026

SENIOR CITIZENS PARTY LIST CONG. ORDANES, PUMALAG SA PAGKAKAARESTO SA SENIOR DZRH REPORTER

Posted on: March 13th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

MARIING kinondena ng Senior Citizens Party List ang pagkakaaresto sa beteranong reporter ng DZRH na si Misael Boy Gonzales, Jr. nitong Miyerkules.

Ayon kay Senior Citizens Party List Rep. Rodolfo Ompong Ordanes, hindi man lamang binigyan ng konsiderasyon ang edad ng beteranong mamamahayag na nasa edad 62 makaraang hindi payagang makapag piyansa ito.

Kinuwestiyon ni Rep. Ordanes ang ginawang aksyon ng mga tauhan ng Manila Police District sa sistema ng pagkakahuli kay Gonzales gayong pinapayagan naman ng korte na makapag piyansa ang naturang reporter nung Miyerkules.

Dinakip si Gonzales dahil sa reklamong inihain sa kanya ng isang konsehal sa kasong lascivious conduct at isyung paglabag sa Data Privacy Act ang inirereklamo ng konsehal laban sa reporter kung saan nabanggit ng reporter ang tinutuluyan ng konsehal base na rin sa warrant nito.

Sinabi ni Rep. Ordanes na bagaman mali ang nagawa ng reporter, dapat may konsiderasyon pa rin sa desisyon ng korte na payagang makapagpyansa ang reporter lalo pa senior na ang kalagayan.

Kilala ang Senior Citizens Partylist sa pagtaguyod ng kapakanan at karapatan ng bawat nakakatanda sa bansa kung kaya’t hindi kumporme ang kongresista sa hindi angkop na pagtrato sa pagkakadakip sa naturang reporter. (PAUL JOHN REYES)

GASOLINAHAN, SORPRESANG ININSPEKSYON NI YORME ISKO

Posted on: March 13th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAGSAGAWA ng sorpresang inspeksyon si Manila City Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso sa isang gasolinahan sa Sta. Cruz, Manila upang tiyakin na sumusunod ang mga fuel retailer sa itinakdang price adjustments ng pamahalaan sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis.
Ayon kay Domagoso, bahagi ang inspeksyon ng pagsisikap ng pamahalaang lungsod na protektahan ang mga mamimili at matiyak na sinusunod ng mga gasolinahan ang mga pinahihintulutang pagbabago sa presyo na itinakda ng Department of Energy.
Nagbabala rin ang alkalde sa mga fuel retailer na posibleng magsamantala sa sitwasyon.
“Hindi ko papayagan ang pang-aabuso at maapektuhan ang consumer,” ani Domagoso, na binigyang-diin na dapat manatiling patas ang mga negosyo sa publiko sa panahon ng pagtaas ng presyo ng gasolina.
Iginiit niya na dapat eksaktong ipatupad ng mga gasolinahan ang aprubadong price adjustments sa pump prices.
“‘Pag tumaas ang dalawang piso, tumaas ang dalawang piso. ‘Pag tumaas ang limang piso, tumaas ang limang piso. At ang kanilang mga metro ay sinusuri. Walang dapat mag-abuso o samantalahin ang sitwasyon,” aniya.
Dagdag pa ng alkalde na patuloy na magbabantay ang pamahalaang lungsod sa mga gasolinahan upang matiyak na tama ang sukat ng mga pump at nasa loob lamang ng pinahihintulutang pagtaas ng presyo ang kanilang singil.
Binigyang-diin din niya na ang pagnenegosyo sa Maynila ay isang pribilehiyo na ipinagkakaloob ng lokal na pamahalaan at maaaring bawiin kung ito ay inaabuso.
“Tandaan ninyo: ang pagnenegosyo ay isang pribilehiyo, hindi karapatan. Ito ay pribilehiyong ibinibigay ng inyong city government. Kaya kung kaya naming ibigay, kaya rin naming bawiin,” saad niya.
Isinagawa ang inspeksyon habang naghahanda ang pambansang pamahalaan na magbigay ng tulong pinansyal sa mga driver ng pampublikong transportasyon na apektado ng pagtaas ng presyo ng langis.
Ayon kay Domagoso, inatasan ang mga alkalde sa Metro Manila nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Executive Secretary Ralph Recto na magsumite ng updated na listahan ng mga transport operator at driver sa kani-kanilang nasasakupan.
Sinabi rin ng alkalde na mahigit 10,000 tricycle drivers sa Maynila ang inaasahang makatatanggap ng ₱5,000 bawat isa sa susunod na linggo sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program.
Kasunod nito, inaasahan ding makatatanggap ng tulong ang mga jeepney driver, taxi operator, TNVS driver, delivery rider, at bus driver sa mga susunod na pagpapalabas ng ayuda. (Gene Adsuara)

Pinas, nakikipag-ugnayan na sa Portugal authorities para iuwi si Zaldy Co- PBBM

Posted on: March 13th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAKIKIPAG-UGNAYAN na ang gobyerno ng Pilipinas sa Portuguese authorities para mapadali ang posibleng pagpapabalik sa bansa ni dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co.
Sa pagsasalita sa harap ng mga mamamahayag sa The Pierre A Taj Jotel sa New York, United States bago bumalik ng Maynila, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ang pagpapabalik sa bansa ni Co ay nangangailangan ng kooperasyon sa bansa kung saan siya sinasabing natagpuan.
Sinabi ng Pangulo na hindi maaaring direktang ipatupad ng mga awtoridad ng Pilipinas ang pag-aresto kay Co sa labas ng kanilang hurisdiksyon.
“You cannot bring him home because that is not the way it works. We have to ask the assistance of the country where he is in, which is presently Portugal. So, that’s what we have done,” ayon sa Pangulo.
Hindi rin aniya maaaring magpadala lamang ng tauhan ang Philippine law enforcement sa ibang bansa para hulihin si Co.
Winika pa ng Pangulo na naghain na ng request ang gobyerno ng Pilipinas para sa isang Red Notice mula sa International Criminal Police Organization (Interpol) para matunton at malaman ang galaw ni Co.
Ang red notice ay isang kahilingan para sa mga awtoridad na nagpapatupad ng batas na “hanapin at pansamantalang arestuhin” ang isang taong hinahanap ng alinman sa isang bansa o isang international tribunal. Ang mga kahilingang ito ay ibinibigay para sa mga pugante na hinahanap para sa pag-uusig o upang magsilbi ng sentensiya para sa isang krimen kasunod ng desisyon ng korte.
“That’s the process. You do not send your own police to go and pick him up kasi wala namang jurisdiction ang pulis doon sa ibang bansa,” ang sinabi ng Pangulo nang hingan ng update ukol kay Co.
“So, they cannot arrest anyone. So, it will have to be the assistance of the hosting country,” aniya pa rin.
Si Co ay isa sa mga pangunahing akusado sa flood control scam ay pinaniniwalaang nagtatago sa Portugal. (Daris Jose)

NATIONAL FUEL SUBSIDY PROGRAM PARA SA MGA MANGINGISDA, ISINUSULONG NI TIANGCO

Posted on: March 13th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

ISINUSULONG ni Navotas Representative Toby Tiangco na i-institutionalize ang isang national fuel subsidy program para sa mga mangingisda sa munisipyo upang matulungan silang mabayaran ang mga gastusin sa gasolina para sa kanilang mga operasyon sa pangingisda.

Inihain ni Tiangco ang House Bill No. 8349, na naglalayong magtatag ng isang permanenteng national fuel subsidy program na nagbibigay ng nakapirming buwanang tulong na ₱2,000.00 sa mga kwalipikadong mangingisda anuman ang klasipikasyon ng barko.

“Fuel constitutes one of the largest expenses in small-scale fishing operations, often accounting for a substantial portion of daily production costs. Volatile fuel prices directly affect fishing frequency, access to productive fishing grounds, and income stability,” ani Tiangco.

“There is therefore a compelling need to institutionalize a nationwide fuel subsidy program that guarantees predictable and equitable assistance to registered municipal fisherfolk,” dagdag niya.

Binigyang-diin ni Tiangco na habang ang mga kasalukuyang programa ng Department of Agriculture at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ay nagbibigay ng tulong sa gasolina sa mga piling benepisyaryo, ang mga naturang programa ay higit na pansamantala lang, limitado ang saklaw, at nakadepende sa taunang paglalaan.

“Providing a uniform monthly fuel subsidy will help stabilize fishing operations, reduce vulnerability to fuel price fluctuations, support livelihoods, and sustain fish production for domestic consumption,” giit ng mambabatas.

“By reducing operational costs and strengthening livelihood resilience, this measure will help ensure a stable and affordable fish supply, alleviate poverty in coastal communities, and advance inclusive and sustainable economic development,” dagdag niya.

Nauna rito, namahagi si Navotas Mayor John Rey Tiangco ng fuel subsidy mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources para sa 68 Navoteño na nagmamay-ari ng bangka na kanilang makukuha sa mga piling gasoline stations para magamit nila sa kanilang operasyon sa pangingisda. (Richard Mesa)

Dahil apektado ng oil price hike dulot ng tensyon sa Middle East… P5K ayuda sa PUV drivers ilalarga

Posted on: March 13th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

IPINAG -UTOS ni ­Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang agarang paglalabas ng P5,000 fuel subsidy para sa mga driver ng pampublikong sasakyan na apektado ng oil price hike dulot ng tensyon sa Middle East.

Ito ang sinabi ni ­Executive Secretary Ralph Recto matapos ang pakikipagpulong sa Metro Manila Mayors kahapon para masiguro ang mabilis na pamamahagi ng subsidiya.

Sinabi ni Recto na ang mga Mayors ang higit na nakakaalam sa tunay na sitwasyon at bilang ng mga jeepney at tricycle drivers sa kanilang mga lungsod kaya mahalaga ang kanilang pagtutulungan.

Sisimulan ang pamamahagi ng fuel subsidy sa Martes ng susunod na linggo. Una umanong makakatanggap ng subsidiya ay ang mga taga-Metro Manila. Kasunod nito ay agad na ipatutupad ang pamimigay sa iba pang rehiyon sa buong bansa base na rin sa direktiba ni Pangulong Marcos.
Prayoridad na mabigyan nito ang mga tricycle drivers na nasa ilalim ng hurisdiksiyon ng lokal na pamahalaan at susundan naman ng mga jeepney operators at drivers, at ng iba pang transport sectors.
Ire-release ang ayuda sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), gamit ang kanilang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program. (Daris Jose)

Ads March 13, 2026

Posted on: March 13th, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments

Climate change, ‘most serious threat’ na hinaharap ng sangkatauhan-PBBM

Posted on: March 12th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NAGBABALA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang climate change ay ang “most serious threat” na hinaharap ngayon ng sangkatauhan lalo na iyong mga ‘vulnerable nations.’
“For the Philippines, the climate crisis is not a future risk, it is for us a present reality. It reshapes our coastlines, our communities, and even the Filipino psyche,” ang sinabi ng Pangulo sa isinagawang special plenary session ng United Nations General Assembly sa headquarters sa Estados Unidos.
Binigyang diin ni Pangulong Marcos ang mental health impact sa mga kabataan, tinukoy ang 2022 survey kung saan ipinakikita na ang mga kabataang pinoy ay mayroong pinakamataas na vulnerability sa climate anxiety.
Dahil dito, muling nanawagan ang Pangulo sa mga ‘developed at industrialized nations’ na gampanan ang kanilang mga obligasyon na ihinto na ang greenhouse gas emissions at magbigay ng bago at karagdagang pangtustos para sa ‘climate adaptation at loss and damage.’
Binigyang diin ni Pangulo na napili ang Pilipinas na mag-host ng Board of the Fund for Responding to Loss and Damage, sa pagsisikap na tugunan ang loss and damage na iniuugnay sa taliwas na epekto ng climate change.
“And as host country of the Board, we commit to ensure the Fund’s governance maintains equitable, transparent, and needs-based allocation of resources,” ang sinabi ng Pangulo.
Sa kabilang dako, winika ng Pangulo na nakiisa ang Pilipinas sa nagng pagkilos ng International Court of Justice’s (ICJ) na nagpalabas ng advisory opinion ukol sa obligasyon ng mga estado bilang paggalang sa climate change.
“And we were gratified by the ICJ confirmation that States have a legal obligation under international law to prevent climate harm,” aniya pa rin.
Kinukumpirma kasi ng opinyon na ang mga estado ay mayroong obligasyon na protektahan ang kapaligiran mula sa greenhouse gas emissions at kumilos na may ‘due diligence at kooperasyon para magampanan ang obligasyon nito.
Sinabi pa ng Pangulo na taong 2025, naglaan ang Pilipinas ng 18% ng national budget nito sa climate-related expenditures, idagdag pa na nagtatag ang bansa ng Climate Change Expenditure Tagging system para upang subaybayan at i- align ang budget priorities sa National Climate Change Action Plan.
Tinukoy din ng Punong Ehekutibo ang pagho-host ng PIlipinas sa 2024 Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction at unang International Conference on Nuclear Technology for Controlling Plastic Pollution noong 2024 para tugunan ang climate crisis.
“And as my country confronts its climate vulnerability directly, we extend our hand to other countries. The Philippines welcomes South-South or triangular cooperation, capacity-building arrangements, and the exchange of knowledge and technology,” anito.
“The climate crisis knows no borders. And it is by standing together, uniting in purpose, that we shall survive and overcome,” ang pahayag ng Pangulo. (Daris Jose)

US manufacturer, mamumuhunan ng paunang $200-M para sa gloves factory sa Pinas

Posted on: March 12th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

MAMUMUHUNAN ang isang United States (US)-based medical glove manufacturer ng paunang USD200 million para magtayo ng production facility sa Pilipinas.
Plano rin ng manufacturer na ito na palawakin ang operasyon sa oras na ang first phase ay maging matagumpay.
Sa pagsasalita sa harap ng mga mamamahayag sa The Pierre A Taj Jotel sa New York, United States bago bumalik ng Maynila, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ang Harvard-based U.S. Medical Glove Company (USMGC) ay nagsimula nang maghanda para sa proyekto at nagpadala ng kinatawan sa Pilipinas para simulan ang kontruksyon ng pasilidad.
“The prospective amount is PHP200 million dollars in the beginning,” ayon kay Pangulong Marcos.
“They have already started it. They sent already representatives to the Philippines. They’re already starting to build their first plant and gusto nilang mag-expand pa. They already have found the local partner,” dagdag na wika nito.
Tinuran pa ng Pangulo na ang initial phase ay sisimulan sa mas maliit na puhunan. Gayunman, isinasagawa na ang pag-uusap para sa mas malaking eskpansyon sa oras na magsimula na ang operasyon.
“Once operational, the facility would help ensure a stable domestic supply for various sectors,” anito.
“This is going to be to our advantage dahil magkakaroon tayo ng supply hindi lang para sa healthcare workers pati sa military at lahat nang nangangailangan,” ang tinuran ng Pangulo.
Aniya pa, bukas ang pamahalaan na maggalugad ng mas maraming oportunidad kapag ang manufacturing venture ay maayos ang operasyon.
Sinabi pa niya na nais ng USMGC na madaliin ang konstruksyon ng pasilidad.
“Ang pagtatayo ng ganitong facility ay mabilis lang. Sabi nila basta napagawa na ang building, pagdating ng makinarya na iyan nila, within 48 hours, they will start the process,” ang tinuran ng Pangulo.
Nauna rito, nakipagpulong ang Pangulo sa USMGC executives, araw ng Lunes, unang araw ng Pangulo para sa kanyang two-day working visit sa Estados Unidos.
Samantala, sa isang Facebook post, sinabi ni Pangulong Marcos na ang proyekto ay inaasahang makalilikha ng mahigit sa 2,000 trabaho at makapagbibigay-daan para sa lokal na produksyon ng mahalagang medical supplies.
Ang USMGC ay ang leading American manufacturer ng nitrile at polyisoprene surgical atexam gloves, makikita ang 1.8 million-square-foot facility sa Harvard, Illinois. (Daris Jose)

P 5,000 ayuda para sa mga pampasaherong drivers, agarang ipapamigay sa susunod na linggo

Posted on: March 12th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

INATASAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang agarang pamamahagi ng
P 5,000 fuel subsidy para sa mga pampasaherong drivers na naapektuhan ng pagtaas ng presyo ng gasolina bunsod ng umiiral na tensyon at gyera sa Gitnang Silangan.
Upang mapabilis ang implementasyon, pinulong ni Executive Secretary Ralph G. Recto ang mga Metro Manila mayors ngayong araw para plantsahin ang mabilis at maayos na pamamahagi ng tulong.
“Bilang mayors, kayo ang higit na nakakaalam sa tunay na sitwasyon at bilang ng mga tricycle at jeepney drivers sa inyong mga lungsod. Kaya mahalaga ang ating pagtutulungan. Sa mabuting koordinasyon at sabayang pagkilos, mas mabilis nating maipaparating ang tulong sa bawat driver na nangangailangan,” ayon kay Recto.
“Sa pakikipagtulungan sa mga mayors, mas mabilis nating maipaparating ang tulong sa bawat driver na nangangailangan,” aniya pa rin.
Sa katunayan, magsisimula sa susunod na linggo ang distribusyon ng fuel subsidy sa Metro Manila, na pangungunahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Transportation (DOTr). Kasunod nito ay agad na ipatutupad ang pamimigay sa iba pang rehiyon sa buong bansa.
Ito ay bahagi ng malinaw na direktiba ng Pangulo na magbigay ng agarang ginhawa at proteksyon sa kabuhayan ng mga sektor na direktang tinatamaan ng krisis sa langis.
Makikipagtulungan ang mga ahensya ng national government at mga LGUs upang matiyak na mabilis, maayos, at direktang makarating ang tulong sa mga drivers na nangangailangan. (Daris Jose)

Mandato ng ICC, tapos na pero…- PBBM

Posted on: March 12th, 2026 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tapos na ang mandato ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) pero titingnan pa rin niya kung ano pa ang magagawa nito.
“For now, their brief has already been fulfilled,” ayon kay Pangulong Marcos sabay sabing “Now, what will happen afterwards is – let us see what else that they can do.”
Ang ICI ay nilikha ng Pangulo sa pamamagitan ng isang executive order noong nakaraang Setyembre para imbestigahan ang anomalya sa flood control at iba pang infrastructure projects.
“The ICI is now collating its findings and drafting a final report,” ang winika ng Pangulo.
Inaasahan din na ipadadala ng komisyon ang findings nito sa Department of Justice (DOJ) o sa Office of the Ombudsman depende aniya sa nature ng kaso.
Sa ngayon, ang ICI ay binubuo na lamang ng chairperson nito na si Andres Reyes, matapos na magbitiw bilang miyembro ng ICI sina Rogelio Singson at Rossana Fajardo, noong Disyembre. (DARIS JOSE)