100 housing units, ipina-raffle ng Manila LGU
- Published on March 21, 2026
- by @peoplesbalita
NASA 100 housing units ng In-City Vertical Housing Projects na matatagpuan sa San Lazaro Residences, Pedro Gil Residences at San Sebastian Residencesn ang ipina-raffle ng Manila City Government para sa mga residente ng lungsod.
Mismong sina Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at Vice Mayor Chi Atienza ang nanguna sa Pabahay Grand Raffle kahapon kung saan 50 housing units sa San Lazaro Residences, 25 sa Pedro Gil Residences at 25 San Sebastian Residences.
Ayon kay Domagoso, isinagawa ang ‘public draw of lots’ bilang patunay ng transparency at patas na pagpili ng mga benepisyaryo ng naturang housing program.
Una nang sinabi ni Domagoso na sisikapin niyang mabigyan ng maayos na bahay ang mga Manilenyo kaya naman abut-abot ang kanyang pasasalamat sa mga taxpayers upang maisakatuparan ang kanyang mga programa.