AFTER ng kanyang showbiz career, ipinagpatuloy ni Jennifer Lee ang pag-aaral sa Enderun Colleges, kung saan nakuha ang degree sa BS in International Hospitality Management, major in Hotel Administration and Culinary Arts.Bilang isang chef, nagkaroon siya ng cooking show kasama si Chef Luigi Muhlach. Sinubukan rin niya ng food delivery at catering business.Dahil sa passion niya sa musika, nag-aral siya mag-DJ at naging multi-awarded DJ sa Pilipinas kung saan siya ay naging Aliw Awards Hall of Famer para sa Best DJ for Electronic Music.Nagkakilala sina Jennifer at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si Mark ay isang lingkod bayan sa Lipa. Doon nagbunga ang kanilang pagmamahal at nabiyayaan ng lalaking anak na si Jediel.Ikinasal sila sa Madonna del Divino Amore Parish noong Disyembre 6, 2025. Ang wedding gown ni Jennifer ay dinisensyo ni Francis Libiran, habang ang suits and dresses ng entourage ay gawa ni Paul Semira. Glam team naman ay si Dennis Santos.Kabilang sa mga bridesmaid ang mga celebrity friends na ngayon ay Konsehal ng Angeles Pampangga at PCL National Vice President na si Jaycee Parker Aguas, Autoflare Corp. CEO na si Rachel Villanueva-Co, Net25 host na si Daiana Menesez, at Miss Philippines Earth 2019 na si Janelle Tee.Masaya ang vibe ng wedding dahil sa energy at saya ng couple, pati mga bisita, pamilya, at entourage. Ang kanilang dream wedding ay nabuo dahil sa production team kabilang ang wedding venue stylist na EyeCandy na nagdisenyo sa Versailles Palace, Visuals na gawa ng Always in Motion, at lights and sounds na Blackbox. Highlight din sa gitna ng venue ang malaking wedding cake na gawa ni Ross Paris.Kasalukuyan, nakatuon si Jennifer sa kanyang karera bilang DJ. May pangarap din siyang maglabas ng original song na kanyang sinulat at record.Pero hindi niya sinasara ang pinto sa acting, lalo sa action genre kung saan dati siya ay napasama sa mga action projects na ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ sa ABS-CBN, ‘Steal’ at ‘Babaylan’ sa Viva One, at Maria on Netflix.(ROMMEL L. GONZALES)