• June 13, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 21st, 2026

PNP PINAG-IINGAT ANG PUBLIKO SA KUMAKALAT ONLINE NA FAKE AI VIDEOS

Posted on: March 21st, 2026 by @peoplesbalita No Comments

PINAPAALALAHANAN ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas (PNP) ang publiko na maging mapagmatyag laban sa mga video na likha ng artificial intelligence (AI) na kumakalat online. Ang mga videong ito hindi lamang ang mga nagpapanggap na opisyal ng pulisya kundi pati na rin ang iba pang nakaliligaw na nilalaman, ay ginawa upang magmukhang totoo at madaling magkalat ng maling impormasyon.

Nagpapaalala sa lahat si Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr., Chief PNP, “Ang ating layunin ay mapanatili ang tiwala ng publiko at siguraduhing tama at maaasahan ang bawat impormasyon. Huwag basta-basta maniwala o mag-share ng video o post na hindi galing sa opisyal ng PNP channels.”

“Hinihimok namin ang publiko na beripikahin ang impormasyon mula sa mga opisyal na mapagkukunan at mag-isip nang mabuti bago ibahagi. Ang inyong kooperasyon ay makakatulong upang protektahan ang integridad ng pulisya at ang kaligtasan ng ating mga komunidad,” dagdag ni PGEN Nartatez.

Ang inisyatibong ito ay bahagi ng PNP Focused Agenda sa ilalim ng Enhanced Managing Police Operations, na nagpapalakas ng mga pananggalang laban sa maling impormasyon. Mahigpit na sinusubaybayan ng PNP sa pamamagitan ng Anti-Cybercrime Group ang mga aktibidad na ito na binuo ng AI at magsasampa ng mga kaukulang kaso laban sa mga lumalabag. (PAUL JOHN REYES)

100 housing units, ipina-raffle ng Manila LGU

Posted on: March 21st, 2026 by @peoplesbalita No Comments

NASA 100 housing units ng In-City Vertical Housing Projects na matatagpuan sa San Lazaro Residences, Pedro Gil Residences at San Sebastian Residencesn ang ipina-raffle ng Manila City Government para sa mga residente ng lungsod.
Mismong sina Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at Vice Mayor Chi Atienza ang nanguna sa Pabahay Grand Raffle kahapon kung saan 50 housing units sa San Lazaro Residences, 25 sa Pedro Gil Residences at 25 San Sebastian Residences.
Ayon kay Domagoso, isinagawa ang ‘public draw of lots’ bilang patunay ng transparency at patas na pagpili ng mga benepisyaryo ng natu­rang housing program.
Una nang sinabi ni Domagoso na sisikapin niyang mabigyan ng m­aayos na bahay ang mga Manilenyo kaya naman abut-abot ang kanyang pasasalamat sa mga taxpayers upang maisakatuparan ang kanyang mga programa.

Ads March 21, 2026

Posted on: March 21st, 2026 by Francis Paolo Torres No Comments