• June 22, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November, 2025

AMA SA PAGBABAGO NG BARANGAY PAYATAS, KAP. RASCAL D. DOCTOR

Posted on: November 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MATAGAL nang umaasa ang mga residente ng Barangay Payatas na magkaroon ng pagbabago sa kanilang komunidad. Subalit maraming panahon ang nagdaan at papalit -palit na mga Kapitan wala pa ring pinag-iba nanatili pa rin itong 3rd class na barangay sa buong Quezon City hanggang dumating ang kanilang pag-asa sa katauhan ni Kap.Rascal D.Doctor. Inayos niya ang Barangay Payatas sa pamamagitan pagbibigay ng kabuhayan sa kanyang mga kabarangay, paglilinis ng kapaligiran, paglalagay ng mga bagong ilaw sa kapaligiran at pagdagdag ng mga Cctv para ma-monitor ang anumang kaganapan. Bukod pa dito, kinausap ni Kap. Rascal ang kanyang mga dating Classmates sa UP na mga negosyante maglagay ng establisimyemento sa kanyang barangay. At nangyari na nga at kasalukuyang makikita ang Jollibee at Puregold na nakapagbigay ng trabaho sa kanyang mga nasasakupan. Hindi lang ‘yan, binabalangkas na rin nila kapitan Rascal kasama ang kanyang mga kagawad ang pagtayo ng University sa kanilang lugar. Dahil diyan, muling nasilayan ang liwanag ng Pagbabago sa pamamagitan ni Brgy. Kap. Rascal D.Doctor bilang ” Ama” ng kaunlaran ng Payatas na dating marumi at magulo ngayon malinis na at tahimik Kayanaman ang kanyang mga kabarangay nagpapasalamat sa kanyang pagmamalasakit at pagmamahal sa kanilang komunidad! Makikita din sa larawan ang mga Awards na nakamit ng kanilang barangay Payatas sa pamumuno ng kasalukuyang kapitan Rascal! ( Sonny Asignacion)

Kelot na wanted sa rape, tiklo sa Caloocan

Posted on: November 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

HIMAS-REHAS ang isang kelot na wanted sa kasong rape matapos madakip ng pulisya sa ikinasang manhut operation sa Caloocan City.
Sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng District Anti-Carnapping Unit (DACU) ng Northern Police District (NPD) hinggil sa kinaroroonan ng 21-anyos na akusado na si alyas “Roger”.
Kaagad ikinasa ng mga operatiba ng DACU ang manhunt operation hanggang sa masukol ang akusado dakong alas-3:50 ng hapon sa A. Bonifacio Street, Pag-Asa, Camarin, Barangay 175.
Hindi na nakapalag ang akusado nang damputin ng mga operatiba ng DACU sa bisa ng warrant off arrest na inisyu ng Family Court, NCJR, Branch 1 para sa aksong Rape na walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya.
Pansamantalang nakapiit ang akusado sa custodial facility unit ng NPD-DACU habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte na nag-isyu ng warrant. (Richard Mesa)

Quezon City Rep. PM Vargas, boluntaryong nagtungo sa ICI

Posted on: November 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

BOLUNTARYONG nagtungo si Quezon City Rep. PM Vargas sa Independent Commission on Infrastructure (ICI) kahapon ng umaga.
Ayon kay Vargas, nagtungo siya sa ICI upang ipaglaban ang katotohanan.
Nagprisinta ang mambabatas sa ICI ng mga dokumento at iba pang pagpapatunay na walang Discaya projects sa District 5, at walang ghost projects sa kanyang distrito.
Nagbigay din aniya ito sa ICI na mga impormasyon na sana ay makatulong sa Komisyon sa kanilang mandato.
Nagpapasalamat naman si Vargas tayo sa ICI sa pagkakataong maituwid ang paninira at maling impormasyon laban sa kanya.
“Patuloy ang ating serbisyo para sa Novaleño: tapat, malinaw, at para sa bayan,” pagtatapos ni Vargas.
(Vina de Guzman)

KUMPANYA KINASUHAN SA FLOOD CONTROL NG BIR

Posted on: November 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

KINASUHAN ng kriminal ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang dalawang kumpanya kaugnay sa flood control projects sa tanggapan ng Department of Justice (DOJ).
Ayon kay BIR Commissioner Charlito Martin Mendoza, kasama sa mga kinasuhan si Sally Nicolas Santos na siyang proprietor ng SYMS Construction Trading at ang IM Construction Corporation, mga corporate officers na sina Robert Tecson Imperio; Marie Jane Manalo Imperio.
Sinabi ni Commissioner Mendoza na parehong lumabag ang dalawang kumpanya sa National Revenue Code o tax evation at kabiguang magbigay ng tama at timpak na impormasyon.
Ang SYMS ay tumanggap ng kontrata sa gobyerno para sa konstruksyon ng river walls sa Baliuag, Bulacan pero walang nagawang proyekto o ghost project.
Nag-file ng tax return sa BIR at nagdeklara ng deduction o construction cost pero dahil wala aniyang aktwal na nagawa na proyekto ay nangangahulogan na peke ang deductions para maiwasan pagbabayad ng buwis.
Ang IM Construction Corporation naman ay tumanggap ng kontrata para sa konstruksyon naman ng flood gate at pumping station sa Sto.Rosario, Hagonoy , Bulacan.

Ang tax liability ni Sally Nicolas Santos ay about sa P6.4 milyon para sa una at ikalawang kwarter ng 2025 habang P7.4 milyon naman sa IM Construction para sa fourth quarter ng taong kasalukuyan.
Sa kabuuan, umabot sa P13.8 milyong piso ang itinakdang tax liabilities ng dalawang kumpanya .
Ayon kay Commissioner Mendoza, bahagi ng patuloy na kampanya
laban sa anomalya, tax evasion at iregularidad sa mga kontraktor na tumatanggap ng pondo ng gobyerno ang paghahain nila ng kaso sa DOJ.
Dagdag pa ni Commissioner Mendoza, kailangan pa rin bayaran ng dalawang kumpanya ang kanilang liabilities bukod pa sa kasong kriminal na kanilang kinakaharap. (Gene Adsuara)

NAVOTAS, INILUNSAD ANG PHILHEALTH YAKAP SA MGA PAARALAN INILUNSAD ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang PhilHealth YAKAP para sa mga Mag-aaral, sa ilalim ng PhilHealth YAKAP: Yaman ng Kalusugan Program, nitong Martes sa Kapitbahayan Elementary School.

Posted on: November 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Noong Oktubre 2025, 91 porsiyento ng 250,000 residente ng Navotas ay nakatala sa YAKAP, ang pinakamataas na rate sa Metro Manila, ayon sa PhilHealth.

Ang paglulunsad ng programa sa mga pampublikong paaralan ay sumasaklaw sa 44,301 mag-aaral mula elementarya hanggang senior high school.

“Ito ay sumasalamin sa dedikasyon ng ating health workers, na aktibong nagtataguyod ng YAKAP upang matiyak na ang mga Navoteño ay nakatala at inuuna ang preventive healthcare para sa kanilang sarili at sa kanilang mga pamilya,” pahayag ni Mayor John Rey Tiangco.

Binigyang-diin din ni Tiangco ang kahalagahan ng paggarantiya sa seguridad sa kalusugan para sa bawat batang Navoteño.

“Ang kalusugan ng kabataan ay yaman ng ating lungsod. Our students cannot learn well when they are sick. Kapag ligtas at malusog ang bata, mas nagiging handa sila para sa kinabukasan. Kaya napaka-importante ng YAKAP para masiguro ang kanilang maayos na pangangatawan at pagkatuto,” dagdag niya.

Kabilang sa mga pinahusay na serbisyo ng YAKAP ang libreng konsultasyon, hanggang P20,000 na halaga ng mga gamot, mga pagsusuri sa laboratoryo at screening ng kanser, at iba pang mga benepisyo sa pangunahing pangangalaga.

Dumalo sa kaganapan ang PhilHealth Local Health Insurance Office–Caloocan Head na si Brian C. Florentino; ang School Governance and Operations Division Chief na si Dr. Gemma C. Villaluna; at Assistant City Health Officer na si Dr. Charmaine Nagayo.

Nauna rito, kinilala ng PhilHealth ang Navotas bilang PhilHealth Universal Health Care Champion in Governance, YAKAP Champion na may Pinakamataas na Porsyento ng mga Accredited YAKAP Clinics, at YAKAP Highest Compliance Rate–Government Employer.
(Richard Mesa)

Ads November 28, 2025

Posted on: November 28th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Aminado na malaking hamon ang pag-i-Ingles HERLENE, malaki ang pasasalamat sa boyfriend na si KEVIN

Posted on: November 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

AMINADO si Herlene Budol na hamon pa rin sa kanya ang pagsasalita ng Ingles, kaya malaki ang pasasalamat niya sa boyfriend na si Kevin Dasom na nagtuturo sa kanya nito.“Ayun nga ‘yung problema ko. Tapos naman ako ng pag-aaral pero ‘di ko talaga makuha-kuha ‘yung pag-i-English na ‘yun. Sa mga kabataan ngayon, kahit wala sa hitsura ‘yung mga bagets, talagang may English,” sey ni Herlene sa’ i-Listen with Kara David.’Mas gusto raw kausap ni Herlene ang mga dayuhan dahil hindi nanghuhusga ang mga ito, hindi katulad ng ibang kapuwa Pilipino.“Mas masarap kausapin ‘yung mga ibang lahi. Kasi mga kapwa kong Pilipino, sila pa ‘yung perfectionist. Pero kapag ibang lahi, hindi ka jina-judge,” pahayag ng aktres.Dahil dito, inilahad ni Herlene ang kanyang pangarap na role.“Sabi ko nga kung ako magiging artista sa ibang bansa, kung gusto ko, pipi. Para hindi ako mahirapan sa lines, mag-focus ako sa acting na lang, ‘di ba? “Malay mo naman. Kasi ‘pag English, hindi talaga makakabuo ng isang sentence na tama,” tawa pa ni Herlene.***SI Inigo Pascual ang magbibida sa Philippine adaptation ng hit Korean medical drama na ‘The Good Doctor.’Ito ang comeback TV project ni Inigo sa Pilipinas. Bago siya nag-base sa Los Angeles, California para subukan ang kanyang suwerte sa Hollywood, huli siyang napanood sa ABS-CBN teleserye na ‘And I Love You So’ in 2016. Huli naman siyang napanood sa pelikulang Fatherland with Allen Dizon, Cherry Pie Picache and Angel Aquino. The original Good Doctor series na produced ng Korean Broadcasting System (KBS) ay umere noong 2013 for one season at pinagbidahan ito ni Joo Won as Park Si-on, a resident surgeon on the autism spectrum with savant syndrome.Na-adapt na ito ng mga bansang United States, Japan, Turkey, and Hong Kong. Sa American version ng The Good Doctor na umere in 2017 hanggang 2024, si Freddie Highmore ang gumanap na Shaun Murphy, a young surgical resident with autism at the fictional San Jose St. Bonaventure Hospital.Ang mag-produce nito for TV5 ay ang CreaZion Studios and MediaQuest.Ayon sa 28-year old actor-singer, ang ama niyang si Piolo Pascual daw ang nagbalita sa kanya tungkol sa series na The Good Doctor kaya umuwi siya agad ng Pilipinas para mag-taping nito.Bukod kay Inigo, kabilang din sa cast sina Gelli de Belen, James Blanco, Mylene Dizon, Gabby Padilla, Pearl Gonzales, Dylan Menor, Angie Castrence, Ryan Agoncillo and Tony Labrusca. Patuloy lang daw ang pag-audition ni Inigo sa Hollywood. Nakasanayan na raw niya ang maraming rejections dahil parte raw iyon ng proseso doon. Hindi raw tulad dito na ino-offer ang project sa artista. Noong 2022, na-cast naman si Inigo sa Fox Entertainment Studio drama series na Monarch kunsaan co-star pa niya si Susan Sarandon. Nakansela nga lang ang series after one season.***KINASAL na ang Hollywood comedian na si Tiffany Haddish sa isang intimate ceremony in Africa. Pero wala siyang groom dahil pinakasalanan niya ay ang kanyang sarili.“I thought to do that because first, I wanted to have a little party. Second, I also wanted to hold myself accountable for some things,” sey ng 45-year old comedian na bida sa Peacock docuseries na Tiffany Haddish Goes Off.Self-love daw ang driving force ni Tiffany at paraan daw niya to honor herself with a her own wedding.“If you’re going to keep any promises in life, the promises you make to yourself are the main ones you need to be keeping. That’s the longest relationship you’re going to have … So, f–k it, I’m marrying me.”Ang last high-profile relationship ni Tiffany ay sa Oscar-winning rapper na si Common between 2020 and 2021.(RUEL J. MENDOZA)

Pinangunahan ni Vincent ang matagumpay na Puregold Hakot Relay Run BRENT at MIKA, nagtanghal sa sunset concert after ng bonggang event

Posted on: November 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

MULA sa isang masayang aktibidad, naging malaking plataporma para makilahok ang komunidad ang Puregold Hakot Relay Run sa Burnham Green Park, Luneta.Idinaos nitong Nobyembre 22, dinaluhan ng libo-libo ang Hakot Rekay Run, bilang pagpapatibay ng patuloy na pagsusumikap ng kompanya na magtaguyod ng mga inisyatibo para sa komunidad, alinsunod sa estratehiya ng brand para sa paglago ng mga kostumer nito.Sa pagsasama ng sports, entertainment, at ang karanasan ng hakot na mula sa Puregold, ipinakilala ng tatlong kilometrong relay na ito ang kakaibang lapit sa tradisyonal na format ng mga fun run. Bumuo ang mga kalahok ng mga koponang may tatlong miyembro, na n hindi lamang para magpakitang gilas ng bilis, kung hindi pati na rin estratehiya dahil mag-uunahang humakot ang bawat miyembro ng koponan ng mga groseri aytem na ilalagay nila sa kanilang sling bag.Dahil sa pagkasabik at saya, nagsama-sama ang mga pamilya, barkada, at komunidad sa paraang Puregold lamang ang nakagawa.Nagtanghal din sa isang Sunset Concert sa Hakot Relay Run, kung saan itinampok ang mga idolo sa OPM at P-Pop, kagaya ng KAIA, G22, Press Hit Play, at ang tambalang BREKA (Brent Manalo at Mika Salamanca); at napuno ang parke ng musika at selebrasyon para sa mga pamilya at tagasunod.Panalo na ang lahat ng kalahok dahil nag-uwi sila ng Puregold Hakot Relay Finisher’s Medal, opisyal na race singlet, at ang grocery sling bag, na nilikha para sa aktibidad.Sinasalamin ng Puregold Hakot Relay Run ang pangkalahatang layunin ng kompanya na iangat ang mga Pilipino at ipagdiwang ang mga araw-araw na panalo.Ayon kay Puregold President Vincent Co, na pinangunahan ang mga naunang tumakbong kalahok, “Wins come in many forms. This is a new one for us, as Puregold tries to create moments where families, friends, and communities can connect. This Hakot Relay Run gave us a chance to do exactly that.”Ang tagumpay ng Puregold sa kauna-unahang Hakot Relay ay patunay ng potensyal para sa mas malikhaing inisyatibo na magpapatatag at magpapalalim ng pagmamahal ng mga kostumer sa Puregold.Mag-subscribe sa Puregold Channel sa YouTube, i-like ang @puregold.shopping sa Facebook, at i-follow ang @puregold_ph sa Instagram at Twitter, at @puregoldph sa Tiktok.(ROHN ROMULO)

Pasaporte kapalit ng video, I do not negotiate with criminals PBBM, ikinanta na nagtangka ang kampo ni Zaldy Co na mag-blackmail

Posted on: November 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

IKINANTA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na nagtangkang mag-blackmail ang kampo ni dating Ako Bicol representative Zaldy Co sa kanila.Sa panibagong video message ng Pangulo, sinabi nito na nilapitan sila ng abogado ni Zaldy Co at ang ginamit na pamba-blacmail nito ay ‘kung hindi na kakanselahin ng gobyerno ang pasaporte ni Zaldy Co ay hindi na maglalabas ng video ang dating mambabatas.’“I do not negotiate with criminals. Kahit maglabas ka na ng video ng lahat ng kasinungalingan mo na pag-destabilize sa gobyerno. Gusto kong malaman mo Zaldy makakansela pa rin ang passport mo. Hindi ka na makakatakas sa hustisya,” ang diing pahayag ni Pangulong Marcos.Sa kabilang dako, iniulat din ng Pangulo na ngayong araw ay nakakuha na ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) ng dalawang freeze order.“This brings the total amount of assets frozen to about P12 billion pesos. Kasama po dito ang mga air asset ni Zaldy Co ang value mga P4 billion. At bukod pa roon mayroon po tayong nakuhang 3,566 na bank account, 198 insurance policies, 247 motor vehicles, 178 real properties, 16 na e-wallet account at saka air asset na na-frozen na,” ayon sa Pangulo.“Umpisa lang po ito. Mas marami pong asset ay mafo-frozen para maibalik ang pera ng tao sa kanila. Ito po ay ang aming pangako that the money of the people will be given back to the people,” pagtiyak ni Pangulong Marcos.Samantala, irerekomenda naman ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) at Department of Public works and Higways (DPWH) sa Ombudsman, bitbit ang kanilang mga nakalap na ebidensiya ng kasong plunder, anti-graft, bribery conflict of interest laban sa walong congressman na may-ari ng mga construction company na may proyekto sa DPWH.Hindi naman pinangalanan ng Pangulo kung sinu-sino ang walong kongresista na sinasabi niyang may-ari ng construction company na may proyekto sa DPWH.Ang mga pasabog na ito ng Pangulo ay bahagi ng patuloy niyang pagre-report sa publiko tungkol sa mga development at sa mga kaso hinggil sa mga flood control project. ( Daris Jose)

Castro, itinanggi ang di umanoy voice recording sa vlogger

Posted on: November 27th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

ITINANGGI ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na siya ang taong nasa ‘voice recording’ na di umano’y may kausap na vlogger.Ito’y matapos na ipresenta ni Sen. Robin Padilla, araw ng Martes sa Senado ang di umano’y voice clip na nagli-link kay Castro sa bayarang vloggers.“For the satisfaction of Senator Robin Padilla: Hindi po ako ang nasa video clip. Dahil sa aking pagkakaalam, itong video na ito ay lumabas na noon pa at ibang mukha ang ipinapakitang binabanggit na ‘madam’,” ayon kay Castro bilang tugon sa pahayag ni Padilla.“Hindi nga po ito kinober ng mainstream media dahil lumalabas, ayaw nilang maging lehitimong balita ito nang hindi naman nila alam ang source . So, I deny that the person or kung sinuman sa dalawa doon na I was talking to a certain vlogger,” ang pahayag ni Castro.Kinastigo rin ni Castro si Padilla, itinutulak ang pagpapasa ng anti-troll farm bill, nabigong iberipika ang sources ng voice recording.At nang tanungin kung may gagawin ba siyang legal na aksyon, sinabi ni Castro na ang origin ng voice clip ay nananatiling unknown kaya’t ang kanyang panukala sa senador ay linawin ang kanyang source.“Si Senator Robin ay nagpapanukala ng anti-troll farm bill. Maganda ang kanyang adhikain, maganda ang kaniyang pinapanukalang batas – troll farm for fake news,” ang sinabi ni Castro.“Sana maging modelo rin po si Senator Robin, modelo na hindi magpapagamit o magpapabiktima sa troll farm na nagpapakalat ng fake news,” aniya pa rin.(Daris Jose)