• June 22, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November, 2025

Eldrew Yulo patungong Japan para mag-training

Posted on: November 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

ITUTULOY ni Eldrew Yulo ang kanyang training sa Japan matapos ang kaniyang kampanya sa 3rd FIG Artistic Gymnastics Junior World Championships.

Sinabi ng kaniyang coach na si Reyland Capellan na babalik din sa bansa ang nakakabatang Yulo sa Disyembre 29.

Habang nasa Japan ay sasailalim ito sa pagsasanay kay Japanese coach Munehiro Kugimiya.

Sa Japan din siya magpapagaling sa injury ng kaniyang right ankle na natamo sa katatapos na torneo.

Sa ngayon ay may mga target silang mga torneo na nakatakdang salihan kung saan plano din nilang mag-senior division na ang nakakabatang Yulo.

Obvious kasing may inconsistensies sa mga video: Malakanyang, duda sa mga online vids ni Zaldy Co

Posted on: November 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

DUDA ang Malakanyang sa kredibilidad ng online videos ni dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co kung saan binanggit nito ang pangalan ng iba’t ibang opisyal ng gobyerno kabilang na sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at pinsan nitong si dating House Speaker at Leyte Rep. Martin Romualdez, sa di umano’y iregularidad sa budgeting processes.“Mas maganda pong tapusin muna niya ang kanyang mga video dahil tuwing may napupunang inconsistencies, nagbabago rin ang kuwento,” ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang.Kaya nga, muling hinamon ng Malakanyang si Zaldy Co na bumalik na sa Pilipinas at ipaliwanag ang kanyang alegasyon sa tamang forum.Si Zaldy Co ay nahaharap sa kasong plunder at bribery sa Ombudsman at ‘subject’ siya sa isang Interpol blue notice request, pinahihintulutan ang mga member-states na mangolekta ng karagdagang impormasyon ukol sa identity o lokasyon ng isang tao.Sinabi pa ni Castro na kapansin-pansin na ang video ni Co ay na-rekord sa iba’t ibang araw, idagdag pa ang pagbabago ng kanyang appearance o hitsura na katibayan lamang na ang kanyang mga sinabi ay adjusted bilang pagtugon sa public reaction.“Kung isang araw lang ito ginawa, hindi dapat nababago ang itsura,” aniya pa rin.Samantala, isa sa tinukoy ni Castro na ‘inconsistency’ ni Co ay ang unang naging pahayag ng huli ukol sa pag-uusap hinggil sa government budgets na nagsimula noong 2022 subalit biglang nagpalit ng timeline, ginawang 2024, isang inconsistency ani Castro na kapansin-pansin at napuna ng mga legal analysts kasunod ng kanyang mga video.Tumanggi naman ang Malakanyang na mag-komento sa pagkaka-ugnay ni Co sa mga grupong nais na patalsikin si Pangulong Marcos sa puwesto at pabagsakin ang administrasyong Marcos. (Daris Jose)

Plunder, graft raps laban sa 8 mambabatas na nakagapos sa DPWH projects- PBBM

Posted on: November 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAKATAKDANG magsumite ng mga ebidensiya ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa Ombudsman na nagrerekomenda ng paghahain ng plunder, graft, bribery, at conflict-of-interest cases laban sa 8 kongresista na di umano’y iniuugnay sa irregular na flood-control projects.
Sa pinakabagong public report ng gobyerno sa nagpapatuloy na flood-control investigation, sinabi ni Pangulong Marcos na ang imbestigasyon ang nagbisto sa mga mambabatas na di umano’y nagmamay-ari ng construction companies na may kontrata sa distritong mayroon silang impluwensiya.
“Magsusumite po ng ebidensya sa Ombudsman at magrekomenda sila ng kaso ng plunder, anti-graft, bribery, conflict of interest sa walong congressman na may-ari ng mga construction company na may proyekto sa DPWH,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
Gayunman, hindi naman isiniwalat ni Pangulong Marcos ang pangalan ng mga mambabatas.
Samantala, may 1,300 infrastracuture projects ang in-award noong 2016 hanggang 2024 sa mga kontratista na may kaugnayan sa mga miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Ang mga ito ayon sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) ay sina :
dating rep. zaldy co, es co buidler supply
rep. Edwin gGardiola, para sa newlington builders
rep. James Ang Jr.
rep. Journey Jep Nisay
rep. Augustina Pancho
rep. Joseph Lara
rep. Francisco Matugas
rep. Noel Rivera (Daris Jose)

Libreng lambat para sa 646 registered Navoteño boat owners

Posted on: November 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

UMABOT sa 646 kwalipikadong registered Navoteño boat owners ang nakatanggap ng libreng lambat na ipinamahagi ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas, sa pangunguna ni Mayor John Rey Tiangco at Congressman Toby Tiangco, bilang pagbibigay ng suporta sa kanilang kabuhayan. (Richard Mesa)

Walang nakitang paglabag sa umano’y illegal campaign donation- Comelec

Posted on: November 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

HINDI nakitaan ng pagkakamali o paglabag ang Political and Finance Department (PFAD) ng Commission on Elections sa umano’y illegal na campaign donation kay Senator Chiz Escudero para sa nagdaang halalan.
Sa inilabas na resolusyon ng Comelec, sinabi ng PFAD na magkaiba ang legal entity ni Lawrence Lubiano , ang presidente ng Centerways Construction and Development sa isang korporasyon.
Ayon pa sa PFAD, walang ebidensya na nagpapatunay na ang kontribusyong P30 milyon ibinigay ni Lubiano noong 2022 ay nagmula sa Centerways.
Sa depensa ni Lubiano, ang nasabing donasyon ay ibinigay niya galing sa sarili niyang bulsa o sariling pera.
Dahil dito, sinabi ng COMELEC na walang legal na hadlang sa pagtanggap ng kontribusyon, at inirekomendang ihinto ang imbestigasyon dahil walang sapat na basehan para sa paglabag sa Section 95(c) ng election law.
Nananatiling sarado ang kaso maliban kung may bagong ebidensiyang isusumite.
Inilabas ang resolusyon matapos ang motu proprio investigation kaugnay ng umano’y paglabag sa Section 95(c) ng Omnibus Election Code laban kina Escudero at contributor na si Lubiano. (Gene Adsuara)

PNPA Kaisang-Bisig Class of 2009 naghatid ng pag-asa sa Cebu sa paggunita ng kanilang ika-20 taong Anibersaryo

Posted on: November 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

SA paggunita ng kanilang ika-20 Taong Anibersaryo at year-end gathering, pinili ng PNPA Kaisang-Bisig Class of 2009, Inc. na ipamalas ang tunay na diwa ng serbisyo.
Sa halip na magdaos ng malaking selebrasyon, inalay nila ang araw sa pagbibigay ng saya at pag-asa sa mga batang may cancer at kanilang pamilya sa Everlasting Hope Childhood Cancer Mission sa Guadalupe, Cebu City noong Nobyembre 20, 2025.
Sa pag-abot nila ng simpleng mga handog, masasayang laro, at panahon para makisalamuha sa mga bata, nagdala sila ng aliw, pag-asa, at bagong sigla sa mga batang matapang na humaharap sa mabigat na laban.
Para sa Class of 2009, ito ang pinakamakabuluhang paraan upang ipagdiwang ang dalawampung taon ng kanilang serbisyo.
Marami sa mga miyembro ng Class of 2009 ang nagsabi na ang ganitong uri ng proyekto ang tunay na kahulugan ng kanilang sinumpaang tungkulin.
Mula sa pagiging mga kadete hanggang sa pagiging mga tagapaglingkod sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno, dala pa rin nila ang paninindigang unahin ang kapakanan ng komunidad.
Sa kanilang pagbisita, hindi lamang sila nagbigay ng suporta—nag-iwan din sila ng inspirasyon at patunay na ang serbisyo ay hindi nasusukat sa ranggo o posisyon, kundi sa kabutihang naipapamalas sa kapwa.
Habang pumapasok ang PNPA Kaisang-Bisig Class of 2009 sa panibagong dekada ng paglilingkod, malinaw ang kanilang mensahe: ang tunay na serbisyo ay nagpapatuloy saan man sila dalhin ng tungkulin.
(Richard Mesa)

Binatilyo, nagulungan habang tumatawid sa Tondo

Posted on: November 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NASAWI ang isang 13-anyos na binatilyo nang nagulungan ng tractor head habang tumatawid sa kalsada sa Tondo, Manila kamakalawa ng hapon.

Sa mismong pinangyarihan ng insidente nalagutan ang biktima na si Amado Del Prado y Nacua, estudyante ng PC8 Area GK Compound, Tondo.

Nasa kustodiya na ng Manila Police District (MPD) ang driver ng tractor head na may trailer na may plate no. ABJ 9923 na minamaneho ni Pedro Operio y Olicia ng 89 M Sioson St., Malabon City.

Sa ulat ni PSSgt Ardee Bautista ng Manila Police District (MPD) homicide section, naganap ang insidente bandang alas-2:35 ng hapon kung saan pansamantalang tumigil ang minamanehong trailer truck ni Operio sa kahabaan ng Mel Lopez Boulevard sa panulukan ng Espanola St., Tondo, Manila upang nag-refill ng tubig sa radiator ng sasakyan ang kanyang helper.
Matapos nakapag-refill, pinaandar ng driver ang kanyang sasakyan na nagresulta sa pagkakabangga ng biktima na noon ay papatawid sa kalsada patungong East to West direction na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan . (Gene Adsuara)

2 PEKENG PINOY, INARESTO SA LAGUNA

Posted on: November 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

INANUNSIYO ng Bureau of Immigration (BI) ang pagkakaaresto ng dalawang Chinese national na nagpanggap na mga Pinoy sa isang operasyon sa Laguna.
Kinilala ang mga naaresto na sina Chen Yian and Hong Ping Ping na nagpanggap na mga Filipino upang illegal makakuha ng permiso ng mga baril.

Ikinabahala naman ito ng mga awtoridad na ang paggamit ng Philipine citizednship documents upang makakuha ng permiso mga baril ay isang security threat at isang detriminal sa national security.
Nahuli ang mga suspek sa Magsaysay Road sa Brgy. San Antonio, San Pedro, Laguna sa bisa ng mission order na inisyu ni BI Commissioner Joel Anthony Viado.
Tatlo pang Chinese nationals ang inaresto na kinilalang si Cai Weixin, Li Rongpo, at Cai Junqiu na nagtatrabaho sa kumpanya na paglabag sa Philippine immigration laws.

Ang limang inaresto ay unang dinala sa BI Main Office para sa documentation bago dinala sa BI Warden Facility sa Camp Bagong Diwa Bicutan, Taguig City.
(Gene Adsuara)

8 katao, laglag sa sugal, shabu sa Valenzuela

Posted on: November 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

KULUNGAN ang kinasadlakan ng walong na kalalakihan kabilang ang tatlong drug suspects nang maaktuhan ng pulisya na naglalaro ng illegal na sugal sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela City.
Sa kanyang ulat kay Valenzuela Police chief P/Col. Joseph Talento, sinabi ni PSSg Janine Buenaventura na habang nagpapatrolya ang mga tauhan ng Bignay Police Sub-Station 7 sa Casarival Northville 1, Brgy., Bignay nang matiyempuhan nila ang dalawang kelot na nagsusugal umano ng ‘Lucky 9’ sa tabi creek dakong alas-2:15 ng madaling araw.
Hindi na nakapalag ang dalawa nang arestuhin nina PCpl Roniel Reyes at PCpl Bryan Bagtas at nakumpiska sa kanila ang bet money at playing cards habang ang isang plastic sachet ng umano’y shabu ay nakuha kay alyas “Raymart”, 29, scraper.
Nauna rito, alas-3:30 ng hapon nang mahuli sa akto ng mga tauhan ng Gen T De Leon Police Sub-Station 2 na nagsasagawa ng Oplan Galugad ang dalawang lalaki na nagsusugal naman ng cara y cruz sa Demetillo St., Brgy., Gen. T De Leon.

Nakuha sa kanila nina Pat. Elmer Olieca at Pat. Julious Cesar Demition ang bet money at pangara habang ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu ay nasamsam kay alyas “Jim”, 44, street sweeper.

Bandang alas-8:30 naman ng gabi nang maaktuhan din nina PCpl John Ray Laredo at Pat. R-Jay Tagnong, kapwa ng Paso De Blas Police Sub-Station 1 ang dalawang binata na nagla-lucky 9 sa F. Lazaro St., Brgy. Canumay West.

Nasamsam sa kanila ang bet money at gamit na playing cards habang ang isang plastic sachet na naglalaman ng suspected shabu ay nakuha kay alyas “Rene”, 25, carwash boy.

Sa Brgy., Maysan, alas-12:15 ng hating sabi nang mahuli rin sa akto ng mga tauhan ni Karuhatan Police Sub-Station 9 Commander P/Capt. Joan De Leon ang dalawang lalaki na nagka-cara y cruz sa Marcelo Street.

Nasamsam sa kanila nila PSSg Usman at Pat. Baladad ang bet money at gamit na pangara habang ang isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at nakuha kay alyas “Toper”, 52, ng Brgy. Malinta. (Richard Mesa)

Bebot, tigbak sa trailer truck sa Malabon

Posted on: November 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NASAWI ang 26-anyos na bebot nang mahagip at magulungan ng rumaragasang trailer truck sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong pinsala sa katawan ang biktimang si alyas “Alaiza”, ng Sitio 6, Brgy. Catmon.

Nahaharap naman sa kaukulang kaso ang driver ng trailer truck na si alyas “Rodolfo”, 56, ng J.P. Rizal St. Tondo Manila habang na-impound na rin ang tractor head at hila nitong trailer na walang laman.

Sa ulat nina P/MSg Bernardo Bernal at P/MSg Raymond Siatrez ng Malabon Police Sub-Station 4 kay Malabon Police chief P/Col. Allan Umipig, dakong alas-6:15 ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Gov. Pascual Avenue, Brgy. Catmon.

Lumabas sa imbestigasyon ni PSSg Anthony Codog, habang naglalakad ang biktima sa nasabing lugar nang mahagip at magulungan ng trailer truck na may plakang (NDJ5017) at minamaneho ni ‘Rodolfo’.

Matapos ang insidente, isinugod ang biktima sa nasabing pagamutan nang nagrespondeng rescuers ng Malabon Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) subalit, hindi na umabot ng buhay.
(Richard Mesa)