• June 22, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November, 2025

120 PAMILYANG NAVOTEÑOS, MAGPA-PASKO SA BAGONG BAHAY

Posted on: November 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MAGPA-PASKO sa kanilang bagong bahay ang 120-pamilya na dating naninirahan sa mga baybaying dagat at tabing ilog sa Navotas City matapos ilipat na ng National Housing Authority (NHA) at Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang pamamahala sa housing project sa pamahalaang lungsod.

Agad pinasinayahan nina Navotas Mayor John Rey Tiangco, Congressman Toby Tiangco, NHA chief Joeben Tai, at DHSUD Usec. Henry Yap ang limang palapag na NavotaAs Homes 3 sa Brgy. Tanza 1 Sabado ng umaga para masimulan na ang paglilipat sa mga kuwalipikadong benepisyaryo na naninirahan sa mapanganib na lugar.

Ayon kay Mayor Tiangco, layunin nilang mailipat sa ligtas at kaaya-ayang tirahan ang libo-libong pamilyang Navoteño na nasa mga mapanganib na lugar sa pamamagitan ng pagkakaloob ng limang ektaryang lupa sa Tanza 1 na tatayuan ng 24 na low-rise building na kayang matirahan ng 1,440 pamilya.

Pinayuhan naman ni Rep. Tiangco ang mga benepisyaro na panatilihing malinis, ligtas, at disente ang kanilang tirahan na may labahan, service area, naka-tiles na palikuran, kitchen, at puwedeng lagyan ng dalawang silid at sala.

Sa kasalukuyan, may anim na in-city housing projects ng pinangangasiwaan ang Navotas na nagsisilbing tirahan ng mahigit 3,000 pamilya na dumaan muna sa drug testing bago makalipat.

Ayon sa mga opisyal ng lungsod, pinalalakas ng pinakabagong turnover ang pangmatagalang layunin ng Navotas na bumuo ng mas ligtas at mas matatag na komunidad para sa mga residente nito. (Richard Mesa)

10 ESTUDYANTENG CAVITENYO, SASABAK SA WORLD ROBOT GAMES SA TAIWAN

Posted on: November 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

SAMPUNG batang innovator mula sa Cavite ang magiging bahagi ng Philippine delegation sa World Robot Games (WRG) na gaganapin sa Taiwan mula Nobyembre 26–29, 2025. Ang international robotics competition ay lalahukan ng daan-daang delegates mula sa iba’t ibang bansa sa Asya at Europa.
Ang mga representante ay sina:Andrei Jiggerson H. Samaniego; Claude Ron R. Abriol; Fiona Nathalie J. Rosga; Bryzen R. Villanueva; Solenn Marie L. Quejado; Kylle Mathew M. Gaudiel; John Macklein DG Valdez; Kelvin Caisser Delos Reyes; Sean Andianne A. Santos (Cavite National High School – SHS) at Keisha Elhynor B. Veras (Garita Elementary School)
Nagwagi ang mga kalahok sa iba’t ibang robotics categories tulad ng ibeam, sumo auto, beam battle, robot soccer, ball fight, autonomous programming, line tracing, one-minute games, at soccer bots matapos ang serye ng lokal at rehiyonal na eliminations.
Ang delegasyon ay sasailalim sa gabay nina Coach Jellina J. Rosga, Rolan E. Briones, Justin Manuel F. Fauni, at Amy F. Frilles.
Ayon kay Teacher Coach Jellina Rosga, matagal ang naging preparasyon ng grupo at sinanay sila hindi lamang sa teknikal na robotics skills kundi pati sa teamwork, problem-solving, at real-time decision-making, na mahalaga sa international competitions.
Buong suporta naman ang ipinahayag ng mga magulang at guro, at itinuturing na malaking karangalan ang pagkakabilang ng mga estudyante sa isang prestihiyosong global event.
Sa isang pahayag, ibinahagi ni Andrei Samaniego ang inspirasyon sa likod ng kanilang pagsali:
“Ang laban naming ito ay hindi lang tungkol sa robot—ito ay laban ng puso, pangarap, at tapang. Sa bawat coding at piyesang pinaghirapan namin, dala namin ang kwento ng pag-asa at sakripisyo ng bawat kabataang Pilipino.”
Inaasa­hang magsisilbing inspirasyon ang kanilang paglahok sa mga kabataan na nahihilig sa Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM), habang umaasa ang komunidad na makapag-uwi sila ng karangalan para sa Pilipinas. (Gene Adsuara)

LTO, NAGLABAS NG SCO SA OWNER NG DUMP TRUCK NA SANGKOT SA ROAD CRASH, 3 PATAY 4 SUGATAN

Posted on: November 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAGLABAS ng Show Cause Order (SCO) ang Land Transportation Office (LTO) laban sa rehistradong may-ari ng isang Isuzu dump truck na nasangkot sa malagim na salpukan kahapon Nobyembre 25, 2025 sa Sumulong Highway, Brgy. Dela Paz, Antipolo City, Rizal.

Batay sa Spot Report ng Antipolo City Police, nawalan umano ng preno ang dump truck na minamaneho ng isang Daniel Jose M. Aballa, na naging sanhi upang mabangga nito ang hulihang bahagi ng isa pang dump truck.

Dahil sa tindi ng impact, tumulak pa pasulong ang dalawang dump truck at bumangga sa lima pang sasakyan. Lahat ng sasakyan ay nagtamo ng pinsala, at ilang drayber ang agad na isinugod sa pinakamalapit na ospital. Tatlong driver, kabilang ang mismong nagmamaneho ng dump truck ay idinineklarang Dead on Arrival (DOA) sa ospital.

Kaugnay nito, inatasan ni LTO chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao ang Intelligence and Investigation Division (IID) na ipatawag si Ms. Cristina Alcazar de Castro, ang rehistradong may-ari, o ang kaniyang kinatawan, at isang kaanak o kinatawan ng nasawing drayber na humarap sa isasagawang imbestigasyon sa LTO Central Office, East Avenue, Quezon City sa Nobyembre 28, 2025.

Sila ay kinakailangang magsumite ng verified/sworn comment o paliwanag kung bakit hindi sila dapat papanagutin sa kasong administratibo na may kinalaman sa pagpapatakbo ng sasakyan na may depektibo o hindi awtorisadong accessories, devices, equipment o parts.
Pinagsusumite din ng Motor Vehicle Inspection Report (MVIR) si Ms. de Castro, upang patunayan ang roadworthiness ng sasakyan.

Inatasan din ang kaanak o kinatawan ng yumaong si Mr. Aballa na isuko ang kanyang lisensya para sa safekeeping hanggang sa tuluyang maresolba ang kaso. (PAUL JOHN REYES)

Big honor na sila ang magsi-set ng mood: CARLA, aminadong may pressure na sila ang first episode ng ‘SRR Evil Origins’

Posted on: November 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

BALIK ‘Shake Rattle & Roll’ si Carla Abellana na this time ay bibida sa first episode na “1775” ng ‘SRR: Evil Origins. ‘
Kasama si Janice de Belen na suki rin ng iconic franchise horror film, Loisa Andalio, Ysabel Ortega, Arlene Muhlach and many more.
Si Shugo Praico ang director ng episode na ito. Carla will be played the role of nanny, at may twist ang pagiging isang madre niya rito.
And Carla admits, na may pressure sa kanya na sila yung first episode na magsisimula ng movie.
But at the same time ay malaking karangalan o honor daw ito for her.
“It’s an honor, siyempre, to start the film, nando’n po yung pressure po talaga.
“I believe, personally ang pressure po siguro would be the first episode and the third, yung wrap-up” sey pa ng pretty actress.
Dagdag pa niya, “ang maganda kasi magse-set na po kami kaagad ng mood, ‘yung vibe po ng aming episode na 1775.”
Base sa trailer ng ‘SRR: Evil Origins’ ay ang husay ng performance ni Carla sa movie.
By the way, mapapanood naman sa second episode na “2025” ang dalawang pinakasikat na loveteam ng bagong henerasyon na sina Francine Diaz at Seth Fedelin and Fyang Smith & JM Ibarra, kasama sina Althea Ablan, Sassa Girl at sa direksyon nj Joey de Guzman.
Sina Richard Gutierrez at Ivana Alawi ang mga pangunahing bida, kasama ang Reyna o Prinsesa ng SRR na si Manilyn Reynes kasama sina Dustin Yu at Sarah Edwards para sa third episode na “2050” under the direction of Ian Loreños.
This an official entry to the 51st Metro Manila Film Festival. At magsisimulang ipalabas sa December 25.

***

SOBRANG dismayado nga ang fans and supporters ni Jolina Magdangal sa napanood nilang halos daanan lang daw ng camera ang exposure nito sa bagong teleserye ng ABS-CBN.
Well proven na guest o special participation lang ang part ni Jolina sa seryeng ito ay dapat dahil may pangalan naman ay hinabaan naman ang exposure ng singer-actress lalo’t matagal na ito sa kanyang mother network at isa siya sa mga original na artista rito simula pa noong 90’s.
Saka wala na ba kayong role na pwedeng ibigay kay Jolens? Eh hindi rin naman ito pahuhuli sa malalaking artista ng Kapamilya network pagdating sa aktingan.
Remember, maliban kay Claudine Barreto ay naging mahigpit rin siyang naging karibal ni Judy Ann Santos.
Well, matagal ng balita yang pang-aaping ginagawa raw ng Kapamilya Network kay Jolens.
Kalokah, maging sa ‘Lavender Fields’ noon ay so-so lang din ang role ng said comedianne actress.
May nagpa-power tripping bang top executive sa wifey ito ni Mark Escueta? Just asking lang po!

(PETER LEDESMA)

Thrillifying! “Wicked: For Good” bags biggest opening weekend for a staged musical adaptation at ₱163.5M

Posted on: November 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

A congratulotions is in order as Wicked: For Good earns ₱163.5 million in the 5-day opening weekend box office. That’s a 54% jump from the opening weekend of the first Wicked film. The Philippines charted high international sales, ranking sixth worldwide outside of the United States. Wicked: For Good also holds the achievement for having the biggest opening weekend for Universal in 2025, and since 2018.

Universal Pictures Philippines also released the music video featuring the talented winners of the Awiting Wicked: For Good competition with their own version of the iconic For Good duet. The chosen singers, duos Fatima Soria and Pia Casing, Jezza Quiogue and Nowi Alpuerto, and Kyle Quinco and Tiffany Vistal, had a chance to meet Cynthia Erivo and Ariana Grande, who play Elphaba and Glinda, at the Wicked: For Good premiere in Singapore.

The music video also has cameos from other duos like VJs Markki Stroem and Ai dela Cruz, who hosted the premiere in Singapore, drag queens Precious Paula Nicole and Brigiding, and content creators Lenie Aycardo and Hajie Alejandro.

Watch the music video on Facebook: https://tinyurl.com/mchr99a3

Don’t miss the number one movie in the country as Wicked: For Good is now showing in Philippine cinemas. Check out Universal Pictures PH (FB), UniversalPicturesPH (IG), and UniversalPicsPH (TikTok) for the latest news and updates.

About Wicked: For Good:

And now whatever way our stories end, I know you have rewritten mine by being my friend

Last year’s global cinematic cultural sensation, which became the most successful Broadway film adaptation of all time, now reaches its epic, electrifying, emotional conclusion in Wicked: For Good.

Directed once again by award-winning director Jon M. Chu and starring the spectacular returning cast, led by Academy Award® nominated superstars Cynthia Erivo and Ariana Grande, the final chapter of the untold story of the witches of Oz begins with Elphaba and Glinda estranged and living with the consequences of their choices.

The film is produced by returning Tony and Emmy winning powerhouse Marc Platt p.g.a. and by multiple Tony winner David Stone. The executive producers are Stephen Schwartz, David Nicksay, Jared LeBoff, Winnie Holzman and Dana Fox. The first film, Wicked, released in November 2024, earned 10 Academy Award® nominations, including Best Picture, and won the Oscars® for Costume Design and Production Design. To date, the film has grossed $750 million worldwide.

Wicked: For Good is based on the generation-defining musical stage play with music and lyrics by legendary Grammy and Oscar® winning composer and lyricist Stephen Schwartz and book by Winnie Holzman, from the bestselling novel by Gregory Maguire. The screenplay is by Winnie Holzman and Winnie Holzman & Dana Fox. The film score is by John Powell & Stephen Schwartz, with music and lyrics by Stephen Schwartz.

(ROHN ROMULO)

Kahit kino-consider na Gomburza na pinakamalaking nagawa: CEDRICK, most challenging at nerve-wrecking ang role sa ‘Andoy’

Posted on: November 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

IKINASAL nitong Pebrero 25 ng taong kasalukuyan at ngayon ay may five-month old son na sina Cedrick Juan at Kate Alejandrino.

Paano sila nagkakilala ni Kate?

“Oh, well we know each other for a long time in the industry,” umpisang kuwento ni Cedrick.

“Matagal na rin. We… parang the first time I met her, we had an audition for a short film for QCinema, it was I think mga, 2016.

“It was a direk Janus Victoria Film, yung Viva Viva Escolta, na eventually ang naging kasama ko si Anna Luna and yeah, for that and yun nga, films na… film industry, and also nasa Idea First ako before for 5 years and may mga ginagawa rin siya na mga Idea First Company film.

“So yun, parang ano na, colleague.”

Ano ang mga traits na nagustuhan ni Cedrick kay Kate?

“I think it’s always about being open sa mga pinag-usapan and not just always being emotional about it.

“Sometimes, minsan kailangan mong gamitin yung brainwaves, not just the emotions. I think it’s always what I really like about Kate, yung ganun bagay.

“Yung parang we can talk things out, na huwag kang mag-hide or mas maganda pag-usapan natin, para mas magkaunawaan tayo, mga ganun bang bagay.”

Magbibida si Cedrick sa “Andoy,” isang psychological/torture/horror film.

Kasama rin sa pelikula sina Jennica Garcia, Albie Casiño, Angelica Lao, Victor Relosa, Paolo Gumabao at Aya Fernandez.

Mula sa Wonderlust Films, angk magsisilbing feature length directorial debut ni Mark Putian, na kilala sa mga short films at music video.

Sa “Andoy,” sa palagay ni Cedrick ay ito ang magiging pinakamalaking role na gagampanan niya sa lahat ng nagawa na niyang projects?

“Well, I would still consider Gomburza na malaki, kasi historical film siya and for me, inspiration talaga siya for many, even for our national hero, Jose Rizal.

“I think with Andoy, one of the most challenging roles na gagawin ko at nagawa ko. Yeah, kasi parang may pagka nerve-wrecking yung role niya.”

Mas excited ba siya or may takot siya na gawin ang pelikulang to?

“I think, mas yung fear… ayoko siyang mag-burrow agad sa isip ko.

“Mas yung challenge, I think yung mas challenge sa akin ay to really dig deeper dun sa personality ni Andoy.

“Especially yung mental condition niya, na yeah, wala akong ganung mental condition na feeling sudden outburst, but somehow I can relate to that.

“I think yung challenge lang ay talaga yung how to tap my inner demons and there’s nothing wrong with that. Siguro lang ang mahalaga lang din dito ay safety ng lahat, and hanggang saan yung puwede mong gawin for this project, pero not really harming everyone.
“So I think yun, because sometimes may mga actors kasi na may tendency na parang pwede nilang i-reason out na, ‘Ah, I did it for the art, let’s do it for the art’, and hindi na tayo ngayon ganun. Let’s do it for the art and safety of everyone as well, so yeah, iyon,” mahabang paliwanag pa ni Cedrick.

(ROMMEL GONZALES)

Ang horror character na gustong magampanan: RICHARD, nagbiro na isang horrific character na contractor o isang na-possess

Posted on: November 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NAKUHA magbiro ni Richard Gutierrez nang matanong ang cast ng “Shake, Rattle & Roll: Evil Origins” kung anong horror character ang gusto nilang gampanan pa.

Sumagot ang ibang cast gaya ni Ashley Ortega na gusto raw niyang maging si Sadako. Kasi raw, wala na masyadong kailangang gawin, nakatakip din ang mukha. Si Manilyn Reynes naman, gusto raw niyang gumanap ng role na isang possessed dahil naranasan na niya.

Pero si Richard, sa umpisa ay dinaan sa biro at sinabi na, “Isang horrific character? Isang contractor,” saka nagtawanan ang lahat.

Pero natatawang bawi niya, “Joke. Joke lang.”

Katulad ni Manilyn, gusto rin daw niyang gumanap ng isang possessed. Yung nasaniban ng evil at the same time, Slasher.

“Napapanood ko yung Slasher films at pati mga serial killers na movie, napapanood ko.”

Si Richard ang bida ng ikatlong episode ng Regal Films’ 2025 MMFF entry na SRR Evil Origins, ang future na “2050.” Habang ang dalawang episodes naman ay ang “1775” at “2025.”

***

MULA sa Cebu, kumpleto ang buong pamilya ni Lian Paz na nanood ng concert ng Blackpink sa Philippine Arena.

At ito raw ay mula sa imbitasyon ni Paolo. Siguro para rin maka-bonding ni Paolo ang dalawang anak na sina Xonia at Xalene.

Sabi ni Lian, “We’re a team basta for the kids! Xalene is a fan of blackpink eversince and this day happened! Sarap sa heart makita how she enjoyed the concert. I am a fan too and so is our bunso, Niña. Xonia became a fan that night, ganun din si John. Ang saya ng experience and Mas masaya kasi dalawa ang bantay namin. Si John at Si Pao!

“Another moment to thank Jesus for making this happen. Everything on this night went well, Rain stopped, Less hassle in parking and line, no traffic going there and back to hotel. Grabe ka lang Lord! We are grateful!

“Thank you @paolo_contis for inviting us and sa time mo with us.”

Kahit si Paolo ay nag-post na “Happy.” Personally, natutuwa talaga kami sa magandang relasyon ni Paolo ngayon sa mga anak. Maging sila ni Lian na naging magkaibigan na at ang husband ni Lian na si John Cabahug.

(ROSE GARCIA)

Detroit Pistons, ibinulsa ang ika-13 sunod na panalo vs Indiana Pacers

Posted on: November 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

IBINULSA ng Detroit Pistons ang ika-13 magkakasunod na panalo matapos pataubin ang eastern conference defending champion na Indiana Pacers, 122-117, gamit ang 50% overall shooting.

Hindi naging hadlang sa Pistons ang malamiyang 3-point shooting ng koponan kung saan tanging siyam na tres lamang ang naipasok ng nito sa loob ng 48 mins.

Bumawi kasi ang koponan sa paint area, kasama ang dominanteng rebounding kumpara sa Pacers (45-30).

Mula sa simula, hawak na ng Detroit ang lead at pinaabot pa sa 19 points ang deficit hanggang sa unti-unting humabol ang Indiana sa 2nd half.

Sa huli, nagawa pa rin ng Detroit na pigilan ang shooting barrage ng kalaban.

Nanguna muli sa panalo ng Motor City ang rising star na si Cade Cunningham na gumawa ng 24-11 double-double performance.

Pinangunahan naman ni Pacers forward Paskal Siakam ang opensa ng defending conference champion. Kumamada si Siakam ng 24 points, walong rebounds, dalawang steal, at dalawang blocks sa kabuuan ng laban.

Dahil sa sunod-sunod na panalo, hawak na ng Pistons ang 15-2, ang pinakamagandang record sa East.

Nabaon naman sa 15 loss ang Pacers, tangan ang dalawang panalo.

Gilas Pilipinas biyaheng Guam na

Posted on: November 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

NASA Guam na ang Gilas Pilipinas kahapon (Nov. 25) para sa unang window ng 2027 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Gaganapin ang unang laban nila sa University of Guam Calvo Fieldhouse sa Nobyembre 28.

Pagkatapos naman doon ay babalik dito para sa paglalaro nila sa Disyembre 1 na gaganapin ito sa Ateneo Blue Eagles gymnasium.

Naidagdag sa Gilas players sina Juan Gomez de Liaño at Quetin Millora-Brown na makakasama sina Dwight Ramos, Justin Brownlee, Scottie Thompson, June Mar Fajardo, Japeth Aguilar, CJ Perez, Chris Newsome, Jamie Malonzo, Troy Rosario at RJ Abarrientos.

Puganteng Taiwanese national, naaresto sa isang cruise ship

Posted on: November 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

INARESTO ang isang Taiwanese national at dating mamamayan ng Estados Unidos, matapos siyang maharang sakay ng MV Star Navigator habang naglalayag mula Kaohsiung, Taiwan papuntang Pilipinas.

Kinilala ang naaresto na si Tsai Chin Hao, 54 na may Interpol alert at may nakabinbing warrant of arrest sa Estados Unidos, dahilan upang ituring siyang pugante sa batas.

Matapos kumpirmahin ng BI INTERPOL Unit, isang walong-kataong team ng immigration officers mula sa BI Bay Service Section ang nagsagawa ng boarding at immigration formalities sa MV Star Navigator kung saan nakadetect nila ang pagpasok ng barko sa teritoryo ng Pilipinas at agad na nakipag-ugnayan sa mga kaukulang yunit.

Sa tulong ng National Bureau of Investigation (NBI), itinurn-over ng mga boarding officers ang pasahero sa BI Fugitive Search Unit (FSU) pagdating ng barko sa Port of Currimao, Ilocos Norte. Isasagawa na ng BI ang proseso ng deportation alinsunod sa beripikadong Interpol alert at umiiral na batas sa imigrasyon.
“Pinatutunayan ng operasyong ito ang matibay nating pangako na protektahan ang ating mga hangganan at sundin ang direktiba ng Pangulo. Patuloy na magiging mapagmatyag ang ating mga opisyal upang matiyak na hindi nagiging kanlungan ng mga pugante ang Pilipinas,” ayon kay BICommissioner Joel Anthony Viado. (Gene Adsuara)